Sinundan ni Charlie at ni Faizal ang sundalo habang naglalakad paibaba. Sa pagkakataong iyon, saka lamang nila nadiskubre na napakalalim ng hukay na ginawa ng oposisyon. Sa hagdan pa lang, umaabot na ito ng lima hanggang anim na metro ang lalim, matatantsang aabot ito ng dalawang palapag.Dahil tag-ulan at taglamig sa Syria ngayon, basa ang hagdang dinadaanan nila. Amoy na amoy rin ang lupa mula sa mga pader sa gilid.Habang naglalakad paibaba, nagsalita ag sundalong nasa harap sa isang magiliw na tono, “Captain Faizal, pwede ko bang hingiin ang tulong mo sa isang bagay?Malamig na nagtanong si Faizal, “Ano iyon?”Agad na tumugon ang sundalo, “Captain Faizal, gusto ko sanang mag-apply para sumali ng armored brigade. Kaya kong kumontrol ng mga heavy machine guns!”Napangisi si Faizal at napatanong siya, “Sa tingin ko gusto mo lang sumali ng armored brigade dahil natatakot kang mamatay, tama ba?”“Hindi, hindi.” Agad na nagpaliwanag ang sundalo, “Gusto ko lang sumali ng armored bri
Read more