Lahat ng Kabanata ng The CEO's Legal Wife: Kabanata 41 - Kabanata 50
63 Kabanata
Chapter 40
“Are you having regrets?” tanong nito nang sundan siya nito sa balkonahe ng condo ahbang nakatanaw siya sa kadiliman ng gabi.  Halos alas onse na silang nakabalik.“I will never regret today,” sinsero niyang sagot.  Yumakap ito sa kanya habang pareho silang nakatanaw sa iisang direksyon.  “Ikaw?”“The only regret I have is not giving you the proper wedding that you deserve.  Aayusin ko lang ang problema namin ni Dad –““Okay na sa akin ang ganito.”  Humarap siya dito at hinaplos ang mukha ng asawa.  “Simple lang akong tao, hindi ko kailangan ng mararanyang
Magbasa pa
Chapter 41
Halos alas onse na ng gabi at kanina pa inip na inip si Jayzee sa pavilion ng Albano Hotel sa Quezon City kung saan idinaraos ang wedding anniversary ng Daddy at Mommy niya.  Umalis na ang karamihan ng mga bisita pero pinilit siya ng ama na ihatid si Ana sa hotel sa Paranaque Branch kung saan ito namamalagi ng ilang araw.  Wala siyang maidahilan para iwasan ito dahil on the way din naman ang hotel sa condo niya.  Kaninang alas dyes pa niya huling nakausap si Anikka pero ngayon ay hindi na ito sumasagot. Marahil ay masarap na ang tulog nito.Ipinagpasalamat niyang walang ginawang hakbang ang ama para ianunsiyo ang engagement nila ni Ana tulad ng banta nito, pero hindi rin ito tumigil nang kakukulit sa kanya para asikasuhin niya ito.  Naroon din si Scarlett na lantaran din kung magpapansin sa kanya, kaya umulan tuloy ng panunukso sa kanya kung sino ba talaga ang date niya sa gabing iyon.  Wala namang nakapuna ng singsing niyang suot kung hindi ang Ninon
Magbasa pa
Chapter 42
Sa sofa sa loob ng silid niya natulog si Benedict na hindi niya tinutulan dahil gusto nitong masiguro ang kaligtasan niya.  Maaga rin siyang gumising kinabukasan dahil sa pag-iisip niya sa kalagayan ng Papa niya.  Muli siyang inaatake ng anxiety at mas nahihirapan siyang huminga ngayon.   Pinilit niyang ignorahin ang masamang pakiramdam dahil gusto niyang mailigtas na ang ama mula sa kamay ni Octavio.  Alas siyete ay tinawagan niya ang abogado ng ama sa Camarines na dalhin sa kanya ang titulo ng Rancho at ang kasulatan na ipinagkakaloob niya iyon sa tiyuhin.  Nakausap niya na ito noong isang araw pa at nangako itong darating ngayong araw dala ang mga kailangan niya.  Ba
Magbasa pa
Chapter 43
Kumatok ang isang tauhan at ipinakita ang isang papel na humihingi ng pahintulot na i-search ang buong lugar para mahanap siya.  “Sabihin mong sa gubat maghanap, iligaw mo ang mga iyan,” utos nito sa tauhan.  Muli siyang sumigaw pero bago pa siya muling saktan ni Octavio ay agad na naiharang na ama ang katawan sa pagkabigla niya.  Ito ang itinulak ni Octavio sa dingding at muling tututukan ng baril. Pero singbilis ng pagtutok ng baril niya sa ama ay singbilis ding itinutok ng isang tauhan ang baril kay Octavio na ikinagulat nito.  Ang isa pang tauhan ay sa isang tauhan din itinutok ang baril.  Kinuha nito ang radyo sa bulsa at may kinausap na sa tingin niya’y isang pulis na nasa labas.
Magbasa pa
Chapter 44
“At pumayag kayo sa lahat ng iyon?!” mabilis pa nitong wika.  “That’s why Anikka married you in a hurry bago pa siya umuwi ng Rancho.  Hawak ni Octavio si Agusto at ang kundisyon isa sa kundisyon nito, bukod sa ilipat sa kanyang pangalan ang titulo ng Rancho, ay ang ikasal si Anikka kay Benedict para layuan ni Ana ang lalaking iyon.”“Pero kasama ng Benedict ngayon ang asawa ko ngayon!”“Walang gagawin si Benedict sa asawa mo, Jayzee.  Napapalibutan sila ng mga bodyguards na ipinadala ko para siguraduhin ang kaligtasan ng asawa mo.  We can go now to check on them.  Nasa ospital si Anikka dahil nawalan ng
Magbasa pa
Chapter 45
“Jayzee!” tawag ng ama sa kanya.  Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang na lumabas ng ospital.  Bumalik ang ama sa loob at siya ay sa waiting area ng emergency naghintay.  Galit na galit siya sa nakita.  Naiintindihan niya kung bakit kailangang bumalik si Anikka sa Camarines Norte.  Pero ang makasama at makasal sa Benedict na ‘yon ang hindi niya matanggap kahit pa isang huwad na kasalan lang iyon.  “Anikka loss her consciousness,” narinig niyang wika ng ama na papalapit sa kanya.  Gusto niyang puntahan si Anikka pero puno ng galit ang dibdib niya.“Nandoon naman si
Magbasa pa
Chapter 46
Pauwi na mula sa club si Jayzee nang mapansin ang isang pamilyar na mukha na kapapasok lang sa club.  Inikot nito ang mga mata bago nagtungo sa bar counter at umorder sa bartender ng inumin.  Sandali niya itong pinagmasdan; like Anikka, she also has a pretty face and slender body.  Dark brown din ang buhok nito na mapapansin mo lang kapag tinatamaan ng ilaw na umiikot sa ceiling.  Pero kung titignan mo ito’y laging nakataas ang noo while Anikka was always shy and fearful.Lumakad siya patungo sa dereksyon nito at umupo sa katabing bar stool.  “What are you doing here?” tanong niya na ikinagulat ng babae.  “To drink,” tip
Magbasa pa
Chapter 47
“Ana…” Tumayo mula sa hospital bed si Agusto at agad niyakap ang anak-anakan.  Nanatili lang si Ana sa wheelchair habang pinupunasan ang mga luha.  Lumapit siya kaagad at ipinaalala ang sinabi ng doktor.“Baka makakasama sa’yo ang labis na pag-iyak.  Don’t forget what the doctor told you.”“Anong nangyari sa’yo?” nagtatakang wika naman ni Agusto nang humiwalay sa pagkakayakap kay Ana.“I’m pregnant, Pa,” mahina nitong sagot.  “Sino ang ama?”Hindi na sumagot si Ana sa tanong na iyon.  “Kumusta kayo?
Magbasa pa
Chapter 48
Alas nueve na ay hindi pa rin umuuwi si Jayzee.  Binuksan niya an dating teleponong gamit at tinawagan ito.  Sumagot naman ito pero narinig niya ang ingay sa background at may babae itong kausap.  Nasa Zenclub ang asawa.  Kung sino ang kasama nito doon ay wala siyang ideya.  Must be Cindy, or Lolly o kung sino pa man. At nagsabi itong hindi uuwi dahil pinapatulog nito si Ana sa tabi niya.She was lost for a moment.  Ipinikit niya ang mata para pigilan ang paglandas ng mga luha.  Lumabas si Ana mula sa silid at inabutan siya sa ganoong ayos.“Diyan na lang ako matutulog sa sofa, komportable din naman d
Magbasa pa
Chapter 49
Nakatitig pa siya sa kawalan nang biglang pumasok si Ethan at Marga sa opisina niya.  Hindi pa niya gustong harapin ang dalawa pero wala ng panahon para umiwas.  “Birthday bukas ni Elize at gaganapin ang salo-salo bukas ng gabi.  Bring your wife and her sister dahil nasa poder mo daw siya sabi ni Dad,” wika ng kapatid.  Napamura naman siya ng lihim dahil kapag mga ganoong okasyon ay hindi siya puwedeng gumawa ng dahilan para hindi pumunta.  Sabado rin bukas kaya wala siyang maidadahilan.  Hindi rin niya gustong malaman ng ama na hindi pa sila nagkakaayos ni Anikka dahil alam niyang makikialam ito. 
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status