Lahat ng Kabanata ng The Witness: Kabanata 11 - Kabanata 20
65 Kabanata
Chapter 10
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya. "Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
Magbasa pa
Chapter 11
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka
Magbasa pa
Chapter 12
"Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata
Magbasa pa
Chapter 13
Natawa ako nang bahagya. Palagi niya na lang sinasabi sa 'kin 'yan. Kapag tinatanong ko naman siya kung saan, hindi niya ako sinasagot nang matino. Kapag nag-assume ako, sasabihin niya, assuming ako. Ang gulo niya!"Sol, sabihin mo kasi. 'Di ba, wala na dapat tayong secrets?" paliwanag ko sa kanya kaya napangisi siya.Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko kaya hindi ako nakomportable. Kinakabahan ako. Lumalakas ang heartbeat ko. Bahagya siyang lumapit kasi akala ko, may ibubulong siya pero nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihilo ako dahil sa paggalaw ng mga labi niya hanggang sa makagat niya ang labi ko at malasahan ko ang sarili kong dugo. Para akong natutunaw. 'Di ko namalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niyang nakakalunod.
Magbasa pa
Chapter 14
Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo."Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi
Magbasa pa
Chapter 15
Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan."Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay."Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.""Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya."Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
Magbasa pa
Chapter 16
"How was Jaida there?" tanong ni Alanis nang makita ako."Okay lang. Patapos na rin." Pinilit kong ngumiti at hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin? Hindi mo naman na iyon uulitin, 'di ba, Luna? Kaya kumalma ka na diyan."Can we talk?" tanong pa niya dahilan para mapatingin ako kay Sol na nakapoker face lang. Aba, kinabahan ako dun tapos siya, kalmado lang?"Sige. About sa'n?" tanong ko."Labas tayo, Luna," nakangiting sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng bahay. Nagpunta kami sa garden. "About Sol," mahinang sabi niya at kitang-kita ko kung paano nagpalit from masaya to malungkot ang mga mata niya. "Ayos lang ba siya? These past few days, dumadalang ang pag-uusap namin. He's busy lately and he's up to something. Then everytime that we were talking, he's acting cold. Seems like I'm not his girlfriend. I just want to know if he's okay or is there a problem? May nasasabi ba siya sa 'yo?"Nagbago
Magbasa pa
Chapter 17
Byahe na namin papunta sa Batangas at may service na pinrovide si Bliss kaya sama-sama kami sa sasakyan niya. Dalawang van ang nagamit namin. Ang huling naaalala kong tao na nasa van na bago ako makatulog ay si Ate Jaida, Andrei, Amy at Bliss. Nasa bandang likod ako kasi balak ko talagang matulog sa byahe. Nagsuot din ako ng earphones para hindi marinig ang ingay nila. Hindi ako iniistorbo ng mga kasama ko kasi sinabihan sila ni Ate Jaida na huwag. Puyat talaga ako at pagod. Kahapon kasi, maghapon akong naghanap ng info about sa doctor ni Marcus. Gabi na nga kami nakauwi ni Sol at hindi naman kami totally magkasama. Mahahalata kasi kami kung nasa iisang lugar kami. Nang gabi naman, nireview ko lang 'yung pinapaaral sa 'kin ni Atty. Cha kasi wala na talaga akong energy.Ilang sandali pa ay nagising na ako at tumatakbo na ang sasakyan namin. Tahimik na rin ang mga nakasakay. Mukhang natutulog na ang iba sa kanila. Ang aga naman kasi naming bumyahe. Tiningnan ko ang katabi ko at
Magbasa pa
Chapter 18
Parang gusto ko na lang lumubog muna sa lupa dahil sa tanong na iyon. Gusto kong umuwi bigla."I'm jealous, of course. But I trust Luna and Sol. They are just bestfriends and Luna is my friend. Sol was my friend and now my boyfriend. This really hurts me inside but I just want to hide this. Because this is just mine," nakangiting sabi niya pero nakikita kong naluluha siya. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa narinig ko. "I know that Sol loves me, right?" tanong niya kay Sol na katabi niya ngayon. Nakatingin sa 'kin si Sol kaya tuluyan na akong naluha. Agad akong umiwas ng tingin. Mabuti na lang at lahat sila, nakatingin kay Alanis kaya hindi nila ako nakita."Right," tugon ni Sol kaya nakahinga ako nang maluwag. Nasasaktan ako para kay Alanis. Gusto kong ayusin lahat-lahat. Ang nakikita ko lang na paraan, iwasan si Sol. Magpakalayo-layo. Kaso paano? Paano ako lalayo kung maiisip kong baka bigla na lang magpakita si Marcus at balikan niya ang mga kaibigan ko? Baka sa o
Magbasa pa
Chapter 19
Kinaumagahan ay late na kami nagising dahil mga lasing na sila samantalang ako, umaga na nakatulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng usapan namin ni Sol. Nag-aalala ako, baka ngayon siya makipag-break kay Alanis. Huwag naman sana. Baka magwalk out si Alanis, ang layo pa naman namin sa Maynila.Sabay-sabay kami ngayong naglalunch sa isang mahabang table. Nasa 30 lang naman kaming lahat or more? Baka tulog pa ang iba. Hindi ko na kasi sila maalala lahat. Hindi ko kilala ang iba, e."Later, may gig ang Moon band so I guess, we're going to enjoy again. I really love this birthday!" tuwang-tuwang sabi ni Bliss kaya natawa ang iba sa kanya. Spoiled talaga siya ng magulang niya. Palibhasa, solong anak. Kaya binibigay ang lahat."What time?" tanong ni Amy na parang sabog na sabog pa."5pm but I assume, they're going to start at 6," sagot naman ni Bliss. Sila iyong kumanta sa school dati noong nagconfess ako kay Leo. Kinanta pa nga nila ang Synesthesia,
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status