Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade : Kabanata 61 - Kabanata 70
4898 Kabanata
Kabanata 61
Sa sandaling ito, gusto nang mamatay ni Clinton!P*cha!Anong nangyayari!Hindi siya makakawala, tama?Paano siya pinahiya nang ilang beses ng talunan na si Charlie?Kailanman ay hindi niya inakala na ang painting ay tunay at may halagang dalawang daang libong dolyar!Nangako na siya, ano na ang gagawin niya? Kailangan niya ba talagang kainin ang lamesa?Talagang imposible ito!Kaya niyang bumili ng bagong kotse pagkatapos masunog ng isa, pero paano siya kakain ng lamesa?Siguradong mamamatay siya kung gagawin niya iyon!Inasar siya ng mga nanonood, “Hoy, Clinton, ikaw mismo ang nagsabi na kakainin mo ang lamesa kapag natalo ka. Sisirain mo nanaman ba ang pangako mo ngayon?”“Tama! Hinihintay ng lahat ang pambihirang palabas mo!”May sumampal nang malakas sa lamesa. “Hoy, gawin mo na ngayon!”Ang mukha ni Clinton ay naging pangit na kulay ng pula at berde. Sinabi niya nang mahina, “Magkaibigan tayong lahat, kailangan niyo ba talagang akong sipain kahit na natumba na ako? ”
Magbasa pa
Kabanata 62
Ang mas mahalaga, kailangan niyang humanap ng paraan upang malinis ang kanyang reputasyon sa kanyang mga dating kaklase sa kolehiyo. Kung hindi, paano siya magpapasikat sa harap ng kanyang mga kaibigan sa hinaharap pagkatapos siyang ipahiya ni Charlie nang dalawang beses?Habang iniisip niya kung paano ibalik ang kanyang dignidad, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa main entrance ng restaurant.Nakuha ng ingay ang pansin ng lahat at tumingin sila sa pinto.Isang grupo ng mga bata na may nakakatakot na itsura ang pumasok sa restaurant. Mayroon silang mga tattoo sa kanilang katawan, may hawak na baseball bat, mga tubo, at iba pa sa kanilang mga kamay. Mukhang hindi sila nandito para kumain.Labis na nagulat ang lahat nang makita ito, lalo na sina Douglas at Lily, ang kanilang mga mata ay puno ng takot.Halata na ang lalaki na may peklat sa kanyang mukha ang pinuno ng grupo. Umabante siya, tiningnan ang lugar, pagkatapos ay tinuro si Douglas na may masamang ngisi. “Boss, bakit hindi ka
Magbasa pa
Kabanata 63
Labis na nagulantang si Clinton sa biglaang reaksyon ni Mr. Kee at nainis nang sobra, pero habang pinapanood pa rin siya ng mga kaklase niya, tiniis niya ito at naghanap ng ibang tao. Ngayon, tinawagan niya ang direktor sa sangay ng pulisya ng distrito.Naalala niya malapit ang taong ito sa kanyang ama.Nang may sumagot sa tawag niya, agad siyang nagsimula, “Hi, Mr. Kent, ako ito, si Clinton, Clinton Tucker. May problema ako sa redevelopment zone…”Inilarawan niya muli ang nangyari.Ang lalaki sa kabilang linya ay awkward na nilinis ang kanyang lalamunan at sinabi, “Clinton, siya ay tauhan ni Bill, at si Bill ay tauhan ni Don Albert, sa tingin ko ay hindi ka dapat masangkot sa bagay na ito.”Tinanong nang nalilito ni Clinton, “Wala ka bang gustong gawin tungkol dito?”“Alam mo dapat ang katayuan ni Don Albert sa siyudad na ‘to, wala ito sa kontrol ko.”Kaunting nabulabog si Clinton sa sagot niya at sinabi nang kabado, “Pwede mo ba siyang kausapin saglit?”Tumawa nang marahan
Magbasa pa
Kabanata 64
Habang lumingon ang lalaking may peklat sa mukha at nakita si Charlie, nalito siya sa una, pagkatapos biglang nag-iba ang ekspresyon niya! Siya ay sobrang nagulat at mabilis na lumuhod sa sahig!Bago pa kumalma ang iba, tinapon ng lalaking may peklat sa mukha ang kutsilyo, sinampal ang kanyang sarili, at iniyak, “Mr. Wade, patawarin mo ako! Hindi ko alam na nandito ka pala, talagang humihingi ako ng tawad!”Nagulantang si Charlie sa biglang pagbabago ng reaksyon. “Kilala mo ako?”Tumango nang sagana ang lalaking may peklat at sinabi, “Opo, Mr. Wade, boss ko si Bill, nakita kita noong isang araw sa Heaven Springs…”Biglang naliwanagan si Charlie.Nakakainteres.Si Bill, ang tauhan ni Don Albert, ang nagpahirap kina Gerald at Harold sa Heaven Springs noong isang araw. Ang lalaking ito ay tauhan ni Bill.Hindi nakapagtataka na takot siya sa kanya.Kahit ang mga binti ni Don Albert ay nanlambot nang makita si Charlie, lalo na ang tauhan ng kanyang tauhan...Ang lahat ay nagulat sa
Magbasa pa
Kabanata 65
Labis na nausea si Claire sa hanay ng kakaibang pangyayari na nangyari ngayong araw.Una ay ang karera. Bakit dalawang beses na mas mabilis ang BMW 520 ni Charlie kaysa sa 540 ni Clinton?Pangalawa, ang sinaunang painting na may halagang daang-daang libong dolyar!Pangatlo, paano at bakit kilala ni Charlie ang mga tao sa underworld? Sila rin ay magalang at may respeto sa kanya.Sa daan pauwi, nagbigay si Charlie ng ilang paliwanag sa mga pangyayari.Una, ang BMW 520 ay isang test drive na kotse na binago ng showroom upang ang mga bibili ay maniwala na ang modelo ay sobrang bilis.Walang masyadong alam si Claire sa mga kotse, kaya pinaniwalaan niya siya.Pangalawa, ipinaliwanag niya ang tungkol sa painting sa restaurant, binili niya ito sa mababang presyo mula sa kanyang kakilala at binigay itong regalo kay Douglas bilang tanda ng pagkakaibigan.Gayunpaman, ang bagay tungkol sa lalaking may peklat sa mukha ay mahirap ipaliwanag. Kailangan niyang humanap ng isang matibay at kapan
Magbasa pa
Kabanata 66
Kumunot ang noo ni Claire sa pagkalito. Dito ba nagreserba si Charlie para sa kanilang anibersaryo ngayong gabi?Hindi niya maiwasang itanong nang naghihinala, “Hindi ka nagsisinungaling, tama?”Masayang tumawa nang marahan si Charlie. “Syempre, hindi!”Pagkatapos, nagpatuloy iya, “Nagreserba ako ilang araw na ang nakalipas. Pumasok tayo at tingan mo kung hindi ka naniniwala sa’kin.”Umiling si Claire. Kailanman ay hindi siya niloko ni Charlie kahit isang beses sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, lalo na sa isang importanteng araw tulad ngayong araw. Kaya sinabi niya, “Hindi, naniniwala ako sa’yo.”Lumingon siya nang mausisa at tinanong, “Nagreserba ka ba ng puwesto sa Sky Garden? May isang VIP na lalaki na nireserba ang buong lugar na ito para ngayong araw, tama?”Mabilis na nagpaliwanag si Charlie, “Ang puwesto na nireserba ko ay katabi ng Sky Garden, nagkataon na pwede nating makita ang loob ng hardin. Pwede nating silipin kung sino ang nagreserba ng lugar mamaya! Ano sa
Magbasa pa
Kabanata 67
Hindi napansin ni Julie ang biglang pagbabago sa ekspresyon ni claire. Hinila niya ang lalaki sa tabi niya at may mayabang na ngiti sa kanyang mukha habang sinabi, “Hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang aking asawa, si Kyle!”Pagkatapos, pinuri niya, “Siya ang young master ng pamilya Sullivan at ang tagapagmana ng kayamanan ng kanyang pamilya na may halagang daang-daang milyong dolyar!”Tumango nang magalang si Claire.Si Charlie naman, sa kabilang banda, ay tumingin nang naiinis sa magnobyo.Dinala niya ang asawa niya rito para sa kanilang anibersaryo ng kasal, sinong nakakaalam na may nakakainis na tanga na lilitaw sa daan nila!Nagpatuloy si Julie sa mayabang na tono, “Ah, siya nga pala, ang asawa ko ay isang platinum member, kaya maraming siyang benepisyo at pribilehiyo dito. Sa tingin ko ay normal suita lang ang kayang makuha ni Charlie, tama? Bakit hindi niyo hayaan si Kyle na pataasin kayo sa luxury suite?”Tatanggihan na ni Claire ang kanilang alok nang biglang humagikgik s
Magbasa pa
Kabanata 68
”Sa panahon ng unang taon mo sa kolehiyo, ayon sa mga talaan, pumasok ka sa iba’t ibang kuwarto ng hotel na hindi bababa sa isang daang beses kasama ang walong magkakaibang lalaki, kabilang sina Brett Cooley, Jack Pierce, and Austin Cannon.”Namutla ang mukha ni Julie, ang kanyang mga mata at bibig ay napanganga sa sobrang gulat. Sinabi niya nang galit, “Ano ang pinagsasabi mo! Idedemanda kita paninirang puri!”Sa kabilang dako, malalim na kulubot ang namumuo sa noo ni Kyle. Siya ay halatang nagulat at na-trauma.Nagsimula ulit si Charlie, “Aba, magaling ang isang ‘to. Mayroong kaunting beses na pumasok sa hotel room kasama ang dalawang lalaki, sina Ben Decker at Jay Decker, sa parehong oras. Sila ay magkapatid, hindi ba? Nag-threesome ba kayo?”Tumili sa takot si Julie, “Manahimik ka! Manahimik ka! Ang lahat ng ito ay kalokohan!”Hindi siya pinansin ni Charlie at nagpatuloy, “At saka, sa pangalawang taon mo sa kolehiyo, mayroon kang sugar daddy. Siya ang vice president ng Herolut
Magbasa pa
Kabanata 69
Ang mukha ni Kyle ay sobrang berde at pangit, pinipigilan ang kanyang pagsabog.Sa wakas naramdaman na niya kung paano siya lokohin ng kanyang asawa nang paulit-ulit.Kalunan, hindi na niya ito napigilan at sinimulang sampalin si Julie nang malakas habang minumura, “Asong babae! Matagal ka na palang nagsisinungaling sa’kin! Niloko mo ako! Papatayin kita, p*ta! Papatayin kita!”Si Julie ay sumigaw sa sakit at umiyak nang malakas, ang kanyang buhok ay lumilipad kung saan-saan.Sinigaw ni Kyle habang sinasampal siya, “Gusto ko ng divorce ngayon na! Hindi ka makakakuha kahit singko sa akin! Kung hindi, hahanap ako ng tao para pawalain ang mga magulang mo at ang kapatid mong lalaki sa mundong ‘to!”Talagang nawasak si Julie!Sinubukan niya, sa kahit anong paraan, na makasal sa pamilya Sullivan at sa wakas ay nagtagumpay siya. Matagal na niyang pangarap na maging asawa ng isang mayamang lalaki, ngunit ngayon, talagang nasira ang pangarap niya!Ang lahat ng ito ay dahil kay Charlie Wad
Magbasa pa
Kabanata 70
Habang magulong alon ang dumadaloy sa kanyang nalilitong utak, ang elevator ay dumating na sa pinakataas na palapag ng Shangri-La Hotel.Isang waiter na nakatayo sa tabi ng pinto ang yumuko nang magalang at sinabi nang nakangiti, “Ms. Wilson, sa ngalan ng aming Shangri-La Hotel, gusto kong ipahayag ang aking taos-pusong pagbati sa iyo at kay Mr. Wade para sa inyong anibersaryo ng kasal ngayong gabi.”Iwinasiwas ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Sige, makakaalis ka na!”Ang lahat ng mga tauhan ay tumango at umalis.Sa isang iglap, sina Claire at Charlie na lamang ang natira sa walang laman ng Sky Garden.Naramdaman ni Claire na para bang siya ay nasa isang matamis na panaginip.Sa harap niya ay ang isang malawak na lugar na may marangyang dekorasyon.Ang marikit na crystal chandelier na nakasabit sa kisame, nagbibigay ng maliwanag at malinaw na kinang na ipinapakita ang elegante at payapang paligid ng Sky Garden.Ang malambot ng tunog ng mga piano na umaalingawngaw sa Sky
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
490
DMCA.com Protection Status