Gumilid ako para paraanin ito. Kumunot ang noo ko. Guni-guni ko lang ba, o talagang nagtagal ang mata nito sa sugat sa gilid ng labi ko? Hindi kaya kita na ang pasa ko? “Daan na ho kayo, Sir.” Nakanging iminuwestra ko ang kamay sa daan subalit hindi ito natinag sa kinatatayuan. “May problema ba, Sir?” Nakatayo lang kasi ito. Nakapamulsang nilagpasan ako nito. “Tingnan mo ‘yun ang sungit. Uso ba sa mayayaman ang ganyang ugali ngayon?” Bulong ko habang pabalik ako. Nadatnan ko si Victor na masayang kausap si Mr. Nunez. Nang makita ako ng asawa nito ay inanyayahan ako nito na maglaro ng golf malayo sa pwesto ng mga asawa namin. Mabait si Mrs. Nunez, hindi matapobre o mapagmataas kagaya ng iba. Yun nga lang ay puro tungkol sa pag aasawa ang bukambibig nito simula ng mapagsolo kaming dalawa. “Think about what I said, Miss Natalia. Baka may pagkukulang ka kaya ka niya sinasaktan. Hindi mo malalaman kung hindi kayo mag uusap ng masinsinan. Ganyan din noon ang asawa ko, but he chang
Huling Na-update : 2026-01-22 Magbasa pa