ASHLEY
LUMIPAS ang mga araw at linggo bigo siyang makasagap ng balita tungkol kay Nathan. Napahinga siya nang malalim. Marahan siyang bumaba sa kama habang ang isang kamay niya ay nakaalalay sa malaking umbok ng tiyan niya. Mabilis ang naging paglaki ng tiyan niya, apat na buwan pa lang pero parang pitong buwan na sa laki. Nahihirapan na rin siya sa paghinga lalo na sa gabi at ang pangangatawan niya ang sobrang laki na nang pinagbago. Pumayat na siya nang husto hindi na nga niya makilala ang sarili pag humaharap siya sa salamin.
"Tulungan kitang bumaba, Asawa ko," malambing na sabi ni Eya sa kanya.
Inalalayan naman siya nito pababa sa hagdan kung minsan ay binubuhat na lang siya nito para hindi siya mahirapan. Nang makababa siya naabutan niya sa salas si Eda at Ebo. Napatingin ang mga ito sa kanya. May bahid na pag-aalala sa mga mata ni Eda nang pagmasdan siya nito. Mukha na kasi talaga siyang nakakaawa sa itsura niya.
EYA HINDI niya alam kung paano niya kakayanin tanggapin ang pagkawala ni Ashley. Nawalan ito ng buhay matapos ipanganak ang anak nila. Pakiramdam niya parang tumigil din sa pagtibok ang puso niya. Bakit ganoon ang nangyari? Nagtatangis ang bagang na sumulyap siya kay Eda. Hawak-hawak nito ang anak niya na si Baby Adaline. "B-Bakit hindi pa gumigising ang asawa ko?" naiinis na tanong niya. Sinubukan niyang painumin ng sariling dugo ang asawa niya. Umaasang muli ito mabubuhay at magiging immortal na katulad nila. Ngunit bakit hindi gumagana? "S-Sinabi ko na sa'yo, Eya. Walang kasiguraduhan 'yon," sagot ni Eda sa kanya. Inis na pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi. Paulit-ulit niya pinainom ng sariling dugo ang asawa niya. Hindi siya makakapayag na hindi ito mabuhay muli. "Hindi pa naman lumilipas ang isang araw, mag-antay pa tayo," seryosong wika ni Ebo. Malungkot na tumingin siya kay Ebo."H-
ASHLEYNANG magmulat siya ng mga mata nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Napabalikwas siya nang bangon at sinipat ang sarili. Nakasuot siya ng hospital dress. Nasaan ba siya talaga? May kung anong nararamdaman din siyang kakaiba sa sarili na hindi niya mawari. Pakiramdam niya naging sensitibo ang lahat ng kanyang pandama.Ilan minuto pa siyang natulala nang may pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Isang matangkad at may edad na lalaki. Kumunot ang noo niya. Parang pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi siya sigurado kung ano pangalan at kung saan niya ito nakilala.Nginitian siya nito nang makalapit sa kanya."Mabuti na lang at gising ka na..." malamyos nito sabi.Malalim ang baritono boses nito na akma lang sa anyo nito. Masyadong maskulado ito at matikas."Sino ka? Anong nangyari? Nasaan ba ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa lalaki na nakatitig lang sa kanya.Tumikhim muna ito at naupo sa sil
EYA10 YEARS AFTER...MALAKAS siyang napasinghap sabay balikwas ng upo. Hindi niya akalain na mapupuruhan siya ni Niran dahil sa pagtarak nito sa dibdib niya. Bumungad agad sa kanya ang mukha ni Ebo na seryosong nakatunghay sa kanya."Mabuti at nabuhay ka pa uli, muntik na kitang gawin panggatong e," sarkastikong saad nito. Subalit hindi niya pinansin ang sinabi nito, mas nakaagaw nang pansin niya ang isang magandang bata na may mahabang buhok, berdeng mata at may hawak na malaking taong manika.Nakita niyang nagtago ito sa likod ni Ebo na para bang natakot bigla sa kanya. Nagtaka siya kung sino ang batang iyon? Tumikhim si Ebo at hinawakan sa balikat ang batang babae."Hindi mo naman siguro nakalimutan may anak ka di'ba? o, gusto mo ipaalala ko pa sa'yo?" pagsusungit na sambit ni Ebo.Nanlaki ang mga mata niya. Nagtatakang napatingin siya kay Ebo. Nagtatanong ang kanyang mga tingin."Sa
EYA "SAAN kayo pupunta?" puno nang pagdududang tanong ni Ebo sa kanya habang hawak niya sa kamay si Adaline. "Ipapasyal ko si Adaline," diretsong sagot niya. Nagpupumilit kasi lumabas si Adaline at maghanap ng mapapasyalan. Tumaas ang kilay ni Ebo at matiim siyang tinignan. "Anong alam mo sa lugar? E, sampung taon kang namatay baka maligaw pa kayo," giit nito na halatang ayaw ni Ebo ilabas niya si Adaline. "Hindi kami maliligaw, Dada. You can come with us if you like," walang kangiti-ngiting sabi ni Adaline. Nakita niyang umingos si Ebo at napabuga ng hangin. Gusto niyang matawa dahil alam niyang nag-aalala ito para kay Adaline. "Ayoko sumama! Sige na, lumabas na kayo kung lalabas kayo." Pagtataboy nito. Parehas naman silang napangiti ni Adaline. Naisipan nilang mamasyal sa isang theme park sa kabilang bayan. Kaya kinailangan nila sumakay ng bus. "Unang beses mo ba ito sa pagpunta sa theme park?" tanon
ASHLEY KAHIT anong pilit niya sa sarili na tanggapin si Nathan bilang asawa niya ay hindi niya magawa. Sa loob ng limang taon nalagi siya sa poder nito, wala ito ginawa kun'di pilitin siyang makipagtalik dito subalit malakas ang pagtanggi niya. Hindi niya alam pero wala siyang kahit anong damdamin para kay Nathan. Huminga siya nang malalim. Kaya naman matapos ang limang taon sa poder nito ay nagpasya siyang tumakas at lumayo. Ginawa niya ang lahat para hindi siya masundan at mahanap ni Nathan. Halos limang taon na rin siyang nagtatago. Pasadlak siyang nahiga sa isang damuhan sa gitna ng gubat dito sa Arizona Forest. Kung saan-saan na siya napadpad at kadalasan sa mga bundok siya nagtatago. Naroon na kasi lahat, mga hayop na maaari niyang kainin at tahimik na lugar. Sampung taon na rin pala ang lumipas, hanggang ngayon hindi pa rin niya kilala ang totoong sarili. Kailanman hindi siya naging komportable sa pangalan na Somsak. Pakiramdam niya ibang tao talaga it
EYA SINABIHAN niya si Ebo na nawawala si Adaline at may kumuhang dalawang lalaki sa anak niya. Mabilis na nakarating sa labas ng theme park si Ebo. Pinukol siya nito nang masamang tingin. "Ang galing! Ni hindi mo napansin si Adaline," pabalang na wika nito sa kanya. "Pasensya na!" bulyaw niya. Nakakairita rin kung minsan ang ugali ni Ebo. Kung makapagsalita akala ito ang Ama ni Adaline. Huminga lang ito nang malalim. "Huwag kang mag-alala kaya ni Adaline ang sarili niya. Madalas talagang sumama 'yon sa kung sino-sino." Kumunot ang noo niya at napataas ang isang kilay niya. "Ano ang ibig mong sabihin?" Nagkibit balikat lamang ito. "Madalas pinagkakatuwaan niya ang mga taong masasama ang loob. Kaya kung minsan, iniiwas ko siya sa mga ganitong lugar. Mabuti pa, sundan na lang natin siya." Hindi niya alam na may ganoon ugali ang anak niya. Marahil ay nai-impluwensyahan ito sa mga palabas na napapanuod
EYANABIGO siyang masundan kung sino o ano man ang sinusundan niya. Napakabilis! Nagtaas-baba ang paghinga niya, aminado siyang nanghihina siya dahil sa nararamdaman gutom. Ilan taon ba naman siyang namatay kaya tuyong-tuyo na talaga ang pakiramdam niya.Mabilis siyang tumakbo pauwi na ng mansyon. Bahala na nga, baka hindi nga iyon ang asawa niya. Naniniwala siyang hindi sila kayang talikuran ni Master Ash. Huminga siya nang malalim, sakto naman pagkapasok sa mansyon naka-amoy siya nang sariwang dugo. Bigla siyang napalunok ng laway."Hey! You're here! Kumusta, nahabol mo ba? Siya ba ang asawa mo? Sa tingin ko...hindi," nakaangat ang sulok ng labi ni Ebo habang nakaupo sa isang silya at may hawak ng isang bag ng dugo.Alam niyang nang-aasar lang ito kaya hindi na lang siya kumibo. Tumayo siya sa gilid ng bintana, binato naman nito ang bag ng dugo sa kanya at nasalo niya iyon."Here--I know, gutom na gutom ka na. Nalam
ASHLEY ANG balak niya talaga ang lumipat na ng ibang bayan subalit bago pa man siya lumabas ng bayan ng Atlanta. Isang pamilyar na batang babae ang nakita niya sa 'di kalayuan mula sa kinaroroonan niya. Iyon ang kakaibang batang babae na tinulungan niya sa gubat, normal ito kung titignan ngunit mayroon ito kakaibang kakayahan na labis niyang kinamangha. May kasama ang batang babae, isang matangkad at matipunong lalaki na may mahabang buhok. Marahil, iyon ang Papa nito. Ewan ba niya, pero imbes na umalis na ay mas lalo tumaas ang kuryusidad tungkol sa batang babae kaya naman hinayaan niyang libangin ang sarili habang pinagmamasdan ang mga ito. Nang pumasok ito sa loob ng pamilihan ay bahagya siya lumapit. Wala naman siyang balak na masama subalit napansin yata ng lalaki ang presensiya niya. Kagat labing tumalilis siya agad at lumayo nang kaunti sa mga ito. Umakyat pa siya sa itaas ng town clock tower. Pero napansin pa rin