“Saint Master!”Nagalala nang husto si Diana nang makita niya iyon. Halos umangat na rin ang kaniyang puso sa kaniyang lalamunan habang sumisigaw ng, “Hindi lang po kayo nagkakaintindihan, hindi po siya—"Gusto sanang sabihin ni Diana na si Darryl nga ang taong iyon pero agad siyang pinigil ni Alan sa pagsasalita.“Altar Master Olsen, hindi mo na kailangan pang magsalita para kay Darryl.” Nagmukhang demonyo si Alan habang ipinapakita ang nanlalamig niyang ngiti. “Alam naman nating lahat na disipulo mo si Darryl, pero nagawa pa rin nitong dukutin si Chang Er, walang kapatawaran ang krimen na kaniyang ginawa!”“Tauhan niya ang isang ito kaya natural lang na hindi natin siya pakawalan!”Tumitig nang husto ang mga mata ni Alan kay Darryl habang tumatawa sa kaniyang sarili.“Ngayong nandito na ang Saint Master, siguradong masusugatan nang husto si Darryl kung mabuhay man siya sa mga pagatakeng gagawin nito. Pero nagawa pa ring salagin ng hayop na si Darryl ang pagatake ng Saint Master
Read more