Lahat ng Kabanata ng Let's Play Hide and Seek: Kabanata 11 - Kabanata 20
25 Kabanata
Kabanata 10
Kim POV Pagkatapos kung maihatid si Jane ay umuwi na ako agad. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Wala ang parents ko dito dahil nasa ibang bansa sila. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bag at agad na nilagay sa tenga para makinig ng music. Habang nakikinig ako ng music sa aking tenga ay biglang nag iba ang kanta, kung kanta nga ba itong matatawag o tula. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Ang mahuhuli ko ay papatayin ko." paulit ulit ito Dahil sa narinig ko sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may dahilan at kahulugan ang mga katagang 'yon. Bigla bigla na lang pumapasok sa isipan ko si Crystal. Bumabalik sa alaala
Magbasa pa
Kabanata 11
Nathalie POV Walang tigil ako sa pagtakbo sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung saang lugar ako o kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat! - biglang may narinig ako na boses na sobrang lamig at nakakatakot "Tumigil ka! Layuan mo ako! Tigilan moko!"- buong lakas na sigaw ko ng hindi ko alam kung nasaan ang nagsabi nito. "Hindi ka makakatakas! Hindi kayo makakatakas! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo. Magbabayad kayo! Buhay kapalit ng buhay!" Nilagay ko ang mga kamay ko  sa tenga ko para matakpan ito at hindi ko marinig ang boses ng kung sin
Magbasa pa
Kabanata 12
Jane POV “S-sino ka?” nauutal na tanong ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ang dali mo namang makalimot! Ang dali mo naman akong kalimutan Jane" “C--crystal?” mahinang sambit ko. "Mabuti naman at naalala mo pa ako. Dahil ako hinding hindi ko kayo makakalimutan at ang ginawa niyo sa akin!" puno ng galit na saad ng boses. Hindi ko alam kung nasaan siya o sino ba talaga siya. Si crystal ba o hindi? Pero patay na siya! Paanong boses niya ang naririnig kung nagsasalita? Imposible!  isip ko "P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo"-umiiyak na anas ko.
Magbasa pa
Kabanata 13
Masayang naglakad palabas ng paaralan ang isang babae, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil sa nangyari. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ang mga takot sa mukha ng apat na dahilan kung bakit siya namatay. “Ganyan ang dapat sa inyo, ang nabuhay sa takot.” isip nito. Naghanap muna siya ng banyo para saan makapag palit at ayusin ang sarili, kapag kasi nando’n siya sa loob ay iniiba niya ang itsura ng mukha nito, kaya pinagkakamalan siya ng apat na ‘yon na baliw o weird. Sa ganda kung ‘to baliw lang? Hindi siya mag didisguise kung hindi lang kailangan. Ng makatapos na siyang mag ayos ay agad siya naglakad sa kotse nito na nakapark di kalayuan sa kung nasaan siya. Mabilis siyang sumakay at nagdrive paalis sa lugar na ‘yon. “Ta
Magbasa pa
Kabanata 14
Inabot na ng madaling ang magkaibigan pero hindi pa rin sila makatulog sa kakaisip ng mga nangyayari sa kanila sa loob ng ilang linggo. Nanatili pa rin sila sa sofa para magkwentuhan at magbonding na din. Ng biglang tunog ang doorbell, mabuti na lang at gising pa ang isang kasambahay nila Nathalie kaya siya na ang lumabas para tingnan kung may tao ba. Maya maya ay bumalik ito ng walang kasama pero may hawak hawak na kahon. "Ma'am wala naman pong tao, pero nakita ko ito sa gate natin. Nakapangalan sayo." sabi nito sabay lapag ng di kalakihang box. Agad naman nagpasalamat si Nathalie at sinabihan ang kasambahay nila na pwede na siyang bumalik sa kwarto niya. Ng makaalis na ito ay agad naman silang nagkatinginan. Kinuha ni Nathalie ang kahon at binuksan ito sa harap ng kaibigan. Pagkabukas niya nito ay napasigaw siy
Magbasa pa
Kabanata 15
May isang binata na dumating sa isang lumang bahay, kung titingnan mo ng mabuti ang bahay ay hindi mo masasabi na luma ito dahil maganda at maayos ang lahat ng nandito simula sa pintura, mga furnitures at iba pa. Isa ito sa pagmamay ari ng binata, nabili niya ito sa murang halaga gamit ang sariling savings nito. Noong unang bili niya rito medyo luma na at may mga sira sira na pero pinarenovate niya ito para magmukhang bago, may care taker ang bahay na ito kaya hindi napapabayaan. Ipinasok niya ang kanyang kotse at agad siyang bumaba rito at nagdire-diretsong nagpakad papasok sa bahay. Agad siyang dumiretso sa taas at binuksan ang isang silid doon, pagpasok niya ay naabutan niya ang kaibigan na doctor na nando’n at tinuturukan ng gamot ang taong nakahiga sa kama. "Nandito ka na pala. Katatapos ko lang iturok sa ka
Magbasa pa
Kabanata 16
Isa’t kalahating buwan na ang nakalipas ng mangyari ang hindi inaasahan pagkamatay ni Crystal. Naging tahimik ang buhay ng apat na magkakaibigan, hindi na din sila nakakatanggap ng mga threats at wala na din nangyayari sa kanilang kakaiba. Ngunit mas labis lamang lang nila itong ikinabahala, hindi sila pwedeng maging kampante dahil hindi nila alam kung ano ang pinaplano na gawin ng mga taong nasa likod ng mga ito.Hindi porket tahimik ang buhay nila sa loob ng ng mga nakaraang linggo ay sigurado na silang wala ng ibang mangyayari pa. Mas kailangan nilang mag ingat lalo ngayon dahil sa pananahimik ng mga taong gumugulo sa kanila. Mas doble ang pag iingat na kailangan nilang gawin. Naging mas close pa si Sophia at Kia, hindi dahil sa sinabi ni Kim kung hindi dahil totoong kaibigan ang turing nito sa dalaga, medyo naging mailap na din siya sa kanila Nathalie.  Ngayon ay nandito sila sa parking lot para hintayin ang tatlo pa nilang mga kaibigan at sabay sabay na sila pap
Magbasa pa
Kabanata 17
Jane POV Buong araw akong tahimik kahit mga kaibigan ko ay hindi ko kinikibo. Nahihiya ako sa nangyari, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga mapanghusgang salita na nanggaling sa mga kapwa estudyante. 'Hindi naman kasi nila alam ang totoo eh. Wala pa si Kim at Crystal ay meron ng kami.”  isip nito. Hanggang ngayon na nandito na siya sa tinitirhan ay lutang pa rin ang isip niya. Alam niyang pag nalaman ito ng mga prof.nila sa paaralan ay madidisappoint sila lalo pa't isa ako sa mga top students nila. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa frustration na nangyayari. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko, pero kumunot ang noo ko ng pagtingin ko sa screen ay unregistered number ang nakalagay. Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag. "Kamusta Jane? Nagustuhan mo ba ang regalo na natanggap mo ngayong araw?" boses sa kabilang linya at tumatawa pa ito. "S-sino ka? Ikaw ba ma-may gawa no’n? A-anong ka-kailangan mo ha!.” gigil
Magbasa pa
Kabanata 18
Lumipas pa ang mga araw at unti unting nawawala na din ang issue sa dalawa, pero may mangilan ngilan pa ring nag uusap tungkol dito. Naging payapa ang buhay ng apat na magkakaibigan, ngunit hindi pa rin mawala ang pangamba sa kanila, iniisip nila kung kailan o ano na naman ang plano ng mga taong hindi sila tinitigilan. Isang araw habang papasok si Sophia, Kia at Kim sa paaralan ng bigla na naman silang nakarinig ng bulungan, hindi na tungkol sa kanila ni Jane kung hindi tungkol ito sa kaibigan nilang si Nathalie. May mga nakita silang nakakalat na papel sa hallway kung saan sila naglalakad at meron ding iba na hawak hawak ng ilang mga estudyante, may ibang tumatawa, meron nandiriri at ‘yong iba naman kung ano ano ang sinasabi. At dahil nadala sila ng kanilang kuryusidad at agad na inagaw ni Sophia ang hawak ng isang babae malapit sa kanila. Napasinghap siya ng makita papel. "Gosh! This is not happening!" bulalas nito. Lumapit naman si Kia dito. "Ano b
Magbasa pa
Kabanata 19
Lumipas pa ang dalawang linggo pero hindi pa rin nawawala ang mainit na isyu tungkol kay Nathalie, madalas pa rin siya tampulan ng usapan sadyang matapang lang talaga ang dalaga at hindi pinapakita na apektado siya. Sabado ngayon kaya wala silang pasok, dahil nakakaramdam ng bored si Sophia ay naisipan niyang lumabas para mag mall, hindi na siya nag atubili pang tawagan at yayain ang mga kaibigan dahil alam niyang may kanya kanya itong ginagawa o lakad. Mabilis siyang naligo at nagbihis para makaalis na agad sa kanilang bahay. Ng matapos na siyang ayusin ang sarili ay tumingin muna siya ulit sa salamin para tingnan ang repleksyon nito, napangiti naman siyang makita na maayos na siya at ready to go na. Agad niyang kinuha ang maliit na sling bag na may lamang wallet at phone niya at lumabas sa kanyang kwarto. Ng makababa na siya ay sumakay siya sa kanyang kotse at nagsimula ng magmaneho, dahil maaga pa naman ay hindi muna siya dumiretso sa mall, dumaan muna siy
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status