Lahat ng Kabanata ng Confidently Beautiful : Kabanata 31 - Kabanata 37
37 Kabanata
Chapter 31
Naghintay ako sa sala. Hindi ako mapakali na parang may uod sa puwet, tatayo ako pagtapos ay muling uupo. Pabalik-balik din ang mata ko sa cellphone kasi baka magtext siya.Nang tumunog muli ang doorbell. Alumpihit akong buksan ang pinto dahil baka iba na naman ang bumungad sa akin. Kaya naman sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. Napakunot noo ako nang mapagmasdan ang isang makisig, matangkad at higit sa lahat guwapong nilalang na nakatayo sa harap ng pinto. Mukha nga lamang istrikto dahil salubong ang kilay nito habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell ng bahay.Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita niya ang magandang dilag na nagngangalang Diozza."Hi, sinong hanap nila?" Nakangiti kong bati at tanong. Napatingin ako sa likod ko nang hindi niya ako pansinin bagkus ang tingin ay lumagpas sa akin na para bang may hinahanap.
Magbasa pa
Chapter 32
Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.Naimagine ko tuloy, baka s
Magbasa pa
Chapter 33
"Don't scare her!"Dumagundong ang boses ni Adonis habang pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May butil-butil na pawis ang namuo sa noo ko. Nararamdaman ko rin na namamawis ang aking kamay, kili-kili maging ang singit ko dahil sa tensiyon na namumuo sa aming apat.Tumahimik kasi bigla. Nakakabingi,  na tanging ang malakas lang na kabog ng puso ko ang naririnig. Hindi ko na kaya, para akong matatae sa kaba. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito."A-"gusto kong magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas doon. Muli, naiiyak ako dahil kinakabahan. Suminghot pa ako para pigilan.Bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. Silang tatlo na ikinagulat ko at ikinakunot noo.Napalabi ako nang mapagtantong pinagti-tripan nila ako. Like! si Diozza ay kanilang biktima sa kadramahan!Padarag kong hinila ang kamay kong hawak ni Adonis habang namumula ako
Magbasa pa
Chapter 34
On the job training is coming. From March to May ang training namin then ga-graduate na kami. Business Administration ang kurso namin dahil wala lang, trip lang naming mangbabarkada!Charotera! balak talaga naming magtayo ng restaurant na magca-cater ng healthy eating, healthy living. You know naman, sa side namin ni Mart na payatot at ako na Diozzang sexy fat mama!Sa loob ng restuarant ay may part naman na beauty products, peg naman iyon ni Mahinhin at sa taas naman ay Gym na peg ni Eula, kaya alam n'yo na kung bakit siya sexy!Sana lang talaga makagraduate kami, kasi naman panay absent ang inatupag namin sa nakaraang buwan.Katatapos lamang naming magfill-up ng mga forms for applying. Iniwan ako ng barkada dahil may mga lakad. As usual magkasama na naman si Mahinhin at Mart. Si Eula, kasama ni Bryan na mukhang may something din sa buhay.Inamin sa akin ni Bryan na ginamit niya lang ako
Magbasa pa
Chapter 35
Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura  ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal. Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim an
Magbasa pa
Chapter 36
"I'm sorry, baby."Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita."Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso."I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was a
Magbasa pa
Chapter 37 End
It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon. Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, a
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status