All Chapters of Guarding the Badboy: Chapter 31 - Chapter 40
63 Chapters
Maid for a Day
Chapter 14XANIAUmagang-umaga, nandito ako ngayon sa harap ng entrance ng eskwelahan para hintayin siya. Kung sa mga dati nagagawa kong pumunta rito para maghintay sa kanya dahil oo na, nag-alala ako sa kanya, ngayon, nandito ako dahil inutusan niya ako kahapon. Parte raw ng dare niya eh.Naku naman. Kinakabahan ako bigla sa magiging dare ng badboy prince na iyon. Ano kayang iniisip nun? Anong klaseng pampahirap ang ipapagawa niya sa akin?Nang mahagilap ko agad ang itim niyang kotse na pumapasok sa gate ng eskwelahan, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naku ayan na nga. Ayan na ang tsonggo!Pagka-park niya ng magara niyang kotse, agad siyang lumabas doon na may dala-dalang damit na nakasabit sa isang hanger at nakabalot ng plastic. Dahil sa ganun, automatic naman itong katawan ko na lapitan siya para tulungan. Nang mapansin niya ako, bigla niyang tinapon sa akin ang damit. Buti nga nasalo ko."Ano ito?" tanong ko naman."Dam
Read more
Maid for a Day 2
Nilapag ko muna ang tray sa mesa bago kinuha iyon. "Ano na naman ito?" sabay kuha."Malamang damit. Ano na naman sa tingin mo, basahan?"Bwiset. Okay na siya kanina eh. Nagiging tsonggo na naman ito. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na hindi siya suntukin eh."Yan naman ang susunod mong susuotin. Puti yan na maid uniform," dagdag niya."Puti? Bakit puti? Eh hindi kaya maganda ito na kulay dahil madaling mamantsahan.""At yun na nga ang point dahil ang susunod kong challenge sa iyo..." sabi niya at biglang ngumisi siya sa akin. "...susuotin mo iyan bago ka kumain. And at the end of our classes, dapat wala akong makikitang ni isang mantsa diyan sa puting maid uniform na iyan.”Nagulat ako. "Teka, anong mangyayari kung na-mantsahan ko nga ito?"Mas lalong lumaki ang ngisi sa tsonggo niyang mukha."Extended ng isang araw ang dare ko sa iyo."Mas lalo akong nagulat. Magrereklamo na sana ako pero... hindi na ako
Read more
Without Her
Chapter 15The next day happened, at pagpasok ni Vince sa eskwelahan, sa totoo lang... nag-expect siya na makita niya ang Cactus na iyon sa pinto na hinihintay siya, kahit wala siyang utos.Pero halata ang dismaya sa mukha niya nang wala nga siya roon. And with that, he is back to his reality, that today is indeed Xania's dare na hindi sila magpapansinan buong araw.Habang naglalakad siya sa hallway, hindi niya maiwasang tignan ang tabi niya baka sakaling may taong kasama siyang naglalakad... pero wala eh. Bakit nga ba kasi napatingin siya sa tabi niya? Pagkarating sa classroom, napatigil muna siya sa pintuan nang makita niya si Cactus na nakaupo na sa kanyang upuan at tulala sa harap niya.Gusto niya sana na kahit iglapan lang sana siya ng babae, pero umiwas pa ito at inikot ang kanyang ulo sa kabilang direksyon. Nagsimulang mairita si Vince dahil doon pero this time... siya naman ang magtitiis.Tiis? What are you talking abou
Read more
Gift Giving
Chapter 16XANIAPagkapasok ko ng Biyernes ng umaga papunta sa eskwelahan, hinintay ko ang tsonggo sa entrance. Wala man siyang inutos kagabi pero dahil sa nangyari...Bigla-bigla niya na lang akong yinakap."Hu-huy Tsong. Anong gingawa mo—""God," singit niya naman. "I f*cking missed you," mura niya pa.Na kinagulat ko ng sobra. Kainis. Gusto kong humiwalay sa kanya nung mga oras na iyon pero hindi ko alam kung bakit nanatili kami na ganun ng ilang minuto. Sa tindi talaga ata ng gulat ko. Bakit kasi bigla-biglang mangyayakap na lang ang tsonggong iyon? Ganun ba talaga ang mga tsonggo? Bwiset.Miss me? Miss me raw? Ang OE lang. Minsan, hindi ko na talaga alam kung anong iniisip nun. Eh sa tsonggo kasi ang nilalang na iyon.Pero kung magtatanong kayo kung bakit ako nandito ngayon... wala lang. Hindi, ang ibig kong sabihin ay dahil ano... dahil ano... kasi...A
Read more
Gift Giving 2
"Bago tayo magbunutan, magkano muna budget para sa gift?" tanong ni president.Nagsabi naman ang iba hanggang sa huli, humigit kumulang sa 300 pesos. Buti nga hindi ganun kamahal."So para sa bunutan, bring out ⅛ sheet of paper tapos isulat niyo mga pangalan niyo," utos ni president at ganun nga ginawa namin.Pagkasulat, may dala-dala siyang container at umikot siya at tumapat sa bawat isa sa amin para ilagay ang papel. Pagkalagay naming lahat, kinalog muna ng president ang nakatakip na container at isa-isang pumunta ang mga estudyante sa harap."Prince Vince Victorino," tawag ng president sa prinsipe. Iba talaga ang tsonggo. Kailangang may prince kung tawagin.Tumayo naman siya at naglakad papunta sa harap. Akala ko magrereklamo ang tsonggong ito na kailangan niya pang tumayo pero hindi ko alam kung bakit, parang biglang naging tensyonado ang lahat nang nasa harap na siya. Halos lahat ng babae ay nakatitig at pinagmasdan ang bawat galaw niya sa ha
Read more
Gift Giving 3
Ngayon sa trabaho, wala si Iris pagkarating ko at hindi ko alam kung bakit. Kaming dalawa lang ni Lizar ang natira at buti nga konti lang ang mga customer ngayon. Patapos na kami sa araw na ito sa trabaho sa café at kakalabas lang ng huling customer. Inaayos na namin ang mga mesa nang,"May nakaiwan," sabi bigla ni Geoffrey kaya kami napatingin sa kanya."Saan?" tanong naman ni Lizar."Table 14," sabi naman ni Geof at gamit ng mga binti ni Lizar, tumalon siya mula roon.Nagulat na lang ako nang gamitin niya ang mahaba niyang dila para kunin iyon. Ano ba yan. Pwede naman kasing pulutin di ba Lizar? Buti walang tao ngayon."Isang wallet," sabi niya pagkakuha.Nagulat ako muli. Shacks. "Bilis, tignan mo agad yung laman baka may ID," sabi ko.Napabukas naman si Lizar at nagulat."Bakit? Kanino raw?" tanong ko.Hindi siya umimik kaya napalapit ako sa kanya."Ang laki..." sabi niya kaya napatigil ako.Napa
Read more
Can I Have This Dance
Chapter 17XANIAYung hapon na iyon na umuwi ako galing sa eskwelahan pagkatapos ng Christmas Party namin, kaysa dumiretso ako sa trabaho, naghanap ako ng tagong lugar kung saan pwede maglabas ng sama ng loob, maging beast mode.Hindi ako umiyak sa sinabi ng mga tsonggo. Sanay na ako sa tabas ng dila niya sa tagal kong naging alalay este personal assistant ng tsonggong iyon. Kung balat sibuyas ako, matagal na dapat akong umalis sa trabahong iyon. Pero ngayon, sumosobra na talaga siya.Na-late akong nakarating sa café na ikinataka ni Ma'am Safira at Axton at pinaulan ng mga tanong nila kung anong nangyari sa akin. Syempre sinabi ko ang totoo na kinailangan ko lang maging beast mode. Nung tinanong nila kung bakit, hindi ko sinabi ang buong kwento. Naasar lang ako sa isang tao, sagot ko lang at hindi na sila nagtanong muli.Yung tungkol naman sa regalo niya, nung alas dyes ng gabi pagkatapos ng trabaho, umuwi muna ako para ilagay iyon sa kwarto
Read more
Can I Have This Dance 2
Kinabukasan, nandito ako ulit sa café at pagkatapos kong ibigay ang order ng isa sa mga customer namin sa kitchen,Chingling, tunog ng chimes."Good morning Sir—"Napatigil ako saglit sa bati dahil sa taong pumasok. Bwiset. Kalma lang Xania. Yung ngiti mo. Baka mawala."We-welcome to Hounded Pastry Café again Sir," pilit kong ngiti sa tsonggo. "Ri-right this way," at ginabay siya sa isang bakanteng upuan.Nakakainis naman. Bakit na naman siya nandito? Ibibigay ko pa lang ang menu nang,"No need. I'll have my usual," sabi niya bigla kaya napatigil ako.Prinoseso ko ang sinabi niya bago,"Ah right away Sir," sagot ko na lang at pumunta sa kusina para sabihin ang order.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o makakahinga ng maluwang dahil hindi siya tulad kahapon na hindi man lang makapag-desisyon. Nanatili na naman siya sa café buong araw at pasara na kami nang tanungin niya ang
Read more
Can I Have This Dance 3
Nagulat ang lahat sa sinabi niya at nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaklase namin. Promenade, ano yun? Naiinom ba yan?Nang magsalita ang guro tungkol sa event na iyon, doon ko lang naintindihan. Ah, sayawan. Party ba kung baga.Tinawag bigla ng guro ang president namin para pag-usapan ang group performance namin dahil sabi nila, bawat seksyon ng graduating students ay dapat may group performance sa araw na iyon.Hanggang sa huli, napagkasunduan ng lahat na sasayaw kami ng waltz. Naku naman. Kung may isa kayong dapat malaman tungkol sa akin, parehas na kaliwa ang mga paa ko sa mga ganito. Hindi ako marunong sumayaw.Dahil sa kailangang pares-pares ang sayaw na ito, at dahil sa mas marami ang babae sa mga lalaki, napagkasunduan nila na lahat ng lalaki ay dapat may partner at ang mga babae na walang partner ay may sariling sayaw at pwedeng makipalit sa partner ng isang lalaki. So kung baga, dalawang babae ang pwedeng maging partner ng isang lalaki. Pero b
Read more
We Could Happen
Chapter 18Hala, naku naman. Nabuko na. Paano naman kasi, pagkatapos ng practice namin kahapon, hindi ko alam kung bakit kahapon ko rin lang naisip na tanungin si Tsong."Uy Tsong, anong oras ulit itong ano uhm anong tawag ulit sa party na ito?""You mean the prom?" sagot niya naman."Ah oo yang ano prom. Anong oras ulit sa Sabado?" tanong ko."6 ng gabi," sagot niya."Ah. Tapos anong oras matatapos?""Hanggang 12 midnight," sagot niya muli.Nagulat ako at napatingin sa kanya."Ano ulit?""12 midnight. Alas dose. Teka bakit ba?" pagtataka niya.Hindi naman ako nakaimik. Kaya ayan, nabuko na. Kainis naman. Dapat kasi nakinig ako ng mabuti nung pinag-uusapan nila ito eh. Bakit ba ako lutang nung mga oras na iyon?"You're not just my P.A," sabi niya. "You're unique, and you are very special
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status