All Chapters of Hiding The Billionaire's Son: Chapter 31 - Chapter 40
47 Chapters
HTBS 31:
•Lilac•Pagkarating namin sa bahay ay agad na bumungad sa amin ang ina ni Seve. Namumula ang mukha nito habang nakatingin kay Jonalyn."Anong nangyari kay Jonalyn? Ano na naman ang ginawa mo Veron!" namumula ang mukha na sigaw nito.Tinaas nito ang kanyang kamay para sampalin si Seve nang hinawakan ko iyon. Habang ang huli naman ay nakatulala lamang habang pinasadahan ng tingin ang kanyang ina."You can walk now, mom? Akala ko ba masama pa ang katawan ninyo?" naguguluhang tanong ni Szellous rito.Tinaasan naman kaagad ito ng kilay ni Madame Luxin, bago hinila ang kamay sa pagkakahawak sa akin. Anak ba talaga nito si Seve? May ganito pala talagang ina? Siguro meron nga dahil marami naman akong naririnig na balita tungkol sa mga magulang na binubugbog ang mga anak. Hindi lang ako makapaniwala na may kakilala ako na ka
Read more
HTBS 32:
•Seve•"Saan na naman kayo pupunta?" tanong sa amin ni mommy, pagkababa naming tatlo. Tumakbo si Lucas patungo rito at yumakap sa binti niya."Grandma, pupuntahan po namin si mamay!"Hindi ko alam kung bakit parang takot na tumingin sa akin si mommy at nanlalaki pa ang mata."Babalik rin kami kaagad, my. Death anniversary po ngayon ng ina ni—""No! Hindi kayo aalis, bawal kang umalis, Szellous," naghihisterikal na saad nito.Kumunot ang noo ko sa inasta ni mommy, may masama ba sa gagawin namin? Bibisitahin lang naman namin ang puntod ng ina ni Lily."Saglit lang po ito, my. babalik rin—""Kapag lumabas ka sa bahay na yan, sisiguraduhin ko na wala ka ng inang madadatnan. Magpapakamatay ako kapag sinunod mo na naman ang gusto mo!"Hinihingal pa ito nang matapos ang sinasabi nito. Ramdam ko ang pagtapik
Read more
HTBS 33:
Seve•Madilim na kaming nakauwi, ipinasyal ko muna ang mag-ina ko. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ni Lily bago kami umuwi sa bahay, lalo na at kasama namin sa isang bubong si mommy."Okay ka na? Makakaya mo pa ba na harapin si mommy? O papauwiin ko na siya?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya na namamaga rin dahil sa pag-iyak kanina.Umiling ito at hinawakan ako sa kamay, sinalubong naman kami ni mommy na hindi na maipinta ang mukha."Ano may nakuha ka ba sa pagsama mo sa babaeng 'yan—""Mommy, kung ayaw niyo pong mas lumala ang galit ko sa inyo, respetuhin niyo po ang babaeng mahal ko. Iyon lang po ang mahihiling ko sa inyo, sa kabila ng lahat nang ginawa niyo," mariin kong ani.Umirap naman ito sa akin at pumasok na sa loob ng bahay. Humingi naman ako kaagad ng paumanhin kay Lily."Papa, may tumatawag po sa phon
Read more
HTBS 34:
•Lilac•Takot na takot siya kanina, pero pagkadating nila sa hospital ay napawi ang lahat ng iyon nang makita ang mga kaibigan nila na nakatayo sa kwartong para kay Seve at hinihintay iyon na dumating."Matapang si Szellous magiging maayos rin ang lahat, Lilac," pagpapaalala sa kanya ni Ezekiel.Alam niyang nag-aalala rin ang mga kaibigan ng lalaki, pero kahit ganon ay inaalo pa rin siya ng mga ito. Nauna pa silang lahat na tumayo ng dumating si Sven, napailing naman ito at isa-isang binatukan ang mga kaibigan."Kayo ang pamilya?"Mabilis naman na tumango ang mga lalaki nilang kasama na nakatikim na naman ng batok kay Sven. Nagpipigil silang mga babae na tumawa, lalo na at hindi pa nila alam ang sitwasyon."Tabi nga kayo diyan kailangan kong makausap si Lilac."Nakangiti itong lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko. Napabunto
Read more
HTBS 35:
•Seve•Nasa bahay kami ngayon ni mommy. dahil hindi na namin ito naabutan kanina sa kanila Lilac.Katabi nito si Jonalyn na nakayuko hindi ko pa alam kung ano ang sekretong tinatago nila mommy. Pero sa tingin ko ay kasali doon si Jonalyn."Mommy, bakit niyo po ginawa sa akin iyon? Anak niyo po ako, pero sa halip na alagaan parang gusto niyo pa po yata na mamatay ako."Pilit kong hinuhuli ang tingin ni mommy, dahil kanina pa nito iyon iniiwas sa akin."Kung hindi niyo po sasabihin ang totoo ay mapipilitan kaming ipakulong si Jonalyn. Hindi niyo naman po siguro gugustuhin iyon diba?"Napag-usapan na namin ito ni Lilac, at alam ko na tinatakot lang nito sila mommy. Walang namutawing salita sa labi ko na nakatingin kay mommy na nakaluhod na ngayon sa harap namin ni Lily. Anong ibig sabihin nito? Kaya niyang gawin ang lahat para sa babaeng iyon pero s
Read more
HTBS 36:
•Lily•Tatlong araw na ang lumipas masaya na ako. Sa loob ng ilang taon ngayon ko lang naramdaman ang gaan sa dibdib ko. Nagbayad na rin si Madame Luxin sa mga kasalanan niya."Seve, gising ka na nga diyan! Sabi mo may concert kayo mamaya?"Sinampal ko ang pwet nito dahil ang hirap gisingin. Bumubulong naman ito at hinaplos ang pwet na sinampal ko. Muntikan pa akong matawa dahil binaba nito ang brief para kurutin iyon."Ano ba yan Seve ang bastos mo! Hindi mo yan pisngi. Sabi ko gumising ka na baka kailangan ko pang tawagan ng manager mo, ano?"Mabilis itong bumangon sa sinabi ko at tiningnan ako sa mata. Tinaasan ko naman siya ng kilay, may concert ito mamayang gabi kaya kailangan nilang mag-rehearsal ngayong umaga. Pero heto siya at tulog na tulog, malapit na mag alas-diyes."Lily, alam ko na yung sinulat mo sa likod ko."Nakangiti ito at hinila ako para
Read more
HTBS 37:
•Seve•"Huy, Dela Vega! Umayos ka nga diyan. Kanina ka pa lutang may problema ba?" untag sa kanya ni Ezekiel.Napabuntong-hininga siya at tiningnan ang concert hall. Malaki iyon kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Sanay na naman siya sa ganito, yung maraming taong titingin sa kanya. Pero ngayon lang niya gagawin ang pagpro-propose sa harap ng maraming tao.Mga taong naging party na rin ng buhay niya, simula nang pumasok siya sa showbiz, kaya nararapat rin nilang malaman na magpapakasal na siya sa babaeng mahal niya."Wala—""Huwag mo yang isagot sa akin Szellous, kanina ka pa pumapalya sa pagtugtog."Nanunuri ang mata ni Sven na tumingin sa akin. Nagsilapitan na rin ang iba naming kaibigan dahil sa ginawa nito."Garalgal na rin boses mo habang kumakanta, kinakabahan ka?" pang-aasar sa kanya ni Hades"Ako kakabahan? Imposible iyo
Read more
HTBS 38:
•Lilac•"Bagay ba sa akin, baby?" tanong ko kay Lucas pagkatapos kong magbihis.Tumango-tango naman ito at hinawakan ang aking kamay. Ngayon na lang ulit ako makakapunta sa concert ni Seve. Gusto ko na ulit siyang makitang magpe-perform sa harap ng maraming tao. Makikita ko na ulit ang mga ngiti niya sa mga taong sumusuporta sa kanya."Ang ganda niyo po, mommy, para ka pong reyna po. Tara na, mommy. Excited na po ako puntahan si papa."Hinila na siya nito palabas ng kwarto at patungo sa garahe, mas excited pa ata ang anak niya kaysa sa kanya. Pangarap rin nitong maging artista katulad ng ama at siguradong susuportahan niya ito.—"Anak di mo naman sinabi na black ang susuotin ng mga fans ng daddy mo. Ako lang ata ang naiiba rito."Ako lang talaga ang nakasuot ng puti, lahat sila ay itim ang suot. Gusto ko na tuloy umuwi, nahihiya pa ak
Read more
HTBS 39:
•Seve•Magkasama kami ngayon ng mga lalaki sa unit ko. Bukas na ang kasal ko at pinagbawalan kami na magkasama dahil bawal daw iyon. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari."Namimiss ko tuloy si Lily," mahina kong saad habang iniinom ang alak na ibinigay sa akin ni Sage.Uminom kami saglit dahil hindi ako makatulog sa sobrang kaba."Isang araw lang kayong magkahiwalay, Seve. Itigil mo nga yang kamanyakan mo!" pang-aasar naman sa akin ni Jiro.Napailing ako rito sumandal sa upuan. Hindi ko alam pero kahit ilang minuto lang ay ayaw ko ng malayo kay Lilac. Hinahanap na ng katawan ko ang presensya niya."Hindi mo kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Jiro. Wala ka kasing babaeng minamahal." Sinamaan niya ako nang tingin pero tinawanan ko lang siy
Read more
HTBS 40:
•Lilac•"Lilac, ako na d'yan baka mainit sa tiyan mo."Tumingin ako kay Aleister at tumango, itinuro ko sa kanya ang iba panglulutuin. Nagluluto kasi ako ng barbecue, dahil may pool party kami ngayon dito sa Bachelor's Club. Malaki na rin ang tiyan ko, estimated kong manganak sa susunod na buwan first week."Tinatawag ka ng kuya mo, Aleister!" ani ni Persephone na papalapit na rin sa amin. Inirapan naman ito ng una at nagsimula nang magluto."Ay ayaw pa raw sa Kuya Craige niya—"Hindi na naipagpatuloy ni Persephone ang sasabihin nang ibinigay sa kanya ni Aleister ang mga lulutuin.Nilingon ako nito at tinaasan ng dalawang kilay. Tumawa lang ako at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan si Seve."Go, Sven!""Go, Ezekiel""Ezekiel, lang malakas!" may pagmamalaking
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status