Share

CHAPTER 05: Dating bold star?

Auteur: ROSENAV91
last update Dernière mise à jour: 2024-09-02 15:53:55

CHAPTER 05

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

“Miss, may hiring po kayo?” tanong ko sa babae bago ako talikuran.

“Yes Miss, anong position po?”

"Ahmmm, kung ano po ang available Miss, susubukan ko po.” sagot ko sa kanya.

"Ok Miss, may hiring po sa 23 meron din sa room 30,” malayo ang isa, kaya uunhan ko muna ang malapit sa akin.

“Sige Miss, saan po ako dadaan? Nakakalito po kasi eh.” Tanong sabay kamot ng ulo, ang daming kwarto kaya malilito ka talaga.

“Diretso ka lang po diyan, lumiko ka sa left side at and magbilang po kayo ng limang kwarto sa right side, sa right side mismo, nariyan po ang room 23, may nakapila pa naman po, kung wala nang tao sa labas ay baka last interviewer na kaya pasok lang po kayo Miss.” saad nito.

"Sige Miss, thank you.”

"Alright po good luck!” masayang wika nito bago ako iwan dahil may pinapautos pa sa kanya ang head. Napanguso pa ako dahil nakalimutan ko nga palang itanong kung sino ang pangalan ng staff nila kanina na lalaki na naiinis lang sa akin na pinagkamalan ko siyang bold star. At bakit ko ba nasabi iyon? Kusa lang lumabas sa bibig ko, gano'n? Hay naku na lang Lingling.

Sinunod ko ang instruction ng staff kanina, mabuti pa siya mabait sa akin. Nasaan na rin kaya ang lalaki na kasabayan namin kanina? At bakit ko nga ba sila hinahanap? Pero sabagay, mabuti nalang na dinala ako ng lalaki rito sa building na ito, atleast hindi na ako nahihirapan na makipag-usap sa guard at pumunta sa reception para magtanong sa receptionist.

Lumiko ako sa sinabi ng babae at nakita ko nga na may nakapila pa. Agad akong nagtungo sa nakapila at pumila rin na mag-isa.

“Nag-aapply rin po kayo?” Tanong ko sa kasunod ko na babae, lumingon siya sa akin at tumango. Nagpasalamat nalang ako at natahimik, dahil busy siya sa kanyang cellphone.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko na sling bag at tenext si nanay, gusto ko sanang tawagan siya kaso baka maingyan ang mga tao na narito na nagpa-practice din ng kanilang question and answer portion para mamaya sa interview nila.

Nanay:

Mamaya na po ako uuwi nay, nasa pila pa ako sa isang building na nakikita ko kapag pumupunta tayo sa mall, yung kulay gray na parang heart shape ang gawa ng building, mag-aapply palang ako ng trabaho. Text kita po kung natanggap ako. Wish me luck po, I love you.

Then sent.

May lumabas na babaeng nasa mid 30’s at naka office uniform, may tiningnan sa papel na hawak niya ngayon at tinawag mga applicants kaya kanya-kanya ng pasok ang iba sa loob at sa kasamaang palad hindi pa ako kasali.

Narinig ko na tumunog na ang tiyan ko, ngayon pa talaga ako nakaramdam ng gutom na nasa loob na ako ng building. Hays, naku nalang talaga. O kay malas ko naman yata, noong isang araw pa ito, hindi kaya malas ako sa lalaki kanina? Pangalawang beses ko na siyang nakita, so ibig sabihin, naging malas ako dahil sa kanya.

“Mag-aapply ka rin ba Miss?" bigla akong tumayo na may nagsalita sa harapan ko.

“Ha? Ay oo miss kung meron pa pong available or wala pa kayong napili sa mga nauna….sana wala pa at baka ako na nga ang hinahanap niyo.” saad ko with smiling face.

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong tumayo ng matuwid para ipakita sa kanya na pwede akong pang model sa tangkad kong ito.

"Nasa one hundred applicants lang ang kailangan namin at lampas kana so-” huminto ito sa pagsasalita na marinig na may tumawag sa kanya sa loob. Agad siyang pumasok at ako naman ay bagsak balikat na napa upo muli sa silya na bakal na nakalagay sa labas ng room 23.

“Ganito pala ang pakiramdam na palaging rejected sa trabaho, wala sa ganda o ayos, kung hindi para sa akin ay hindi talaga para sa akin, saklap naman.

Tatayo na sana ako para umalis nalang at umuwi, baka tama nga si nanay, baka hindi pa ako handa kaya ang tadhana na ang umayaw sa akin.

"Miss? Aalis ka na?" nilingon ko ang nagsalita, palinga-linga muna ako sa paligid at baka hindi naman ako ang kinakausap niya.

“Ako po?" panigurado ko.

“Wala ng ibang tao rito sa labas bukod sa'yo at sa akin so yeah, I'm talking to you.” pilosopo niya pang sambit.

Nginitian ko nalang para hindi ako malasin kung papatulan ko pa.

“Oo sana Miss dahil sabi niyo kanina na one hundred lang ang tinatanggap niyo.”

"Well, kanina iyon Miss, but we confirm that he changed his mind, so, come with me.”

"W-where po?”

"In his office…”

Hala! Office agad and his? Patay, baka masungit na lalaki ang mag-interview sa akin, pero dahil gusto ko ito kaya ito ako at nakasunod pa rin sa babae.

“We're here." turo niya sa isang pinto.

“Ah, o-okay."

“Wait," Pumasok siya sa loob pagkatapos nitong kumatok sa pinto na kulay gray at naiwan lang muna ako sa labas habang hawak ang aking folder na may laman na biodata, tinulungan ako ni nanay sa mga ito, at dahil sanay na sanay na siya ay madali lang sa akin na makahanap ng mga possible requirements sa isang company. “Pasok kana Miss." bigla naman akong nagulat na agad siyang lumabas sa pinto. “I'm sorry…nagulat ka tuloy, pasok ka na Miss and Mr. Callisto is waiting for you inside his office." dito ako mag-interview? With Mr. Callisto?

"Sige Miss, uhmm…thank you." saad ko at halos itulak niya pa ako papasok sa loob. “Wait-"

“Close the door-" natigilan ako sa paglabas ng pinto na may narinig na naman ako na familiar na boses. “I said close the door.” lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko na siya na naman ang nakita ko.

“You again -" turo ko sa kanya. Siya nga…hindi ako nagkakamali.

“Yeah…me again. So, why are you here in my building?”

building? in my building? The heck.

“Ikaw po ba ang may-ari ng building na ito?"

“Exactly!’’ aniya habang nakaupo sa kanyang office chair habang ang kanang kamay ay nasa ibabaw ng table at panay tap ang kanyang daliri habang nakatingin sa akin.

"Whoa…ba-bakit hindi niyo po sinabi?”

"For what? Para bawiin mo ang sinabi mo na isa akong bold star?” naalala niya pa rin iyon?

“Hindi naman, kasi question naman po ang sinabi ko, pero kung di naman totoo then sabihin niyo lang po sa akin.” sige pa Lingling ipagtanggol mo pa ang sarili mo.

"What if…sabihin ko na tama ka," napanganga nalang ako sa sinabi niya. So, confirm nga. “Now, are you scared now?" ang bilis kong umiling.

“Hindi naman, mas nakakatakot po yata kapag sinabi mo na killer ka, di ba?” natawa siya sa sinabi ko. Tama naman ano, di ba? Magsasalita pa sana ako pero na tahimik na lang dahil baka ano ang masabi ko.

“So, you are here for what?" Siya ang unang bumasag ng aming katahimikan.

Binigay ko sa kanya ang biodata at ibang requirements, ayon sa habilin ng staff sa akin at sasagutin ko nalang ang mga katanungan niya kung may tanong pa.

Wala pa akong experience sa trabaho dahil first time ko, pero madali lang naman akong matuto.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Alice Evangelio Gatarin
hala lagot ka lingling
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue 5 last part

    Epilogue part 05 “Son–” “Dad” bungad ni daddy sa akin, pumasok ako sa loob ng kanyang mini office dito sa bahay. Dito ako nagtungo after work at si mommy naman ay nasa kusina at naghahanda ng tanghalian. Wala pa akong ganang umuwi ng bahay pagkatapos ng nalaman ko sa nangyari. Maybe I need advice from my parents for what really happened. Ang gulo ng utak ko. Marahil may alam ako tungkol sa trabaho pero sa usapang pamilya ay alam ko na dehado ako at wala pa akong masyadong naiintindihan o siguro kulang pa ang kaalaman ko ako tungkol sa mental health and family. Indeed, kailangan ko ng kausap, at dinala ako ng mga paa ko sa mga magulang ko. Tumayo si dad sa kanyang shovel chair at nagtungo sa bar counter na kung saan napapalibutan ng mga mamahalin na mga wine sa bawat pantry nito. Kumuha siya ng alak at naglagay sa glass wine at binigay sa akin ang isa at sa kanya naman ang isa. Agad ko naman itong kinuha at dinala sa bibig ko, naramdaman ko ang pagdaloy ng wine sa lalamunan

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue part 04

    Epilogue part 04 Hanggang sa hindi ko namamalayan na gusto ko na pala siya. May parte na sa puso ko na gustong-gusto ko na siya ngunit natatakot ako dahil baka sila nga ni Carpo kahit ilang beses niyang sabihin na wala silang relasyon ay hindi ako naniniwala lalo nang malaman ko na bumalik si Jeniza sa Pinas. “Please….please….kahit one month lang Kale, okay lang ba? Sa inyo ako magsi-stay please?” Pilit niyang sinasabi sa akin at bilang respeto at kaibigan siya ng dati kong girlfriend kaya ginawa ko. Doon ko siya pinatuloy sa guest room. At kitang-kita mismo ng mga mata ko how Lingling reacted when she saw her. Is she mad or jealous? Damn, mababaliw ako sa kakaisip, but still focus ulit ako sa business lalo nang malaman ko sa isang source na may balak akong patumbahin sa isang kaaway ko sa negosyo. Hindi ko pinaalam sa mga magulang ko at hindi ko rin kayang sabihin sa mga anak ko dahil ayoko na mag-alala sila sa akin lalo na ang mga magulang ko lalo si daddy na naranasan naming m

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    epilogue part 03

    Kale Arcus Callisto pov 3What? Ako dating porn? The fuck she's talking about? Ang mukha na ito para sa kanya ay pangporn lang? What the hell?“Talagang tinamaan ka ah," matalim ang mga mata ko na binalingan si Edrick. “Sino? That woman?" Tumango siya na may pataas pa ng kilay, inaasar ako. “Oo, kanino pa ba? Kanina ko pa napapansin kasi na simula na nagkita kayo ng babae kanina sa lobby ay parang mainit na ang dugo mo sa kanya.” Aniya sabay patay malisya at binasa ang documents na binigay ko sa kanya pagkatapos ko itong pirmahan, magkasosyo kami sa isa sa business na ginawa namin at ito siya para mang-inis sa akin. “Dating porn daw ako? The fuck she's talking about?" “Well….well… kung hindi naman totoo ay bakit ka apektado? Dahil naapakan ang ego mo or –”"Paano kung may nakarinig?” "Sabagay, pero sa tingin ko wala naman, kung meron man ay hindi naman siguro nila ipagkalat, don't worry, hindi ko gagawin.” Aniya sabay tawa, tumayo siya at nilagay sa folder ang mga papeles at hand

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    Epilogue part 2

    Kale Arcus Callisto pov part 2“Enough Kale, you drink too much na." Tinabig ko ang kamay ni Jeniza sa pagtangka niya na pagkuha ng baso na kung saan ako umiinom ng alak. "Pwede ka ng umalis at iwan ako rito.” sambit ko sa malamig na boses."Hindi pwede Kale, ilang buwan na siyang wala? Tanggapin mo na lang ang katotohanan na wala na and girlfriend mo, na patay na siya—ahhh!” inihagis ko sa sahig ang baso. Nagluluksa ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa girlfriend ko, malapit na kaming ikasal, konti na lang na paghihintay pero kinuha siya sa akin, bakit? Paano na ang mga anak ko? Kaya ko ba? Ang daming gumabagabag sa isip ko.“Anak! Ang pag-inom ng alak ay hindi maging isang solusyon para malutas mo ang problema mo. Kung may mangyaring masama sa'yo? Paano na ang mga anak mo? Hahayaan mo na lang ba sila?” Narinig ko ang boses ni mommy. Nasa kusina ako ngayon at kumakain ng almusal, I drank last night kaya matagal akong nagising. “Ito ang sopas, ku

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    Epilogue part 1

    Epilogue (Kale Arcus Callisto pov 1) Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at nagtungo sa reception desk para itanong sa mga nurse na naroon kung saang kwarto dinala ang ama ko. My mom kept calling my phone during my class hours but I didn't answer because we had a long test. And when I checked her messages and was devastated by what I read. My dad was in the hospital because he suddenly fainted on his way home. At nang makarating na ako sa harap ng pinto na kung saan tinuro sa akin ng nurse ay dali-dali ko itong binuksan at nakita ko si mommy, nasa tabi ng kama kung saan nakahiga ang ama ko habang may mga dextrose sa kanyang katawan. “Kale–” malungkot na wika ni mommy at niyakap ako. "Mommy, I'm sorry. I didn't answer your call earlier, we have a long test. And my profes–” "it's okay Kale, naiintindihan ko, ang mahalaga ay narito ka na, malungkot lang ang mommy, look at your dad, naawa ako sa kalagayan niya. Under observation pa rin siya at natatakot ako anak na mauwi sa stro

  • Yaya Lingling and the Billionaire's twin    CHAPTER 149

    CHAPTER 149 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “H-how? Paano nangyari iyon? May nagsabi ba sa inyo?” Sabay naman silang umiling ng kanilang mga ulo at bumalik ulit sa kanilang kinakain. Habang ako naman ay nakakunot ang noo. “How did you know?" Naramdaman ko ang pagyakap ni Kale sa akin sa likuran ko at pagdampi ng kanyang labi sa bandang tenga ko habang ang dalawang kamay niya ay nasa maliit ko pa na tiyan at bahagyang hinahaplos. “Hindi naman ako o kami pinanganak kahapon apo para hindi mahalata na buntis ka, sa katandaan kung ito, natatatandaan ko pa kung kailan lang yong kasal niyo at anong kasunod ng kasal? Di ba honeymoon? At sa mukha palang ng asawa mo, sureball na agad na lumalangoy ang sperm cell…sorry may mga bata pala.” Pagka-sabi ni Lola ay binalingan ko ang mga bata at nakita ko kung paano tinakpan ng dalawang kuya ko ang tenga ng mga anak ko gamit ang kanilang palad. Kaya tuloy nagtataka sila. At dahil sa sinabi ni Lola ay nanlumo ako. “Akala ko, ako a

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status