Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 851 - Kabanata 860
908 Kabanata
Kabanata 852
Mayroong pagtigil sa galaw ni Yi Jinli habang ang kanyang mukha ay dumidilim ng paunti unti. Samantalang si Gao Congming na nasa estado ng pagkataranta habang hinihiling na itikom na ni Qin Lianyi ang kanyang bibig kaagad. Ang pangalang Ling Yiran ay pinagbabawal na sa grupong Yi!’‘Pero ngayon ang maingay na Qin Lianyi ay sinasabi ng malakas ito!’ talagang natatakot si Gao Congming na mawalan ng control ang kanyang amo!Bumagsak ang presyong ng hangin sa paligid ni Yi Jinli, at si Gao Congming, na nasa tabi ni Yi Jinli, ay halos mangatog na!Pagkatapos sabihin ni Qin Lianyi ang kanyang kapritso, kinuha niya ang braso ni Bai Tingxin at umalis nang padabog. Tiningnan ni Bai Tingxin ang magandang galaw ng kanyang girlfriend at hindi namalayang natawa. ‘Mukhang totoo nga na ang mga babae ay mahirap espelingin! Ganoon si Lianyi!’Mula sa gilid ng kanyang mga mata, isang beses sumulyap su Bai Tingxin kay Yi Jinli sa hindi kalayuan bago umalis. ‘Talaga bang hindi na mahal ni Yi J
Magbasa pa
Kabanata 853
...Magkasamang kumain ng tanghalian sina Ling Yiran at Guo Xinli sa isang restaurant malapit sa ospital. Nang bumalik siya sa ospital ngayon para bisitahin si Lili Li na nasa coma pa rin, nakita niya ulit si Guo Xinli. Nanatili si Guo Xinli sa kanya habang tinitipon niya ang lahat ng uri ng materyales. May ginawa din siya para sa kay Ling Yiran. Nakikita rin ni Ling Yiran ito mula sa kanya. Mukhang may gusto pa rin si Guo Xinli sa kanya. Pero hindi niya sinasabi ito, kaya nanatili siyang tahimik tungkol dito at sinusubukan ni Ling Yiran ang lahat ng kanyang makakaya na panatilihin ang distansya para iwasan na bigyan niya ito ng maling ideya. Nasa ospital siya hanggang mag ala una ng tanghali. Sobrang abala ni Ling Yiran na nakalimutan na niyang mag tanghalian. Hindi pa siya kumakain at ganoon din si Guo Xinli. “Tinulungan mo ako ng sobra ngayon. Bakit hindi kaya kita ilibre ng tanghalian?” sabi ni Ling Yiran. Ngumiti nang nahihiya si Guo Xinli.“Lalaki ako. Ako dapat ang n
Magbasa pa
Kabanata 854
"Oo.""Kung ganoon... nasaan ang kuya mo?"Nang sinabi niya ito, natigilan si Ling Yiran. Ang salitang ‘kuya’ ay minsan nang naging malapit sa kanya, pero ngayon ay ‘tila malayo na. "Bumalik... siya sa kanyang sariling tahanan. Pansamantala ko lang siyang dinala,” bulong ni Ling Yiran. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang upuan, ibinaba ang kanyang ulo, at nagsimulang kainin ang hindi natapos na pagkain.Nakatitig lang si Guo Xinli kay Ling Yiran.‘Ang ‘kuya’ niya ba na ito ay hindi na nakatira sa kanya? Nag-iisa lang siya ngayon? Ibig sabihin ba nito ... mayroon pa akong isang pagkakataon?' Ang ideya ay lumakas at mas malakas sa kanyang isip.Wala sa dalawa sa restaurant ang napansin ng isang itim na sedan na naka-park ng isang maikling distansya mula sa restaurant.Ang tao sa kotse ay nakatitig sa kanila sa bintana.Hindi man lang naglakas-loob si Gao Congming. Tiningnan lang niya ang kanyang boss na nasa harap niya sa takot bago tumingin kay Ling Yiran at ang lalaking ti
Magbasa pa
Kabanata 855
Iyon ay dahil... wala na iyong patutunguhan. Tulad lang ng iba na gusto siya maging scapegoat na kasing hina niya ay madaling mapapataboy!Ang kahihiyan ay dumaan sa mukha ni Guo Xinli, pero sinabi niya sa isang siguraduhan, “Alam... Alam kong madami pa akong hindi kaya, pero... pero kung nakilala lang kita noon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka!’Ang sasakyan ay huminto sa gusali ng law firm ni Ling Yiran. Mukhang ordinaryo ang lalaki, pero may kapangyarihan siya na hawakan ang puso ng mga tao. Matapos ang lahat, alam niya na kabila sa pagiging ordinaryo ay ito ang pinakamahalaga sa lahat. “Guo Xinli, napakabuti mong tao at mabuting kang lalaki, pero hindi ako ang nararapat para sa iyo. Masyadong marami na akong pinagdaanan at dismayado ako sa pagmamahal at kasal. Gusto ko lang magpokus sa karera ko ngayon. Ang iba pa ay wala na akong magagawa!” sabi ni Ling Yiran. "Maari akong maghintay. Maghihintay ako hanggang sa handa kang tumuon sa mga relasyon at ka
Magbasa pa
Kabanata 856
“G…Gusto kita…Alam ko…Alam ko walang akong kwenta. Hindi kita kayang bigyan ng marangyang pamumuhay pero kaya kitang samahan araw-araw. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kung hindi mo pa nasusubukan, paano mo malalaman na hindi mo ako magugustuhan kahit gaano katagal pa ito mangyayari?”Siya ay nauutal. Siya ay balisa pero taimtim.Nakaramdam si Ling Yiran ng konting sakit sa kanyang ilong. Ito pala ay dahil mayroong taong nagkakagusto sakanya ng sobra.Hindi ito para sa kahit anong mang dahilan. Nirerespeto niya ito kahit gaano kawawa man siya tingnan.Hindi niya ito tinulak papalayo. Ang kanyang mga yakap ay sobrang, sobrang nakakaginhawa.Dahil sa kaginhawaan na ito ay umaasa siya na isang araw ay makakakita ito ng babaeng mahal talaga siya!“Guo Xinli, salamat at nagustuhan mo ako, pero kahit na ngayon na ako’y hawak mo, wala akong nararamdaman para sayo. Sa tingin mo ba kailangan mo pa rin subukan?” sabi niya.Sa kanyang mga tenga ay kasunod na pagrinig ng tunog ng
Magbasa pa
Kabanata 857
Pagkatapos, para siyang nasapian, hinalikan niya ang mapangakit na labi ng ito…‘Um… Parang may nakalapat sa aking bibig. Sobrang init…’ Sobrang antok ni Ling Yiran na malabo lang ang nararamdaman niya na bagay sa kanyang mga bibig.Ang kanyang kutob ay gustong kumawala dito, pero hindi niya ito magawa.Ngayon, siya ay unti-unting nagkakaroon ng malay.‘Hindi, may humahalik saakin!’ Binuksan niya kaagad ang kanyang mga mata, ngunit kadilman lang ang nakita nito.‘Kamay ito! Para itong mga kamay.’ May nakatakip na kamay sakanyang mata, kaya wala siyang makitang kahit ano.Dumiin ang halik.‘Sino ba ito? Sino bai tong nanghahalik saakin?’ Napuno ng takot si Ling Yiran, nagpupumiglas sa lahat ng kanyang makakaya.Gayunman, ang pagpumiglas niya ay napapalitan ng mas mapuwersang hawak.Hindi siya makawala or makatakas. Ngunit, naalala niya ang isang pamilyar na amoy kasabay ng mga nakakapanginig na halik.‘Si… Yi Jinli?’Lagi silang taimtim sa isa’t isa, kaya paano niya makakalimu
Magbasa pa
Kabanata 858
Nagising si Ling Yiran kinabukasan dahil sakanyang phone na nagaalarm.Medyo nahihilo pa siya, at mayroon konting kirot na nararamdaman sa kanyang leeg. Inangat niya ang kanyang kamay at hindi namalayang hinihimas niya na ang kanyang batok. Biglang, para bang may naalala siya, nanigas at tumingin kaagad sakanyang paligid.Subalit, lahat ng nakikita niya sa kwarto niya ay kagaya lang ng dati. Kahit ang kanyang pantulog ay buo pa rin. Walang hindi karaniwan.Para bang siya ay hinalikan sa kanyang pagtulog kahapon, pagkatapos… siya ay nawalan ng malay!‘Hindi ko nakita kung sino ito, pero naramdaman ko yung halik na parang… si Jin iyon!‘Pero, parang wala naming kahit anong hindi karaniwan. Napanaginipan ko bang hinahalikan ko siya? Kaya ba ako nanaginip ng ganun kasi hindi ko pa siya nalilimutan?Nandilim ang mga mata ni Ling Yiran, at inangat niya ang kayang manipis na kubrekama bago umallis sa higaan.‘Kelan ko ba makakalimutan yung lalaking iyon? Akala ko sa wakas mayroon na ako
Magbasa pa
Kabanata 859
“Salamat,” sabi ni Zhuo Qianyun.“Hindi ka naman isang estranghero lamang, Sis Zhuo. Kapag isang araw ako ay nasa panganib, tingin ko ako’y tutulungan mo rin ako,” Sinabi ni Ling Yiran ng nakangiti.“Totoo yun.” Ngumiti rin si Zhuo Qianyun. “Siya nga pala, ako ay nagpaplano lumipat sa G City.”“G City?” nagulat si Ling Yiran. Ang lungsod na iyon ay hindi ganoon kalayo sa Shen City, pero hindi rin ito malapit. 3 oras na biyahe para makapunta doon.Gayunman, ang lungsod ay mayroon mga napakagandang tanawin. Kahit na ito ay isang tourist city, ang gastos ng pamumuhay rito ay hindi ganoon kabigat.“Kailan ka aalis?” Tanong ni Ling Yiran.“Baka sa Setyembre. Kelangan kong maghanap muna ng matitirhan at ng paaralan para kay Lil Yan. Habang nakasuot ang hearing aid, Parang ordinariyong bata lang si Lil Yan at walang problema sa pakikipagusap sa ibang tao. Kaya gusto kong makahanap ng ordinariyong paaralan para sakanya. Naiisip ko nga anong paaralan kaya ang tatanggap sakanya.”Dahil ang
Magbasa pa
Kabanata 860
Ang munting bata ay pumunta ng puno ng pagmamahal kaagad sa mga braso ni Ling Yiran “Siya nga pala, gusto mo bang pumunta sa amusement park sa Linggo?” tanong ni Ling YiranNagnining kaagad ang mga mata ng munting bata habang masiglang tumutungo.“Bakit hindi kita dalhin sa amusement park ngayong katapusan ng Linggo?” tanong ni Ling Yiran.“Hindi ba masyadong nakakaabala sa’yo?” tanong ni Zhuo Qianyun. “Hindi naman. Inaasahan ko na ang araw naming ni Lil Yan sa amusement park!” sabi ni Ling Yiran. At saka, kapag nakalipat na si Sis Zhuo at ang kanyang pamilya sa G City, hindi na kasing dali makita ang munting bata na ito kesa sa ngayon.“At saka, pupunta kasi rin naman sa ospital para magfollow-up sa katapusan ng Linggo. Si Aunty ang sasama sa’yo para sa follow up, at ako naman ay dadalhin si Lil Yan sa amusement park. Ang ganda lang diba,” sabi ni Ling Yiran.“Kung gayon… salamat,” nahiyang sinabi ni Zhuo Qianyun.“Wala pong problema. Hindi ba, Lil Yan?” tanong ni Ling Yiran
Magbasa pa
Kabanata 861
Kahit na ito ay mabait sakanya, pero parang… palagi nitong pinaparamdam sa kanya na parang may kulang.Higit sa lahat, matapos makulong si Zhuo Qianyun, naisip niya na hindi ito magtatagal bago siya ikasal sa kanya.Pero, ang kanilang kasal ay patuloy na naantala, at siya ay nagalala. Kinagat ng bahagya ni Kong Ziyin ang labi niya at tumingin sa lalaking nasa harapan niya habang nagtanong siya, "Kung gusto kong pakasalan kita, gusto mo ba ... ito?"Ayaw niya na patagalin pa ito. Matapos niya malaman na nakita niya si Zhuo Qianyun sa Shen City, mas lalo siyang nagalala.‘Kaya siya nagtagal pa ng ilang araw sa Shen City dahil kay Zhuo Qianyun!‘Pero kahit papaano bumalik siya ng mas maaga! Atsaka, lagi niyang nababanggit ang paghigante kay Zhuo Qianyun.‘Anong nangyari ngayon? Hindi ba niya nahanap si Zhuo Qianyun? Mukhang wala naman nangyari.’Kahit noong siya ay bumalik, hindi niya nababanggit ulit si Zhuo Qianyun.Anong nangyari sakanila ni Zhuo Qianyun sa Shen City?Kahit
Magbasa pa
PREV
1
...
8485868788
...
91
DMCA.com Protection Status