Share

Chapter 140: Kontra

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-07-06 11:49:13

“May budget ka para sa mamahaling hotel room pero ayaw mo maghanda ako para sa birthday ng srili mong anak?” Hindi makapaniwala si Rowena sa ginawa ng asawa.

“Ano ba ang pinagpuputok ng butse mo? Hindi naman ikaw ang nagbayad sa hotel room?” singhal ni Harry sa asawa. “At saan naman natin isisiksik dito sa bulok niyong bahay? Hindi ako papayag na hindi komportable ang tulog ni mama at Hannah,” dahilan ni Harry.

“Sana sa mas affordable na hotel mo na sila pinatuloy?” asar na saad ni Rowena.

“Tigilan mo ako, Rowena,” singhal ni Harry sa asawa.

Sumimangot na lang si Rowena at hindi na umimik pa. Wala siyang pakialam kung marinig siya ng biyenan. Tutal naman hindi siya nito gusto, mas maganda na rin na masabi niya ang disgusto niya sa presensya ng mga ito.

Naiinis si Rowena na kinukutya ng asawa ang bahay nila gayong ayaw naman nito bumukod sila. Pero, pag ang kapatid at nanay na nito ang involve kaya nitong gumastos sa napakamahal na hotel room!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 144: Chocolates

    “Ito lang ang nakayanan ko,” saad ni Menard habang nilalapag ang box na hawak sa mesa. Nasa tabi ang asawa kaya kampante siya na walang hahawak nito. Nahirapan pa nga siyang pumili kung ano ang regalo kay Leya. Sa huli, naisipan niya na chocolates na lang lalo at bata pa naman ang tatanggap. Lalong umasim ang mukha ni Lupita. Umaasa pa naman siya na bibigyan man lang siya ni Menard ng mamahaling bag pero nanlumo na wala pala siyang matatanggap. “Ang kaibigan ko, galing ng France kaya na nagpabili na rin ako para kay Leya,” paliwanag ni Menard. “Kahit galing pa ng kung saang lupalop ng mundo, hindi ‘yan ma-appreciate ng apo ko,” singit ni Henrietta. Akala niya kanina bigatin na ang nobyo ni Graciella. Kuripot din pala. Walang gustong maniwala sa sinabi ni Menard. Para sa pamilya ni Harry at Rowena, nagyayabang lang ito. Bumawi naman si Harry. “Hindi ka na sana nag-abala pa, bayaw. Bata pa si Leya at hindi naman yan marunong kumilatis ng brand ng chocol

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 143: Anong dala mong regalo?

    “Nandito na pala ang bigtime na nobyo ng pamangkin ko, balae,” mayabang na saad ni Lupita. Gusto nitong kahit paano yabangin din si Henrietta. Kanina pa naiinis si Lupita kay Henrietta. Nakita naman ni Menard ang mukha ni Hannah na halos ipaligo na ang makeup. Umasim ang mukha niya lalo at halata niyang kanina pa ito nakatitig sa kanya at tila gusto na siyang hubaran nito. Samantala, kitang kita sa mukha ni Hannah ang inis lalo at tama nga ang sinabi ng kapatid na gwapo at matangkad nga ang boyfriend ni Graciella. “Hindi sila bagay ni Graciella. Mas bagay kami ng boyfriend niya,” bulong ni Hannah sa sarili. Kung sinuswerte nga naman ni Graciella. Parang isang model ng isang magazine kasi si Menard sa paningin ni Hannah. “Tiyang, ‘ muling saad ni Graciella habang pinagmamasdan si Hannah na tingnan ang kanyang asawa. Gustuhin man niyang sitahin ang babae, pinili niyang manahimik na lang lalo at nakita niya ang disgusto sa mukha ng asawa. Si Rowena, gustong mataw

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 142: Patingin kung gaano siya kapangit

    Ngumiti si Henrietta at hinarap si Rowena. “Ang anak ko kasi, Rowena mataas ang standard pagdating sa pagpili ng lalaki. Kita mo naman, maganda at may class ang anak ko.” Tiningnan pa nang nakakainsulto na paraan ni Henrietta ang manugang. Gustong matawa ni Rowena sa sinabi ng biyenan. Hindi na kailangan magsinungaling ng biyenan sa kanya. Bobo nga itong si Hannah at ilang ulit bumalik sa grade twelve lalo at maraming bumagsak na subject. Akala siguro ng mga ito clueless siya. May gana pa magmalaki ang mga ito kahit alam naman niya ang katotohanan. Feeling ba ni Hannah, may magkakamaling anak mayaman na papatusin ito? Kapag talaga nangyari iyon, willing siyang magpakalbo! “Hindi mahirap si Kuya Menard. Lalong hindi rin ito bansot katulad ng sinasabi ni Hannah. Mas matangkad nga siya nang ‘di hamak kay Harry,” pagtatama ni Rowena sa hipag. “Basta, pangit ang boyfriend ni Graciella at bagay sila. Mga miserableng nilalang lang ang magsasama,” mayabang pa rin

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 141: Mahirap siguro siya

    Si Hannah ang tumikim sa patatim. Hindi pa ito nakontento, tinusok ng tinidor ang pata. Mabilis na tinakpan ni Rowena ang pata at saka mapaklang nginitian si Hannah. “Ang sabi ko, hintayin muna ang mga bisita ko bago lantakan ang mga pagkain,” matigas na saad ni Rowena. Umarko ang kilay ni Hannah. Tinulak ang takip pero desidido si Rowena na huwag pagbigyan ang malditang hipag. “Mayaman ba sila at kailangan silang hintayin? Nagugutom na ako eh. Hindi ba ako pwedeng kumain na muna?” asar na saad ni Hannah. Binitawan na nito ang tinidor at nakaisip ng ibabato sa hipag. “Basta kuya Harry, ‘pag nag-aral na ako sa isang sikat na university, palagi mo akong dalhan ng masasarap na pagkain ha?” pag-aasar nito sa hipag. Tutal naman pinagdadamutan siya ng kanyang hipag, aasarin na lang niya ito. Ipaparamdam niya rito na sila ang importante para sa kuya niya at hindi sila ng anak nito. Hindi na umimik si Rowena. Alam naman niya kasi na mas mahalaga ang pam

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 140: Kontra

    “May budget ka para sa mamahaling hotel room pero ayaw mo maghanda ako para sa birthday ng srili mong anak?” Hindi makapaniwala si Rowena sa ginawa ng asawa. “Ano ba ang pinagpuputok ng butse mo? Hindi naman ikaw ang nagbayad sa hotel room?” singhal ni Harry sa asawa. “At saan naman natin isisiksik dito sa bulok niyong bahay? Hindi ako papayag na hindi komportable ang tulog ni mama at Hannah,” dahilan ni Harry. “Sana sa mas affordable na hotel mo na sila pinatuloy?” asar na saad ni Rowena. “Tigilan mo ako, Rowena,” singhal ni Harry sa asawa. Sumimangot na lang si Rowena at hindi na umimik pa. Wala siyang pakialam kung marinig siya ng biyenan. Tutal naman hindi siya nito gusto, mas maganda na rin na masabi niya ang disgusto niya sa presensya ng mga ito. Naiinis si Rowena na kinukutya ng asawa ang bahay nila gayong ayaw naman nito bumukod sila. Pero, pag ang kapatid at nanay na nito ang involve kaya nitong gumastos sa napakamahal na hotel room!

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 139: balae

    Dumating na ang araw ng Biyernes. At dahil kinumpirma ni Graciella na pupunta silang mag-asawa sa mismong kaarawan ng anak, gumayak si Rowena nang maayos na damit. Simple pero presentable ang kanyang suot. Ang anak naman na si Leya, dinamitan niya ng magandang princess dress. Gusto niya na magmukhang prinsesa ang anak sa second birthday nito. Nilagyan niya rin ng magagandang ribbon ang hair clips na gamit ng anak. “Anak. Two years old ka na ngayon. Sa pasukan, mag-aaral ka na,” bulong ni Rowena sa anak habang sinasamyo ang mabango nitong buhok. “Mama, gusto tata,” medyo bulol pa na sambit ni Leya. Napangiti naman si Rowena. Gustong gusto din talaga ng anak ang tiyahin nito lalo at malambing nga ang ate niya sa kanyang anak. “Mamaya pa ang tita, anak. Pagkatapos niya sa shop niya punta na siya dito,” nakangiting saad ni Rowena habang hinahaplos ang buhok ng anak. Siya paglabas ni Roberta sa kusina hawak ang isang itlog. Pinaikot ito sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status