Beranda / Romance / You Are Only Mine(TAGALOG) / 36 In denial feelings

Share

36 In denial feelings

Penulis: Anna Marie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-10 13:40:43

PAGBALIK nila sa resort ay sakto namang pagdating ng kanilang hapunan. Napag-alaman nilang sa likod pala ng resort ay may maliit na bahay kung saan sa bahay na iyon niluto ang pagkain nila. Sa tantiya nila ay anak ng caretaker ang nagdala ng hapunan nila.

Isang batang lalake na kinse anyos ang may dala ng isang malaking tray na gawa sa kahoy na naglalaman ng mga pagkain nila. Presentableng nakaayos sa malaking tray ang pagkain nila na animo ay pang buddle fight. Sinapinan ito ng dahon ng saging na may disenyo sa mga gilid. Napapalibutan ng iba't ibang ulam at prutas ang kaning umuusok pa.

May inihaw na pusit, buttered shrimp, pork barbeque, hita ng manok na inihaw din, pritong tilapya. Mayroon din gulay na talbos ng kamote, nilagang talong at okra na may kasamang bagoong. May mangga, saging, at pakwan na panghimagas rin. Ang lahat ng iyon ay presentable naka-ayos sa malaking tray at gaganahan ka talagang kumain. May dinala din ang batang binata ng isang katamtamang laki na kaserol
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   SPECIAL CHAPTER: THE BIG DAY

    After five years in Japan, Miguel and Gabriella returned to the Philippines with their twins. Yes, Gabriella gave birth to twins! The couple have fraternal twins - a boy and a girl. Mas higit ang kasiyahan ni Moises at Mariella nang malaman mula sa ultrasound na kambal ang dinadala ni Gabriella. Sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Gabriella ay lumipad ang magbalae sa Japan upang salubungin ang panganganak ng buntis. Hindi mapagkakamalang kambal ang dinadala ni Gabriella dahil maliit lamang ang tiyan at hindi man lang nagbago ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis. Hindi naging madali kay Gabriella ang panganganak niya sa kambal dahil halos sampung oras itong naglalabor. "Oh God, honey! It really hurts," daing ni Gabriella sa asawa nang gumuhit ang matinding hilab sa tiyan papuntang puson. Kasalukuyang nakahiga si Gabriella sa birthing bed dahil ayun sa doctor ay fully dilated na ang cervix ni Gabriella at handa nang lumabas ang bata. Awang-awa si Migu

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   101 Ever After

    BEFORE the abduction... "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong kidnap-in natin ang asawa mo. At talagang isinama mo pa kame ni Mark," galit na galit ang tono ni Dave kay Miguel. "At talagang may dala ka pang pampatulog. Talaga bang pinagplanuhan mo ang asawa mo?" hindi maawat na sabi nito. Sinulyapan nito si Gabriella na walang malay habang nakahiga sa backseat at ang ulo ay nakaunan sa hita ni Miguel. Habang si Mark naman ang nagdadrive at napapailing na tumingin kay Miguel. "Pwede akong madisbarred sa ginagawa mo, Miguel," tinanggal nito ang nakatakip sa mukha pati na rin ang shades na pilit pinasuot sa kanya ni Miguel kanina saka hinagis sa kaibigan. Mabilis na nasalo ni Miguel ang hinagis ni Dave upang huwag tumama sa mukha ni Gabriella. "Wala nang kasunod ito. Una't huli na nating gagawin ito," pigil ang tawang sabi ni Miguel at tiningnan si Mark. "Sa Antipolo tayo," sabi niya. "Bakit doon mo dadalhin ang asawa mo? Bakit hindi mo na lang iuwi sa mansyon?" takang tano

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   100 Abduction

    SA BIGLANG pagdilat ng mga mata ni Gabriella ay wala siyang makita. Gumapang ang takot at pag-aalala sa isip niya dahil kahit saan niya ilinga ang ulo niya ay puro kadiliman ang nakikita niya. Idagdag pa ang nakabibinging katahimikan sa paligid. Pakiramdam niya ay para siyang kakapusan ng hininga. Ang dalawang kamay niya ay hindi niya maigalaw dahil nakatali ang mga iyon sa likod niya. Nakapiring ba ang mga mata niya kaya wala siyang maaninag at makita? Bigla ay naalala niya ang mga huling sandali bago siya panawan ng malay. Ang itim na kotse na pabalik-balik. Ang panyong itinakip sa ilong niya. At ang lalaking nakabalot ang mukha. Iyon ang mga naaalala niya. Kinidnap ba siya ng sakay ng itim na kotse na iyon? Gumapang ang kilabot sa katawan ni Gabriella. Noon niya nahiling na sana sa mga oras na iyon ay nasa Japan siya at kasama si Miguel. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan sa takot na baka may ginawa sa kanya ang mga lalaking iyon. Gusto na niyang magbreakdown at umiyak.

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   99 Cry Out Loud

    "I'M REALLY sorry, tito Moises," halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Samantha. Halos lumuhod ito sa harap ni Moises para magmakaawa. "The damage has been done, Samantha. Sana naisip mo muna ang mga naitulong ko sa ama mo bago mo kame siraan mag-ama ng ganoon kay Gabriella. Ni hindi ka nangimi na gumawa ng ganoong iskandalo dito mismo sa kompanya ko at sa mismong manugang ko pa!" hindi napigilan ni Moises ang tinitimping galit at naihampas ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagulat si Samantha sa paghampas na iyon ni Moises. Hindi makatingin ng deretso si Samantha dahil sa nakikitang sobrang galit na nakalarawan sa mukha ni Moises sa kanya. Ngayon lamang niya nakitang magalit si Moises. Mabagsik ang mukha nito at malayong malayo sa nakilala niyang Moises. Hindi niya akalain na ang laging nakangiti ay may tinatago palang bagsik pag nagalit. Si Dave ay tahimik lamang na nakatunghay sa pag-uusap ng dalawa at hindi humahalo sa usapan ng dalawa. Ang kaninang mataray at mapagmalaking babae ay

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   98 Confirmed

    "PRIDE ang umiiral sa iyo, kaya ka ganyan. Nagpadala ka sa mga sinasabi ng Samanthang iyon. Oo, totoo lahat ng mga nakita mo sa dokumentong iyon, pero hindi mo ba naisip na ginawa namin iyon ng Papang mo para sa ikakabuti mo? At sa part naman ni Miguel, ikaw mismo, Gabriella ang magpapatunay kung ano talaga ang hangarin niya sa iyo. Na talaga bang ginamit ka lang niya para masecure ang mana niya?" mahabang pahayag ni Mariella at tiningnan mabuti ang anak. Dalawang araw nang nakauwi ang anak niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ni Mariella ang anak. Umuwi ito na mugto ang mga mata at nagkulong sa kwarto. Hindi siya pinapansin ng anak at ramdam niya na may problema ito. Kung hindi pa tumawag si Moises ay hindi niya malalaman ang dahilan ng pag-uwi nito. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero sana kinausap mo ang asawa mo at hiningan mo siya ng paliwanag, hindi iyong naniwala ka kaagad sa sinasabi ni Samantha. Siguradong may dahilan si Miguel at si Moises kung ba

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   97 Unstoppable

    BAGO umuwi ng Bulacan si Gabriella ay sumaglit muna siya kay Anna na noong araw ding iyon ay nabalitaan niyang nanganak na at sa bahay lamang inabutan ng pangaganak. Masaya at maaliwalas ang mukha ni Anna nang makita siya, at taliwas naman sa tinatago niyang lungkot. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na. Binitbit lamang niya ang mga gamit niya at iniwan ang mga bagay na binigay ni Miguel sa kanya. Tanging ang wedding ring at ang engagement ring na suot ang hindi niya kayang iwan. Hindi naman ganoon kadali na sa isang iglap lamang ay mawawala ang pagmamahal niya kay Miguel. Pero ang sakit na dulot nito ay iniinda rin naman niya. At bago siya umalis ay kinausap ulit siya ni Moises. "Hindi pa alam ni Miguel ang plano mo. Hindi ko sinabi dahil baka sakaling magbago ang isip mo." huminga ito ng malalim. "Sa mga oras na ito, siguradong nagsisimula nang maubos ang pasensya ng anak ko dahil lahat ng tawag niya ay hindi ko sinasagot." Napalunok si Gabriella at nakaramdam ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status