All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade : Chapter 4841 - Chapter 4850
4951 Chapters
Kabanata 4841
Nagkagulo ang kamalayan niya dahil sa sobrang tagal na pakiramdam ng oras na ito.Kahit na binuksan na niya ang mga mata niya sa sandaling ito, pakiramdam niya pa rin na tila ba nasa walang hanggan na panaginip pa rin siya.Pero sa sandaling ito, bigla niyang narinig ang boses ng isang lalaki na nagsasabi, “Merlin Lammy, nakikita mo na ba ako nang malinaw ngayon?”Nagulat si Merlin nang marinig niya ang boses na ito.Kakaiba, sobrang tagal na walang lumitaw na boses sa panaginip niya.Kahit noong napapanaginipan niya ang asawa, anak, at namatay na ama niya, ang mga imahe ay parang noong sinaunang pantomime sa mga pelikula na walang tunog at mga imahe lang.Ito ang unang pagkakataon na nakarinig siya ng boses—isang totoong boses.Pero, sobrang kakaiba ng boses na ito sa kanya.Ang mas kakaiba pa ay kahit na hindi pamilyar ang boses na ito, mukhang may hindi maipaliwanag na pagiging pamilyar sa kalagitnaan ng hindi pagiging pamilyar nito.Hindi niya mapigilan na isipin, ‘Sigurad
Read more
Kabanata 4842
“Ano?! Ikaw ang anak ni Ashley?! Paano… Paano ito posible?!”May hindi maikukumparang nagulat na tingin si Merlin sa kanyang mukha nang marinig niya ang pakilala ni Charlie.Naaalala niya nang malinaw ang usapan nila ni Christian kailan lang.Sa sandaling iyon, pinag-uusapan nila si Lord Acker at ang ate ni Christian, si Ashley. Binanggit din ni Christian ang pamangkin niya, na hindi pa alam ang kinaroroonan niya at kung buhay o patay na siya.Sinabi rin ni Christian na naglakbay ang buong pamilya Acker sa halos buong mundo para hanapin siya.Pero, wala silang nahanap na kahit anong bakas ng kinaroroonan ni Charlie kahit anong pamamaraan pa ang subukan nila.Inisip pa ng maraming tao na patay na siguro si Charlie, pero hindi talaga mahanap ang bangkay niya.Pero, noon pa man ay pakiramdam ng pamilya Acker na siguradong buhay pa si Charlie sa mundong ito at hindi pa lang nila siya nahahanap.Hinding-hindi inaakala ni Merlin na ang unang tao na makikita niya pagkatapos niyang buk
Read more
Kabanata 4843
Pagkasabi nito, sinabi nang galit ni Merlin nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie, “Syempre nag-aatubili ako! Ngayon ko lang nalaman na buntis ang anak ko! Babalik na sana ako para mabuhay at mag-enjoy ng magandang buhay kasama ang anak at asawa ko! Sa huli, pinatay ako bago pa ako makalabas sa stadium! Handa ka bang tanggapin ito kung ikaw iyon?!”Umiling si Charlie, ngumiti at sinabi, “Ang gusto kong makita mo ay kahit na tinamaan ng maraming bala ang katawan mo, swerte ka dahil hindi tinamaan ng bala ang ulo mo. Kung hindi, patay ka na talaga ngayon.”Tumingin si Merlin kay Charlie nang naghihinala. “Ano ang ibig mong sabihin?”Tinuro ni Charlie ang mga malalaking freezing tank at ngumiti habang sinabi nang walang bahala, “Tingnan mo nang mabuti ang mga stainless steel na tangke sa paligid mo. Ang mga ito ay ginagamit para gawing yelo ang katawan ng mga tao. Kailangan mong bigyang atensyon ang tank No. 7 dahil ginawa kang yelo sa loob ng tangkeng ito bago ka magising.”N
Read more
Kabanata 4844
Natulala si Merlin nang ilang sandali dahil sa mga sinabi ni Charlie.Nalaman niya na ang mga dating palagay niya ay medyo magkasalungat sa sandaling ito.Una sa lahat, kung totoo ang lahat ngayon, imposibleng maipaliwanag kung paano pa rin siya nabuhay muli pagkatapos tadtarin ng mga butas ng bala ang katawan niya.Pangalawa, kung ang lahat ngayon ay kamalayan niya lang, imposibleng maipaliwanag kung paano pa rin nabuhay ang utak niya sa sitwasyon na iyon.Dahil, kapag nawalan ng abilidad ang katawan na mag-supply ng dugo, tatagal lang ng limang minuto ang utak niya. Ayon sa sitwasyon an iyon, imposible para sa kanya na mapanatili ang kamalayan niya. Dahil hindi niya mapapanatili ang kamalayan niya, kung gano’n, ano na ang nangyayari ngayon?”Nang makita ni Charlie na nag-iisip siya nang sobra, sinabi niya nang magaan, “Hayaan mong sabihin ko sayo kung paano ka nabuhay.”“Pagkatapos mong barilin sa araw na iyon, ginamit ko ang pamamaraan ko para pigilan ang pagkamatay ng utak mo
Read more
Kabanata 4845
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Oh, narinig mo na ang tungkol sa Rejuvenating Pill. Narinig mo ito sa tito ko, tama?”“Tito mo…” Natulala saglit si Merlin, at bumungad sa kanya ang pagpapakilala ni Charlie noong kagigising pa lang niya, at sinabi niya, “Si Christian nga ang nagsabi nito sa akin…”Tumango si Charlie at tinanong nang nakangiti, “Dahil binanggit niya ang Rejuvenating Pill sayo, siguro ay binanggit niya rin na pinaalis siya ng organizer sa auction para sa Rejuvenating Pill, tama?”Lumaki ang mga mata ni Merlin sa gulat habang sinabi, “Paano… Paano mo nalaman iyon?”“Syempre alam ko.” Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Dahil tulad ng Regenerating Pill, sa akin din ang Rejuvenating Pill. Ako ang sponsor sa likod ng auction, at ako ang nagsabi sa mga tauhan ko na paalisin siya sa auction.”Nagulat si Merlin at sinabi, ‘Bakit mo siya pinaalis kahit na alam mo na siya ang tito mo?”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Noong pinaalis ko siya, hindi ko alam ang tunay na pa
Read more
Kabanata 4846
Naramdaman din ni Merlin na medyo bastos para sa kanya na umupo lang sa pool na ito.Kaya, tinanong niya nang hindi akma, “Ah, may kahit anong damit ba na magagamit ko?”Tumingin si Charlie kay Kathleen, na nasa gilid, at sinabi, “Miss Fox, pwede mo bang tulungan si Chief Lammy sa problema niya?”Tumango si Kathleen at sinabi nang nagmamadali, “Maraming damit sa trabaho para sa mga scientific researcher dito. Kukuha ako ng isang set para kay Chief Lammy!”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Salamat, Miss Fox.”Tumalikod at umalis si Kathleen, at mabilis siyang bumalik dala-dala ang isang set ng mga damit para kay Merlin.Pagkatapos isuot ni Merlin ang mga damit, sinundan niya si Charlie papasok sa lounge sa kabilang kwarto.Pagkatapos ay binigyan ni Charlie ng isang bote ng tubig si Merlin. Pagkatapos itong kunin ni Merlin, hindi na siya nakapaghintay na inumin ang buong bote ng tubig, at pagkatapos punasan ang bibig niya, hindi niya mapigilan na sabihin, “Young Master Wade, sa
Read more
Kabanata 4847
Sinabi ni Charlie, “Narinig ko sa dating tauhan ng aking ama na noong namatay ang mga magulang ko, inatake sila ng isang grupo ng mga dead soldier. Pagkatapos nilang magtagumpay, kinagat nilang lahat ang mga lason sa bibig nila at namatay agad. Ang pamamaraan na ginamit nila ay katuald sa mga grupo ng dead soldier na nakita natin sa stadium. Kahit na may dalawampung taon na layo ang dalawang pangyayari, kung isasaalang-alang ang katotohanan na daang-daang taon na ang organisasyon ng kabila, sa tingin ko ay parehong organisasyon nag nasa likod ng dalawang pangyayari na ito.”Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Young Master Wade, paano mo nalaman na may kasaysayan na daang-daang taon ang organisasyon na ito?”Sinabi ni Charlie, “May nahuli akong isang buhay at sinabihan siya na bigyan ako ng ilang impormasyon tungkol sa mga dead soldier.”Pagkasabi nito, sinabi ni Charlie kay Merlin ang lahat ng impormasyon na nakuha niya mula kay 547 sa sandaling iyon.Nagulat nang sobra si Merlin sa
Read more
Kabanata 4848
Nagulat si Merlin nang marinig niya ito, at matagal siyang hindi natauhan.Sobrang pamilyar siya sa Ten Thousand Armies dahil sa dati niyang trabaho, at alam niya pa na nag-invest ng maraming pera ang Ten Thousand Armies para itayo ang sarili nitong permanenteng base sa Syria.Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng permanenteng base para sa isang mercenary organization ay mas angat sila sa lahat ng ibang mercenary organization.Ang mga mercenary ay mas nakakadiri para sa mga law enforcement agency sa iba’t ibang bansa kaysa sa mga underground force tulad ni Albert.Karamihan ng mga mercenary organization ay itinuturing na kalaban ng publiko na pinupuna at tinataboy ng lahat ng bansa sa buong mundo. Kaya lang nilang mabuhay nang palihim, at hinding-hindi sila maglalakas-loob na ipakita ang signboard nila maliban kung kayang makipagtulungan nang malalim ng organisasyon sa gobyerno.Kahit na maraming mercenary organization sa United States, bukod sa ilang organisasyon na pwedeng makipagt
Read more
Kabanata 4849
Tumango si Charlie at sinabi, “Nakilala nila ako sa gabing iyon at alam nila na nagpadala ako ng tao para kunin ka, pero baka hindi nila inaasahan na mabubuhay ka muli. Kapag nakita mo sila, sabihin mo sa kanila na isang misteryosong tao ang nagligtas sayo pagkatapos kang bigyan ng isang pill. Pagkatapos nila, sinabihan nila si Miss Fox na ipadala ka para makipagkita sa kanila. Para naman sa kung sino talaga ang misteryosong tao, sabihin mo sa kanila na hindi mo alam. Siguradong iuugnay nila ang taong nagligtas sayo sa taong nagligtas sa kanila. Hayaan mo na sila ang manghula.”“Okay, Young Master Wade!” Sinabi nang seryoso ni Merlin, “Tatandaan ko ito.”Tumango si Charlie, binuksan ang pinto, tinawagan si Kathleen, at sinabi, “Miss Fox, mangyaring maghanda ka ng isang helicopter para dalhin si Chief Lammy sa Ark Building sa Manhattan. Mas mabuti na tawagan mo muna ang tito ko. Sabihin mo lang sa kanila na gusto mo silang bisitahin. Noong niligtas ko sila sa araw na iyon, ikaw ang na
Read more
Kabanata 4850
Ang isang family trust ay isang sobrang ligtas na asset protection sa Europe at United States.May kasabihan sa Oskia na ang kayamanan ay hindi tumatagal ng tatlong henerasyon. Ang dahilan para dito ay ang mga ama ang kumita ng mga kayamanan habang ang mga anak at apo ang nabuhay nang gastador, nag-aaksaya ng salapi, may mababang pannaw, at walang kakayahan para panatilihin ang mga negosyo nila na madaling hahantong sa bankruptcy at pagbalik nila sa orihinal nilang anyo.Ang dahilan para dito ay ang abilidad at pagkatao ng mga anak at apo ay wala sa kontrol nila. Sa sandaling may problema sa abilidad at pagkatao nila, mahirap na pigilan ang paglubog ng pamilya.Bukod dito, may iba’t ibang natural na sakuna rin bukod sa mga sakuna na gawa ng tao.Pero, epektibong tinatanggal ng family trust ang panganib ng natural na sakuna at sakuna na gawa ng tao.Ang ibig sabihin ng paglalagay ng pera sa trust ay susuko ang isa na magkaroon ng direktang kontrol sa pera sa labas. Ang mga supling
Read more
PREV
1
...
483484485486487
...
496
DMCA.com Protection Status