All Chapters of Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont : Chapter 31 - Chapter 40
1898 Chapters
Kabanata 31 Anong Meron Ka?
Huminto ang elevator sa seventh floor.Nasa loob nito si Simon Donn, napatingin siya sa nakakatakot na lalaking pumasok sa elevator, kaya umurong siya sa isang gilid.Sumara ang pintuan ng elevator. Sinipa ng nakakatakot na lalaki ang lower abdomen ni Simon Donn. Pagkatapos ay malumanay itong nagsalita."Kung ayaw sayo, 'wag mong hawakan!" Nagulat si Simon Donn sa malakas na sipa ng lalaking ito. Napaluhod siya habang nakahawak sa kanyang tiyan. "Sino ka ba?""Asawa ni Arianne Wynn!"…Hinanahap agad ni Arianne si Mark Tremont, pagkatapak niya sa hall ng Tremont Estate. Natuwa si Mary sa aksyon ni Arianne, kaya natutuwa niyang sinabi, "Hindi pa nakauwi si sir!"Nakahinga na ng maayos si Arianne. "Sinabi niya sa akin na uuwi siya dito para mag-dinner…"Kadalasan, mas maagang umuwi si Mark Tremont kumpara kay Arianne.Pagkalabas ni Arianne ng kubeta, nakita niya na nakaupo si Mark Tremont sa dining hall. Basa ang buhok niya at suot niya ang kanyang lounge clothes, bagong
Read more
Kabanata 32 Palambutin ang Kanyang Puso
Pinigilan ni Arianne Wynn ang sarili niya, doon niya naintindihan na panaginip lamang ang kagustuhan niyang makalaya sa mga kamay ni Mark Tremont. Masasabi na maawain pa nga si Mark Tremont para gamitin ang buong buhay ni Arianne bilang kabayaran sa mga kasalanan niya at wala siyang karapatan na pumili ng ibang paraan para dito..."Matutulog ako sa guest room." Ito ang huling pagkakataon na lumaban si Arianne. "Subukan mong umalis!"Pinagbantaan siya ni Mark Tremont. Nakakatakot ang tono ng pananalita nga lalaking ito, parang pumasok sa puso ni Arianne ang malamig na hangin sa labas dahil sa naramdaman niyang takot. Nanahimik at huminto siya ng saglit, hinintay niyang magsalita ulit si Mark Tremont. Lumipas ang katahimikan bago siya nagsalita ulit, "Gusto mo nang umalis? Okay, papayagan kita! May kailangan kang gawin kung gusto mong makalaya... bigyan mo ako ng anak!"Anak? Gusto niyang si Arianne ang magiging ina ng anak niya? Isang bata na mula sa kanilang dalawa? Biglang
Read more
Kabanata 33 Ang Nanay ni Aery Kinsey
Kinabukasan, dumiretso na sa trabaho si Arianne at hindi na siya kumain ng breakfast. Tambak ang mga documents na nakalagay sa kanyang table. "Kanino 'to?"May bumulong sa gilid niya, "Si Mr. Donn yung nag-assign niyan sayo. Ginalit mo ba siya? Halos lahat ng gawain ibinigay niya sayo. Malamang mag-overtime ka ngayong araw…"Walang sinabi si Arianne at umupo na lamang siya, alam niya na ito ang kanyang parusa dahil sa pagtanggi niya at napahiya sa kanya si Simon Donn. Tanghali na at may natanggap siyang text message, "Nanay ako ni Aery Kinsey. Magkita tayo. Hihintayin kita sa Mocha Café."Inisip ni Arianne kung may kilala ba siyang Arianne Kinsey, mukhang hindi niya kilala ang tinutukoy nito kaya sumagot siya, "Hindi ko kilala si Aery Kinsey."Mabilis na sumagot ang babae, "Kilala kita. Magkita tayo doon."Biglang lumabas sa isip ni Arianne ang babae na kasama ni Mark Tremont sa airport. Lalo siyang naging naintriga dahil dito. Lunchtime na, umalis si Arianne sa kanyang opis
Read more
Kabanata 34 Nadugyutan
Pagkabalik sa opisina, hindi pinansin ni Arianne ang kumakalam niyang sikmura.Bumabagabag sa isip niya ang mukha ni Helen Cameran. Hindi niya inakala na magpapakita sa ganoong paraan ang kanyang ina.Hindi niya alam kung nagagalit o nadudugyutan siya sa pagkakataon na iyon. Iba't-ibang emosyon ang gumugulo sa puso niya.Ilang taon na ang lumipas kaya nagbago na ang itsura ni Arianne. Hindi siya namukhaan agad ni Helen Cameran. Gayunpaman, agad niyang nakilala ang kanyang ina! Nakaukit sa isip niya ang mukha ng kanyang nanay. May isang bagay siyang hindi maintindihan. Iniwan siya ni Helen Cameron noong six years old pa lamang siya. Kung kinasal ulit si Helen Cameron, mas bata sa kanya ng pitong taon si Aery Kinsey. Hindi mukhang underage si Aery Kinsey…Kung stepdaughter ni Helen Cameran si Aery Kinsey, ano sa kanya si Arianne kung sobra niyang binibigyan ng halaga si Aery… Biological daughter niya rin ba si Aery Kinsey?!“Arianne Wynn, balak mo ba mag-overtime dito hanggang
Read more
Kabanata 35 Pagkakataon niya ngayong Gabi
“Sinabi ko na sayo. Si Mark Tremont ang puntahan mo kung gusto mo akong umalis. Wala akong choice. At saka, sinasabi ko ngayon palang – Hindi ako aalis! Asawa ko na si Mark Tremont, kasal kami!”Tumakbo si Arianne sa kasagsagan ng snow pagkatapos niyang sumigaw. Sana hindi niya na lang nakita ang nanay niya kung sa ganitong paraan niya ito makikita ulit. Hindi niya namalayan ang layo ng nilakad niya nang biglang mag bumusina na kotse sa kanyang likuran. Hindi niya ito pinansin dahil akala niya si Helen Cameran ito.Dumaan sa kanya ang kotse at nakita niya na nakadungaw ang ulo ni Brian Pearce sa bintana. “Pasok ka sa loob, madam.”Pinunasan ni Arianne ang mga luha na nanuyot sa kanyang mukha. Nakita niya na nasa loob si Mark Tremont, agaw pansin ang itsura ng taong ito. Panandalian siyang natakot at unti-unti itong nawala nang makapasok siya sa loob ng kotse. Nagdalawang isip muna siya bago niya tinanong si Mark Tremont, “Alam mo na younger half-sister ko si Aery? Revenge mo rin
Read more
Kabanata 36 Walang Pasensya
Nanigas ang katawan ni Arianne bago siya dahan-dahang humarap kay Mark Tremont at binalot niya ang kanyang braso sa leeg ng lalaki. Habang nakatingin siya sa lalaking ito, paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na makakalaya na siya kapag nabuntis at iniluwal na niya ang anak ng lalaking ito. Hindi pa rin makagalaw si Arianne kahit tinatak niya iyon sa kanyang isipan. Malayo ang isip ni Arianne at hindi niya namalayan ang kanyang sinabi, “Basa pa ang buhok mo…”Sa isang saglit, nagtagpo ang kanilang mga labi. Natunaw ang kanilang mga alalahanin sa malalim na gabi at unti-unting bumigat ang kanilang paghinga. Aksidenteng tiningnan ni Arianne ang malalim na mga mata ni Mark Tremont, kahit kailan ay hindi niya naintindihan ang pananaw nito. Makikita sa kanyang mga mata ang init at pagnanasa...Sa pagkakataon na ito, nawala na sa isip ni Arianne na tumakas mula sa lugar na iyon. Nakahawak siya sa dibdib ni Mark Tremont, pamilyar ang init na nararamdaman niya sa kanyang mga palad
Read more
Kabanata 37 Ang Bagong Boss
Nagising agad si Arianne Wynn. Dalawang oras palang ang nakalipas noong umalis si Mark Tremont pero lasing na agad siya?“Uh… okay. Hintayin niyo ako, pupunta na rin ako!” Bumaba siya sa kama at agad siyang nagbihis habang sinasabi niya ito. Pagkarating niya sa bar kasama si Butler Henry, palabas na sila Eric Nathaniel at Jackson West habang buhat nila si Mark Tremont. Hinila ni Arianne ang kanyang coat at lumapit siya sa kanila. “Pasensya na sa abala.”Ngumiti si Eric. “Walang problema, sampung taon na kaming magkaibigan. Sa… Glide Design ka nagtatrabaho… tama?”Hindi alam ni Arianne kung bakit siya tinaning ni Eric Nathaniel pero tumango siya. “Oo.”Wala nang ibang sinabi si Eric, tinulungan niya na lang na buhatin si Mark papunta sa loob ng kotse. Habang pauwi sila, pinaalalahanan ni Butler Henry si Arianne, “Madam, paki-check na lang si sir kasi baka magsuka siya, nakainom siya ng marami. Ayaw niya ang kotse na ‘to kapag nasuka siya dito.”Umoo si Arianne, alam niya na t
Read more
Kabanata 38 Gusto ko siyang makita
Wala nang oras si Arianne para isipin kung saan niya narinig ang boses na ito. Pagpasok niya sa opisina, bumungad sa kanya si Eric Nathaniel. "Ikaw…"Ngumiti sa kanya si Eric Nathaniel. "Oo, ako ang bagong boss mo. Pero, hindi ibig sabihin nito na magiging maluwag ako sayo. Hindi ko ugali ang favoritism. Umupo ka muna, may kailangan akong sabihin kay Mr. Donn."Nagulat si Simon Donn na kilala pala ni Eric Nathaniel si Arianne Wynn kaya bigla siyang nangamba. Bigla siyang sumabad at ngumiti sa bagong boss. "Mr. Nathaniel, ano ang kailangan kong gawin para sayo?"Mukhang mabait at madaling makisama si Eric, pero nakakatakot ang ngiti sa kanyang labi.Pinagmamalaki niya rin ang kanyang magandang itsura. Kahit si Simon Donn, na isang lalaki, ay nagwapuhan sa kanya.Gayunpaman, nakakatakot ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Eric. "Kunin mo sa HR ang last pay mo at umalis ka na."Nawala ang ngiti sa mukha ni Simon Donn. "Ha? Bakit? Pangit ba ang naging performance ko?"Tumaas
Read more
Kabanata 39 P****k ka Arianne Wynn!
Walang awa siyang inasar ni Mark Tremont, "Gusto mong makipagkita kay Tiffany, o gusto mo malaman ang kalagayan ni Will Sivan?"Huminga ng malalim si Arianne at mabilis siyang tumayo, "Tapos na ‘kong kumain."Tiningnan siya ng masama ni Mark Tremont. "Sinabi ko ba na pwede ka nang umalis?""May kailangan pa ba tayong pagusapan?" Lumingon at tiningnan siya ni Arianne habang nakatayo siya iisang lugar.“Umuwi ka agad pagkatapos ng trabaho mo bukas. Kung hindi mo magawa iyon, ‘wag kang umasa na makakalabas ka pa,” sabi ni Mark Tremont bago siya umakyat sa taas. Ayaw niya nang mag-rason pa si Arianne. Kung tungkol ito sa ibang bagay, pwedeng palipasan o hayaan na lang ito ni Arianne, pero kailangan niya talagang makipagkita sa kaibigan niya bukas.Kinain ng galit si Arianne at sinundan niya si Mark Tremont papunta sa hagdan.“Mark Tremont! Gusto ko lang makita si Tiffany! ”Tumigil ang mga yapak ni Mark Tremont. "Tinanong kita, pero pinili mong hindi ako sagutin. Hindi na kita b
Read more
Kabanata 40 Gaano Katagal na Silang Magkasama
Tumayo si Arianne Wynn at makikita sa kanyang mukha na wala siyang emosyon. "Anong sinabi mo?"Sumigaw si Aery Kinsey gamit ang kanyang matinis na boses, "Mali ba ako? Alam ng buong bansa ang tungkol sa iskandalo niyo ni Will Sivan, ang pangatlong anak ng Sivan family. Saan ka nakakuha ng lakas ng loob para manatili sa tabi ni Mark? Kung ako ikaw, matagal ko nang pinatay ang sarili ko! Nagtataka ako nung una kung sino ba ‘tong babae na nakikisawsaw sa amin ng pinakamamahal kong Mark, tapos nalaman kong ikaw pala iyon! Nakakadiri!"Biglang nagbulungan ang mga nanonood sa kanila nang mabanggit ang insidente na nangyari noong tatlong taon na nakalipas."Siya pala yun, huh… kaya pala parang pamilyar siya. Hindi ko inaasahan na ang isang tahimik na tulad niya ay masahol na klase ng tao pala. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang libro sa cover nito... Wala siyang pakialam nung nililigawan siya ni Simon noon, siguro may nangyari na sa kanila at hindi lang niya pinapahalata? Kung umasta kala mo
Read more
PREV
123456
...
190
DMCA.com Protection Status