Share

Chapter 2

Author: Lexie Onibas
last update Last Updated: 2023-08-11 06:19:34

Nang dumating si Drake ay inakay agad ito ni Alphonse sa harap ng pari. Isinantabi muna niya ang pagpapaliwanag. Nagsimula ang seremonya ng kasal. Pailang beses niyang tinignan ang mukha ng lalaki at ng huli ay napatingin din sa kanya ito ngunit nakasimangot ito.

Nagpalitan sila ng singsing at dumako sa huling parte. "You may kiss the bride." Humarap sila sa isat-isa at ngayon ay halos magwala ang kanyang puso sa kaba. 'Badum, Badum, Badum' At ang tanging nagawa nalamang niya ay ang pumikit at hintayin ang pagdampi ng labi ni Drake sa kanya. Mabilis lamang iyon ngunit para sa kanya ay katuparan ng pangarap niya. Nuon kasi puro pagpapantasya lamang ngayon opisyal na siyang asawa nito.

At binulungan siya nito. "Anu bang halik ang gusto mo..open your eyes." Sarkastikong sabi nito.

Humarap sila sa mga panauhin. Nagpalakpakan ang mga ito. 'As if we are happily married' bulong nito ngunit rinig ito ni Lumiere kaya pati siya ay nadamay sa bad vibes nito. Sa reception nakita niya si Layla halos ubusin nito ang mga wine dun kakatungga. Kaya tinungo niya ito.

"Layla, lasing kana.." Sabi niya.

"My Darling Cousin..ooowww.." Sigaw nito kaya ng makita ito ng matanda ay hinatak ito sa isang tagong lugar. Duon nakita ni Lumiere kung paano tratuhin ng matanda ang pamilya ni Rose.

'Pak' dumapo ang kamay ng matanda sa pisngi ng kanyang pinsan. Habang nakayakap si Rose sa ama nitong galit na galit.

"Puro nalang kayo kahihiyan. Mga walang hiya. Kasal ito ng pinsan mo pero naglalasing ka at hinihiya mo ang pamilya natin. "

"Papa tama na. Pasensya na kayo sa anak ko." Pakiusap ni Rose pero nanlisik lamang ang mga mata ng matanda sa kanyang anak.

"Turuan mo ng kagandahang asal tong batang ito. Oh baka pati ikaw wala nun." Panunudyo ng ama.

"Lo, puro nalang si Lumiere..wala ng maganda sa mata nyo kundi siya. Unfair kayo.."habang hawak hawak ang pisngi nito.

Tumalikod nalamang siya dahil sa mga narinig at eskandalong ginawa ng kanyang pamilya. Laglag ang balikat na pumunta siya sa upuan nanakalaan sa kanila ni Drake. Even Drake was not here. Lahat sila nagkakasayahan ngunit si Lumiere ay nakatunghay sa langit.

"Ma, sana nandito kayo sa tabi ko para naman hindi ako ganito kalungkot. Kasal ko ba ito o burol?' bulong niya. Napansin niyang bumalik na si Drake sa tabi niya pero mukhang katulad ni Layla lango narin ito sa alak. At may mga marka ng lipstick sa kwelyo nito.

"Nagsisisi kana ba?"Tanong nito.

"Hehehehe..ako nagsisisi. Hindi noh." Balik ko sa kanya. Kahit anu paman ang gawin niya ay kasal siya sa akin. 'Nasisiraan kana ba Lumiere. Kagagaling lang siya sa mainit na make-**t tapos di kapa nagsisisi niyan. Ganyan kaba ka baliw sa lalaking yan.' sita niya sa sarili. Halos sumungaw ang kanyang luha ng marinig ang sarili.

"Kala mo talaga matutunan kitang mahalin. You're wrong!" Sabi ni Drake habang inuubos ang laman ng baso.

"Matagal nakitang gusto..nasa highschool palang tayo.." Pag-amin niya

"So, ikaw ang nag-fuel kay lolo mong i-push ang kasal naito? I hate you." Sabi ni Drake.

Hindi narin niya naiwasan na inumin ang baso ng alak sa malapit. Marami-rami narin siyang nainom ng ihatid ni Coreen sa kwarto designated para sa newly wed.

"T-tita.." Sambit nya.

"Call me Mom from now on.."

"Si lolo po hindi na ako nakapag paalam. Sino po ang maghahatid sa kanya?" Tanung ko

"Kami na bahala kay Tito. Dun siya sa bahay magpapahinga. Don't worry just enjoy your night together." Paalam ni Tita.

Iniwan siya roon at nakatulog. Kinaumagahan suot parin niya ang damit niya. Ibig sabihin ay walang nangyari sa kanila ni Drake at baka nga hindi ito pumasok sa kwarto nila. Dahil wala naman itong iniwang bakas na nagtungo roon. Tumagilid siya at umagos ang kanyang luha. Ilang minuto siyang nanatiling nakahiga. 'Ganun ako kapangit para hindi siputin sa honeymoon namin.' Humagulgol siya sa pagiyak at dahil sa hindi niya makayang pigilan ang kanyang luha ay hinubad niya ang kanyang damit at nagbabad sa shower. Muli niyang pinagmasdan ang singsing na kanyang suot.

Matapos ay nilisan niya ang lugar naiyon at nagtungo sa puntod ng kanyang mga magulang. Sumalampak siya at nagsindi ng kandila.

"Mom I'm married..Yes I'm already married to a man who is not in love with me. Despising me because of my appearance. Shsshh..But Its okay. " Bulong niya sa kanyang ina.

Ilang saglit pa ay nakatanggap siya ng text sa isang number na hindi nakaregister sa phone niya.

* Be at my parents house tonight at 5pm sharp.*

Isa lang naman ang magmessage sa kanya ng ganun kundi ang lalaking iyon. 'Drake'

Tumigil muna siya roon ng matagal. Mas peaceful kasi duon kesa sa buhay na kinalalagyan niya ngayon. Hamakin mo kasal ka sa lalaking matagal mo ng pinagpapantasyahan kaya lang kinasusuklaman ka naman at galit sayo ang mga kamag-anak mo dahil sa espesyal na turing sayo ng Lolo mo.

Bago paman siya tumungo sa mansyon ng mga Hernandez ay nagpunta siya sa isang salon at pinayos niya ang kanyang buhok. Matapos ay huminto sa isang bookstore at tumingin ng mga libro. Sa paglabas niya ay naamoy siyang waffles kaya sinundan niya ito at muli ulit tumambay.

'I will enjoy my life while I can.' Bulong niya. At sa sunod niyang pagtingin sa relo ay oras na para pumunta sa Mansyon. Nag-taxi siya papunta roon.

'55, 56, 57, 58, 59, ...5:00pm"bilang niya habang hinahakbang ang paa sa pinto. Mula roon ay nakita na niya si Drake.

"There you are..how's your honeymoon alone.."pang aasar nito. Tinignan niya ito.

"It was fine..very fine.." Proud na proud siya sa sarili dahil sa hindi na siya naii-starstruck dito. Kahit stuttered biglang nawala. Ngunit bigla nalang nawala ang kanyang lakas ng loob ng biglang sumulpot si Coreen.

"Andyan na pala kayo.." Bati ng ina.

"Yes Mom..I think kelangan muna niyang magpahinga sa taas dahil mukhang napagod siya kagabi." Udyok ni Drake. Sabay hawak sa kamay niya paakyat ng kwarto. Sumimangot si Lumiere pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Okay. Be here at 7pm for dinner.."

"Yes Mom" Sagot ni Drake.

Binuksan nito ang pinto at itinulak si Lumiere sa loob. At napasubsob siya sa kama nito. Pinilit niyang tumayo at pumunta sa pinto pero nahuli siya nito at hinigit ang kanyang kamay.

"What are you doing?" Tanung niya. Pero malakas si Drake. Para lang siyang papel na humampas sa kama nito.

"Anu nga ba sa tingin mo?" Nanlaki ang mata niya ng bigla itong umibabaw sa kanya. At hawakan ang magkabilang wrist niya.

"Please."

"Please..What? "

"Wag mo itong gawin sa akin. Oo na hindi ako ang nag-push ng kasal." Sigaw niya.

Halos dumampi na labi nito sa kanya kaya ang tanging nagawa lamang niya ay ipikit ang kanyang mata at ibiling ang ulo niya sa gawing kanan niya." Umagos na ang kanyang luha sa sakit at sa higpit ng pagkakahawak ni Drake.

"I disgust you. " Bulong nito sa kanyang tenga. "Tingin mo papatol ako sayo. In your dreams. Ayusin mo ang sarili mo bago ka humarap kila Mom. And one thing I will be leaving tonight."

Binitawan siya ni Drake at umupo sa gilid ng kama. Umalingawngaw ang mga salita niya sa tenga ni Lumiere lalo ng sabihin niyang aalis siya. Kakakasal lang nila pero pagalis na agad ang gagawin dahil nakakadiri lang naman kasi daw siya. Inayos niya ang sarili at tumayo.

"Kahit anu pang gawin mo kasal tayo. Kahit pagtabuyan mo ako at kamuhian. Mag-asawa parin tayo at gagawin ko lang ito dahil kay Lolo."

"Gawin mong lahat wala akong pakielam. Hahanap lang ako ng pagkakataon para tapusin ang lahat ng ito." Sagot sa kanya ng lalaki.

"One day you will beg at my feet to be love by me. Yung mga panloloko pagbabayaran mo itong lahat." Para itong sumpa.

Bigla siyang nakaramdam ng inis sa sinabi ni Lumiere.

"What? kasasabi mo nga lang na gusto mo ako at nung Highschool pa yang pagpapantasya mo..is that a joke. Pwes hindi nakakatawa."

Sumama siyang naghatid sa airport kay Drake but She never look at his eyes.

"Sabi ko naman wag ka muna umalis hindi pa tapos ang honeymoon ninyong dalawa." Sabi ng ina nito.

"Mom Study first right.."sabi ni Drake.

'Everything was a f**king Lie.'

Ilang araw pa ay bumalik siya sa pamilya niya. Kailangan din niyang tapusin ang pagaaral niya. At alagaan ang kanyang lolo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You and Me Again? (Tagalog)   Author Notes

    Hi Milabs,A year din ang inabot ng story na ito at labis-labis akong nagpapasalamat sa pagbabasa ninyo sa aking munting akda. Medyo matagal din ang pag-update ko pasensya na po kayo. Pangalawa itong story na sinimulan ko dito sa Goodnovel. Bilang isang baguhang manunulat sana po ay nagustuhan ninyo ang story nila Lumiere at Drake na nagstart sa isang Arranged Marriage at mala-roller coaster na taguan ng totoong nararamdaman. Sana po ay suportahan din po ninyo ang iba ko pang story dito kay GN. Utang na loob ko po ito sa inyo na laging naka-antabay sa updates ko. May ilang chapters pa po tayo bago tuluyang isara ang kuwento nila Drake at Lumiere. Gusto ko lang mag-pasalamat sa inyo. Hanggang sa huli!Maraming Salamat po sa inyo!Lexie,

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 73

    LUMIERE POV“Drake, mukhang manganganak na ako?” ani ko kay Drake na nasa kusina at may kung anong niluluto. Pinatay niya ang kalan at pinukol ako ng mapag-alalang tingin.Dali-dali niya akong nilapitan at bakas’ron ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko pa nakita ang ganitong itsura ni Drake. At sa ganitong eksena hindi ko narin magawang maipinta ang mukha ko. “May masakit ba sa iyo? Tell me where? or just tell me you’re atleast okay!” taranta niyang sabi. Hinubad niya ang kaniyang suot na apron at binalibag nalang kung saan. Saka ako hinawakan. “I’m in labor, Drake! Yes, I’m gonna be okay basta dalhin mo ako sa hospital ngayon ‘din!” mahinahon kong sabi pero mukhang lalo ko lamang siyang pinakaba at pinag-alala.Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng bahay at hindi niya malaman kung bubuhatin na ba niya ako or hindi? Kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya. At pinakatitigan ko ang mga mata niya.“I’m gonna be okay! Just drive!” “O-Oo.” Kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay n

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 72

    Nagising si Lumiere dahil sa sinag ng araw na tumagos mula sa bintana. Naramdaman niya ang maiinit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Si Drake. Natulog sila ng magkatabi dahil nag-aalala ito at hindi din kasi mapigil ang kaniyang pag-iyak. Kumislot siya pero nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito at naalala niya ang unang beses na makita niya ito noon sa Campus. Magkaiba sila ng mundo noon at hindi sa hinagap ay mapapansin siya nito. Mabigat parin ang kaniyang talukap at nagsisimula na namang mangilid ang kaniyang luha. Kahit mahina ang kaniyang hikbi ay nagising si Drake. Pinunasan nito ang unang luha na umagos at kinintalan siya ng halik sa noo, sa ilong at marahang dampi sa kaniyang labi.“L-Lumiere, mag-start ulit tayo,” panunuyo ni Drake.“H-Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula’t kung paano ko iha-handle ang sarili ko. I was still recovering,” nangangatal na sagot ni Lumiere.“Andito ako sa tabi mo. Bubuo ulit tayo ng pa

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 71

    HINAWAKAN ni Drake ang mga kamay ni Lumiere at minasahe ng kaunti. Gayundin ang saya ng mga titig nila sa isat-isa.“How are you?” tanong ni Drake habang hindi binibitawan ang kaniyang mga palad.“Ahmm. I’m okay.” may pamumula sa mga pisngi ni Lumiere habang ngumingiti kay Drake.“You know what? It feels like a dream to me, Lumiere.” “Sa akin naman para akong tumutulay na naka-blindfold. Wala parin akong matandaan,” ani ni Lumiere.“Don’t worry, I’ll help you out,” sabi ni Drake at biglang naging seryoso ang mukha nito. “Thank You! Magkuwento ka about sa atin,” sabi ni Lumiere.“A-Actually, hindi naging maganda ang nangyari sa atin nitong mga nakaraang taon. But, I realize last night na kailangan mong malaman ang lahat. Promise me na hinding-hindi ka magagalit sa akin.”Bigla namang dumating si Coreen at pinukol niya ng matalim na tingin si Drake para huwag bumanggit ng kahit anong masamang memories kay Lumiere.“N-Nako halika na kayo sa dining para makapag-umagahan tayo.” muli niy

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 70

    NATAGPUAN ni Coreen ang anak na sapo-sapo ang mukha habang hinihintay na lumabas ang doktor na sumusuri kay Lumiere. Masyado ng maraming dugo ang nawala kay Lumiere, halos patay na siya ng matagpuan ni Drake.Lumapit si Coreen at umupo. “Son?” tawag ni Coreen. Bahagyang inangat ni Drake ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namumula ang mga mata.“Makakayanan ito ni Lumiere. Babalik siya sa atin.”“I know, Mom. Kayang-kaya niya ito,” Ngunit hindi niya napigilan ang hindi humagulgol ng iyak sa harap ng ina. Ito lamang ang nakakakita ng weak side ni Drake. Niyakap ni Coreen ang anak.“Be strong para sa kaniya anak. Magiging masaya na si Luke dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.”“Mom, sa tuwing nasa poder ko si Lumiere ay lagi nalang siyang napapahamak. Maybe I need to accept this. Pinilit kong bumalik siya pero bakit ganoon lagi siyang nalalagay sa panganib.”“Hahayaan mo nalang ba siya ngayon? Susundin mo na ba ang Dad mo?” pinunasan niya ang luha ni

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 69

    NAGSIMULA siyang mabalot nang takot para sa kaniyang buhay. Hindi na niya mapigil ang pagbuhos nang kaniyang luha ng oras ding iyon kasabay ang dumadagundong na kaba. Napansin siya ulit nang lalaki kaya’t muli siyang pinasadahan ng tingin at nilapitan.“Oh, Miss bakit ka umiiyak?” muling pa sanang magsasalita ang lalaki ngunit narinig nilang pareha ang pagdating nang isang kotse.Tinalikuran siya ng lalaki at tinungo kung sino ang nasa labas. Maya-maya pa ay nakarinig siya nang tunog nang nakatakong. Marahil ay ganito din ang naramdaman ng anak niya bago ito mawala.“Oooh my sweet cousin…” bungad nito. Naiangat niya ang ulo at pinagmasdan si Layla. Napaka-elegante parin nito sa pulang tight dress na suot nito.“L-Layla! Maguusap lang naman tayo hindi ba? P-Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa niya.“Sa tingin mo ay pakakawalan kita para ano? M-Maging masaya na kayo ni Drake? Wala akong ibang balak na gawin ngayon kundi ang tapusin ang kawawa mong buhay.” Kinuha niya ang baril mula sa kaniy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status