All Chapters of KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE: Chapter 11 - Chapter 20
36 Chapters
Chapter Eleven
Chapter 11Nagpatuloy ako sa paghahanap ng biktima. Kung saan-saan na ako napadpad, at sa tingin ko'y benteng babae na ang nakuha namin. Sapat na bilang na 'yon ngayong araw, kaya babalik na ako sa venue ng interview.Kasalukuyang sumasagot ang aking anak sa mga tanong na ibinabato sa kaniya. Naupo ako sa gilid, pinanood ko lang siya."Bukod sa pagiging businessman, ano pa ba ang iba mong gustong propesyon? Pwede kang mag-artista."Napangisi akong mag-isa. Pinoprotektahan ko ang totoong pagkatao ni Caden dahil ayaw kong maging sentro na naman siya ng pangungutya at issue. Minsan nang nasangkot sa bullying ang anak ko, at hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon.Kahit sadista at strikta akong ina, sobrang mahal na mahal ko sila Charlene at Caden. Ginagawa ko lang naman ang mga bagay na ito upang mas mahubog sila bilang bampira. Gusto ko silang maging malakas at matapang, dah
Read more
Chapter Twelve
Chapter 12 |Caden's POV| "Hindi pa ba sapat 'to? Benteng babae na ang napatay natin." sabi ko.  "Hindi ko rin alam." tugon ni Mommy.  Napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang aking ina na isinasalin ang mga dugo sa isang lagay para sa gagawing ritwal upang muling mabuhay ang Lolo't Lola ko. Pero matapos ang ritwal na ginawa ni Mommy, wala namang nangyari. Nanatili silang nakahimlay at hindi nabuhay. Walang gana akong lumbas ng kwarto at nagtungo sa sala.  "Yaya, paki-linis ang kwarto nila Lola." utos ko kay Yaya Neri.  Naupo ako sa sofa. Akala ko epektibo ang ideya ni Mommy. Gusto kong maiyak, gusto kong magalit, pero wala pa rin naman akong magagawa kung nakatadhana na talaga silang mamatay. Teka— Nakalimutan kong balikan si Brielle s
Read more
Chapter Thirteen
Chapter 13 Isang araw na ang nakalipas magmula nang magkasagutan kami ni Charlene. Sa tuwing papasok siya rito sa kwarto upang maghatid ng pagkain ay nag-iiwasan kaming dalawa. Hindi ko naman ginusto yung nangyari, nabigla lang ako dahil sabik na talaga akong makita sila Mama at Papa. Baka sobra na ang pag-aalala nila sa akin. Halos hindi ko magalaw ang pagkain na inihanda nila para sa akin. It's three-layered pancake topped with strawberry syrup. Red? Tss! Ang hirap magtiwala sa kanila pagdating sa pagkain. Mayroon ding strawberry juice na tila nakapagtataka rin ang pagkakatimpla.  "Brielle." bumukas ang pintuan.  "Yaya Neri." tumayo naman ako upang salubungin siya.  May dalang mga damit si Yaya Neri at mukhang bagong laba.  "Pinalabhan ni Sir Caden ang mga damit mo, nag-bilin din siya na pwede kang gumala
Read more
Chapter Fourteen
Chapter 14 |Caden's POV| Hindi ko ginusto ang mga nangyari, hindi ko rin kontrolado na nakita ni Brielle ang ulo ng kaniyang Papa. Wala akong magagawa, dahil hindi ko hawak ang buhay ng bawat isa. Kaya minabuti kong dalhin si Brielle sa pinagtataguan ng kaniyang mga magulang. At hindi ko inaasahan na mangyayari na pala ang oras ng kamatayan ng kaniyang Papa. Habang nag-uusap ang mag-ina ay sinundan ko kung saan naganap ang insidente. Umuulan ng malakas, madulas ang daan. Walang kontrol sa pagmamaneho ang driver kung kaya't bumangga sila sa isang poste dahilan upang humampas ang ulo ni Mr.Mendoza, duguan ang dalawang biktima. Gustuhin ko mang buhayin siya, pero hindi ko naman 'yon kayang gawin. Nagkakagulo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, may mga pulis, imbestigador at ambulansiya. Nakatitig lang ako sa kaawa-awang lalaking naliligo sa sarili niyang dugo habang hawak ang litrato ni Brielle noon
Read more
Chapter Fifteen
Chapter 15 Bumuhos na naman ang luha sa loob ng kwarto kung saan naka-himlay ang mahal kong Papa. Parang kailan lang nagbabalita pa siya, tapos ngayon tatahimik ang aming telebisyon dahil wala na kaming aabangan na idol reporter namin. Dahan-dahan akong lumapit sa kabaong niya. Pero habang papalapit ako nang papalapit ay nakararamdam ako ng panlalamig, kaba at takot. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, pero may something talaga na bumabagabag sa akin. Nagsimula nang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Lakad. Dahan-dahan.  "Anak."  Napatigil ako. Lumingon ako sa likod, nakita ko si Mama na nakikipag-usap sa mga bisitang nakikiramay sa amin. Nagtataka akong tumingin sa kabaong ni Papa. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganun. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang marating ko ang pwesto ng kabaong ay biglang namatay ang mga
Read more
Chapter Sixteen
Chapter 16 |Caden's POV| Pumatak na ang alas syete, naisip kong puntahan si Charlene sa basement. Kahit galit ako sa kaniya, obligasyon ko pa rin ang alagaan siya. She's still my sister after all. Naabutan ko siyang nakayuko, lumapit ako sa kaniya upang tanggalin ang lock ng kadena.  "Kumain ka muna." sabi ko.  Naupo siya sa lumang sofa. Salubong ang kilay niya at parang gusto niya akong labanan.  "Naisip mo pa palang gawin 'yan." saad ni Charlene sa galit niyang tono.  Hiniwa ko ang paborito niyang atay sa maliliit na piraso.  "Kahit papaano naman ay may awa pa akong natitira para sayo. Magpasalamat ka na lang." sabi ko.  She smirked. Aish! Masyadong mataas ang pride niya. She has no right to be angry because it's her fault that I'm punishi
Read more
Chapter Seventeen
Chapter 17 Hindi ako nakatulog ng maayos dahil pilit kong iniisip kung sino ba talaga ang batang 'yon. Kaya maaga akong nagising. Naalala ko rin na kailangan ko pa palang ihatid si Grace sa condo na kaniyang tinutuluyan. Maiiwan muna si Rex upang samahan si Mama habang namamalengke ako. Habang nasa byahe kaming dalawa ni Grace ay hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa kaligtasan niya.  "Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya.  Tumingin si Grace sa akin.  "May takot pa akong nararamdaman. Pero kailangan ko lang talagang lakasan ang loob ko." tugon niya.  "Tawagan mo lang kami ni Rex kapag kailangan mo ng kasama." saad ko.  Tumango naman si Grace. Makaraan ang ilan pang minuto ay nakarating na kami sa condo kung saan siya tumutuloy. Hindi na ako sumama sa kaniya, kailangan ko na
Read more
Chapter Eighteen
Chapter 18 "Grace?" hindi ako makapaniwala sa aking nakita.  Nakagapos ang kaibigan ko habang nakaupo sa bathtub na puno ng dugo. Gustuhin ko man siyang alisin sa kaniyang kinalalagyan ay pinipigilan naman ako ni Caden. Kung nandito si Grace sa loob, e sino yung nalaglag sa baba? Ano ba'ng gulo 'to?! Sumilip ako sa balkonahe, wala na roon ang bangkay. Malinis na rin. Muli akong bumalik sa cr upang tingnan ang bangkay ni Grace.  "Sino ba talaga sa kanila ng kaibigan ko?" tanong ko kay Caden.  Naka-pamulsa lang siya at nakatitig sa katawan ni Grace. Sinilip ko sila Tito at Tita, umalis na sila. Kaming dalawa na lang ni Caden ang tao dito sa unit.  "Sabi ko sa 'yo, makapangyarihan si Leo kung kaya't pati ako
Read more
Chapter Nineteen
Chapter 19 |Caden's POV| Naabutan ko si Brielle na nakatayo sa labas ng chapel at tila natutuliro. Gustuhin ko man siyang lapitan, pero mas pinili ko muna ang hayaan siyang mapag-isa dahil alam kong may pinagdaraanan na naman siya ngayon. Nakatitig lamang ako sa kaniya, namumugto ang kaniyang mga mata at hindi siya mapakali. Maya-maya pa ay dumating ang Mama niya na umiiyak atsaka siya niyakap.  "I knew it." tugon ko sa aking sarili.  Si Leo na naman ang may gawa nito. Nag-akma akong aalis ngunit biglang sumalubong sa akin si Charlene. 
Read more
Chapter Twenty
Chapter 20 "Ano na naman ba 'to?" umiiyak kong tanong sa kaniya.  Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Tinulungan niya rin akong tumayo.  "Nasaan na naman tayo?" muli kong tanong.  Makalat sa paligid, puro dugo ang sahig. May mga nakakalat na gunting, kutsilyo at kung anu-ano pa. Hindi ko rin maipaliwanag ang masangsang na amoy na bumabalot sa lugar na ito. Kanina lamang ay nakita ko ang kabaong ni Grace, nasaan na 'yon ngayon?  
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status