LOGINSa loob ng limang taon ng kasal, buong puso at kaluluwa na ibinigay ni Theariza Huston ang sarili upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Tiniis niya ang malamig na tingin ng pamilya nito, ang mga bulong sa likod ng kanyang likod, at ang sakit ng paulit-ulit na tanong—“Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang anak?” Araw-araw niyang pinilit maging perpektong asawa. Nagdasal. Umiyak nang palihim. Umasa na balang araw ay muli siyang titingnan ng kanyang asawa tulad ng dati—na may pagmamahal. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting naging malamig ang lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Hanggang dumating ang araw na tuluyan siyang sinukuan. Sa utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang ibigay ang tagapagmanang hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang babaeng iyon ang naging simula ng kanyang pinakamadilim na bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at maging ang kanyang karapatan bilang legal na asawa. At sa huli, pinatay siya ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang kwento. Nagising siyang muli… sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nanahimik. Ngunit kahit anong gawin niya, tila nakatakda pa rin ang kanyang kamatayan. Muli siyang pinatay. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na babae na umaasa sa pagmamahal ng isang lalaking hindi marunong magmahal. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magmamakaawa. Gaganti siya. Makakamit nga ba niya ang paghihiganting matagal niyang inaasam? O ang kanyang ikatlong buhay ang magiging huling pagkakataon para sa isang pagmamahal na matagal na niyang inilibing?
View More“Honey, gusto mo ba akong samahan sa hospital?” tanong ni Theariza. Ngayon kasi ang araw ng pagkikita nila ni Althea Montoya, ang kaklase niya noong college. Ngayon lang ulit sila magkikita.
“Ano ang gagawin mo sa hospital, honey?” tanong ng kanyang asawang si Alexander Huston. “Hindi ba napag-usapan na natin ito dati? Limang taon na tayong nagsasama pero hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nabibiyayaan ng anak.” “Oh, tapos?” “Tapos na ang paghihintay natin para magkaroon tayo ng anak… Ito na ang pagkakataon para magkaanak na tayo, para pagbalik nila Mama at Papa, hindi na nila ako aapihin at sasabihan ng wala akong kwentang babae.” Matagal nang nagtitiis si Theariza sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Huston. Lumaki kasi siya sa bahay-ampunan at walang kinalakihang pamilya. “Honey naman, hindi mo pa rin ba iyon nakakalimutan? Matagal na panahon na rin ang lumipas. Alam mo namang kahit wala tayong anak, mahal na mahal pa rin kita, honey. Wala ka bang tiwala sa akin? Pero ano bang plano mo at sa hospital ka pupunta? At ano ang sinasabi mong magkakaanak na tayo?” “Naalala mo ang usapan natin noong nakaraang buwan? Matagal kong pinag-isipan ang bagay na iyon, kaya ngayon, payag na ako.” “Ano? Payag ka na na ibang babae ang magdadala ng anak natin?” “Oo, dahil alam kong ako ang may problema. Alam kong ginawa mo naman ang best mo para sa akin, mahal kong asawa. Kaya naniniwala akong mahal na mahal mo ako. Kaya kailangan kong bumawi sa’yo, honey…” “P-pero, sino ang babaeng iyon?” kunot-noong tanong niya. “Ipapakilala ko na lang siya sa’yo mamaya, kasi dito rin naman siya titira hanggang sa maisilang niya ang magiging anak natin.” “Ano? Anak natin? Hindi ko maintindihan. May nakuha ka na agad na ibang babae na hindi ko man lang alam?” “Kaya nga sumama ka na lang, kasi kailangan ka rin sa hospital.” “Busy ako today, honey. May meeting ako sa office ngayon at hindi ako pwedeng hindi pumunta.” “Okay, honey. Hindi pa naman ngayon ang araw. Kailangan pa naming magpa-test para masiguradong magiging successful ang gagawin nila para sa atin.” Kumunot ang noo ni Alexander, pero ngumiti na lang siya at hinalikan sa noo ang asawa. Pagkatalikod ni Alexander, gumuhit ang lungkot sa anyo ni Theariza. Limang taon… limang taon na kaming nagsasama, pero ngayon taon ko lang siya naramdamang nanlalamig sa akin. Kaya ito na siguro ang kasagutan sa problema naming mag-asawa. Huminga siya nang malalim bago siya humakbang palabas ng mansion patungong hospital. Sa daan, si Alexander Huston… “Hello, sweetie. Are you there now?” malambing na tanong ni Alexander sa kabilang linya. “Yes, nasa Pinas na ako. Meet me at 8:00 in the evening. May lakad pa kasi akong kailangang puntahan,” sagot ng babae sa kabilang linya. “Okay… noted, sweetie,” sagot ni Alexander. Sa hospital, maagang nakarating si Theariza. May sarili naman siyang sasakyan kaya hindi na siya mahihirapan pang pumunta roon. “Hello… Althea, narito na ako sa hospital. Anong oras ka darating?” tanong ni Theariza. “On the way na ako, best. Kaya kalma lang, darating talaga ako.” “Okay, andito ako sa lobby ng hospital. Hihintayin kita dito, best.” Pagkasabi noon, agad niyang binaba ang tawag. Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Althea Montoya—matangkad, sexy, maputi, at chinita. “Wow… ang ganda-ganda mo na ngayon, best. Grabe, anong meron?” tanong agad ni Theariza. “Hahaha, ikaw kaya ang maganda. Tumaba ka lang ng kaunti, best. Promise.” “Talaga ba? Tumaba ako?” sagot ni Theariza. “Kaya pala napapabayaan ko na ang sarili ko. Kaya siguro nanlalamig na sa akin ang asawa ko.” “Pero okay lang iyon. Maganda ka pa rin naman at bilyonarya. Ang swerte mo nga at nakapag-asawa ka ng mayaman.” “Swerte nga ako sa napangasawa ko, pero…” “Pero?” “Uhmmm… wala. Masyado na tayong nagiging madaldal.” “Tara na sa loob. Ready ka na ba?” biglang tanong ni Theariza. “Oo naman, handang-handa na ako.” “Okay, let’s go.” Sa loob ng hospital, naghihintay na si Doctor Allan Rayman, isang kilalang doctor ng mga Huston. “Good morning, Doc,” bati ni Theariza. “Good morning, Thea. Hindi ka pa rin nagbabago, maganda ka pa rin,” sagot ni Doc Allan. “Haha, Doc naman, nagbibiro pa kayo. Kasasabi lang sa akin ni Althea na tumataba raw ako.” “Ahh, siya pala si Miss Althea Montoya? Nice to meet you. Na-meet na ba kita somewhere?” “Huh?” biglang sagot ni Althea. “DOC ALLAN, kakarating lang niya galing States. Paano mo naman siya makikilala?” “Ah—sorry. Baka kamukha lang niya ang babaeng pumunta rito kahapon.” Napatingin si Althea sa doctor. May tingin na hindi maipaliwanag. Umiwas ang doctor at saka sinabi, “Umpisahan na natin ang test para matapos na tayo agad.” Ilang oras ang lumipas, naging matagumpay ang lahat ng test kay Althea Montoya, kaya masayang umuwi si Theariza nang hindi kasama si Althea. “Thea… akin na ang address ng bahay ninyo. Kailangan ko pa kasing umuwi sa bahay namin. Alam mo na, baka hinihintay na ako ni Mama at Papa.” “Ahh, ganoon ba? Akala ko ba nasa ibang bansa sila?” “Ah, nakalimutan kong sabihin sa’yo. Nauna silang umuwi sa akin—” “Hindi mo na kailangang magpaliwanag, Althea. Sige na, umalis ka na. Ite-text ko na lang sa’yo ang address ng bahay.” “Kailangan ko na ring umuwi para ipaalam sa asawa ko na pwede nang umpisahan ang surrogation bukas. Alam kong magiging masaya siya.” Sa lobby ng Huston Company… Kinuha ni Alexander ang kanyang phone habang pasakay na sa kanyang kotse. “Yes, honey. Napatawag ka? Nandito pa ako sa office…” Biglang nag-ring ang isa pa niyang phone. “Kaninong phone ang tumutunog, honey?” tanong ni Theariza. “S-sa secretary ko. Naiwan niya ang phone niya. Wait lang, honey, sasagutin ko lang ito.” “Hindi ko naman patatagalin ang tawag. Maaga ka ba uuwi ngayon?” Ngunit wala nang sagot na narinig si Theariza dahil lumayo si Alexander bago niya sinagot ang isa niyang phone. “Yes… sweetie,” sagot agad ni Alexander. “Nandito na ako sa hotel…” “Really?” “Oo nga. Puntahan mo na ako rito. I’m wet now.” “Sure… papunta na ako,” sagot ni Huston. Pagkababa ng tawag, agad bumalik si Huston at nagsalita. “HONEY, I’M SORRY. Mukhang gagabihin na ako ng uwi. Emergency. Nagpatawag ng board meeting si Papa at hindi ako pwedeng—” “Naiintindihan ko, honey. Hihintayin na lang kita.” “Okay… bye, honey. Thank you for understanding.” Agad binaba ni Alexander ang tawag at mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. HOTEL “Akala ko hindi ka na darating,” malambing na salubong ni Althea sa kakarating lang na si Alexander, sabay yakap sa leeg nito. Imbis na magsalita, agad niyang siniil ng halik ang labi ni Althea… “Ilang araw kong tiniis na walang mangyari sa atin dahil lang sa surrogate na iyan, sweetie… at ngayon okay na ang lahat. Pwede na nating gawin ang lahat…” Binuhat ni Alexander si Althea habang naglalapat ang kanilang mga labi.“TUMIGIL NA KAYO! SASAMA NA AKO!” Bumiyak ang sigaw ni Theariza sa gitna ng putukan—matinis, nanginginig, pero sapat para mapatigil ang ilang segundo ng kaguluhan. Parang biglang huminto ang oras. Isa-isang bumagal ang galaw ng mga tao. May ilang putok pang pumutok—paulit-ulit na echo sa hangin—pero unti-unti rin itong nawala. “Anong—?” napalingon si Darryl, hindi makapaniwala. “Theariza, hindi—” Pero hindi na siya pinatapos. Dahan-dahang humakbang si Theariza palabas mula sa likod niya. Kita sa mukha niya ang takot… pero mas nangingibabaw ang desisyon. “Tumigil na kayo…” ulit niya, mas mahina na pero buo. “Ayokong may masaktan pa dahil sa akin…” “Hindi!” mariing sagot ni Darryl, hinawakan ang braso niya. “Hindi ito ang paraan—hindi ka pwedeng sumama sa kanila!” Tumingin si Theariza sa kanya. A
“Nasaan na ang sarili kong tauhan? Bakit hindi sila ang nakabantay?” dagdag pa niya, halos sa sarili lang, pero sapat para maramdaman ni Theariza ang bigat ng sitwasyon. Biglang—gumalaw ang isa sa mga bantay. Bago pa makareak si Darryl, mabilis na lumapit ang hindi kilalang tauhan at may iniabot kay Theariza—isang maliit na bagay na malamig sa palad—bago sila agad umatras. Sa isang iglap—wala na sila. Parang usok na naglaho sa hangin. “Hoy—!” akmang hahabulin sana ni Darryl, pero napahinto siya. Mas mahalaga si Theariza. “What the hell…” bulong niya, mariing nakatingin sa direksyon kung saan naglaho ang mga tauhan. Nangilabot si Theariza. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad. Isang maliit na piraso ng papel. Nakatupi. At tila may bahid ng kung anong hindi niya maipaliwanag—parang may kasamang lamig na dumadaloy sa kanyang balat. “D-Darryl…” mahina niyang tawag. Agad lumapit si Darryl, mabilis pero maingat, parang bawat segundo ay maaaring sumabog sa
Nanatiling nakapako si Theariza sa kama, parang ang buong mundo’y huminto sa pagitan ng bawat pintig ng kanyang puso. “Hah… hah…” Hindi pa rin maayos ang kanyang paghinga. Parang may unsinong kamay na nakadagan sa dibdib niya—hindi sapat para pumatay… pero sapat para ipaalala na may panganib na paparating. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang kanyang leeg. Mainit. Pero bakit parang may bakas ng lamig? Parang may humaplos doon… kanina lang. Napapikit siya sandali, pilit binabalikan ang narinig. Isang boses. At punong-puno ng galit. “Ako na mismo ang magtatapos sa kanya ngayon…” Biglang nagmulat ang kanyang mga mata. “Hindi…” mahina niyang bulong, nanginginig ang labi. “Hindi iyon normal na panaginip…” “Isa iyong babala.” Dahan-dahan siyang bumaba sa kama, kahit nanlalambot pa ang tuhod niya. Naglakad siya papunta sa bintana at bahagyang itinulak ang kurtina. Sa labas—tahimik ang gabi. Parang may nagkukubli sa bawat anino, naghihintay lang ng tamang sand
“Master Rereio!” Hingal na hingal ang tauhan nang sumugod sa loob, tila may humahabol na bangungot sa kanyang likuran. “Kumilos na si Darryl… lahat ng tauhan natin na ipinadala sa isla para kunin ang son-in-law ninyo… bumaliktad.” Nilunok niya ang takot bago nagpatuloy. “Kumampi silang lahat kay Darryl. Ano po ang gagawin natin ngayon, Master Rereio?” Saglit na nanahimik ang silid. Hindi sumagot agad si Rereio. Nakaupo lang siya sa madilim na sulok, kalahati ng mukha’y nilalamon ng anino, kalahati’y tinatamaan ng malamlam na ilaw. Unti-unti, gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi—ngiting walang bahid ng awa. “Ganoon ba…” malamig niyang tugon, tila yelong dumidikit sa balat. “Kung ganoon… ligtas pa rin si Theariza sa mga kamay ng lalaking iyon?” Dahan-dahang tumango ang tauhan, pero hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kanyang amo. At doon— biglang tumawa si Rereio. Hindi iyon normal na tawa. Isa iyong mababa, garalgal, parang may kasamang galit na matagal nan
Nakaraan… Ngunit napatingin siya kay Elina at sa yaya kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Karugtong… Bahagyang kumunot ang noo ni Althea. “Wala na ang… sino?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Parang wal
Kinabukasan… Maaga pa lamang ay gising na si Elina. Mula sa malaking bintana ng kanyang silid ay pumapasok ang ginintuang liwanag ng umaga, tumatama sa mamahaling kurtina at sa malapad na kama na tila yari sa purong seda. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Maingat niyang inayos an
“Bakit ninyo sinasaktan ang batang ‘yan na ang gusto lang naman ay isang larawan o pirma ni Princess Elina MH?” seryosong sabi ni Secretary Manzano. Biglang natahimik ang buong studio. Napatingin ang lahat sa kanya, lalo na ang mga staff na kanina pang humahawak kay Thearonna. “Ibigay na lamang
“Takbo dito, takbo doon ang ginawa ni Baby Thearonna sa loob ng studio. Halos hingalin na ang maliit niyang katawan sa kakahanap sa kinaroroonan ni Elina. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang ginang na paparating. BANG! Direkta siyang nabangga rito at muntik pang matumba. “Are y






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews