LOGINAkala ni Natalia ay si Victor ang lalaking tutupad sa pangarap niya, ang lalaking hindi lamang mag aahon sa kanya sa kahirapan, kundi mamahalin siya at tatanggapin ng wagas. Ngunit isang akala lamang pala ang lahat. Sa loob ng kanilang tatlong taon na kasal ay bigla itong nagbago. Ang mapagmahal na lalaki noon at halos sambahin siya ay naging malamig na ngayon. Hindi lamang ang pagmamahal nito ang nawala, maging ang pinakita nitong pagtanggap sa kanya noon ay naglaho na parang bula. Hindi lamang siya nito itinago bilang asawa kundi pinandidirihan nito kung saan siya nagmula. Ni ang sipingan siya ay hindi nito ginawa. Ang pinakamasakit ay nakipaghiwalay ito sa kanya. Pinamukha nito sa kanya ang pagsisising pakasalan siya. Para makalimot ay nagpakalasing siya sa isang bar kasama ang mga kaibigan. Isang mainit na gabi ang naranasan niya sa piling ng isang estranghero—ngunit ng magising siya ay natuklasan niya na hindi lamang kung sino ang nakasama niya sa buong magdamag. Ito ay walang iba kundi si Anzel Quinn—ang ninong ng dating ex-husband niya ang nakasama at nakakuha ng pagkababaé niya! Paano kung magbunga ang kapusukan ng kanilang katawan at sa huli ay alukin siya nito ng kasal? Tatanggapin ba niya alang-ala sa bata?
View MoreBumukas ang pinto at pumasok si Tita Tess. Niyakap ako nito ng mahigpit. Tumango ito kay Anzel at kina mama. Mayamaya ay lumabas ang lahat maliban sa kanya. “Tita, I miss you po!” Umiiyak kong sambit habang yakap ito. Kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko dito. Oo may kasalanan ito pero kahit kailan ay hindi ito naging masamang tita sa amin ng mga kapatid ko. Bagkus ay parang ito pa ang naging ama at ina sa amin noong panahon na hindi pa natatauhan si mama. Hindi nito ginusto na madamay ako. At alam ko kung gaano nito sinisi ang sarili noong nasaktan ako. Kaya napakasaya ko ng makatagpo ito ng lalaking magmamahal dito ng totoo at hindi bilang second option lang. Pinakasalan ito at hindi ginawang kerida lang. aaminin ko na nag iba ng panandalian ang tingin ko kay tita noong nalaman ko na naging kabet ito. Bumagsak yung mataas kong pagtingin dito. Pero humingi na daw ito ng tawad noon sa ina ni Victor. At sinabi nito sa akin na ilang beses nitong pinagsisihan ang ginawa.
(Natalia pov) Pumikit ako habang nakaupo sa loob ng drum. Rinig kong nagsisigawan ang magulang ni Victor. Gusto ng mommy nito na pakawalan na ako per ayaw ng ama nito. Walang nagawa ang pakiusap ni Victor sa ama nito. Nabulag na ito ng galit sa kagustuhang gumanti. “Kapag nakulong ako… pano kayo ni Victor? Hindi ka nag iisip! Saka kilala ko si Anzel. Hindi ‘yon papayag na hindi ako magdusa! Bago mangyari iyon ay papatayin ko ang asawa niya!” Humagulhol ang asawa nito. “Sige gawin mo para lalo kang kamuhian ng anak natin!” Umubo ako. Gusto kong tumayo para hindi maabutan ng tubig pero wala na akong lakas. Binuksan na kasi ng ama ni Victor ang tubig. Akala ko lalagyan ng semento kagaya sa mga napapanood kong krimen sa tv. Iyon pala papatayin ako nito sa tubig. Balak ako nitong lunurin. “A-anzel.” Piping tawag ng isip ko sa kanya. Sa ganitong sitwasyon siya ang palaging naiisip ko. Natatakot ako. Iyon ang totoo. Kahit gusto ko magpakatatag para sa kanila ng anak ko ay hindi ko pa r
“At ano naman ang magagawa ko?” Nakasabunot sa buhok na tanong nito. “Sigurado ka ba na dinukot nila si Natalia? Alam na ba ito ni ninong?” “Oo sigurado kami. Alam na ni kuya Anzel at nakikipagtulungan na sila sa mga pulis. May tiwala ako sa kanila pero gusto kong makasiguro na hindi mapapahamak si ate. Tawagan mo ang magulang mo ngayon at sabihin na pakawalan ang ate ko. Maging mabuti ka naman kahit ngayon lang. Alam kong makikinig sila sayo dahil anak ka nila!” Pumasok ito sa loob para kunin ang cellphone. Naiwan sila ng kanyang ama. “Ano ang ginagawa mo dito, pa? Wag mong sabihin na nandito ka para mag isip ng plano para guluhin kami?” Naalala niya ang kalagayan ng ate niya ngayon. Hindi niya mapigilan na maluha. “Masaya ka na ba? Parang nakaganti ka na kasi nasa panganib si ate ngayon. Ito ang gusto mo diba?” Laglag ang balikat na umiling ito. Umawang ang labi niya. Akala niya guni-guni lang ang nakita niya kanina. Pero hindi. Parang hindi ito ang amang nakilala nila noo
Mabawi? Natigilan ito ng makita na matawa ako. Nasaktan ako ng alisin nito ang tape sa bibig ko. “At nakuha mo pang tumawa?!” Lumaki ang ngiti ko. Yung takot ko kanina napalitan ng nang-iinsultong tawa. Sinong hindi matatawa sa sinabi nito. Ano ako bagay na pwedeng bawiin pagkatapos ibasura? Pagkatapos ng ginawa nila noon sa akin? “Nagtanong ka pa talaga. Ano ako tanga para magpabawi? Nakahiga na ako sa kama. Bakit ako babalik sa banig?” Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. Kahit ang drum na pinaglagyan niya sa akin muntik ng matumba sa lakas ng sampal nito. “Aba’t… wala kang respeto!” Tumingala ako para pigilin ang luha ko. Ayokong umiyak. Gusto kong ipakita na kahit katiting ay wala akong pinagsisihan sa lahat ng desisyon na ginawa ko pagkatapos kong umalis sa pamilya nila. “Kung may wala mang respeto sa ating dalawa ikaw ‘yon. Ginawa ko ang lahat para sa anak mo, para sa pamilya ninyo. Pero ano ang ginawa niyo? Ano ang ginawa mo? Hindi niyo lang ako












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore