NAGBUNTONG HININGA nalang ako sa lahat ng sinasabi ni Calum.Kabisado ko naman kasi ang ugali ng kaibigan kong ito. Hindi ito magsasalita kung hindi ito sigurado. At dahil nga masyado niya akong kilala, lalo lamang siyang nagkakaroon ng dahilan para magsalita at makatiyak na tama ito sa mga sinasabi nito.“Hindi ko pa napag-iisipan ang tungkol diyan,” pag-amin ko sa kanya.“Bakit naman kailangan pang pag-isipan? Eh gaya na nga ng sinabi ko, sure akong meron at meron uling mangyayari sa inyo ni Marius,” casual na sagot ni Calum. Hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita niya. Maging ang emosyon sa mukha nito ay ganun pa rin. Kaya eventually, natawa talaga ako. “Oh, anong nakakatawa?” tanong pa niya habang nagsasalubong ang mga kilay.Magkakasunod akong umiling kasabay ang pagliit ng kanina ay malapad na ngiti ko. “Bakit ba parang seryosong-seryoso ka na may mangyayari ulit sa amin?” amused kong tanong.Kahit gusto kong mangyari ulit iyon, syempre medyo nagpakipot pa rin naman
Read more