All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 111 - Chapter 120
2513 Chapters
Kabanata 111
”Ahh Felicity, siya ba ang assistant mo?" Ang tatlong babaeng anchor ay medyo nagulat. Kahit na mukhang guwapong gwapo si Gerald, mukha pa rin siyang isang probinsyano dahil sa kanyang pananamit. Kumpara sa mga assistants na dinala nila. Lahat sila nakabihis ng maayos at lahat sa kanila ay napakabata at guwapo. Ang isa sa mga lalaki na iyon ay manliligaw na hinahabol ang isa sa mga babaeng anchor. Siya ang nagmaneho ng SUV sa lokasyon na ito. Malaki ang pinagkaiba niya sa mga assistant na ito. Kung sabagay, ito ay isang outdoor live broadcast. Tingnan mo lang ang mukha nila. Hindi mo akalain na nagdala si Felicity ng isang probinsyano sa grupo nola. Hindi ba bumababa ang pamantayan ng lahat ngayon? "Oo. Wala akong oras upang maghanap para sa isang assistant, kaya hinila ko na lang ang isa kong kaklase mula sa university!" Nag-iinit din ang mukha ni Felicity. Nakaramdam siya ng sobrang hiya. “Hehehe. Sa tingin ko, bakit hindi lang natin siya utusan na bitbitin ang l
Read more
Kabanata 112
”Gerald, bilisan mo at hiwain mo ang pakwan! Epal. Bakit mo dinala dito ang buong pakwan? Bobo ka ba? Bakit hindi mo pinahiwa sa nagbebenta ang pakwan para sayo bago mo binigay ito sa amin? Wala akong masabi!" Galit na sinabi ni Sara kay Gerald nang hindi man lang niya naisip na si Gerald ay isang outsider lamang. Bwisit kayo. Kung hindi lang kayo nagmadali na kainin ang pakwan na ito, hihintayin kong hiwain ng nagbebenta doon ang pakwan. T*ng ina! Palihim na nagmura si Gerald. Kaya lang niyang hiwain ang pakwan. Saan niya ito hihiwain? Hindi niya ito pwedeng hiwain sa lupa. Hmm? Oh, naintindihan na niya! Maaari lamang niyang gamitin ang hood ng kotse bilang isang fruit table para hiwain ang pakwan! Sa katunayan, hindi naman madali para sa pintura sa Reventon na masira agad. Habang iniisip niya ito, lumakad si Gerald papunta sa sasakyan. Bang! Itinapon niya ang isang bag ng mineral water sa hood ng Lamborghini. Pagkatapos nito, inilagay niya ang pakwan sa hood
Read more
Kabanata 113
Ano kaya ang nangyari kay Alice? Nagulat si Gerald. Gayunpaman, dahil sinabihan siya ni Harper na samahan sila sa dormitoryo ni Hayley, hindi mabuti para sa kanya na tanggihan ang kanyang imbitasyon. Bukod pa dito, gusto talagang pumunta ni Gerald at alamin kung ano ang eksaktong nangyari kay Alice. Kahit na naantig siya sa aksyon ng dalagang ito noon, ang ugali naman ni Alice ay nagbago ng one hundred eighty degrees matapos na masamain si Gerald ni Jacelyn. Kung tutuusin, kaibigan pa rin siya! Sa katunayan, si Gerald ay simpleng bumubuo ng lahat ng mga uri ng mga kadahilanan para sa kanyang sarili. Kahit na sinabi niya na wala na siyang pakialam kay Alice, bilang isang normal na lalaki, paano siya mawawalan ng malasakit sa isang magandang babae? Sa dormitory ni Alice. Ang anim na lalaki, kasama sina Gerald at Harper, ay nag-sign in sa baba bago sila pumasok. Pagkapasok, nakita nila si Alice na umiiyak habang nakaupo sa kama. Umiiyak din si Jacelyn sa oras na ito.
Read more
Kabanata 114
Gayunpaman, nagpasya siyang 'wag pahiyan sila Harper at Hayley. Kung tutuusin, nangyari ito sa kaarawan ni Hayley. Plano na ni Gerald na tanungin si Zack kung mayroon siyang anumang magagandang solusyon para harapin ang bagay na ito. "Ahh? Nandito ka rin? Crap! Crap! Crap! Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na pumunta dito? Bakit may lakas ng loob ka pang magpakita dito?" Nawala na ng pasensya si Jacelyn at galit na galit siya nang marinig ang mga sinabi ni Gerald. Pinapagalitan pa niya at pinagtatawanan siya ngayon. Kanino ba nagmula ang kaguluhan na ito? Hindi ba lahat dahil si Gerald ay isang walang kwentanh epal? Kung hindi dahil kay Gerald, hindi mahihiya si Alice at hindi rin siya susugod agad sa banyo? Kung hindi tumakbo si Alice sa banyo dahil galit siya, susundan ba siya ni Jacelyn hanggang sa banyo noon? Kung wala sa kanila ang pumunta sa banyo, gagalitin ba nila ang isang tao na tulad William? Ang salarin sa likod ng bagay na ito ay si Gerald! Gayu
Read more
Kabanata 115
Ang pamilya ni Alice ay nagpatakbo ng isang information company. Ang kanilang taunang kita ay halos nine hundred thousand dollars hanggang one million dollars. Ito ay hindi masyadong mataas, ngunit ito ay medyo okay na din ito. Ang lokasyon ng restaurant ay nasa loob ng isang napaka-marangyang hotel. Matapos mapasok ni Gerald at ng iba pa sa restaurant, napagtanto nila na ang mga magulang ni Alice ay talagang nag-order ng isang mesa na puno ng high-end na alak at pagkain. Sa kasamaang palad, ang taong talagang nais niyang imbitahan na magpunta dito ngayon ay wala pala. "Alice, nandito ka na pala!" Ngumiti si George nang tumayo siya. Ngayon na ang kanyang anak na babae ay nagdulot ng ganoong kalaking kaguluhan, ang kanyang kumpanya ay nasa matinding sitwasyon din ngayon. Ang kanyang kumpanya ay malamang mahaharap sa pagkalugi sa loob ng isang buwan pagkatapos ng malupit na salita at banta ni William. Mapupunta lang sa wala ang higit sa sampung taon ng pagsusumikap n
Read more
Kabanata 116
Isang binata na nakasuot ng suit at leather na sapatos ang nagbukas ng pinto at pumasok. Maayos ang bihis niya at mukhang twenty-seven o twenty-eight years old ang edad niya.Pagpasok pa lang niya, tumayo agad si George at ang kanyang asawa bilang isang paggalang. "Yuvin, ano ang sinabi ni Charles tungkol dito?" Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay ang kalihim ni Charles Zeller. Anak din siya ng malayong pinsan ng asawa ni George. Nakakonekta sila sa anumang paraan, kung saan siya ay isang malayong pinsan din ni Alice. Nilayon ni George na humingi ng tulong kay Yuvin na gumawa ng paraan para sa kanya upang siya ay umasa sa mga koneksyon ni Charles. Kahit papaano, ayaw niyang malugi ang kanyang kumpanya tulad ng nangyayari sa mga magulang ni Alice. Umiling si Yuvin at pilit na ngumiti. "Pasensya ka na, Tito. Kanina lang dumating si Charles sa restaurant na ito, kaya naisip kong bababa siya. Pero, tila abala siya sa pag-aliw ng isang napakahalagang panauhin dito. Ibig sa
Read more
Kabanata 117
”Kumakain ka rin sa Majestic Phoenix Restaurant? Great, Mr. Crawford! Pupunta ako at makakapag-toast tayo sa isang baso ng alak!" Ehem. Ehem. Kung may tao man na dapat mag-toast, si Gerald dapat iyon. Kahit na anong mangyari, si Wesley pa rin ang nakatatanda sa kanya. Ngunit dahil inimbitahan siya ni Mr. Harrison, dapat lang siyang lumapit kahit papaano para masaya silang mag-inuman. Bakit hindi pagbibigyan ni Gerald ang si Mr. Harrison? Ibinigay pa niya ang numero ng kwartong kinakainan nila kay Mr. Harrison. Hindi ito big deal. At most, simpleng nag-iinvest lang siya para sa hinaharap. Binaba na ni Gerald ang tawag. Si George at ang iba pa ay nakatitig pa rin kay Gerald. "Hindi ko inasahan iyon! Ang ganitong uri ng tao ay maaaring magkaroon ng mga kaibigan sa Majestic Phoenix Restaurant?!" "Oo. Panggap talaga!" Ininsulto siya ng mga babae. Ngayon, ang katayuan ni Gerald sa kanilang mga puso ay bumagsak. Si Gerald ngayon ay isang low profile na second generatio
Read more
Kabanata 118
"Mr. Crawford, kapag natapos na ang salu-salo niyo, lumapit ka at sumali sa amin para talakayin ang mga isyung nabanggit ko kanina." Mainit na nakipagkamay si Wesley kay Gerald. Nang winagayway ng binata ang kanyang mga kamay, hindi niya maiwasang magtaka kung gaano karaming mga kumpanya ang babangon magdamag sa Mayberry City. Ang ekonomiya ng Mayberry City ay napabuti at lumaki. Ang lahat ay dahil ilang beses na pinirmahan ni Gerald ang kanyang pangalan. Siya ay isang binata na makapangyarihan at mataas, gayon pa man, hindi siya naging isang mapagmataas o nagmayabang. Mula sa simula hanggang sa wakas. Nanatili siyang magalang sa lahat ng tao sa kanyang paligid. Pambihira! Siya ay talagang bukod tangi! Matapos niyang magsalita, iniwan ni Wesley ang silid kasama ang iba pa. Ang silid ay naging tahimik ngunit patay sa oras na ito. Walang nagsalita ng kahit isang beses, lahat nakatingin kay Gerald na nakabukas ang kanilang mga bibig. Naisip ni George at ang kanyang asa
Read more
Kabanata 119
Kinaumagahan. Dahil Sabado ito, gusto ni Harper at ng Ibang mga lalaki na magising sa kanilang sariling oras. Hindi rin sila inabala ni Gerald, pumunta siya sa western cafeteria nang mag-isa. Maagang dumating si Mila at hinihintay na siya doon. Bumili pa siya ng dalawang set ng breakfast para sa kanila. Fried rice na may itlog at ham! “Bumili ako ng pagkain para sa iyo! Bilisan mo at kainin mo ito!" nakangiting sinabi ni Mila. Hindi naman nahihiya si Gerald. "Anong nangyari, Mila? Ano ang gusto mong sabihin sa akin?" Tanong niya habang kumakagat. Nagbihis ng maganda si Mila ngayon. Ang kanyang patas na mga binti ay nakalantad, at ito ay nagpakabog ng puso ni Gerald. Hindi mapigilan ni Gerald na titigan siya. “Hehe! Birthday ng lola ko ngayon. Babalik ako para mag-celebrate sa kanya! " Kumindat si Mila. “Alam mo ang tungkol sa relasyon namin ni Irene, di ba? Huwag mo akong sisihin sa pagiging mababaw ko. Sa katunayan, hindi ako ang uri na mahilig makipag-kumpar
Read more
Kabanata 120
Ang kanyang pinakamalaking pangarap ay magmaneho ng kotse. Gusto niyang magmaneho ng sasakyan na pag-aari niya, at hindi ito dapat maging isang mamahaling kotse. Ngayon, sa wakas ay maaari na siyang magmaneho! Ang imamaneho niya pa ay isang Lamborghini! Magsisinungaling siya kung sinabi niyang hindi siya nasasabik! Matapos kunin ang kanyang driver's license, pumunta na si Gerald sa kanyang sasakyan. “Vroom! Vroom! Vroom!" Isang brand new na itim na Passat ang dumaan sa likuran ni Gerald. Pagkatapos nito, ang magandang kotse ay nagmaneho sa paligid ng park. Maraming tao ang naglalakad sa paligid ng park, at ang Passat ay nakaakit din ng pansin ng mga dalaga. "Wow, Passat ito! Ito ang pinakabagong modelo mula sa taong ito. Maganda ang itsura!" "Hindi ba higit sa thirty thousand dollars ang halaga nito?" "Mukhang ito ay top-spec. Ang kotse na iyon ay hindi bababa sa forty five thousand dollars!" "Oh my god. Mahigit sa forty five thousand dollars?! Malamang isang ma
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
252
DMCA.com Protection Status