Share

Chapter 3

Lumipas ang 3taon. Nakapagtapos si Lumiere at nakapagbukas siya ng sarili niyang art studio at kasama roon ang kapirasong space para sa kanyang matutulugan. Nagpe-paint siya at nabebenta niya ito sa mataas na presyo. At ang ilang obra niya ay naidisplay sa ilang gallery. Naiinbitahan siya sa mga art exhibition kaya lalo siyang nakikilala sa karerang kanyang pinili.

Sa mga taong iyon hindi nawala sa isip niya na isang araw uuwi si Drake para kamustahin siya kaya binago niya ang kanyang pananamit, gupit ng buhok at ngayon ay gumagamit na siya ng mga fashionable contact lenses. Naging conscious siya pagdating sa kanyang sarili. Lalong gumanda ang hubog ng kanyang katawan habang nagmamature siya.

Isang mensahe ang natanggap niya mula kay Coreen. Uuwi na si Drake at kailangan ay naroon siya upang salubungin ito. Magkahalong pagkaexcite at takot ang nasa puso niya. Napa-buntong hininga lamang siya. Sa tatlong taon hindi man lang siya nito naalala pero tinanggap niya itong lahat. Kahit ang pangungutya ni Layla sa kanya.

*Okay Mom I will be there..*

Dumating ang araw na umuwi si Drake. Nang dumating ito sa airport ay para itong artista. Naka sunglasses at nakaformal suit ito. Sila lang ni Coreen ang nakapunta para sumundo dahil abala ang ama nito sa kumpanya. Nagvolunteer si Lumiere na siya ang magmaneho ng kotse.

"Asan si Manong Julio?" Tanung nito. Dahil si Lumiere ang nasa driver seat.

"Nako nakaoff siya ngayon kaya si Lumiere nalang ang driver natin for today." Pagyayabang ni Coreen.

Napataas nalang ng kilay si Drake ng imaneho ni Lumiere ang sasakyan. Napansin ni Lumiere na hindi inaaalis ni Drake ang mga mata nito sa kanya. Pero hindi siya maaring makipagtitigan nalamang dito dahil sa responsibilidad niya bilang driver. Nang makarating sila sa mansyon agad na dumeretso si Drake sa kwarto niya. As usual ang ayos at kulay ay aesthetic parin. Humiga siya roon at nakatulog habang si Lumiere naman ay umuwi sa kanyang studio at di narin ipinaalam sa kay Coreen dahil pipigilan siya nito. Kailangan niyang tanggapin ang papel niya sa buhay ng isang Drake Achyls Hernandez. They are married in papers not in heart. And everything is just a show.

Kinabukasan nakatanggap siya ng message galing kay Drake.

*Where are you?*

*In my studio.*

*Address???*

'Anung kailangan nito bakit niya ako hinahanap?'

Ilang oras pa ang dumating. May nadoorbell sa studio niya. Nilabas niya iyon kahit ang suot lamang niya ay maikling spaghetti dress. Halos mapako ito sa suot niya dahil kahit sino ay maglalagkit pag nakita siya sa ganuong kasuotan. Kasabay pa ang ubok ng pw** at ang kanyang balakang natumitikwas habang siya ay naglalakad.

Namangha naman si Drake sa ganda ng studio nito. Pero hindi ito ang ipinunta nito dito.

"Let's divorce." Kaswal na sabi nito.

Napatingin sa kanya si Lumiere. Ngunit may halo na itong pagkalungkot. After 3years heto siya at makikipag-divorce.

"S-sana nagpaalam ka muna kay Lolo bago ka magdesisyon ng kung anu anu." Naka arm folded ito at nakatingin sa lapag.

"For what. Para pigilan ako. In a few more days I'll handed to you the divorce paper. Just sign it." Matigas nitong sabi.

"Hindi pa ba sapat na mag-asawa nalang tayo sa papel. Ni hindi kita ginulo sa tatlong taon. Basta pabayaan mo muna hanggang nabubuhay si Lolo." Pakiusap ni Lumiere.

"My decision is final. Kahit si Mom hindi na makakahadlang o ang lolo mo pa. I want to live my life. I want to reclaim my freedom. I think ikaw may nagustuhan ka ng iba for sure. Ibang iba kana. Sa pananamit at sa pagaayos. Tiyak may nagpapasaya na sayo." Panunudyo ni Drake.

Huminga siya ng malalim at lumapit sa lalaki.

"Wala akong nagustuhan or tinanggap na manliligaw dahil kasal ako sayo and I was hoping if this marriage will work. Try natin.."

Napakamot sa ulo si Drake. He still the immature guy he marry 3years ago.

"As if magwowork pa ito..I don't love you and I only wanted is my freedom. Name your price and I'll give that to you as alimony."

"I dont want your money, Si lolo lang ang makakapagdesisyon niyan." Tumalikod siya

"Puro nalang kayo about sa matanda. Pwede ba for once magdesisyon tayo na yung sa atin." Sigaw niya kay Lumiere.

Nabigla si Lumiere at humarap kay Drake.

"I can't because I'm still in love with you."

"F****. Edi lumabas din ang totoo. If you really love me t-then set me free. "

Biglang tumunog ang phone ni Lumiere. Tumatawag ang caregiver na nagaalaga sa kanyang lolo. Ipinatatawag daw siya nito. Ngayong Gabi.

"Next time na tayo mag-usap. Kailangan ako ng lolo ko. Bye Drake" paalam niya.

Nilagpasan lang siya ni Lumiere at iniwan sa studio nito.

Nang makarating ito sa kwarto ng kanyang lolo ay bigla itong sumugod at sinampal siya. May time na bigla nalang itong nanakit. At ngayon ay may binabanggit itong mga salita na gumulantang kay Lumiere.

"I-ikaw pa talaga ang sisira sa pangako ko kay Rodolfo. You ask him to divorce you?" Galit itong sabi kay Lumiere

"H-hindi po Lo, hindi po ako pumayag.."

Pero huli na dahil bigla itong natigilan at napahawak sa kanyang dibdib hanggang sa bumagsak ito.

"Lo!" Sigaw niya.

Namaalam ang kanyang Lolo ng gabing iyon . Hindi na siya muli pang pinaapak sa kanilang bahay. Pati sa burol ng lolo niya ay nasa malayo siya dahil ayaw nilang lumapit ito. Dahil si Lumiere ang sinisisi nila kung bakit namatay ang matanda. Sinunog ng kanyang aunt Rose ang lahat ng gamit ng kanyang ina at ni isang bagay na pagmamayari nito ay wala siyang nakuha. Tanging ang singsing lang niya ang natira.

Sinara niya ang kanyang studio ng ilang linggo at di siya tumanggap ng bisita at phone calls. Umiyak, nagluksa at literal na magisang pinagdadaanan ang lahat.

'Lo, hindi po ako ang nag-initiate ng divorce. It was him. Maybe he planned it all along. Mahal ko siya kaya hindi ako ang may kagustuhan..please Lolo maniwala po kayo..' patuloy lang siya sa paghikbi dahil sa sakit na wala ni isang taong natitirang nagmamahal sa kanya. Mula ng mawala ang kanyang mga magulang ay ang lolo nalang niya ang natirang dahilan para magpatuloy. Ngayon wala na rin ito at magagawa na ni Drake ang gusto niya. Makakalaya narin ito sa pagkakatali sa isang pangako. Walang kwentang pangako dahil halip na buuin siya nito ay winasak siyang lalo.

Matapos niyang magmukmok ng halos 1 buwan naisip niyang mag-ayos at for the first time pumunta sa isang mamahaling bar para uminom. Wala na sa kanyang maghahanap pa. Suot niya ang pinaka-revealing niyang damit. Tapos naglagay siya ng Eyeliner na itim. Medyo pumayat siya dahil sa iregular meals niya dahil sa pagkukulong niya.

Walang kaibigan at kasama pinasok niya ang bar na iyon. Sa labas palang ay maririnig na ang malalakas na music. Dumeretso siya sa counter at nagsimulang uminom.

"Isa pa Sir.." sabi niya hanggang sa maging magiliw na ang tono ng boses niya.

"Thanks" sabay kindat sa batang bartender..

Matapos ay hinila naman siya ng mga paa niya sa dancefloor.

Nayayanig ang kanyang mundo hanggang sa umepekto na ang alak. Ang bawat musika ay sinabayan niya ng nakakaakit na sayaw. Sumigaw siya at humalakhak. Hanggang sa may lalaking humaklit sa bewang niya at simulan siyang halikan sa leeg.

Nagpakawala siya ng mahinang ungol. At bigla nalang siyang sumigaw na.."Wanna S** with me..Yohooo."

"Sure.." sagot ng lalaking halos lapain na ang buo niyang leeg. Dinala siya nito sa sulok kung saan medyo madilim. At bigla siyang nitong hinawakan sa sa may pw**t at tumawa pa siya. Ngunit isang lalaking nagsisigaw sa galit ang papalapit sa kinaroroonan ni Lumiere.

"Get off her..Man she is my wife.." paulit -ulit pero hindi na tinag ang dalawa. Hanggang sa suntukin ito ng lalaki. Sa sobrang takot tumakbo papalabas ng bar si Lumiere.

"Lumiere!" Pero di niya ito pinakinggan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status