Share

Chapter 19

Kinaumagahan ay late na kami nagising dahil mga lasing na sila samantalang ako, umaga na nakatulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng usapan namin ni Sol. Nag-aalala ako, baka ngayon siya makipag-break kay Alanis. Huwag naman sana. Baka magwalk out si Alanis, ang layo pa naman namin sa Maynila.

Sabay-sabay kami ngayong naglalunch sa isang mahabang table. Nasa 30 lang naman kaming lahat or more? Baka tulog pa ang iba. Hindi ko na kasi sila maalala lahat. Hindi ko kilala ang iba, e.

"Later, may gig ang Moon band so I guess, we're going to enjoy again. I really love this birthday!" tuwang-tuwang sabi ni Bliss kaya natawa ang iba sa kanya. Spoiled talaga siya ng magulang niya. Palibhasa, solong anak. Kaya binibigay ang lahat.

"What time?" tanong ni Amy na parang sabog na sabog pa.

"5pm but I assume, they're going to start at 6," sagot naman ni Bliss. Sila iyong kumanta sa school dati noong nagconfess ako kay Leo. Kinanta pa nga nila ang Synesthesia,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status