Lahat ng Kabanata ng FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION): Kabanata 21 - Kabanata 30
53 Kabanata
CHAPTER 20 “MATCHMAKER”
“KUMUSTA?” si Daniel isang araw habang busy siyang nag-e-encode ng mga bagong dating na titles ng libro sa harapan ng computer. “Kung magsalita ka parang ang tagal na nating hindi nagkikita ah,” aniyang tumawa pa ng mahina saka sinulyapan si Daniel na noon ay nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table. At katulad ng dati ay nakatitig parin ito sa kaniya. Tumawa ng mahina si Daniel habang nanatiling nakatitig sa kaniyang mukha. Hindi lang niya masabi pero sa tuwing gagawin iyon ni Daniel ay para siyang nababalisa na hindi niya maipaliwanag. “Kumain ka na?” tanong ni Daniel sa kaniya makalipas ang ilang sandali. Umiling si Ara. “Ikaw ba?” tanong-sagot niya sa binata. “Hindi pa, hinihintay kasi kita,” ang derestahan nitong sagot. “Ano?” agad na dumamba ang kaba sa dibdib ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni Daniel.&n
Magbasa pa
CHAPTER 21“HOME”
“ANO bang okasyon sa inyo at bigla kang nag-invite?” tanong ni Jason kay Daniel kinagabihan habang abala na sila paglilinis ng library. Ilang minuto nalang at matatapos na ang oras ng kanilang trabaho. Katulad ng nakalipas na mga araw, magkasabay sila ni Daniel sa pag-uwi. At sanay na siya na palagi itong nakakasama.  Sabado kinabukasan at dahil nga sa hiningi niya kay Daniel na tulungan siya nito na mapaglapit sina Jenny at Jason ay iyon ang naisip gawin ng binata.  “Wala naman, wala kasi akong kasama. Nasa Cebu ang kapatid ko kaya naisip ko para hindi ako ma-bore invite ko nalang kayo sa bahay para makapag bonding tayo,” paliwanag ni Daniel.“Ah ganoon ba? Eh nasabihan mo na ba si Jenny, Ara?” si Jason sa kaniya.  Mula sa pagpupunas ng mga mesa ay tumango si Ara sa tanong na iyon ni Jason.  “Nasabi ko na sa kanya pero hindi pa daw s
Magbasa pa
CHAPTER 22 “TORPE AT MANHID”
KINABUKASAN ng araw ng linggo ang ayon kay Daniel ay schedule ng balik ng kapatid nitong si Danica galing ng Cebu. Kaya naman ipinagpaalam na siya agad ng binata sa mga magulang niya sa bahay ng mga ito siya kakain ng hapunan. Pumayag naman ang nanay at tatay niya na lihim na ipinagpasalamat ni Ara. “Nanliligaw ba si Daniel sa’yo, Ara?” tanong sa kaniya ng nanay niya kinabukasan habang busy siya sa pagtulong rito para sa ihahanda nilang pananghalian. Agad na sumikdo ang kaba sa dibdib ni Ara dahil sa tanong na iyon mula sa kaniyang ina. Kasabay iyon ng ilang sandaling pagkakatulala niya sa maganda nitong mukha. “Ara, tinatanong kita anak, nanliligaw ba sa’yo si Daniel?” ang ulit na tanong sa kaniya ni Susan na pumutol naman sa malalim niyang pag-iisip. “Nay?” ang tanging naisatinig niya. “Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” ang nanay ulit niy
Magbasa pa
CHAPTER 23 “DANICA”
“FINALLY, in the flesh. Ara,” ang masayang pagbati sa kaniya ng kapatid ni Daniel na si Danica. “Nice to meet you, Ate Danica,” ang nahihiya pero nagagalak rin niyang tugon saka tinanggap ang pakikipagkamay sa kaniya ng nakatatanda at nag-iisang kapatid ni Daniel.  “I’ve heard so much about you. Palagi kang kinukwento sa akin nitong kapatid ko. At huwag kang mag-alala, ang lahat ng sinasabi niya about you, magaganda,” anito. “Ate pwede huwag kang masyadong talkative?” si Daniel na dinala siya sa sala saka pinaupo sa maganda at Mediterranean style sofa. “Dito ka muna, titingnan ko kung okay na ang dinner,” bilin pa sa kaniya ni Daniel. Tumango lang siya. Nang makaalis si Daniel ay noon naman muling nagsalita si Danica.  “Masaya ako na naging kaibigan ka ng kapatid ko, palagi siyang masaya dahil sa’yo,” anito pa
Magbasa pa
CHAPTER 24 "FAREWELL DINNER"
KATULAD nang napagkasunduan nila ay sa bahay nina Daniel siya kumain ng hapunan nang huling gabi bago ang pag-alis ni Danica patungo ng America. At katulad rin noon una ay naging masaya iyon. Isang bagay lang naman ang napansin niya, obvious sa mga mata ni Daniel ang lungkot dahil sa pag-alis na nga ng kapatid nito."Sana katulad ng ipinangako mo noon sa akin, palagi mong samahan si Daniel," si Danica iyon nang magkasama na sila sa entertainment room ng malaking bahay na iyon at nanonood ng TV.Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ara. "Oo naman, pangako hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari," totoo iyon sa loob niya.Wala naman talaga siyang planong iwanan si Daniel. At kahit pa siguro dumating ang time na ipagtabuyan siya palayo ng binata ay patuloy parin niya itong susundan, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman niya para rito.Ngumiti si Danica. Makahulugan ang ngiti na iyon na pinukaw ng husto ang kaniyang curiosity. Pero kahit pa
Magbasa pa
CHAPTER 25 "FIRST REAL KISS"
KUNG saan kinuha ni Ara ang lakas ng loob niya para sabihin ang mga salitang iyon, hindi niya alam. At kung may bagay siyang tiyak nang mga sandaling iyon ay ang katotohanan ng sinabi niya sa binata.Gusto niya ng isang matagal at mas passionate na halik. At gusto niya na kay Daniel iyon manggaling. Kaya naman masaya siya na hiningi iyon sa kaniya ng binata. Dahil kahit papaano, siguro naramdaman rin nito na iyon ang hinahanap niya mula nang unang beses siyang nahalikan ng lalaki.Ngumiti si Daniel habang nangingislap ang mga mata. Alam niya na katulad nito ay masayang masaya rin ang binata."Are you sure? Hindi ka magagalit? Hindi mo ako sasamapalin katulad ng ginawa mo noong una?" tanong ni Daniel sa tonong tila ba humihingi ng katiyakan mula sa kaniya.Umiling siya ng magkakasunod.Kung pwede nga lang, gusto na niyang aminin sa binata na mahal na mahal niya ito. Na ito ang dahilan ng lahat ng matatamis niyang pagngiti.
Magbasa pa
CHAPTER 26 "SECRETLY DATING"
SA simula ay naging marahan ang paraan ng paghalik sa kaniya ni Daniel. Tila ba binibigyan siya nito ng sapat na pagkakataon at panahon upang sanayin ang sarili niya kung papaano tutugunin ang ginagawa nito. Pero paano niya gagawin iyon kung pakiramdam niya ay naparalisa ang buong katawan niya dahil sa maiinit na labi ng binata na ngayon ay buong pagmamahal at humahaplos sa mga labi niya.Oo, nararamdaman niya sa mga halik nito kung gaano katotoo ang lahat ng sinabi ni Daniel sa kaniya kanina. Kung gaano siya kamahal ng binata. At hindi niya kayang itanggi o kahit pasinungalingan ang tungkol doon bukod pa sa katotohanan na wala siyang plano na gawin iyon.Ilang sandali lang ang nakalipas at pinakawalan na ni Daniel ang kaniyang mga labi. At sa pagkakataong iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling titigan ang napakagandang mga mata ng binata."Mahal na mahal kita," anas nito habang nakangiti. Nanatiling hawak ng dalawang kamay
Magbasa pa
CHAPTER 27 "REALIZATION"
"TALAGA? Wow, masaya ako para sa'yo!" si Jenny na masaya pa siyang niyakap kinabukasan nang ipaalam niya rito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.Maganda ang pagkakangiting nagsalita si Ara. "Salamat, alam mo ang saya-saya ko nga eh. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka rin ng taong lihim mong minamahal," aniyang nangalumbaba pa saka nagbuntong hininga."Talaga? Sana may chance din ako kay Jason ano?" sa tono ng pananalita ni Jenny ay naramdaman ni Ara ang kaseryosohan na sana nga ay pwedeng mangyari ang sinasabi nito."Oo naman, maganda ka at matalino, lahat nalang yata ng pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae na sayo na. Saka mabait si Jason sa'yo at maalaga, kaya hindi malayong mangyari na mangyari din sa'yo ang nangyari sa akin," aniyang tinapik pa ng mahina ang kamay ng kaibigan niya.Totoo naman ang lahat ng sinabi niyang iyon. Maalaga si Jason at napaka-protective kay Jenny. Kaya hindi siya naniniwala sa sinabi nito noon sa k
Magbasa pa
CHAPTER 28 "DEEPEST AND MOST PASSIONATE KISS"
"NAGKAUSAP ba kayo ni Jason kanina?" katulad ng dati, pauwi na sila noon patungo sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Daniel.Tumango si Daniel. "Bakit?" tanong nito sa kaniya."Anong sabi sa'yo? Kasi hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ng matagal ngayong araw," sagot niya."Masaya siya, ganoon naman ang mga kaibigan hindi ba?""Parang si Jenny. Magkasabay nga silang kumain ng lunch kanina. Sana sila nalang ano? Para maging masaya rin ang kaibigan ko katulad ko," si Jenny ang tinutukoy ni Ara bago siya pumasok at naupo na sa passenger seat ng kotse."Talaga  bang masaya ka kasama ako?" kunwari ay hindi kumbinsidong tanong sa kaniya ni Daniel.Noon ginagap ni Ara ang kamay ng binata saka inilagay sa tapat ng kaniyang puso. "Ano sa tingin mo?" tanong niyang ngiting-ngiti.Hindi sinagot ni Daniel ang tanong niyang iyon at sa halip ay niyuko siya nito at mapusok na hinalikan. Hindi iyon inasahan ni Ara kaya nama
Magbasa pa
CHAPTER 29 "ARE YOU OKAY?"
MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Ara nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng mainit na kamay ni Daniel sa kaniyang kaliwang hita na pumailalim sa suot niyang palda. Dahil doon ay lalong nadagdagan ang tindi ng kuryenteng ibinibigay sa kaniya ng maiinit nitong mga labi.Hindi nagtagal at iniwan ng binata ang paghaplos sa kaniyang hita. Sa halip ay naging abala naman ang mga kamay nito sa pagkalas sa butones ng suot niyang blusa habang nanatiling angkin nito ang kaniyang mga labi.Pakiramdam ni Ara nang mga sandaling iyon ay nalulunod siya. At nilulunod siya ni Daniel dahil sa matinding init na dala ng mga labi at haplos nito.Sandali siyang nakaramdam ng panlalamig nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang balat nang mapagtagumpayan ni Daniel na buksan ang suot niyang pang-itaas. Pero sandali lang iyon dahil malakas ang singhap na kumawala na ngayon sa kaniyang mga labi nang maramdaman niya ang mainit niton
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status