Share

CHAPTER 27 "REALIZATION"

"TALAGA? Wow, masaya ako para sa'yo!" si Jenny na masaya pa siyang niyakap kinabukasan nang ipaalam niya rito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.

Maganda ang pagkakangiting nagsalita si Ara. "Salamat, alam mo ang saya-saya ko nga eh. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka rin ng taong lihim mong minamahal," aniyang nangalumbaba pa saka nagbuntong hininga.

"Talaga? Sana may chance din ako kay Jason ano?" sa tono ng pananalita ni Jenny ay naramdaman ni Ara ang kaseryosohan na sana nga ay pwedeng mangyari ang sinasabi nito.

"Oo naman, maganda ka at matalino, lahat nalang yata ng pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae na sayo na. Saka mabait si Jason sa'yo at maalaga, kaya hindi malayong mangyari na mangyari din sa'yo ang nangyari sa akin," aniyang tinapik pa ng mahina ang kamay ng kaibigan niya.

Totoo naman ang lahat ng sinabi niyang iyon. Maalaga si Jason at napaka-protective kay Jenny. Kaya hindi siya naniniwala sa sinabi nito noon sa k

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status