Nangingilo siya sa ikinikilos ni Martin. Galit si Martin—hindi man ito sumisigaw, pero dama niya ang galit sa mga mata nito, sa tikas ng pagkakaupo, sa bawat kontroladong paghinga nito. At higit sa lahat, sa mga salitang pinipiling ilabas nang hindi tumataas ang boses, ngunit mas matalim pa sa kahit anong sigaw.Hindi naman niya sinasadya. That time, she didn’t know how to face anyone, not even herself. Her parents were the epitome of values and discipline. Mula pagkabata ay pinalaki siyang may mataas na pamantayan sa buhay—pananagutan, dangal, katotohanan. Pero siya? Nabuntis nang wala sa oras, sa paraang hindi rin niya lubos na naintindihan. At ang pinakamasakit, sa isang taong mahal na mahal niya, pero hindi naman niya alam kung bahagi pa siya ng kinabukasan nito.Gulong-gulo ang kanyang isip noon. Umiral sa kanya ang takot, hiya, at higit sa lahat—ang possessiveness sa kanyang anak. Hindi niya kinayang ipaalam kay Martin. Ayaw niyang maobliga lang ito kapag sinabi niya. Ayaw niyang
Terakhir Diperbarui : 2021-05-28 Baca selengkapnya