แชร์

35 Relaxing Place

ผู้เขียน: Anna Marie
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-09 20:55:28

PAGDATING nila sa resort ay pinarada nila sa tabi ng motor ni Karl ang sasakyan nila sa parking area sa labas ng resort, mayroong bubong ang paradahan upang proteksyon para sa mga sasakyan ng costumer.

Sa gitna ng malawak at luntiang bukirin ay nakatayo ang isang pribadong resort. May mangilan ngilang kabahayan silang nakikita sa paligid ngunit malalaki ang distansya sa nasabing resort. Napapalibutan ito ng mga palayan na nagbibigay ng maaliwalas at nakakarelax na ambience.

Ang buong resort ay nababakuran ng katamtamang taas ng batong bakod na may disenyong tatlong layer na bakal. Ang pinaka gate nito ay yari sa narrang kahoy at may mga poste na may ilaw sa itaas. Sa itaas ng gate ay may paarkong bakal na nasasabitan ng kahoy na inukit ang pangalan ng resort.

Kinuha nila ang gamit nila sa likod ng kotse at sabay sabay na pumasok sa loob. Sinalubong sila ng may edad na babae na ayon kay Karl ay siyang katiwala ng resort.

Mula sa gate ay may pathway na gawa sa malalapad na hugi
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   36 In denial feelings

    PAGBALIK nila sa resort ay sakto namang pagdating ng kanilang hapunan. Napag-alaman nilang sa likod pala ng resort ay may maliit na bahay kung saan sa bahay na iyon niluto ang pagkain nila. Sa tantiya nila ay anak ng caretaker ang nagdala ng hapunan nila. Isang batang lalake na kinse anyos ang may dala ng isang malaking tray na gawa sa kahoy na naglalaman ng mga pagkain nila. Presentableng nakaayos sa malaking tray ang pagkain nila na animo ay pang buddle fight. Sinapinan ito ng dahon ng saging na may disenyo sa mga gilid. Napapalibutan ng iba't ibang ulam at prutas ang kaning umuusok pa. May inihaw na pusit, buttered shrimp, pork barbeque, hita ng manok na inihaw din, pritong tilapya. Mayroon din gulay na talbos ng kamote, nilagang talong at okra na may kasamang bagoong. May mangga, saging, at pakwan na panghimagas rin. Ang lahat ng iyon ay presentable naka-ayos sa malaking tray at gaganahan ka talagang kumain. May dinala din ang batang binata ng isang katamtamang laki na kaserol

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   35 Relaxing Place

    PAGDATING nila sa resort ay pinarada nila sa tabi ng motor ni Karl ang sasakyan nila sa parking area sa labas ng resort, mayroong bubong ang paradahan upang proteksyon para sa mga sasakyan ng costumer. Sa gitna ng malawak at luntiang bukirin ay nakatayo ang isang pribadong resort. May mangilan ngilang kabahayan silang nakikita sa paligid ngunit malalaki ang distansya sa nasabing resort. Napapalibutan ito ng mga palayan na nagbibigay ng maaliwalas at nakakarelax na ambience. Ang buong resort ay nababakuran ng katamtamang taas ng batong bakod na may disenyong tatlong layer na bakal. Ang pinaka gate nito ay yari sa narrang kahoy at may mga poste na may ilaw sa itaas. Sa itaas ng gate ay may paarkong bakal na nasasabitan ng kahoy na inukit ang pangalan ng resort. Kinuha nila ang gamit nila sa likod ng kotse at sabay sabay na pumasok sa loob. Sinalubong sila ng may edad na babae na ayon kay Karl ay siyang katiwala ng resort. Mula sa gate ay may pathway na gawa sa malalapad na hugi

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   34 Unnoticed

    NAGMAMADALING lumabas si Gabriella bitbit ang isang backpack na ang laman ay ilang damit niya na pamalit. Naging biglaan ang overnight swimming nilang magkakaibigan. Kaninang umaga ay dinaanan siya ni Karl para ipaalam sa kanya na ngayon hapon sila aalis. Sa isang private resort sa kabilang bayan nagpabook si Karl at magkikita na lamang sila kala Lora. Tatlo lang naman sila kaya magcocommute na lang sila ni Lora at si Karl naman ay magmomotor. Nasa labas na siya ng gate at nag-aabang ng tricycle na dadaan nang matanaw niya sa di kalayuan ang parating naman na kotse ni Miguel. Nang sa tantiya niya ay ilang dipa na lang ang layo sa kanya ni Miguel ay nakangiti siyang sumenyas ng free ride sign. Huminto sa tapat niya ang kotse ni Miguel at maya maya ay bumaba ang salamin nito. Yumuko siya upang silipin si Miguel. Nakakunot ang noo nito. "Pwede pong maki-hitch a ride, Mister Suplado?" maluwang ang ngiting tanong niya at sadyang pinapungay ang mga mata. Lalong lumalim ang pagkuno

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   33 Assurance

    "WALA po kayong dapat alalahanin, tita Mariella. Hayaan n'yo pong ako na ang maghandle nang tungkol sa amin dalawa ni Gabriella. Hayaan n'yo pong si Gabriella ang magsabi sa inyo." pahayag ni Miguel. Nasa kusina silang dalawa ni Mariella. Pagkatapos nilang kumain ay sinundan niya si Mariella sa kusina para kausapin. Si Ron at Gabriella naman ay naiwan pa sa kubo at nag-uusap. Mula sa bintana ay tanaw ni Miguel ang dalawa. "Wala namang problema sa akin kung may relasyon na kayong dalawa. At nagtitiwala ako sa iyo, Miguel." sabi ni Mariella. "Salamat, tita. At least, kahit papaano ay may alam kayo. Hayaan natin kung ano ang gusto ni Gabriella." huminga siya ng malalim at humarap kay Mariella. Inabot ni Mariella kay Miguel ang tinimpla nitong kape. Umusal ng pasasalamat ang binata. "Dito na muna po sana ako matutulog ng ilang araw. Kailangan ko pong suriin ang ilang lupang tatayuan ng warehouse," sabi ni Miguel at dahan dahang humigop ng kape. "Sasabihan ko si Gabriella na

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   32 Awkward

    HINDI kaagad nakaimik si Gabriella sa sinabi ni Ron. Ang mga mata ng dalaga ay biglang umilap at parang sa pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malapot. "Don't worry, Gabriella, I won't put pressure on you. It's always a good start to know each others well." tila nabasa naman ni Ron sa kilos ni Gabriella ang pag-aalinlangan ng dalaga. "Thank you, Ron, for understanding," nahihiyang sabi niya at alanganing ngumiti. Ngumiti ang binatang bisita ni Gabriella. Habang nagkukwentuhan sila ay sinusuring mabuti si Gabriella ang kabuuan ng bisita. Maharil ay hindi naglalayo si Miguel at Ron ng laki at bulto ng katawan. Mas develop nga lang ang katawan ni Miguel kay Ron, gawa na rin siguro na mas maedad ito kay Ron. Kumbaga ay fully grown na ang pangangatawan ni Miguel. Mestiso si Ron habang si Miguel ay hindi ganoong kaputian. Parehong bumagay sa kanila ang complexion ng balat ng mga ito. Parehong matangos ang ilong. Ang mga mata at labi ni Ron ay parang laging nakangiti habang ang k

  • You Are Only Mine(TAGALOG)   31 Manliligaw

    PARANG dinuduyan si Gabriella sa kasiyahang nadarama niya. Sobrang gaan ng pakiramdam niya at parang biglang naglaho ang bigat sa kanyang dibdib. Pagpasok niya ng kanyang silid ay kaagad niyang inilabas ang regalo ni Miguel sa kanya. Dahan dahan niyang inilabas sa dustbag ang signature's bag. Hindi siya mahilig mangolekta ng mga bag pero namamangha siya pag nakakakita ng kakaibang disenyo ng bag. Alam niyang sa klase pa lang ng bag na ito ay mamahalin na. Isang handbag ang niregalo ni Miguel sa kanya. Sobrang namamangha siya dahil napaka elegante ng handbag na regalo ni Miguel sa kanya. Kahit siguro mag ipon siya ng isang taon mula sa baon niya ay hindi pa rin sapat para makabili ng ganoon kagandang bag. May disenyo ito ng navy blue at puting guhit. Ang mga hawakan at strap nito ay gawa sa kulay-kapeng leather. Sa gitna ng bag ay may burdang emblem na kulay ginto at mga titik na "LV" sa loob ng palamuting korona ng mga dahon. Mayroong nakakabit din na keyychain sa hawakan ng ba

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status