Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.
Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya.
"Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siya kasi magkakagusto na lang daw ako, sa nerd pa na kaibigan lang naman ang tingin sa 'kin. Kung alam niya lang.
"Secret. Hulaan mo," nakangiting sabi ko.
"That nerd?" inis na sabi niya.
"Ang sama mo. Pano kung maging boyfriend ko siya? Aawayin mo siya?" Siya lang naman kasi ang nang-aaway. Si Leo, behave naman. Hindi na nga niya pinapatulan ang mga sinasabi ni Sol.
"No. Because that will never be happen, Luna," seryosong sabi niya.
"Let's see," nakangising sabi ko. Hindi naman na ako natatakot sa mga kaibigan ni Marcus kasi tahimik na sila. Isa pa, nag-aral na rin ako ng self-defense and fighting techniques. Kailangan kasi, marunong akong lumaban at hindi lang kung paano dumipensa.
Maya-maya pa, dumating na si Leo na nakangiti ngayon sa'kin. Wow! He's not wearing his eyeglasses! Ang gwapo niya tonight kaya hindi ko agad siya nakilala.
"Who are you?" tanong ni Sol na hindi pa rin ako pinapakawalan. "Leave. We don't know you."
"Gwapo kasi kaya 'di mo nakilala," pang-aasar ko kay Sol kaya mas nainis siya. Sarap talaga nitong asarin.
"Let him wait. This is my moment," bulong ni Sol at pinatalikod niya ako kay Leo. Huminga ako nang malalim.
"Sol, kanina pa tayo nagsasayaw. Buti sana kung hindi ako nakaheels. Swear, mabilis lang kami ni Leo kasi pagod na rin ako," pakiusap ko sa kanya.
Ilang sandali pa siyang nakatitig sa mukha ko na parang may binabasa siya sa mga mata ko. Hanggang sa naging malungkot ang mga mata niya pero ngumiti ang mga labi niya. He's sad. Pero bakit? Ayoko ng nakita ko sa mga mata niya.
Bumitaw na siya sa'kin at hinarap si Leo. "Take care of her," tugon niya rito.
"Anong problema nun?" tanong ko sa sarili ko na narinig naman ni Leo na kasayaw ko ngayon.
"He knew you so well, Luna," sabi ni Leo na nakangiti nang alanganin sa 'kin.
Napailing ako at huminga nang malalim. "Baka nga. Pero baka hindi rin. But anyway, bagay naman sa'yo ang walang salamin ah!" puna ko kaya napangiti at napaiwas siya ng tingin. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin siya kapag pinupuri ko siya. "Thank you, Pres," sabi ko pa.
Napatingin siya sa'kin. "Luna, hindi na ako Pres." Palagi niya na lang 'yan pinapaalala sa 'kin. Dalawang taon na ang lumipas pero Pres pa rin ang tawag ko sa kanya. Wala, e, doon ako sanay.
"But you're still my Pres. E 'di magpresident ka," sabi ko.
Natawa siya at bumuntong-hininga. "SSC?" he asked.
Umiling ako. "Philippines," nakangiting sabi ko na mas tinawanan niya pa kaya pinitik ko ang noo niya. "Seryoso kasi. P'wede naman, e,"
"I might lose you. Ayoko nga."
"'Di 'yan. Iboboto kita," sabi ko pa.
"Luna, magulo sa politics. Baka madamay ka."
"Pres, matagal nang magulo ang buhay ko. Ano ba naman 'yung idamay mo rin ako sa gulo ng buhay mo?"
Napangiti siya at tumango nang hahagya. Marahan niya akong pinalapit sa kanya hanggang sa sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin. Shems! Hindi ba siya aware na maraming tao sa paligid namin? Karamihan, malapit sa'kin. "Be mine first." Bulong niya malapit sa ilong ko. Bango naman ng hininga.
"O-okay," nauutal na sabi ko at napalunok pa ako dahil sa kaba. Hindi ko sure kung tama ba ang sinabi ko pero gusto kong subukan. Ang tagal niya na ring naghihintay. Baka marealize ko rin na hindi ko lang siya crush. Baka mahal ko na rin siya. Baka...
"What!?" gulat niyang tanong. Pero alam kong narinig niya ang sagot ko.
"I'm yours. Hinihingi mo ako, 'di ba? E 'di sa 'yo na. Alagaan mo, ha." Ngumiti ako pero siya, mas masaya siya kaysa sa'kin. Mukhang tatalon na siya sa saya kaya mabilis ko siyang niyakap na pinagtaka ng mga nakakakita sa'min. "But for now, secret muna 'to, Pres. Hangga't 'di ko pa naaayos lahat. Basta akin ka na ha. Iingatan kita," bulong ko sa tainga niya.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "'Di ako p'wedeng umiyak, Luna. Nakacontacts ako. Pasaway ka talaga," natatawang sabi niya.
"Sorry. Mamaya, iiyak mo 'yan." Natatawang sabi ko.
"Thank you. Thank you, Luna. I'll take care of you and protect you at all cost," bulong niya pa at bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't-isa. Hinatid niya na rin ako sa upuan ko. May ibang tinatanong ako kung anong nangyari pero puro secret lang ang sinasabi ko sa kanila. Naiiyak talaga si Leo sa saya pero kailangan niyang pigilan. Baka mahalata kami.
Matagal na kaming naghintay. Ayoko na ring patagalin pa. Sa mga nakalipas na taon, hindi nagbago ang pagtingin namin sa isa't-isa. Oo, minsan nasasaktan namin ang isa't-isa dahil sa sitwasyong kinaroroonan namin pero palagi namin iyong naaayos. Wala e, 'di naman kami pwedeng magbreak kasi wala namang kami. Basta ngayon, gusto kong bigyan ng chance 'yung kami. Baka malinawan ako sa nararamdaman ko.
•••
"I know there's something about you and Leo. Pero wala namang kayo. So what happened during your debut?" tanong ni Alanis na ngayon ay nakatambay ngayon sa condo ko. Napapadalas na siya rito. Palibhasa, ang lapit lang ng condo ni Sol sa'kin kaya nakakapagcondo hopping siya.
"Wala 'yun. Grateful lang ako kasi palagi siyang nandyan," sabi ko habang busy sa binabasa kong law book again. Nanghiram lang ako kay Atty. Cha. Malapit ko na 'tong matapos kaya mamaya lang ay dadalaw ulit ako sa office niya.
"Sol was there too. Maiintindihan ko pa kung siya ang 18th rose mo," sabi niya pa dahilan para mapatingin na ako sa kanya. Lately, napapaligiran ako ng matatanda ha.
"Thank you. Pero may girlfriend siya at ikaw 'yun. Ang epal ko naman kung siya ang 18th ko."
"But you two are bestfriends. And Leo is not. I know there's more about you and Leo. And I admit, it hurts me too everytime I realize that you and Sol are close to each other than him with me. Alam ko, mas matagal ko siyang nakasama pero 'di naman sa tagal 'yan nasusukat, Luna. Pero okay lang. Kasi akin naman siya ngayon at hindi niya ako sinasaktan. My point is, bakit si Leo ang 18th rose at hindi si Sol? Come on, spill it."
"I like him," simpleng sagot ko na lang dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Pero 'di niya alam. Huwag mo na lang din ipagsasabi sa iba," sabi ko pa at bumalik na sa pagbabasa. Grabe, ang galing ko naman magtago ng secrets. Ngayon niya lang nalaman na may gusto ako kay Leo. Tinago rin kasi ni Sol ang tungkol doon.
Sandali lang naman si Alanis sa condo ko kaya nang umalis siya, nagtungo na rin ako sa office ni Atty. Cha para ibalik sa kanya ang mga hiniram kong libro. Pagkapasok ko pa lang sa building, may nakabangga agad akong lalaki na medyo matanda na. Nahulog tuloy ang mga libro ko na nilagay ko pa sa reuseable bag ko. Mabilis ko itong pinulot pero kumunot ang noo ko nang hindi man lang nag-sorry 'yung lalaki. Ni hindi nga siya tumulong sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nang maalala ko kung sino siya, parang gusto ko na lang lumubog sa lupa. Siya 'yung lalaking sinabihan ako na magbabayad daw ako kasi may presyo raw ang lahat. Fuck!
"You ready?" nakangising tanong niya kaya tumayo ako at hinarap siya. "Seems like you gained more friends, Miss. You can now pay, I think," sabi niya pa.
"Sino ka ba talaga?" kunot-noong tanong ko. Pero napawi 'yun nang may lumapit sa kanyang babae.
"Atty. Ibasco, the trial will start at 3pm," sabi ng babae. Tumango 'yung Ibasco at muling napatingin sa 'kin bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatulala sa papaalis na lalaki.
Ibasco? Lawyer siya at Ibasco ang surname niya. Sino ba talaga siya? Kaano-ano niya si Marcus Ibasco?
To be continued...
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.