“Napakadaling turuan ng isang ito!”Nasabik nang husto si Terror Hound nang sumangayon sa kaniya si Darryl. Walang tigil nitong binati si Darryl. “Gustong gusto ko ang mga matatalinong tao na kagaya mo. Sinisiguro ko sa iyo na itatrato kita nang maayo sa sandaling makalabas tayo rito.”“Sige, huwag mo na itong patagalin pa. Magsalita ka na bago pa magsuspetsa sa atin ang matandang pagong na ito.”Sumangayon naman si Darryl bago nito ayusin ang kaniyang lalamunan at sabihin na, “Uh…aking mga senior. Mayroon na ba kayong naisip?”Tumingin naman si Darryl kay Terror Hound habang nagsasalita.Matalino si Terror Hound kaya agad itong nagkunwari sa pagsagot ng, “Ano nga bang solusyon natin dito?”Dito na siya tumingin kay Giant Turtle para sabihing, “Ano sa tingin mo, Giant Turtle?”Huminga naman nang malalim si Giant Turtle habang nagiisip na sumasagot ng, “Hindi talaga ako makahanap ng magandang solusyon nang ganito kabilis.”Dito na kinuha ni Darryl ang pagkakataon para magsalita.
Read more