KUNG saan kinuha ni Ara ang lakas ng loob niya para sabihin ang mga salitang iyon, hindi niya alam. At kung may bagay siyang tiyak nang mga sandaling iyon ay ang katotohanan ng sinabi niya sa binata.
Gusto niya ng isang matagal at mas passionate na halik. At gusto niya na kay Daniel iyon manggaling. Kaya naman masaya siya na hiningi iyon sa kaniya ng binata. Dahil kahit papaano, siguro naramdaman rin nito na iyon ang hinahanap niya mula nang unang beses siyang nahalikan ng lalaki.
Ngumiti si Daniel habang nangingislap ang mga mata.
Alam niya na katulad nito ay masayang masaya rin ang binata.
"Are you sure? Hindi ka magagalit? Hindi mo ako sasamapalin katulad ng ginawa mo noong una?" tanong ni Daniel sa tonong tila ba humihingi ng katiyakan mula sa kaniya.
Umiling siya ng magkakasunod.
Kung pwede nga lang, gusto na niyang aminin sa binata na mahal na mahal niya ito.
Na ito ang dahilan ng lahat ng matatamis niyang pagngiti.
SA simula ay naging marahan ang paraan ng paghalik sa kaniya ni Daniel. Tila ba binibigyan siya nito ng sapat na pagkakataon at panahon upang sanayin ang sarili niya kung papaano tutugunin ang ginagawa nito. Pero paano niya gagawin iyon kung pakiramdam niya ay naparalisa ang buong katawan niya dahil sa maiinit na labi ng binata na ngayon ay buong pagmamahal at humahaplos sa mga labi niya.Oo, nararamdaman niya sa mga halik nito kung gaano katotoo ang lahat ng sinabi ni Daniel sa kaniya kanina. Kung gaano siya kamahal ng binata. At hindi niya kayang itanggi o kahit pasinungalingan ang tungkol doon bukod pa sa katotohanan na wala siyang plano na gawin iyon.Ilang sandali lang ang nakalipas at pinakawalan na ni Daniel ang kaniyang mga labi. At sa pagkakataong iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling titigan ang napakagandang mga mata ng binata."Mahal na mahal kita," anas nito habang nakangiti.Nanatiling hawak ng dalawang kamay
"TALAGA? Wow, masaya ako para sa'yo!" si Jenny na masaya pa siyang niyakap kinabukasan nang ipaalam niya rito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.Maganda ang pagkakangiting nagsalita si Ara. "Salamat, alam mo ang saya-saya ko nga eh. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka rin ng taong lihim mong minamahal," aniyang nangalumbaba pa saka nagbuntong hininga."Talaga? Sana may chance din ako kay Jason ano?" sa tono ng pananalita ni Jenny ay naramdaman ni Ara ang kaseryosohan na sana nga ay pwedeng mangyari ang sinasabi nito."Oo naman, maganda ka at matalino, lahat nalang yata ng pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae na sayo na. Saka mabait si Jason sa'yo at maalaga, kaya hindi malayong mangyari na mangyari din sa'yo ang nangyari sa akin," aniyang tinapik pa ng mahina ang kamay ng kaibigan niya.Totoo naman ang lahat ng sinabi niyang iyon. Maalaga si Jason at napaka-protective kay Jenny. Kaya hindi siya naniniwala sa sinabi nito noon sa k
"NAGKAUSAP ba kayo ni Jason kanina?" katulad ng dati, pauwi na sila noon patungo sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Daniel.Tumango si Daniel. "Bakit?" tanong nito sa kaniya."Anong sabi sa'yo? Kasi hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ng matagal ngayong araw," sagot niya."Masaya siya, ganoon naman ang mga kaibigan hindi ba?""Parang si Jenny. Magkasabay nga silang kumain ng lunch kanina. Sana sila nalang ano? Para maging masaya rin ang kaibigan ko katulad ko," si Jenny ang tinutukoy ni Ara bago siya pumasok at naupo na sa passenger seat ng kotse."Talaga bang masaya ka kasama ako?" kunwari ay hindi kumbinsidong tanong sa kaniya ni Daniel.Noon ginagap ni Ara ang kamay ng binata saka inilagay sa tapat ng kaniyang puso. "Ano sa tingin mo?" tanong niyang ngiting-ngiti.Hindi sinagot ni Daniel ang tanong niyang iyon at sa halip ay niyuko siya nito at mapusok na hinalikan. Hindi iyon inasahan ni Ara kaya nama
MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Ara nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng mainit na kamay ni Daniel sa kaniyang kaliwang hita na pumailalim sa suot niyang palda. Dahil doon ay lalong nadagdagan ang tindi ng kuryenteng ibinibigay sa kaniya ng maiinit nitong mga labi.Hindi nagtagal at iniwan ng binata ang paghaplos sa kaniyang hita. Sa halip ay naging abala naman ang mga kamay nito sa pagkalas sa butones ng suot niyang blusa habang nanatiling angkin nito ang kaniyang mga labi.Pakiramdam ni Ara nang mga sandaling iyon ay nalulunod siya. At nilulunod siya ni Daniel dahil sa matinding init na dala ng mga labi at haplos nito.Sandali siyang nakaramdam ng panlalamig nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang balat nang mapagtagumpayan ni Daniel na buksan ang suot niyang pang-itaas. Pero sandali lang iyon dahil malakas ang singhap na kumawala na ngayon sa kaniyang mga labi nang maramdaman niya ang mainit niton
KINABUKASAN ay pinilit ni Daniel na gawing normal ang takbo ng buhay niya. Sa susunod na linggo na ang dating ng Mama at kapatid niya galing ng New York. At katulad ng gustong mangyari ni Marielle, kukuha sila ng second opinion at sa pagkakataong ito ay kasama na ito at si Danica.Katulad ng normal niyang ginagawa noon, sinundo niya si Ara sa pagpasok sa eskwela. Maganda ang bukas ng mukha nito nang mabungaran niyang naghihintay sa terrace ng bahay.Sa ningning ng kislap ng mga mata ni Ara, alam niyang mahal na mahal siya nito. Walang duda iyon, ay iyon ang nagpapabigat ng husto sa dibdib niya. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit nang makasakay ito sa loob ng kotse.Ramdam ni Daniel ang tila malaking tinik na nakabara ngayon sa lalamunan niya dahil sa pagpipigil niyang mapaiyak. Pero kailangan niyang maging matatag. Kung hindi, mapipilitan siyang aminin rito ang totoong kun
SIGURO nga ang ginawa niyang paghalik kay Daniel ang nagbigay signal sa binata kaya tuluyang nawala ang anumang alalahanin sa isipan nito. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang biglang naging mapusok ang binata.Hinalikan siya nito at tinugon ang halik na sinimulan niya, pero iyon ay sa paraan na hindi na niya halos kinaya o hindi na niya alam kung papaanong sasabayan ang binata kaya naman sa huli ay kusa na lamang siyang nagpaubaya.Nagawa siyang ihiga ni Daniel sa kama nito nang hindi niya namamalayan. Napagtanto na lamang niya iyon nang maramdaman niya ang pagsayad ng malambot na higaan sa kaniyang likuran. Pero ganoon pa man ay hindi parin niya idinilat ang kaniyang mga mata. Pinanatili niya ang pagkakapikit niya dahil ang totoo parang hindi niya kayang bigyan pa ng pansin ang iba pang bagay maliban sa masarap na ginagawa sa kaniya ng binata.Masuyo pero mapusok.Banayad pero malalim
NAGING mabilis ang mga pangyayari pagkatapos niyon. Totoong nadala si Ara ng maiinit at mapupusok na paghalik sa kaniya ni Daniel. Kaya naman hindi na niya namalayan na nagawa na pala nitong kalasin ang pagkaka-hook ng suot niyang bra saka katulad ng ginawa nito sa mga damit niya kanina ay inihulog nito iyon sa gilid ng kama.Hinagod ng tingin ni Daniel ang magkabila niyang dibdib. Kitang-kita niya ang maliliit parin na apoy na parang nagpapaligsahan sa mga mata nito. Alam niya kung para saan ang mga iyon. At alam rin niya kung ano ang dahilan, bagay na lihim na ikinatuwa ng dalaga."They are gorgeous, tama nga ako about your body sweetheart, extremely a perfection beyond words," ang puno ng paghangang sambit ni Daniel saka nito hinawakan ang kanan niyang dibdib.Agad na napaigtad si Ara nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Daniel dahil sa pagdamping iyon ng kamay nito sa kaniyang balat. At lalo pang nagtumi
"OHHH!" ang malakas na naisigaw ni Ara bilang reaksyon at pagtugon sa ginawang iyon ng kaniyag nobyo.Siguro nga totoo ang sinabi nitong ni Daniel sa kaniya kanina na hindi niya ito dapat na sinisimulan. Pero kung ganito ba naman katindi ang kaligayahan na pwede niyang maranasan, hindi siya magdadalawang isip na i-seduce ito ng maraming beses at paulit-ulit. Dahil kung tutuusin nasa kaniya naman ang lahat ng karapatan na gawin iyon dahil nobya siya nito. Bukod pa sa katotohanan na inalok na siya ng binata ng kasal kaya hindi magtatagal sila ay magiging mag-asawa na kahit lihim lang .Sa simula ay naging mapagbigay si Daniel, hindi ito masyadong naging mapusok sa kaniya at lalo na sa pagkababae niya. Pero parang nagpipigil lang ang binata sa ginagawa nitong iyon dahil sa huli ay nagawa na nitong pagsabayin ang daliri nito na naglalabas masok sa kaniyang bukana pati narin ang sumisibasib nitong bibig sa kaniyang hiyas.