Home / Romance / You're Gonna Miss Me When I'm Gone / Kabanata 7 Hindi Magaling sa Kama

Share

Kabanata 7 Hindi Magaling sa Kama

Author: Cora Smith
Hindi pinahalata ni Lucian. Pero naintindihan naman ni Selena ang ibig niyang sabihin.

Kitang-kita ang epekto ng soup. Kung tutuusin, hiningi ni Selena ang recipe mula sa isang sikat na doktor.

Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Ano ka teenager? Hindi ka ba marunong maging marahan? Sige na bumili ka na."

She added, "Teka lang. Isama mo na rin si Calista. Dapat pumunta siya sa ospital. Masama kung ma-iinfect siya."

Walang masabi si Lucian.

Pero, hindi niya magawang tumanggi sa umaasang tingin ni Selena. Sa huli, tinawag na lang niya si Calista at niyaya itong bumaba pagkatapos magbihis.

Napaisip si Calista na baka may nangyaring hindi maganda dahil sa tono ni Lucian. Kaya, mabilis siyang tumakbo pababa pagkatapos magpalit.

Hindi niya inaasahan na makikita niya doon sina Selena at Lucian.

Medyo walang pakialam ang malalim na boses ni Lucian. "Hindi maganda ang pakiramdam mo. Samahan mo akong bumili ng gamot."

Hindi maiwasang magtaka ni Calista kung kailan niya sinabing may sakit siya.

Napatingin siya kay Selena. At sa wakas, naintindihan na niya ang nangyayari. Si Lucian ay nahuli ng kanyang ina. Ginamit lang siya nito bilang dahilan.

Hindi napigilan ni Calista na mapatingin kay Lucian. "Loko-lokong 'to!" Naisip niya.

Masyadong masaya si Selena nang mapansin ang tensyon sa pagitan nila.

Napansin niyang nakasuot ng masikip na jeans si Calista at sinabing, "Naku magpalit ka ng loose pants. Hindi ka gagaling kung ganyan kahigpit ang suot mo. Baka mainfect pa yan kapag masikip ang suot mo sa ganito kainit na panahon."

"Mom, ano pong sina..."

Nataranta si Calista. Hindi niya maintindihan kung aling bahagi ng katawan niya ang inakala ni Selena na nasugatan.

Pero, hinila siya ni Lucian. Nawalan ng balanse si Calista at natisod sa yakap niya. "Aalis na kami Mom. Magpahinga ka nang maaga," sabi nito sabay hawak sa bewang niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Selena. "Bakit ka naman ganyan sa kanya eh nasaktan na nga si Calista dahil sa'yo. Kung babae lang ang family doctor natin kanina ko pa siya tinawagan! "

"Okay," kaswal na sagot ni Lucian. Samantalang si Calista naman ay parang natulala. Nakalimutan pa niyang lumaban nang hawakan siya nito sa baywang at ihatid sa labas.

"Teka." Biglang may naisip na importante si Selena at nagmadaling pumunta sa kusina.

Bumalik siya na may hawak na isang bag ng mgaingredients. "Kunin mo 'to. Effective 'to. Pag may time ka, ipagawa mo 'to sa housekeeper niyo at inumin mo sa gabi."

Napatikom ang labi ni Lucian. "Pwede mo namang iwan para mainom ni Dad."

Simpleng sagot ni Selena, "Hindi 'to kailanganng Dad mo."

Dahil doon, natahimik si Calista.

Nagtaka si Calista, "Ang ibig ba niyang sabihin natural na magaling ang asawa niya sa kama o hindi magaling sa kama ang asawa niya na kahit anong soup ay hindi gagana? Hindi ito isang bagay na dapat marinig ng tulad ko."

Hindi kinuha ni Lucian ang bag. Kaya, itinulak ito ni Selena kay Calista. "Osiya bilisan niyo na. Wag lang kayong bibili ng gamot. Kailangan mong pumunta sa ospital para magpacheck-up."

Sa wakas ay nakapagsalita na si Calista pagkatapos lumabas ng Stansend Manor at sumakay sa kotse. "Anong sinabi mo kay Mom?"

Ayaw ituloy ni Lucian ang usapan. Nagtaas siya ng kilay matapos makita ang bag ng mga sangkap sa kanyang mga braso.

"Ano ? May balak ka ba talagang iuwi 'yan at gawin para sa akin gabi-gabi?" Pang-aasar ni Lucian.

Bumalik sa katinuan si Calista. Pagkatapos, itinapon niya ang bag sa likurang upuan na parang basura.

"Kilala talaga ng mga nanay ang anak nila 'no. Hinanda niya talaga 'yung soup para sa 'yo dahil alam niyang 'di ka magaling sa kama," sagot ni Calista.

"'Di ako magaling sa kama?" Nagmaneho si Lucian gamit ang isang kamay habang pinag-iisipan ang mga salita. "Eh naaalala mo ba 'yung first time mo? Sino kaya diyan yung kinailangan pa ng stitches at naconfine nang ilang araw sa ospital?"

Muli siyang sinulyapan ni Lucian.

Tumingin siya sa kanya ng may awa. "Hindi ba sumagi sa isip mo na kaya ko kinailangan ng mga tahi ay hindi dahil sa magaling ka pero dahil 'di ka nga magaling? Saan ka naman nakakita ng ibang babae na nagmamadaling magpatahi sa ospital pagkatapos ng first time niya? Isolated case lang 'yung tinutukoy mo 'no. Bakit hindi ka maglaan ng ilang sandali para pagnilayan yang kakayahan mo?

Pinikit ni Lucian ang kanyang mga mata, nakaramdam siya ng labis na pagkadismaya at galit. Inapakan niya bigla ang preno.

"Labas!"

Madaling sumakay ng taksi dahil nasa highway naman sila. Alam din ni Calista na nagmamadali siyang makarating sa ospital para bisitahin si Lily. Wala siyang interes na sundan pa ang lalaki. Ni ayaw niyang masaksihan ang pagiging lovey-dovey nila sa isa't isa.

Hindi nagdalawang isip si Calista. Buong kumpiyansa niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas dito.

Habang umaalingawngaw ang makina, isang ulap ng alikabok ang bumalot sa kanyang mukha.

Sumigaw ni Calista sa kotseng papalayo sa kanya, "Bakit ba inip na inip ka na? Hindi pa naman siya patay!"

Tanging katahimikan ang sumasagot sa kanya.

Pagkatapos noon, tumayo si Calista sa gilid ng kalsada at naghintay ng taxi. Pero, isang itim na Bentley ang huminto sa kanyang harapan.

Bumaba si Jonathan sa kotse at magalang na sinabi, "Madam Calista, inutusan po ako ni Mr. Northwood na ihatid ka pauwi."

Naunawaan ni Calista ang gustong ipahiwatig ni Jonathan. Bagama't itinapon siya ni Lucian sa kalsada, hinanap pa rin niya ito sa pamamagitan ng pagtawag kay Jonathan.

Wala siyang dahilan para pahirapin pa ang sitwasyon. Kaya pumasok na lang siya sa kotse.

Ang kanyang utak ay napuno ng paghihiganti sa pagbabalik. "Sobrang concerned ni Lucian as image niya, malamang magagalit 'yun kung iaannounce ko sa publiko ang divorce namin!"

Pero mas malaking problema pa ang kahihinatnan nito kahit pa gustong gusto ni Calista na maprovoke si Lucian sa mga oras na 'to.

Tatlong buwan na lang ang natitira, nasa humigit-kumulang 90 araw na lang naman. Matatapos na rin ito sa isang iglap.

Pero base sa nangyari ngayong gabi, alam ni Calista na hindi makakapaghintay si Lily ng tatlong buwan, lalo pa sa personality niya. Kung tutuusin, makabalik na siya sa bansa.

Gabi na nang makarating si Lucian sa ospital.

Nang makarating si Lucian sa hospital ward, narinig niyang pinagalitan ni Lily ang manager niyang si Queenie Yates.

"Ikaw ang dapat makinig sa'kin. Ako angnagpapasahod sa'yo. Sinong nagsabi sayong tawagan mo si Lucian nang hindi ako tinatanong?"

Nagmatigas din si Queenie. "Lily, hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Injured ka pero hindi mo sinusunod ang advice namin at pasikreto ka pang nagpapractice."

Hindi siya nagpatinag at patuloy na nangatwiran, "Hindi ka nakikinig sa doktor at sa amin, kaya si Mr. Northwood na lang ang tinawagan ko."

"Problema ko na 'yun. Hindi mo na dapat siya inabala. Kasal na 'yung tao. Ginawa mo lang kumplikado ang sitwasyon para sa kanya."

Kahit na ang kanyang mga salita ay walang pakialam, ang kanyang tono ay may bahid ng kalungkutan. Magdudulot ito ng simpatiya sa sinumang makakarinig sa kanya, lalo na ang panginginig ng boses niya.

"Nagpunta ka sa ibang bansa dahil hindi sinang-ayunan ni Madam Selena ang background ng pamilya mo. Dapat sinabi mo sa kanya imbis na tiniis mo. Ang hangarin mong maging world-class dancer ay hindi lang para sa sarili mo kundi maging karapat-dapat din sa kanya. Pero paano naman 'yun? Nagpakasal na siya—"

Natigilan si Queenie sa kalagitnaan dahil pumasok si Lucian. Ang nasabi lang niya ay, "Mr. Northwood."

After looking at Lily in bed, she added, "Tignan niyo muna ang injury ni Lily. Lalabas lang ako."

Nang makaalis si Queenie, naglakad si Lucian sa kama at tumingin kay Lily. "Itaas mo ang pantalon mo. Titignan ko ang injury mo."

Nang mahulog si Lily sa entablado kahapon, nagkaroon ng mahabang sugat sa kanyang binti. Ito ay nangangailangan ng higit sa sampung tahi.

Pero, hindi nakinig si Lily. Umiling siya at sinabing, "Huwag kang makinig sa kalokohan ni Queenie. Nag-e-exaggerate lang siya dahil nag-aalala siya sa akin—"

Pero, inunahan siya ni Lucian. Ang kanyang ekspresyon ay kalmado, pero ang kanyang tono ay nagpapakita ng kanyang pagkainip. "Itaas mo."

Napakagat ng labi si Lily. Nang makita ang hitsura ni Lucian, wala siyang ibang nagawa kundi itaas ang kanyang pantalon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 358 May Mangyayari Ngayong Gabi

    Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 357 Itinapon niya ba ang Love Letter ko.

    "Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 356 Manood Ng Action Movies

    Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 355 Hindi Makakalimutan ang Bastardong iyon

    Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 354 Nakipag-away Siya Sa Kanya

    Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag

  • You're Gonna Miss Me When I'm Gone   Kabanata 353 Ito ay Usaping Pang Pamilya

    Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status