Share

Chapter 5

Penulis: Glad Fortalejo
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 10:48:06

Chapter 5

 

Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. 

 

Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. 

 

Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. 

 

"Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. 

 

Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. 

 

Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. 

 

Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? 

 

"Mag-usap tayo."

 

"Wala tayong dapat na pag-usapan."

 

"Mayroon," maikling sabi ng lalaki.

 

Tinapangan niyang tumitig sa lalaki. Nakakasilaw ang mukha nito. Para bang isa itong vacuum cleaner na hinihigop ang bawat parte ng katawan niya. 

 

"Tungkol saan?"

 

Saglit na tumitig sa malayo ang lalaki. Nang natiyak nito na walang tao sa paligid ay muli siyang tinitigan nito sa kaniyang mga mata. 

 

"About us. About what happened between us," tugon nito. 

 

Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata. Sa wari niya ay hindi naman nila kailangan pa na pag-usapan ang nangyari. 

 

Tinulak niya ang lalaki at nagpatianod naman ang katawan nito. Tumalikod siya sa lalaki at nag-isip bago humarap muli sa lalaking hindi man lang nangamoy alak sa kabila ng dami ng bote ng alak na kanilang ininom. 

 

"Ano na?" 

 

"Sir, wala tayong dapat pa na pag-usapan." Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong sinabi. "What happened between us should be left behind. Hindi natin mahal ang isa't isa at hindi rin tayo konektado sa isa't isa. Wala tayong dapat pag-usapan. Ang nangyari sa atin ay pagkakamali lang!"

 

"I took your virginity, and I should take responsibility for what I did."

 

"Kasisimula ko lang sa trabaho ko rito, sir. Ayaw ko na mawalan na naman ng trabaho. Sana naiintindihan mo ako. Kung makita mo man ako rito ay huwag mo akong pansinin. Isipin na lang natin na amo kita at empleyado mo ako. Nothing more."

 

"Miss-"

 

"Hindi mo ako responsibilidad. Pagkakamali ang nangyari sa atin. If it bothers you so much, you should be telling yourself that it doesn't matter to me anymore." 

 

Iniwanan niya ang lalaki kung saan man ito nakatayo. Bumalik siya sa table kung saan naghihintay si Miss Lily at si Sir Taurus niya. 

 

"Okay na ang pakiramdam mo?"

 

"Oo, sir. Salamat po sa pagkakataon na binigay niyo sa akin."

 

"Don't mention it. Be comfortable here. Kung may mambastos sa iyo ay sabihin mo agad kay Lily nang sa ganoon ay mabigyan niya ng aksyon." Tumingin sa paligid ang kausap. "By the way, hindi ba ay galing ka sa restroom? Nakita mo ba roon si Scorps?" 

 

Lumunok siya. Hindi niya lang nakita ang lalaki. Nag-usap pa sila at para bang ginawang malaking issue ng lalaki na naging ka-one night stand nila ang isa't isa. 

 

"Nakita ko lang siya papasok kanina sa restroom ng mga lalaki. Hindi nga ako sure if siya iyon."

 

"Nandito na pala siya." 

 

Umapoy na naman ang mga pisngi niya. Pilit niyang iwasan na tumitig sa lalaki subalit ay hinigop na naman siya ng presensya nito. 

 

"Scorps, how's our new waitress?" tanong ni Miss Lily sa lalaki kaya ay napatingin siya rito. 

 

Nag-tama ang titig nila. Ang lalaking sinukuan niya ng kaniyang virginity ay isa sa mga amo niya. Ngayon ay bibigyan siya ng kritiko nito. Napaayos tuloy siya ng pagkakaupo. 

 

"She's fine," tugon lamang nito. 

 

Talaga? Iyon lang ang sinabi ng lalaki? Maiinis ba siya o matatawa? Ang lalaking ito na ginawang malaking issue ang pagkuha nito sa virginity niya ay hindi siya kayang ilarawan nang maayos.

 

"Pagpasensyahan mo na si Scorps, Lyv. This friend of mine has the standard that no one could even beat. Kung mataas ang standard namin ay hindi ito umabot sa taas ng standard niya. Sometimes, I ask him if he is a human or a deity."

 

Napayuko siya. Mataas pala ang standard ng lalaking ito? Guwapo ito at mayaman. Kung mataas ang standard nito ay bakit siya pinatulan ng lalaki? Hindi hamak na isang brokenhearted woman lamang siya at mahirap. He fucked her, and he seemed to be in her tail now. 

 

"You are all the same," bulong niya. 

 

"What?" tanong ni Sir Taurus niya sa kaniya.

 

"W-Wala po. Sige po, sir, kailangan ko nang asikasuhin ang mga kustomer."

 

Tumayo siya at yumuko. 

 

"Thanks again, Lyv." 

 

Bumalik siya sa kaniyang trabaho. Kahit na hindi niya tingnan ang lalaki ay alam niyang nakatitig ito sa kaniya. 

 

"Ben, madalas ba rito ang mga amo natin?" 

 

Isang mapagbirong titig ang binato ni Ben sa kaniya. 

 

"Bakit? Type mo sila?"

 

"Ben!"

 

"Bakit ba? Lahat naman ng mga babae na nakakakita sa kanila ay gusto sila. Para ka ngang naulol kanina nang makita mo si Sir Scorps! Well, guwapo naman siya, pero siya ang pinakaproblematic sa kanila. But it doesn't matter; hindi naman siguro magiging issue iyon kapag nasa kama na siya."

 

"Ben, I am asking you not because I like them or what. Tinatanong ko dahil gusto kong malaman kung palagi sila rito."

 

"Tsk! Hindi mo naman kailangan itago sa akin ang lahat. I can keep your secret with me."

 

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi ka matinong kausap!"

 

Tumingin siya sa relo na nasa pulsuhan niya. Malapit na matapos ang oras ng trabaho niya. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at sinulyapan niya ang lalaki. 

 

Tinatago niya sa lalaki ang totoong naramdaman niya nang sinuko niya sa lalaki ang bandila na kaniyang inalagaan sa loob ng maraming taon. 

 

Sinisisi niya ang sarili niya ngayon. Kung alam niya lang na isang estranghero lang ang bibiyak sa kaniyang kabibe ay mas mainam sana na sa ex-boyfriend na lang sana niya ibinigay ang karapatan na gawin iyon. 

 

Ang lungkot niya ngayon. Tumatak sa kaniya ang sinabi ng kaniyang ina noon na ang susukuan lamang niya ng kaniyang bandila ay ang lalaking mapapangasawa niya.

 

Kahit na hindi siya sobrang malapit sa mga magulang niya ay dinadala niya pa rin ang mga payo nila.

 

Hindi na mangyayari ang sinabi ng ina niya. Hindi ang lalaking mapapangasawa niya ang nakakuha ng kaniyang virginity kun'di ang isang estranghero na nagkataon na amo na niya ngayon at batid niyang malabo na mapapangasawa niya. 

 

Inangat niya ang baso at agad niyang nilunok ang alak na laman nito. Kung kanina ay paisa-isang shot lang, ngayon ay halos walang pahinga ang baso niya. 

 

"Scorps, are you alright?" tanong ng kaniyang kaibigan. 

 

"Dahan-dahan lang, Scorps."

 

He was thinking deep. Hindi ba siya guwapo para sa babae? Bakit pakiramdam niya ay hindi siya pasok sa standard ng babaeng iyon? What the heck was happening to that woman? Sa guwapo at yaman niya ay tinalikuran lamang siya ng babaeng iyon. 

 

Kahit papaano ay nalimutan niya panandalian si Sheryl pero ang babaeng ka-one night stand niya ang gumugulo sa kaniya ngayon. Hindi maalis ang guilt sa puso at sa utak niya.

 

Kahit na ilang beses pang sabihin ng babae sa kaniya na hindi issue para rito ang nangyari sa kaniya ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mukha nito nang inangkin niya ang pagkababae nito. 

 

Nakatanod ang mga mata niya sa babae na abala sa pagsisilbi sa mga kustomer sa bar. Bigla siyang nakaramdam ng inis nang makita na nakipag-usap ang babae kay Ben. Kumportable na nag-uusap ang dalawa kaya'y inis na inis siya. 

 

Napanatag lamang ang kaniyang kalooban nang umupo ang babae sa isang bakanteng upuan. Bakas sa mukha nito ang pagod at halata na malalim ang iniisip. Ang hirap basahin ng babae. Para siyang nagbabasa ng isang aklat na sinulat sa wikang banyaga na hindi niya napag-aralan. 

 

"Scorps, may problema ba kay Lyv? I noticed na kanina ka pa nakatingin sa kaniya. I can tell her to-"

 

"Wala akong problema sa kaniya." 

 

"I see." Tumayo si Lily at agad na inayos ang sarili. "I will excuse myself now. May gagawin pa ako sa office. Have a good time, you two."

 

Nang naiwan sila ni Taurus sa table ay kinuha niya ang bote ng alak at diretso na siyang uminom dito.

 

"Scorps, umamin ka nga sa akin. Gaano ka-lalim ang ugnayan niyo ni Lyv? Bigla ka kasing hindi mapakali at nagbago ang mood mo nang makita mo siya."

 

"That waitress? Once lang kaming nagkita," maikling tugon niya. 

 

He needed to make himself well-composed right now. Hindi puwedeng magkaroon ng clue si Tau na si Lyv ang babaeng naka-one night stand niya. 

 

"Hmm. Hindi ba siya pasok sa qualifications mo? We can give her another job and find someone to replace her if you don't think she fits in the job."

 

Si Lyv, hindi fit sa job? Honestly, ang ganda niya. Sexy siya. Base rin sa nakikita niya ay hindi mahirap para sa babae na kuhanin ang loob ng kahit na sino. She entertains the customers well. Wala siyang masabing mali tungkol sa babae. It just happened that he felt disappointed because the woman was neglecting him and trying to force him forget the night they shared the same bed. 

 

"She's qualified."

 

"Bakit ganiyan ka makatitig sa kaniya? Sinaktan ka ba niya before?"

 

"Tau, si Sheryl pa lang ang babaeng nanakit sa akin. That waitress just offended me," aniya pabulong. 

 

"Speaking of Sheryl. Kumusta ka ngayong gabi?" 

 

He sighed. He appreciates the effort that his friends were making to do everything they could to make him feel alright during this date. 

 

"Given na iyong mahirap siyang kalimutan, Tau. But I am thankful to you and to everyone because you are making me feel better even though I am having a hard time. Kahit na masakit pero pinapagaan niyo ang araw na ito. Thanks."

 

"Magiging okay ka rin."

 

"Magiging okay tayo, Tau."

 

Unang umuwi si Taurus at naiwan siya sa bar. Nagpadagdag pa siya ng alak.

 

He became wild.

 

Umiikot na ang bawat bagay na nakikita ng kaniyang mga mata.

 

Lumapit siya sa lalaki. Wala na ito sa sarili pero gusto pa nitong uminom. Hindi sana siya mag-oover time ngayon pero wala siyang magawa dahil pinabantay sa kaniya ni Miss Lily ang lalaking umiinom kahit na hindi na nito kaya pa. 

 

"Sir, tama na po. Hindi mo na kayang i-handle ang sarili mo." 

 

"I can, woman! I can!"

 

"Tama na, okay?!" 

 

Kinuha niya sa lalaki ang hawak nitong bote. Naglaban ang mga paningin nila. Nawala ang takot niya sa lalaki at napalitan ito ng inis. Binigyan pa kasi siya ng obligasyon nito. 

 

"If I stop, will everything be alright? B-Babalik ba sa dati ang lahat?"

 

Bumuga siya ng hangin. Hindi siya puwedeng magreklamo at hayaan ang lalaki. Minsan siyang tinulungan nito at kung hindi dahil sa lalaki ay baka bangkay na siya ngayon. 

 

Tumayo ang lalaki at pagewang-gewang itong lumabas sa bar. Agad niya itong sinundan sa labas.

 

"God! I forgot! Wala pala akong dalang sasakyan!" 

 

"Tatawag ako ng taxi. Ipapahatid kita sa inyo!" 

 

Lumingon sa kaniya ang lalaki. 

 

"Woman, I can handle myself. Hindi na ako bata pa. I can go home without anyone's help."

 

Halos matumba ang lalaki kaya ay tumakbo siya papunta rito. Pinaakbay niya sa kaniya ang lalaki at agad niya itong inalalayan. 

 

"Sir?"

 

"Alam mo ba na halos lahat ng nakikita ko sa iyo ay nagpapaalala sa akin ng babaeng iyon? You look similar to her, woman." 

 

Natigilan siya. Gumuhit ang hindi mapaliwanag na sakit sa kaniyang puso. 

 

Naalala niya noong gabi na binigay niya sa lalaking ito ang kaniyang virginity. May pag-aalinlangan ang lalaki kaya'y halos hindi ito magpatuloy sa pasya na angkinin siya, subalit pinilit niya ang lalaki kaya'y natuloy ang kanilang makalamang-bakbakan. 

 

"Sheryl. Si Sheryl ba?" 

 

Pinilit ng lalaki na buksan nang malawak ang mga mata nito.

 

"H-How do you know her?" 

 

Naalala niya na binanggit ng lalaki ang pangalang Sheryl bago sila nagpatuloy sa p********k.

 

"Huwag mo nang isipin iyon. Iuuwi na lang muna kita sa apartment ko nang sa ganoon ay pareho tayong makakapagpahinga." 

 

Hindi nagsalita ang lalaki. Pumara siya ng masasakyan nila hanggang sa apartment. 

 

Nang nasa apartment na sila ay binagsak niya ang katawan nila ng lalaki sa sofa. 

 

Tumayo siya at agad na humilamos na walang tubig. Hinihingal siya dahil sa pagod na dulot ng trabaho niya at ng lalaking nakatulog na ngayon. 

 

"Sheryl?" bulong ng lalaki.

 

Pagkamalas-malas nga naman niya sa mga lalaki. Niloko siya ni Lukas dahil hindi niya binigay ang nais ng lalaking iyon. Nang sinuko naman niya sa lalaking ito ang kaniyang virginity ay natuklasan niyang nakipagtalik lang sa kaniya ang lalaki dahil kahawig niya ang babaeng palagi nitong binabanggit. 

 

Napangiti na lamang siya. Wala siyang magawa kun'di ang tanggapin na lang na hindi pa siguro niya nakikita o natagpuan ang lalaking mamahalin siya sa kung ano ang kaya niyang ibigay at mamahalin siya sa kung sino siya at hindi dahil may kamukha siya. 

 

"Sheryl, bumalik ka na sa akin. I am here waiting for y-you."

 

Ang pagsumamo ng lalaki ang naging dahilan upang masdan niya ito. 

 

Kahit na lasing at nakapikit ito'y maliwanag sa ekspresyon ng mukha nito na puno ng kirot ang damdamin nito. 

 

Tinaas ng lalaki ang kamay na para bang humihingi ng kung ano. 

 

"S-Sheryl, I am dying to hold you again. I am waiting for you, Sheryl. Kahit na hindi ka hihingi ng tawad ay napatawad na kita. B-Bumalik ka na sa akin, mahal k-ko."

 

May kung ano'ng umudyok sa kaniya upang lumapit sa lalaki. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki.

 

Dama niya kung paano humigpit ang paghawak ng lalaki sa kamay niya. Buhat nito ay nawala ang baluktot na linya sa noo nito. Ang ekspresyon ng mukha nito ay napanatag na. 

 

"H-Hindi ka na aalis? Hindi mo na ako iiwan?" 

 

Hinila siya ng lalaki. Nawalan siya ng balanse kaya ay bumagsak siya sa ibabaw nito, at agad siyang niyakap nito. 

 

"S-Sinubukan kitang kalimutan, Sheryl, pero hindi ko magawa. Hindi ko na kayang mag-isa pa. G-Gusto kong manatili ka palagi sa piling ko. Dito ka lang, Sheryl. Sabihin mo na hindi mo ako iiwan pang muli. Please, Sheryl. Sabihin mo."

 

Lumunok siya at huminga nang malalim. Ang lakas ng tibok ng puso niya. 

 

"H-Hindi kita iiwan, Scorps. M-Mananatili ako sa piling mo," aniya. 

 

Halos hindi siya makahinga nang maayos marahil sa pagkakayakap ng lalaki sa kaniya. 

 

Nasa isip niya'y higit na mapalad si Sheryl. Kung siya ito ay hindi niya papakawalan ang lalaking tulad nito. Medyo suplado pero maginoo. Mahal na mahal pa nito ang Sheryl na iyon.

 

Wala nang hahanapin pa si Sheryl sa lalaking nakayakap sa kaniya pero iniwanan ito ng babaeng iyon na nangungulila. 

 

Palagi na lang ganito ang mga estorya na nasasaksihan niya. Kung sino ang siyang tunay na nagmamahal ay siyang iniiwan. 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 7

    Chapter 7Tapos na siya sa paghatid ng mga order ng mga kustomer sa bar. Napaisip siya sapagkat mamahalin ang mga inumin dito. May isang shot lang ng alak dito na nagkakahalaga ng higit sa 30,000.00. Katumbas na iyon ng sahod niya sa bar sa loob ng isang buwan. Kung siya lang ay hindi siya gagastos para lang matikman ang isang shot ng Heaven's Pee na iyon. Its worth was so much money to waste."Lyv, alam mo ba na marami na ang nalunod dahil sa malalim na pag-iisip?" Sinamaan niya ng tingin si Ben. Inis na inis siya sa lalaki dahil una itong umalis kagabi. Inirapan niya nang malagkit ang katrabaho. "Bumalik ka roon sa trabaho mo, Ben. Huwag kang umasta na wala kang ginawa kagabi.""Talaga ba? Hindi naman ako ang sinabihan ni Miss Lily na mag-over time para bantayan ang amo natin, ah." Hinila ng lalaki ang upuan at umupo ito paharap sa kaniya. Isang mapagtanong na titig ang binato ng lalaki sa kaniya. "E, sana ay nag-boluntaryo ka na lang. Ako pa talaga pinabantay niyo sa lalaking

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 6

    Chapter 6Habang pinupunasan niya ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng init ng katawan. Minadali na lamang niya ang pagpunas sa katawan ng lalaki. Maging ang singit nito ay pinunasan din niya. Tumayo siya at naghanap siya ng maaaring ipasuot sa lalaki. Basa na ng pawis nito ang lalaki at sinukahan pa nito ang sariling damit. Naghalungkat siya sa aparador. "Puwede na ito," aniya nang makita ang jersey short at sweater ni Lukas. "Ah. Good job." Nang nabihisan niya ang lalaki ay agad niyang nilinis ang sahig. Pumasok na rin siya sa banyo nang tapos na siya sa paglinis. Umunat siya kaya'y umayos ang pakiramdam ng mga buto-buto niyang pagod na pagod. Unang duty niya sa bar, pero pang isang linggong pagod na ang naramdaman niya. Habang binabasa niya ang sarili niya ay naiisip niya ang katawan ng lalaki. Umiling siya upang maalis ang imahe ng lalaki sa isipan niya. Mainam pa noong gabing may nangyari sa kanila sapagkat hindi masyadong klaro sa paningin niya ang detalye n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 5

    Chapter 5Naghalo na ang kaniyang luha, pawis at laway. Gayunpaman ay umokay na ang kaniyang pakiramdam. Lumabas siya sa restroom. Tumigil siya sa paghakbang nang makita ang lalaking pumigil sa kaniya na inumin ang isa pang tagay na inalok ng isang amo niya. Umiling siya. Walang saysay kung bibigyan niya ng panahon ang lalaki. Nilibing niya sa isipan niya na ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang gabing pagkakamali lang. Dapat nilang kalimutan iyon. "Let's talk," sabi ng lalaki subalit ay diretso lang siya sa paglakad. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hindi na dapat pang pag-usapan kung ano man ang nangyari sa kanila. Pinihit siya ng lalaki, kaya ay napabalik ito. Pinasandal siya nito at agad na ginuwardiya sa pagitan ng mga braso nito at ng pader. Iniwasan niyang tumitig sa mga mata ng lalaki. Ano ba ang problema nito sa kaniya? Hindi ba nito nararamdaman na siya'y naiilang sa presensya nito? "Mag-usap tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan.""Mayroon," maikling sabi n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 4

    Chapter 4Malayo sa nais niyang mangyari sa buhay niya ang nangyayari ngayon. He might have the most successful life, but that doesn't guarantee him the real happiness a man could feel. Inaamin niya na kapag sobrang abala siya sa trabaho ay nalilimutan niya si Sheryl, pero kapag siya ay nagpapahinga ay hindi na naman maalis sa isipan niya ang babaeng iyon. He gave so much of himself to that woman, never expecting to receive pain in return. Umiling siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng babae. Napapatanong na lamang siya sa madalas na pagkakataon. Tama bang gawing rason na sawa ka na sa tao, kaya mo siya iiwanan? Para sa kaniya, hindi naman dapat mahal mo sa araw-araw ang tao. Sapat na pipiliin mo siya sa araw-araw. He could feel falling out of love for Sheryl many times, but he chose to choose her day after day. Tinapos niya ang kaniyang pagligo sa pagbanlaw ng kaniyang katawan na para bang katawan ng isang atleta. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at sinuot niya ito. Nagmadali s

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 3

    Chapter 3"Damn it!"Hinilot niya ang kaniyang batok. Nahihirapan siyang matulog nang maayos nitong nakaraang mga araw. Paano ba at bumabalik sa isipan niya ang babaeng nakatalik niya noong isang gabi. That woman made him question himself. Bakit ba binigay nito sa kaniya ang virginity nito? Kung wala lang sa babae ang nangyari ay hindi ito ganoon para sa kaniya. Taking a woman's virginity is a responsibility for him. Hindi lang basta-basta virginity ng babae ang nakuha niya, but also that woman's sanity. Alam niya na lasing silang pareho, but he could have done more to avoid a lustful ending with the woman. Pero hindi niya kinontra ang sarili hanggang sa dulo. Nagpatianod na lamang siya sa kung ano ang mangyayari."Sir, nandito po si Sir Tau. He would love to talk with you for a while." Inikot niya ang swivel chair niya. Saktong pag-ikit niya ay nasa harap na niya ang kaibigan niya. "Have a seat, Tau." Nang nakadikit sa backrest ng likod ng kaibigan niya ay narinig niya ang daing n

  • Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres   Chapter 2

    Chapter 2Humingang malalim ang dalaga habang nakatanaw sa repleksyon niya sa loob ng salamin na halos kasing taas niya at doble sa katawan niya ang lapad. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inangat niya ang mga ito upang gamiting pangtakip sa kaniyang bibig na nanginginig ang mga labi. It was impossible, but it happened. Kung sa isang panaginip pa ay napanaginipan niya ang hindi kanais-nais na kaganapan. Ang masahol ay hindi panaginip iyon, kun'di tunay na nangyari. "Shit," mura na lanang niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari. She let a stranger own her last night out of desire. Naaalala niya ang lahat ng nangyari sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon. Ang guwapong mukha ng lalaki ay hindi maalis sa kaniyang isipan. Hindi niya rin matatanggi na ang lalaki ay may katangian na bahagya niyang nagustuhan sapagkat wala nito ang lalaking nanakit sa kaniya kahapon. Subalit gayunpaman, hindi tama ang ginawa niya at ang nangyari.Tumungo siya sa kaniyang kama at umupo sa dul

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status