Lahat ng Kabanata ng The Possessive Prince: Kabanata 41 - Kabanata 50
57 Kabanata
CHAPTER 40
Skyler's Pov Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at ngayon na ang araw ng pag-alis ni prince Alex papunta sa ibang bansa para sa kanilang pagpupulong. Napakabilis ng mga araw parang kahapon lang ay nagtatalo pa kami kung pupunta ba siya o hindi pero tingnan mo ngayon ito na yung araw ng pag-alis niya. Marami kaming ginawa sa loob ng dalawang linggo, literal na sinulit naming dalawa ang mga panahong iyon, pumunta kami sa iba't ibang lugar dito sa kaharian ng kami lang dalawa at sa loob rin ng dalawang linggo ay pinaramdam namin sa isa't isa ang init ng mga katawan namin. Hindi na ako masiyadong malulungkot dahil sabi niya sa akin na marami pa kaming gagawin pagdating niya muli dito, pupuntahan raw namin ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan kaya naman excited na ako. “Alex wala ka na bang ipapalagay na mga gamit mo dito sa loob ng maleta?” tanong ko sa kaniya
Magbasa pa
CHAPTER 41
Skyler's Pov Minulat ko ang aking mga mata at umaga na pala, narito ako ngayon sa silid ni prince Alex at dito na ako natutulog ngayon habang wala siya. Yakap ko ang mga unan niya ng matulog ako at iniisip ko na siya iyong kayakap ko. Unang araw pa lang na wala si prince Alex ay namimiss ko na agad ito pero hindi naman ito ang dahilan para hindi ako kumilos at tumunganga na lamang dito sa silid niya. Kailangan kong gawing abala ang sarili ko upang hindi ko siya mamiss kaya tumayo na ako at tumungo sa banyo upang maligo. Gusto kong maligo ng maaga para tutulong na lang ako dito sa palasyo buong araw, pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at pinuntahan si manang. Nakita ko naman si Manang na nasa Kusina at nagluluto ito marahil ito ang kakainin ng mahal na hari at reyna ngayong araw. “Manang tulungan ko na ho kayo diyan&
Magbasa pa
CHAPTER 42
Skyler's Pov Alas-otso na ng gabi ngayon at narito kami ngayon ni Ash sa Hardin, nakaupo kami sa mahabang upuan rito na nakaharap sa magagandang bulaklak. Tapos na ang gawain namin at hindi pa kami inaantok kaya napagpasyahan naming dito muna tumambay sa hardin at pagmasdan ang magandang tanawin ng mga bulaklak. Hindi pa rin ako maka move-on sa sinabi ni princess Thyra kanina, hindi naman porket prinsesa siya ay pwede niya ng maliitin ang mga katulad kong katulong lang dito sa palasyo. Hindi ko alam sa bruhang iyon kung bakit ang laki ng galit nito sa akin eh wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama at isa pa hindi ko naman siya ganun kakilala. “Hindi ka pa ba inaantok Ash?” tanong ko rito “Hindi pa naman bakit?” sagot nito sa akin. “Wala naman, kung gusto mo ng matulog ay pwede ka ng umakyat pero ako dit
Magbasa pa
CHAPTER 43
Skyler's Pov “Ano Ash nahanap mo na ba?” tanong ko kay Ash. “Hindi pa rin Skyler eh” sagot nito sa akin. “Nandito lang yun sige maghanap pa tayo” wika ko at pinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang cellphone ko. Tanghali na ngayon at nandito kami sa loob ng silid ni prince Alex, pinapasok ko siya kahit ayaw ni Alex na magpapapasok ako dito ng ibang tao maliban sa akin lalo na kung lalaki. Kanina pa kami rito sa paghahanap pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap ang cellphone ko, hindi ko na alam ang gagawin ko naiinis ako na nalulungkot kasi sigurado akong ilang tawag na ni prince Alex ang naroon. Anong gagawin ko kapag hindi ko na nakita iyon? Hihintayin ko na lamang ba na dumating si prince Alex para makapagpaliwanag ako kung bakit hindi ko nasagot ang mga tawag niya? “Skyler wala
Magbasa pa
CHAPTER 44
Thyra's Pov “Pinatawag mo raw ako” sabi sa akin ni Ash pagkapasok niya sa silid ko. “Oo dahil kailangan mo ng gawin ngayong gabi ang huli nating plano at siguraduhin mong magtatagumpay ka” wika ko rito. Tama kayo si Ash ang katawagan ko nung nakaraan at siya ang lalaking patay na patay sa akin at kita niyo nga naman na lahat ng ipinagawa ko sa kaniya ay sinunod naman niya masiyado siyang uto-uto. “Itigil na kaya natin to Thyra? Sagutin mo na lang ako at hayaan na natin sila maging masaya” nagpintig naman ang tainga ko sa sinabi nito. “Itigil? Hindi pwede Ash nasa huling bahagi na tayo ng mga plano ko at hindi sila pwede maging masaya!” sagot ko kay Ash. “Bakit mo ba to ginagawa Thyra?” tanong ni Ash. “Dahil mahal ko si Alexander! Hindi pwedeng maagaw sa akin ng baklang iyon
Magbasa pa
CHAPTER 45
Ash's Pov Bago pa man tuluyang bumagsak si Skyler ay agad ko itong sinalo, pasensiya ka na Skyler kung nagawa ko ito sayo pero kailangan ko lang talaga kasi. Nilagyan ko ng pampatulog ang ininom na tubig kanina ni Skyler kaya natagalan ako sa pagkuha nito, hindi ko naman ito ginusto pero ito na lang talaga ang paraan para mahalin din ako ni Thyra. Simula ng napanood ko si Thyra sa TV noong ipinakilala siya ng kaniyang ama bilang kaniyang anak ay nahumaling na ako dito at alam ko sa sarili ko na lahat ng bagay ay gagawin ko para lang mapasaakin siya. Kahit na alam kong napakalabong magustuhan ng isang prinsesa ang katulad kong isang katulong lamang sa palasyo, siguro ganito talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao yung mga bagay na akala kong hindi ko magagawa ay nagagawa ko na. Binuhat ko si Skyler patungo sa kaniyang silid kung saan nag-aantay doon si Thyra at isasagawa na n
Magbasa pa
CHAPTER 46
Claude's Pov Kumusta? Namiss niyo ba ako? Magpapakilala muna ako muli sa inyong lahat, ako si Claude Silvestre ang prinsipe ng Kaharian ng Silvestre. Narito ako ngayon sa kotse ko dahil papunta ako ngayon sa Kaharian ng Monte Verde at gusto kong makita si Skyler upang makamusta. Matagal rin akong hindi nakapunta sa kanila dahil may inasikaso pa akong makakatulong sa aming dalawa ni Skyler. Hindi ako tunay na anak ng kinikilala kong Ama ngayon na si Albert Silvestre, Ako ay anak ni Claudio Dela Rio pero sa ibang babae. Tama kayo kapatid ko si Skyler sa Ama, nang una kong makita si Skyler ay alam kong siya na ang tinutukoy ng tunay kong Ama dati noong una kaming magkita. Pero kailangan kong makasiguro kaya pina-imbestigahan ko si Skyler at nito ko lang nalaman na totoo nga ang hula ko na siya ang kapatid ko sa Ama. Ang nanay ko ay si Evelyn
Magbasa pa
CHAPTER 47
Claude's Pov Tatlong araw na ang nakalipas at nandito na ako at si Skyler sa kaharian namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Sabi ng doctor ay hintayin na lang daw namin ito gumising kasi pagod na pagod daw ang katawan nito at bumabawi pa ito ng lakas. Sa loob ng tatlong araw ay wala akong inatupag kundi ang mamalagi dito sa loob ng kwarto ni Skyler sa palasyo namin dahil hinihintay ko itong magising. Mabuti ay pumayag ang mga magulang ko na dito ko muna patuluyin si Skyler tutal ay kapatid ko naman raw ito sa Ama. “Anak ayos ka lang ba wala ka bang kailangan?” tanong sa akin ni nanay, nakaupo ako rito sa tabi ng kama ni Skyler at nakatitig lang ako sa kaniya. “Wala po nay, sige po pwede niyo na ako dito iwang mag-isa at ako na lamang po ang magbabantay sa kaniya” sagot ko sa kaniya. “Sigu
Magbasa pa
CHAPTER 48
Alexander's Pov Hapon na ngayon at nandito na ako sa kotse ko at nagpasundo ako kay manong Henry pauwi sa palasyo. Noong gabing matanggap ko ang larawan ni Sky at Ash na magkatabing matulog habang nakahiga ay nagpasya na talaga ako na kailangan ko ng umuwi dahil alam kong may hindi magandang nangyayari. Kakarating ko lang ngayong hapon sa Airport at eto na nga at lulan ako ng kotse ko at diretso agad kaming palasyo. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ba ang madadatnan ko sa palasyo, sana ay hindi totoo ang lahat ng larawang natanggap ko dahil kapag totoo iyon ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiwan pa si Khalix doon sa ibang bansa dahil tatapusin niya ang pagpupulong at naiintindihan naman daw ako nito kaya hindi niya na ako pinigilan pang umalis. Matapos ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na kami sa palasyo, pagbaba ko pa lang sa
Magbasa pa
CHAPTER 49
Claude's Pov FLASHBACK ( 9 YEARS AGO!) “Yehey Birthday ng baby ko ngayon!” masayang wika ni nanay sa akin. “Nay 11 na po ako ngayon hindi na ako baby” sabi ko at nagpout sa harap niya. “No Claude, kahit tumanda ka na at mag-asawa ikaw pa rin ang Baby ko” nakangiting sambit sa akin ni nanay. Kaarawan ko kasi ngayon at ala-una na ng hapon ngayon, nandito ako sa silid ko dahil nagbibihis pa ako ng susuotin kong damit para sa salusalo mamaya. “Nay sabi niyo po inimbitahan niyo ang tunay kong tatay” saad ko sa kaniya. “Oo anak, gusto ko kasi na makilala mo ang tunay mong ama habang bata ka pa” sagot niya sa akin. “Pero nay baka po hindi niya ako tanggapin” malungkot na banggit ko rito. “Anak wag mong isipin iyan, nagka-usap n
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status