ASHLEY
MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya.
Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito.
"E-Eya?" nag-aalalang sambit niya.
"Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa.
Kaagad naman niya hinawakan si Eya.
"Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya.
"Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito.
Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l
Thank you for patiently for my updates. Alam ko po matagal dahil nagsulat po ako sa ibang platform. Abangan niyo po ang Book 2 ni Ashley at Eya. Bye!
ASHLEY MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya. Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito. "E-Eya?" nag-aalalang sambit niya. "Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa. Kaagad naman niya hinawakan si Eya. "Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya. "Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito. Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l
ASHLEY Manila, Philippines. Present time SIYA si Ashely Mahinay, tubong New Bataan, Davao City. At isa siyang Forensic Pathologist, isang medikal na doktor na dalubhasa sa pagsasagawa ng mga medikal at legal na eksaminasyon upang maunawaan ang sanhi at paraan ng pagkamatay ng isang tao. Nagsasagawa rin sila ng mga autopsy reports sa mga kasong hindi maipaliwanag na pagkamatay. Sampung taon na siya sa ganitong klaseng trabaho. Kaya naman, sanay na sanay na siya makakita ng iba't ibang anyo at kulay ng patay. "Maam Ash, paano mo nagagawang kumain habang may tatlong patay sa harap mo?" nandidiring tanong ni Jolina sa kanya. Nagkibit balikat siya sabay subo sa baon niyang adobong atay ng baka. Ang sarap kaya ng ulam niya, saka kanina pa sila alas siete nang gabi nag umpisa, hating gabi na hindi na niya matiis ang gutom. "Gutom na ako. Kayo muna bahala
ASHLEYJolo, Sulu, PhilippinesKASALUKUYAN nilang sinusuri ang bawat bahagi ng naturang viral mummy na kamakailan ay natagpuan sa dagat malapit sa teritoryo ng pilipinas.Ito ang kauna-unahang mummy na nadiskubre sa ilalim ng dagat.Nakakamangha lang isipin na-preserba ang katawan kahit nasa tubig. Kaya naman, napaka-laking oportunidad ito upang mapag-aralan. Bawat bahagi ng buto at tisyu na makikita sa nasabing bangkay ay masusing inaaral nila.Sa historya ng Pilipinas, ay mga mummies din na makikita sa mga kuweba ng Kabayan sa lalagiwan ng Benguet. Ito'y mga ninuno ng mga katutubong Ibaloy.Isang tradisyon o pamamaraan ng pag-eembalsamo. Ayon sa kasaysayan ng mga Ibaloy bago pa man tuluyang mamatay ang isang taong naghihingalo ay painaiinom na ito ng tubig na may asin upang simulan ang proseso ng pag-eembalsamo.Pagkatapos, kapag patay na, hinuhugasan ang katawan at inilu
ASHLEYISANG MAHABA at malalim na paghinga ang ginawa niya. Kanina pa nakaalis sina Ria at ang ibang ka-team nila na hindi masyado nakainom. Habang naiwan naman siya dahil lasing na siya pati ang iba na marami rin ang nainom. Wala siyang choice kung hindi bumalik siya sa kwarto nila ni Ria. Ni-lock niya ang pinto.Pagbagsak niyang hiniga ang katawan sa malambot na kama. Sinasariwa ang video na ipinakita ni Ria sa kanila. Possible nga bang mabuhay ang Mummy na iyon? Paano ito nabuhay?Argh! Parang ayoko na, gusto ko nang umuwe. Hindi siya naniniwala sa mga multo, maligno o kahit anong nilalang pa pero, Mummy nabuhay?Huminga siya ng malalim saka pumihit patagilid sa kama at napaigtad siya, napasigaw siya.Mabilis siyang napatayo at sumandal sa pader.Nahindik siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Ang Mummy nasa kama niya at nakahiga. Kung ano ang itsura nito sa laboratory, ganoon pa rin ang itsura nito.Nangingin
ASHLEYNANG magising, nasa loob na siya ng hospital."My god, Ashley! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Tinakot mo ako." Sikmat sa kanya ni Ria ng makita nitong nagising siya.Ano bang nangyari? Bakit nasa hospital siya?"Ano bang pumasok sa ulo mo at naisipan mong maglaslas?! Nakakainis ka, muntik ka ng mamatay. Mabuti na lang at naagapan ka namin." Punong-puno ng hinanakit na lintanya ni Ria.Ramdam niya ang pag-aalala nito. Napatitig siya sa kanyang pulsuhan. Nakabalot na iyon ng benda, maging ang kanyang palad ay may benda na rin.Saka lang pumasok sa isipan niya ang buong nangyari. Ang mummy. Oh shit, ang Mummy! Tinulungan niya ang Mummy, ito ang dahilan kung bakit siya naglaslas, para mabigyan ito ng dugo.Nagtatakang tumingin siya kay Ria. "Ang mummy, nakita mo?"Huminga muna si Ria ng malalim at naiiling na tinignan siya. Tila hindi makapaniwalang iyon ang lumabas sa bibig niya."S
ASHLEYNGUNIT kabaligtaran ang nangyari imbes na kainin siya, sakmalin o patayin siya ng nilalang na ito. Dinilaan lamang siya nito sa mukha. Dinilaan nito ang noo, ilong, mata, bibig, baba at tenga niya. Para bang tinitikman siya at kinikilala siya nito.Kahit nanginginig ang katawan niya hindi pa rin siya kumilos. Panay ang lunok niya ng laway habang nakatikom ang bibig. Nasa ibabaw pa rin niya ang Mummy. Inaamoy-amoy naman nito ang leeg niya pababa sa may dibdib niya.Nang subukan niyang takpan ang hubad niyang dibdib dahil nakalas ang pagkakabuhol ng tuwalya niya. Bigla na lamang ito umangil, tila galit na asong ayaw magpahawak.Lalo siyang natakot at nang
ASHLEYKINABUKASAN nang magising siya agad niyang hinanap si Eya. Kinabahan siya dahil hindi niya ito nakita sa gilid ng kama. Shit, saan si Eya?Mabilis siyang napatayo para tignan din sana ang banyo ngunit hindi pa siya nakakalakad ng diretso ng matumba siya sa sahig. Natalisod siya sa isang matigas na bagay. Kunot-noong napatingin sa matigas na bagay na nakaharang, paa pala iyon. Nasa ilalim pala ng kama niya si Eya at dahil sa tangkad nito, nakausli ang mga paa nito. Bakit nasa ilalim ito ng kama? Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya bigla itong lumabas, kinabahan siya baka may makakita kay Eya.Lumuhod siya saka sinilip sa ilalim ng kama si Eya. Gising ito, tahimik lamang itong nakahiga habang nakasubo pa rin sa bibig nito ang sepilyo niya. Ang cute! Para itong batang may nakasalpak na tsupon sa bibig."Eya, lalabas lang ako saglit, bibili ako ng pagkain mo at damit mo," aniya saka nginitian ito.Tumitig lang it
ASHLEYMASINSINAN silang kinausap ni Mayor Datum patungkol sa nawawalang Mummy. Pinapaigting nito ang search operation sa buong lalawigan at maging sa mga karatig lugar."Maging maingat tayo, hindi natin alam kung anong klaseng nilalang ang hinahanap natin, ito'y lubhang delikado para sa publiko. Magtulungan tayo upang mahanap ang nilalang na ito, kung kinakailangan patayin ito ay gagawin natin para hindi ito makapanakit ng inosenteng tao," seryosong salaysay ni Mayor Datum.Nabahala siya sa narinig, gusto niyang sumabat at kumontra ngunit pinigilan niya ang sarili. Natatakot siya para kay Eya, hindi ito delikado, kabaligtaran pa nga. Inosenteng nilalang ito na mayroon maamong mukha at nangungusap na mga mata. Kung pwede lang sana niyang sabihin sa lahat ang tungkol kay Eya. Huminga siya ng malalim at muling nakinig sa iba pang sinasabi ni Mayor hanggang sa sabihin nito na maaari na silang bumalik sa Maynila.Bigla siyang na