Share

Chapter 6

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 10:48:30

Chapter 6

 

Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. 

 

Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. 

 

Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. 

 

"Ah. Good job." 

 

Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. 

 

Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. 

 

Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye ng katawan ng lalaki, ngayon kasi ay kitang-kita niya ang tikas ng katawan nito.

 

Suminghap siya nang mahuli niya ang mga kamay niyang nilalaro ang sariling dibdib. Hindi ito wasto kaya'y tinigil na niya ito. Kahit na guwapo ang lalaki ay maling pagpantasyahan niya ito sapagkat wala itong malay. Higit pa ay nakakababa sa pagkababae niya ang pagpantasyahan ang isang lalaking hindi niya pagmamay-ari. Tama na iyong isang gabing pagkakamali niya. Hindi na iyon dapat pang maulit. 

 

Nagbihis siya pagkatapos niyang maligo. Inayos niya ang sofa bed kung saan niya iniwan ang lalaki. Natatakot siyang may mangyari rito, kaya ay naglapag siya sa sahig ng banig at sinapawan niya lamang ng makapal na bedsheet upang hindi makalusot ang lamig ng tiles. 

 

"Fuck! Woman!" 

 

Nagising siya dahil sa sigaw ng lalaki. Umunat siya at umahon. Gusto pa niyang ipikit ang kaniyang mga mata subalit nakita niya ang lalaki na nakayakap sa dibdib nito. 

 

"Gising ka na pala," aniya. 

 

Mahapdi ang mata niya. Napuyat siya marahil palagi siyang nagigising sa biglang pagsasalita ng lalaki. Panay kasi ang tawag nito sa Sheryl na iyon. 

 

"What did you do to me?!" puno ng pagbibintang ng lalaki sa kaniya. 

 

"Sir, nagmagandang-loob lang po ako," sabi niya. 

 

Halos maiyak na ang lalaki. Para itong babae na nakatulog sa ibang bahay at nang magising ay nagduda na ginalaw siya. 

 

"W-Who took off my clothes? Ikaw?"

 

Tumango siya. 

 

"Wala tayong kasama rito, sir. Malamang ay ako ang humubo at humubad sa iyo, pero huwag kang mag-alala dahil wala na akong ginawa bukod doon. Nakita ko na ang lahat ng mayroon ka sa katawan mo, sir, kaya wala ka nang maitatago pa sa akin. Isa pa, wala namang malisya ang ginawa ko sa iyo. I am returning the favor to you. Tinulungan mo kaya ako noon."

 

Huminga nang malalim ang lalaki. Kahit papaano ay nakitaan niya ito nang pagkapanatag. Binaba nito ang mga paa sa sahig subalit agad niya rin itong binawi. 

 

Kahit na mabigat ang katawan ay umahon siya at agad niyang kinuha ang inside sleepers niya. 

 

"Isuot mo iyan," aniya. 

 

Lumunok ang lalaki at tinitigan niya nang maigi ang tsinelas na may Ariel na design. 

 

"A m-mermaid?"

 

"Sir, don't worry because I don't have any transmitted disease. Isuot mo iyan nang hindi malamigan ang mga paa mo. If you think that you will be gay if you wear that, I am telling you that you are a gender discriminator."

 

"T-Thanks."

 

Inayos niya ang higaan niya. Nang natapos ay nag-isip siya kung ano ang dapat niyang gagawin. Mayaman ang lalaki kaya'y may daily routine itong sinusunod. Ang problema ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng lalaki pagkagising nito sa umaga. 

 

Minabuti niyang tumungo sa kusina. Nakita niya na may mga hugasin pa, kaya ay inatupag niya ang mga ito.

 

Patapos na siya sa ginagawa nang bigla niyang naalala na nasa apartment niya ang lalaki. 

 

Sinilip niya ang lalaki. Binuksan nito ang mga bintana at tumanaw ito sa labas. Pumikit ito at nakita kung paano ito lumanghap ng sariwang hangin. Biglang ngumiti ang lalaki, kaya ay napaisip siya kung ano ang rason ng mga ngiting ito. 

 

Bahagyang nalumbay ang kaniyang puso nang maalala ang ex-boyfriend niyang si Lukas. Ganito ang madalas na gawin ni Lukas noong magkasama sila. Una nitong binubuksan ang bintana at lumalanghap ng sariwang hangin. 

 

Naisipan niyang timplahan ng kape ang lalaki. Nang natapos ay dinala niya ang isang tasa ng  mainit na kape sa sala. 

 

"Sir, kape," aniya. 

 

Humarap sa kaniya ang lalaki. Agaw-pansin ang malaking umbok nito. Halata masyado na malaki at mahaba ang alaga ng lalaki dahil sa manipis ang tela ng jersey short na pinasuot niya rito. 

 

"I-Ilalagay ko na lang dito." Nilapag niya ang tasa sa maliit na table. 

 

"Samahan mo akong magkape," alok ng lalaki. 

 

"S-Sige, sir. Kukunin ko lang ang kape ko."

 

Kinuha niya ang kaniyang kape at agad ring bumalik. Nakita niya na nakaupo ang lalaki habang sinisimulan na nitong simsimin ang kapeng tinimpla niya. 

 

Hindi siya tumitig sa lalaki dahil sa ilang na naramdaman niya. Lubos naman talagang nakakailang na nasa loob ng apartment niya ang lalaking kumuha ng virginity niya. 

 

"Did I talk nonsense last night?" biglang tanong ng lalaki.

 

Tumitig na siya sa lalaki sa pagkakataon na ito.

 

"P-Po?"

 

Muling sumimsim ng kape ang lalaki bago nito nilapag ang tasa sa lamesa. 

 

"Hindi ko nakokontrola ang sarili ko kapag lasing ako. I-I talk nonsense when I am drunk. Matagal naman akong malasing, pero kapag umiinom ako upang takasan ang problema ay tama ng alak ang siyang naghahari sa akin." 

 

"Parang hindi naman nonsense iyon," bulong niya. 

 

"Pardon?" Akala niya ay hindi narinig ng lalaki ang sinabi niya pero nagkamali siya. 

 

"Wala po, sir. Ang sabi ko po ay hindi naman nonsense ang mga sinabi niyo kagabi. Honestly, you were calling her name all night long." 

 

"That's what I mean." Inubos ng lalaki ang kape nito. "Huwag mo na lang intindihin kung ano ang mga narinig mo mula sa akin. Those words were just coming out of a drunk person." 

 

Mabilis na ngiti lamang ang tugon niya. 

 

"By the way, will you mind if I ask you something?" 

 

"Ano naman iyon?" 

 

"Ang mga damit na pinasuot mo sa akin. Sa kapatid mo ba ito?" 

 

Diniin niya ang mga labi niya sa isa't isa. Wala siyang kapatid.

 

"H-Hindi."

 

"Cousin?"

 

"Hindi rin."

 

"E, sino ang nagmamay-ari nito?" 

 

"Sir, ano po ang gusto niyong kainin? Ipagluluto kita."

 

"Iniiwasan mo ba ang tanong ko?" 

 

Tumingin siya sa nakabukas na bintana. Naghahanap siya ng taong malabasan niya ng lahat-lahat ng sakit na pinaranas ni Lukas sa kaniya, pero hindi ang lalaking ito ang taong iyon.

 

"Siguro. Ayaw ko kasing pag-usapan ang lalaking nagmamay-ari ng mga damit na iyan."

 

"Ex mo? He was the reason why you were wasted that night? Tama ako, ano?" 

 

"Yeah. Kaya huwag na natin siyang pag-usapan pa, sir." 

 

"Mabigat ang loob mo ano? I can tell that."

 

"If you are being cheated by someone you love with the person you trusted most, are you not going to feel heavy?"

 

Hindi niya namalayan na iyon na ang simula ng kaniyang pagkuwento tungkol sa nangyari sa kaniya. 

 

"Hindi ko inakala na mangyayari sa akin iyon, kaso ay mapaglaro ang tadhana. Kung kailan ay akala mong established na ang relasyon niyo ng partner mo ay roon ka susubukin ng tadhana."

 

"Lasing na lasing ka noong gabing iyon. You even fainted on the road."

 

Huminga siya nang malalim. Hindi eksakto ang pagkakaalala niya ng mga nangyari noong gabing iyon. Ang tiyak na alam niya lamang ay nakipag-one-night stand siya sa isang lalaking hindi niya kilala. 

 

"Noong araw iyon lang ako uminom nang ganoon. Niloko ako ng boyfriend ko. Ang masaklap ay sa kaibigan ko pa siya nakipagtalik at sa loob pa mismo ng apartment na ito." 

 

"Reason?"

 

Bahagya siyang natawa. 

 

"Dahil ilang years na kaming magkasintahan pero hindi ko siya hinayaan na galawin ako. A-Ang nakakainis, ilang taon kong inalagaan ang virginity ko pero nakuha lang sa akin dahil lasing ako at hindi ko makontrola ang sarili ko."

 

"My apologies," sinsirong sabi ng lalaki sa kaniya. 

 

Tumingin siya sa mga mata nito. 

 

"Hindi mo kasalanan iyon, sir. Ako ang may kasalanan dahil bigla na lang akong humarang sa daan dahil gusto ko nang matapos ang buhay ko. Nagmagandang-loob ka lang naman."

 

"But still, I took something important from you, and I know I am not able to return it."

 

"Ako naman ang pumilit sa iyo noong gabing iyon kahit na alam kong mali. You are hesitant that night."

 

"Ginawa ko pa rin. That's why I am saying sorry."

 

Ang pinag-usapan lang nila ay ang nagmamay-ari ng mga damit na suot ng lalaki, pero umabot na naman sila sa gabing may nangyari sa kanila. 

 

"Hayaan na natin iyon. Hindi tama na sisihin kita. Ako ang naging pabaya. Let me face the consequences of being stupid."

 

Inisip niya na dahil sa lubos na sakit na dinulot ni Lukas at Stephany sa kaniya ay nakagawa siya ng bagay na hindi niya gusto. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Tapos na iyon at hindi na niya maibabalik pa ang kaniyang virginity. 

 

He took a bath before he got back to his work. Tumawag ang secretary niya kanina at pinaalala sa kaniya na ngayon ang schedule niya upang makipagkita sa isang bigating tao. It's the man of Bullet Station, isang sikat na kompanya na nagbebenta ng mga bala ng baril. Naisipan niya kasi na makipagsosyo sa Bullet Station nang sa ganoon ay matiyak na pulido ang mga bala na nabibili nila.

 

"Lim, kindly call Taurus for me," utos niya sa secretary niya. 

 

"Alright, sir."

 

Napatigil siya nang maalala ang babae. Unti-unti na niyang naiintindihan ang babaeng akala niya ay mahirap basahin. Pero hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkadismaya niya sa sarili.

 

Hindi ba siya gusto ng babae? 

 

Well, he can't push someone to like him. Base sa kuwento ng babae ay halata na mahal talaga nito ang ex-boyfriend na nanloko sa kaniya. Wala siyang nararamdaman para sa babaeng iyon, kaya ay alam niya sa sarili niya na pride niya ang kalaban niya. 

 

Binigay ni Lim sa kaniya ang cellphone niya. Narinig niya na nagsasalita si Taurus, kaya ay nagmadali siyang tumugon. 

 

"Hey, Tau."

 

"Nauna raw umuwi si Lily kagabi, ah. It looks like you drank a lot."

 

"Well, yeah. But don't worry, I didn't mess with anything."

 

"Didn't have a one-night stand?" natatawang tanong ng kaibigan niya. 

 

"Walang ganoong nangyari kagabi." Nakangiti siya habang nagsalita. Never in his life did he experience waking up in the morning and have a chance to breathe out of the fresh air. That happened because the woman who he had sex once with brought him to her place. 

 

"Why did you sound happy?"

 

"Wala lang. There's no such way not to feel happy, Tau. Life is beautiful." 

 

Maging siya'y nanibago sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay na-recharge ang lakas niya sa kabila ng pagkadismaya niya sa sarili dahil hindi man lang binigyan ng pansin ng babae ang kaguwapuhan na taglay niya. Wala namang nangyari kagabi sa kanila ng babaeng nagdulot sa kaniya ng insecurity, pero pakiramdam niya'y may magandang rason kung bakit sila nagkatagpo muli ng babae. 

 

Pareho silang iniwanan ng mga taong inalayan nila ng kanilang tapat na pagmamahal. Kaya siguro pakiramdam niya'y hindi mahirap pakisamahan ang babae dahil mayroon silang parehong denominator, iyon ay pareho silang sawi sa pag-ibig. 

 

"Life is beautiful pa nga! Kilala kita, Scorps," sabi ng kaniyang kaibigan. 

 

Naalala niya ang rason kung bakit siya tumawag. 

 

"By the way, tumawag pala ako sa iyo para sabihan ka na makikipagkita ako kay Signor Eldefonso."

 

"Oh! Sasamahan sana kita kaso alam mo naman na ang hirap makipagdeal sa Insik na pinatatrabaho mo sa akin. But I promise to make him agree with our price. Hindi ako magpapadala sa pagiging kuripot niya. Call me back kung ano ang resulta ng pag-uusap niyo ni Signor Eldefonso." 

 

"Alright. I will hang up now."

 

Inayos niya ang sarili niya. He checked out his looks and posture. 

 

"Lim, ikaw na ang bahala rito."

 

"Sige, sir."

 

Nagmadali siya sa paghakbang. Matagal na niyang gustong makipagsosyo sa signor, kaya ay gagawin niya ang lahat upang masungkit ang pakikipagsosyo ng signor sa kaniya.

 

Habang nasa biyahe siya ay naisip niya ang babae. Gusto niyang manatili pa kanina sa apartment ng babae, pero naalala niya na may dapat siyang asikasuhin ngayon. 

 

He finally arrived.

 

Iba talaga si Signor Eldefonso. Kahit na saan ito pumunta ay nakabuntot sa rito ang mga bodyguard nito, kahit sa loob lang ito ng mansyon. 

 

Nakipag-kamay siya sa signor bago sila tumungo sa loob ng bahay. 

 

He was mesmerized with the design of the signor's mansion. Para siyang pumasok sa isang classical na tahanan. The place was welcoming but couldn't be trusted because of the cameras that were planted anywhere. Isang maling kibo mo sa loob ng bahay ay bangkay ka na kapag lalabas ka. 

 

"Pasensya ka na sa bahay ko, Scorpio. Hindi hamak na mas malaki pa ang bahay mo kumapara rito," sabi ng matanda.

 

Ngumiti lamang siya. "It's fine. Hindi naman ako nandito para sa bahay. I will get to the point, signor. Nandito ako para makuha ang matamis mong oo." 

 

"Hindi ko basta-basta binibigay ang oo ko sa kahit na sino lang, hijo. Lalo na sa mga pipitsugin. Earn it if you want to have it." 

 

He was challenged because of what he heard. Akala niya ay bali-balita lang ang asal ng signor. Totoo pala na may kagaspangan ang ugali nito. 

 

Pipitsugin?

 

Paano naging pipitsugin si Scorpio Jacoby Melendres? He is one of the greatest men who built the Zodiac Imperio, the most popular men's organization slash company across Asia and some other countries outside of the continent. 

 

"Hindi kita susukuan, signor. I am here because I want to earn your precious yes. If you are not going to give me this time, then I will return here soon." 

 

"Bilisan mo," sabi ng signor. "Maraming nagkakandarapa sa oo ko. Kapag nahuli ka ay hindi na ikaw ang magiging partner ko. Standard pa naman ang quality ng mga bala na pinoproduce ng kompanya ko." 

 

Tumitig siya sa mata ng signor. "Standard din ang mga baril ko, signor. We fit together. Ako ang baril, ikaw ang bala. We will work better if we work together. Good bye for now, signor."

 

Walang ekspresyon ang mukha ng signor. Nang makabalik siya sa kaniyang sasakyan ay napamura na lang siya. 

 

"Fuck! Grabe naman ang matandang iyon. Pipitsugin? The nerve of him calling me pipitsugin! He is like that woman, Alyvia, who resisted me." 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 7

    Chapter 7Tapos na siya sa paghatid ng mga order ng mga kustomer sa bar. Napaisip siya sapagkat mamahalin ang mga inumin dito. May isang shot lang ng alak dito na nagkakahalaga ng higit sa 30,000.00. Katumbas na iyon ng sahod niya sa bar sa loob ng isang buwan. Kung siya lang ay hindi siya gagastos para lang matikman ang isang shot ng Heaven's Pee na iyon. Its worth was so much money to waste."Lyv, alam mo ba na marami na ang nalunod dahil sa malalim na pag-iisip?" Sinamaan niya ng tingin si Ben. Inis na inis siya sa lalaki dahil una itong umalis kagabi. Inirapan niya nang malagkit ang katrabaho. "Bumalik ka roon sa trabaho mo, Ben. Huwag kang umasta na wala kang ginawa kagabi.""Talaga ba? Hindi naman ako ang sinabihan ni Miss Lily na mag-over time para bantayan ang amo natin, ah." Hinila ng lalaki ang upuan at umupo ito paharap sa kaniya. Isang mapagtanong na titig ang binato ng lalaki sa kaniya. "E, sana ay nag-boluntaryo ka na lang. Ako pa talaga pinabantay niyo sa lalaking

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 6

    Chapter 6Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. "Ah. Good job." Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 5

    Chapter 5Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. "Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? "Mag-usap tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan.""Mayroon," maikling sabi n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 4

    Chapter 4Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. Nagmadali s

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 3

    Chapter 3"Damn it!"Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari."Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 2

    Chapter 2Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. "Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dul

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status