Nasa katawan ni Adam si Prince Auten ng ilang araw lang. Tsaka, hindi pa niya nahuhugis ang diwatang kaluluwa, kaya hindi pa para sa kanya na makalaban si Rachelle. Dagdag pa 'ron, nakuha ni Rachelle ang banal na kapangyarihan ni Darryl. Kahit na hindi pa niya naku-kumpleto ang pagsasama, sapat na ito para makaharap si Prince Auten sa kondisyon na 'yon. "Ikaw-" Sa oras na 'yon, nahirapang tumayo si Prince Auten, at putla ang mukha niya. Sinamaan niya ng tingin si Rachelle nang hindi makapaniwala, "Saan niya nakuha ang lahat ng enerhiya na 'yan?"Noon, nang nasa ilalim pa ni Prince Auten si Rachelle, nasa pang-unawa niya ang lakas ni Rachelle. 'Hindi mahina ang babaeng 'to, pero hindi rin siya nabibilang sa mataas na elite ng komunidad. Higit dalawang oras ko lang siya hindi nakita. Hindi lang siya nakatakas sa kontrol ko, pero mas lalong lumakas ang kapangyarihan niya. Kahit kainin ko ang espiritung prutas ng Godly Region ay walang pa rin itong gano'ng epekto.'Nanatiling tahimik
Read more