All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 71 - Chapter 80
7044 Chapters
Kabanata 71
”Well, kung hindi po kayo naniniwala sa kakayahan ng Godly Pill na ito, paalam.” Parang walang naging pakialam si Darryl na naghanda nang umalis.“Teka!” Tawag ni Brandon matapos gumawa ni Darryl ng ilang hakbang paalis.“Sigurado ka bang matutulungan ako ng pill na itong makatawid sa level ng Master General?” Tanong ni Brandon.Ayaw nang dagdagan ni Darryl ang mga sinabi niya kanina. Kaya sumagot lang siya gamit ang dalawang simpleng mga salita kay Brandon, “Siyempre naman.”Huminga nang malalim si Brandon at sinabing, “Sige. Bibilhin ko na iyan. Magkano ba ang pill na iyan?”Isang ngiti ang nagpakita sa mukha ni Darryl at inisip na mukhang iniisip ni Brandon na maaayos niya ang lahat gamit ang kaniyang pera. “Sige kung ganiyan ka kayaman, uubusin ko ang laman ng iyong bank account ngayong araw,” Habang nagiisip, itinaas ni Darryl ang dalawa niyang mga daliri kay Brandon.Sa kaniyang isip, pinaplano niyang ibenta ang bawat isang pill sa halagang dalawang bilyon. Pero mukhang hin
Read more
Kabanata 72
Matapos ang mahabang araw, nakaalis na ang halos lahat ng mga bisita sa mansiyon ng mga Darby. Umalis na rin ang ilan sa mga senior ng pamilya Darby na nagiwan na lamang sa mga nakababatang miyembro ng Darby na kasalukuyan pang nagiinuman sa living hall ng mansiyon na nagpupumilit sa groom na ibalik ang bride sa kanilang kuwarto.Ang groom namang si Jackson ay naparami sa paginom kaninang hapon kaya kasalukuyan pa itong natutulog sa kaniyang kuwarto habang ang kaniyang bride naman na si Rebecca Song ay abala sa pagentertain ng kanilang mga bisita habang tulog ang kaniyang asawa.Naroon din siyempre ang pinakamatanda nilang kapatid na si Florian at ang asawa nitong si Yumi.“Sige na, lumalalim na ang gabi. Oras na para umuwi!” Sabi ni Yumi habang nakatingin sa kaniyang orasan.Pero mukhang ayaw pang umuwi ng asawa niyang si Florian na kumaway sa kaniya habang sinasabing “Ah, espesyal ang araw na ito sa ating lahat. Kaya bakit hindi ka na maunang umuwi sa atin? Dito lang muna ako par
Read more
Kabanata 73
Agad na naintindihan ni Florian ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Agad niyang dinala ang eight diagram na salamin para itabi ito kay Rebecca.“Napakagaling mo talaga, Darling!” Pinuri ni Florian si Yumi habang ibinababa ang salamin.Hindi na nagawa pang sagutin ni Yumi ang kaniyang asawa. Nilagay niya ang salamin sa tabi ng kama at pumunta sa bintana para buksan ito, ipapakita nito na tumakas sa bintana ang taong gumawa nito kay Rebecca.Malinaw na fineframeup nilang dalawa si Darryl.Kaninang umaga, nagpakitang gilas si Darryl gamit ang kaniyang kaalaman sa teorya ng Feng Shui na nagawa ring magsabi na nahimatay si Abby nang dahil sa salaming ito. Kahit na hindi nito nakumbinsi si Yumi, alam niya na maraming naniwala rito kasama ang biniktima ng kaniyang asawang si Rebecca.Dahil marami nang nalalaman tungkol sa metaphysics ng Feng Shui si Darryl, maaaring marami na rin itong nalalamang paraan para mawalan nang malay si Rebecca sa pamamagitan ng salaming ito. Kaya sa sandal
Read more
Kabanata 74
Nanigas ang ngiti sa mukha ni Samantha habang nagiging awkward at bagsak ang maganda niyagn mood. Pero nanatiling kalmado at confident si Lily. Tumayo siya at ipinakilala si Darryl, “Ito nga pala si Darryl. Kasal na kaming dalawa.”“Oh… Siya pala ang manugang mo Samantha, I see. Mukhang isa naman siyang disenteng lalaki. Saan ba siya nagtatrabaho.” Tanong ni Melanie.“Sa isang kumpanya,” Kalmadong isinagot ni Darryl. Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Melanie pero wala pa rin siyang pakialam dito.“Anong company? Ano rin ang posisyon mo roon?” Nakangiting tanong ni Melanie na para bang nagcacare siya rito.Walang pagaalinlangan namang sumagot si Darryl ng, “Isa lang akong pangkaraniwang office boy.”“Ah! Isa ka lang palang office boy!” Isip ni Melanie.Matapos niyang sabihin ito, makikita ang kaunting inis na nagpakita sa mga mukha ng tao sa kaniyang paligid. At agad na natuwa rito si Melanie na nanonood sa pagbabago ng kanilang mga reaksyon.“Ok na ang pagiging isang
Read more
Kabanata 75
”Ano ang sasakyan ko? Hmm…Naniniwala talaga ako na ang silbi lang talaga ng sasakyan ay para makarating ako sa malalayong lugar kaya naisipan kong bumili ng isang pangkaraniwang sasakyan, isang Audi R8,” Sagot ni Darryl na nasa ilalim ng matinding pressure na nagmula sa tingin ng lahat.Hindi siya nagkakamali rito. Ang isang Audi R8 ay isa lang entry level na sport car kung ikukumpara sa nagagandahang mga sports car sa buong mundo. Pero hindi pa rin ito matatawag na isang pangkaraniwang sasakyan.Wow!Muling nabalot ng ingay ang buong dining area. Hindi makapaniwalang tiningnan ng lahat si Darryl na para bang hindi nila narinig nang malinaw ang sinabi nito.Nabulunan din sa iniinom nilang tsaa ang maginang sina Samantha at Lily.“Paano niya nagawang sabihin ang bagay na ito? Ipinahiram lang sa kaniya ng kaniyang boss ang sasakyang ito kaya paano niya nagawang sabihin na kaniya ito? Napakakapal talaga ng mukha ng isang ito.” Isip ng mag ina.Natigilan dito si Jimmy. “Isang Audi R8
Read more
Kabanata 76
Siguradong magmumukha siyang kahiya hiya sa harapan ni Melanie kaya mas piniling manatili at magtiis ni Samantha sa kaniyang kinauupuan. Nakapagdesisyon na rin siyang utusan ang kaniyang anak na makipagdivorce kay Darryl sa sandaling makauwi sila mamaya. At sisiguruhin na niya sa pagkakataong ito na matatapos na matatapos na ng dalawang fillupan at pirmahan ang mga papeles bukas. Inisip naman ni Lily na sumosobra na si Melanie pero wala na rin siyang nagawa pa rito nang makita niya ang katabi niyang si Darryl.“Nagawang magpaimpress ng mga napangasawa ng mga kasama namin dito ang mga kaibigan ng kanikanilang mga kaibigan maliban na lang sa napangasawa kong ito. Bahala na nga!” Isip ni Lily.Sa mga sandaling ito, nakangiting tumingin si Melanie kay Darryl at sinabing, “Anong masasabi mo sa regalong ibinigay ng manugang kong si Jimmy sa akin, Darryl?”Nang hindi tumitingala, tila walang pakialam na sinagot ni Darryl ang tanong ni Melanie, “Hindi na masama.”“Hindi na masama? Nagbib
Read more
Kabanata 77
Makikita sa loob ng box ang isang napakaglamorosong necklace.Maging ang mga ruby na makikitang nakakabit sa necklace ay naging kasing laki ng mga itlog ng kalapati. Napakagandang kuminang ng necklace na ito sa ilalim ng liwanag. Kaya kung ikukumpara magmimistulang buhangin ang mga diyamanteng nakakabit sa dress na ibinigay ni Jimmy sa necklace na ito. Siguradong masasabi ng sinumang may dalawang mata na mas malaki ang halaga ng necklace na ito sa dress na ibinigay ni Jimmy.Pero…“Nagkakahalaga na ng ilang milyon ang bawat isang ruby na may ganitong laki hindi ba? At kung titingnan mukhang aabot sa halagang hindi bababa sa twenty million ang necklace na ito?”“Mula sa isang kagaya niya? Nagawa ng isang basurang kagaya ni Darryl na magbigay ng isang mamahaling regalo? Imposible!”“Oo nga, kaya iniisip kong baka peke ang isang ito.”Binatikos ito ng mga nakapaligid na tao habang nabablangko naman ang isipan ni Jimmy. Maaaring hindi ito nakikita ng lahat pero nagtrabaho si Jimmy no
Read more
Kabanata 78
Napasimangot si Lily habang pinapanood ang sasakyaang mabilis na nawala sa kaniyang paningin, matapos nito ay agad na siyang naglakad papasok sa kanilang tahanan.…Sa Seaview Mansion na pagmamayari ng mga Darby.Bumangon na si Jackson sa kaniyang kuwarto. Nacoconfused nitong minulat ang kaniyang mga mata habang nakakaramdam ng hangover. Hindi na niya maalala kung gaano karami ang kaniyang nainom sa kaniyang kasal. Pero mukhang nakuntento naman siya rito. Matapos ng dalawang taon nilang pagsasama ni Rebecca, nagawa na rin nilang magpakasal, at ang mas lalong nakapagpatuwa sa kaniya ay ang pagpapakita ni Darryl, na hindi niya nagawang makita sa loob ng ilang taon. Kaya isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mukha habang bumabangon at naglalakad palabas ng kuwarto.“Rebecca?”Tinawag niya ang kaniyang asawa sa kanilang sala pero hindi ito sumagot sa kaniya, dito na siya nakaramdam ng hindi maganda.Nakita niyang nakabukas ang pintuan papasok sa guest room kaya agad siyang
Read more
Kabanata 79
”Nakaramdam ako ng hapdi noong una, pero naisip ko na baka ikaw lang ito, kaya…”Matapos itong alalahanin, nakaramdam ng matinding sakit si Rebecca. Dito na niya tiningnan ang eight diagram na salamin at nagsimula sa pagsususpetsa kay Darryl.Hindi na nagsalita pa rito si Jackson na yumakap sa kaniyang asawa habang nakasara nang husto ang kaniyang mga kamao na halos magdugo na sa sobrang diin ng kaniyang mga kuko sa laman ng kaniyang palad. Para maprotektahan ang kaniyang reputasyon, hindi nila sasabihin ang nangyaring ito sa publiko. At ang pinakamaganda nilang naisip ay ang paggawa ng sarili nilang imbestigasyon tungkol dito.Pero narinig ng dalawang mga maid sa labas ng kuwarto ang usapan ng magasawa. Agad na nagtinginan ang mga ito sa sobrang gulat.Nang makita ni Rebeccang pagod na ang dalawang mga maid nila sa wedding reception, sinabihan na niya ang mga itong magpahinga. Kaya nang mangyari ang pangaabuso kay Rebecca, kasalukuyang nagpapahinga ang mga maid na walang kaalam al
Read more
Kabanata 80
Sa mga sandaling ito, umupo si Grandma Lyndon sa kaniyang kinauupuan, umikot ang kaniyang paningin sa paligid habang seryosong nagsasalita sa mga ito.Binubuo ang mga tao sa kaniyang paligid ng mga miyembro ng pamilya Lyndon. At ang bawat isa sa mga ito ay may bagsak na mga mukha habang nananatiling tahimik sa kanilang kinatatayuan. Sa totoo lang, napasakamay ni Paul James ang kapangyarihang magdesisyon ng mga Lyndon para sa kanilang mga kumpanya. At si Paul James ay hindi rin isang pangkaraniwang tao kaya ang pinaplano ni Grandma Lyndon na ibalik sa kanila ang awtoridad sa kanilang mga kumpanya mula rito ay maituturing na isang panaginip na walang wala sa realidad. Sa mga sandaling ito kuminang ang mga mat ani William Lyndon na tumayo at nagsabing “Mayroon po akong ideya, Grandma.”“Magaling, sabihin mo sa amin ang naiisip mo ngayon, William.” Natutuwang sinabi ni Grandma Lyndon.Dahil sa insidente ng pananabotahe kay Giselle Lindt noon, pinarusahan ng pamilya Lyndon si William na
Read more
PREV
1
...
678910
...
705
DMCA.com Protection Status