All Chapters of SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|: Chapter 171 - Chapter 180
227 Chapters
Chapter 21.9
Nagmartsa palabas ng study room si Vin at pinanuod lamang iyon ng ama nito. Pabagsak rin nitong isinara ang pinto dahil sa labis na poot. Pagkalabas na pagkalabas nito ay biglang napahawaka ang matandang Silvestre sa dibdib nito at tila ba nahihirapan itong humingi.Halos lukutin niya ang damit niya sa tapat ng kaniyang puso ng mga oras na iyon dahil sa naninikip nitong dibdib. Hindi ito ang unang beses na mangyari iyon sa kaniya dahil halos araw- araw na iyong nangyayari sa kaniya at hindi niya alam kung anong dahilan.…Ibinagsak ni Mario ang sarili sa sofa. Kararating niya lang galing sa bahay nila at naroon siya sa secret hideout nila. Problemadong- problemado siya dahil nga sa pagbabago ng matandang iyon ng last will na hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito.Napapikit siya at pagkatapos ay napasandal mula sa kaniyang kinauupuan pagkatapos ay narinig niya ang ilang mga yabag na papalapit sa kaniya. Hindi siya nagmulat ng kaniyang mga mata upang tingnan kung sino ang
Read more
Chapter 21.10
Pagkalabas na pagkalabas ni Andrei sa building nila ay bigla niyang naalala si Cathy. Kailangan niya itng makausap at kailangan niya itong tanungin kung sino ang lalaking narinig niya na nasa silid nito kanina, pero habang nasa sasakyan siya ay napaisip siya bigla.Kung tatanungin niya ito ng direkta ay may posibilidad na magsinungaling ito at magdahilan. Nasisiguro niya iyon. Napakarami niyang dapat intindihin. Si Vena pa, hindi pa rin siya nakapag- isip hanggang sa mga oras na iyon kung paano niya ito mapipilit na makipagbalikan sa kaniya.Dadaan na lamang siya munsa sa bahay ni Cathy. Hindi niya pwedeng tanungin ito ng basta- basta, hahanap na lamang siya ng ebidensiya sa kataksilan nito. Ilalagay na sana niya ang susi ng knaiyang sasakyan nang maalala na naman ang pagbubuntis ni Cathy, hindi kaya hindi siya ang ama ng dinadala nito at ginagamit lang siya?Napakaraming katanungan ang nabuo sa kanyang isipan ng mga oras na iyon at hindi pa rin nawawala sa isip niya ang narinig niyan
Read more
Chapter 21.11
Dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari ay natagpuan ni Andrei ang sarili sa harap ng tahanan nila Zake. sa totoo lang nang mga oras na iyon habang nasa tapat na siya mismo ng gate ng mga ito ay nagdadalawang isip siya dahil baka nga galit pa rin sa kaniya ang asawa nitong si Addie dahil sa ikwinento niya na nakunan si Vena dahil sa aksidente niyang pagkakatulak rito.Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi magdalawang- isip kung tutuloy ba siya dahil baka galit pa rin to sa kaniya hanggang sa mga oras na iyon. Itinaas na niya ang kamay niya upang itulak na sana ang gate ngunit biglang nagbago na ang isip niya. Uuwi na lang siya upang makapag- isip isip. Binawi niya ang kaniyang kamay mula rito at naibaba na niya nang bigla na lamang bumukas ang gate ang sinalubong siya ng guard.“Pasok na daw po kayo Sir.” saad nito sa kaniya na ikinagulat niya.Hindi pa naman siya nagsasalita ni kumatok, paano nitong nalaman na naroon siya. Bigla siyang napatingin sa kaniyang tagiliran ng mga oras na
Read more
Chapter 21.12
Anong oras na ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Vena hanggang sa mga oras na iyon. Hindi man lang siya dalawin ng antok kahit na pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan niya dahil sa maghapon na pag- upo at pagbabasa ng kung ano- anong mga papeles.Isa pa ay hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig pa rin kasi ang katawan niya dahil sa labis na takot. Ni hindi nga siya lumabas kanina upang maghapunan dahil sa sobrang takot niya. Pakiramdam niya kasi pag lumabas siya ng kaniyang silid ay baka kung ano ang posibleng mangyari sa kaniya.Idagdag pa na hindi pa rin nawawala sa isip niya ang narinig niyang sinabi ng impostor na nagpapanggap sa katauhan ng Kuya Vin niya. Kung noong una ay nagdadalawang isip pa siya na maniwala sa kaniyang ama ngayon ay sigurado na siya na tama nga ito. Ang isa pang gumugulo sa isip niya ay ang sinabi nito na isinalin na sa kaniya ang lahat na dapat ay mamanahin ng Kuya Vin niya.Tama nga ba ang narinig niya? Gusto niyang tanungin ang knaiyang
Read more
Chapter 22.1
Unti- unting napamulat ng mga mata si Andrei nang marinig niya ang tunog ng alarm clock niya. Agad niya iyong inabot na nasa ibabaw ng kaniyang drawer sa tabi ng knaiyang kama at pagkatapos ay napahilamos ng kaniyang mukha. Napapikit siya at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido dahil sa kirot ng kaniyang ulo.Napadami ang nainom niya kagabi dahil an rin sa sobrang stress niya idagdag pa na anong oras na rin dumating si Finn at hindi ito pumayag na hindi sila makapag- inom pa bago siya nito pinauwi. Hindi na nga niya matandaan kung paano pa siya nakauwi dahil sa sobrang kalasingan niya o kung nakauwi nga ba siya.Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung nasaan siya at ang pamilyar na kisame ang kinamulatan niya. Nasa loob siya ng silid niya sa bahay nila. Nagawa niya pa rin palang makauwi kahit papano, mabuti na lang at hindi pa siya nadisgrasya.Dahan- dahan siyang bumangon at pagkatapos ay naupo muna sa ibabaw ng kaniyang kama. Matagal- tagal na rin
Read more
Chapter 22.2
Muling napabuntung- hininga si Andrei nang tuluyan na niyang mai- park ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng hotel kung saan niya kukuhanin ang mga papeles. Kung hindi lang talaga importante ang mga iyon ay hinding- hindi niya talaga iyon personal na sasadyain.Ilang sandali pa nga ay pinatay na niya ang makina ng sasakyan at pagkatapos ay dinampot na ang susi na nasa harapan ng kaniyang sasakyan dahil inilagay niya iyon doon kanina dahil baka makalimutan niya. Dahil nga iyon lang naman ang kukunin niya doon ay hindi na niya kailangan pang magtagal at sandali lang naman ang kailangan niyang ubusing oras dahil ipapakita niya lang naman sa lobby ang kaniyang dala- dalang susi na may numero.Mabilis nga siyang lumabas ng kaniyang sasakyan at pagkatapos ay naglakad na papasok ng entrance ng hotel. Hawak- hawak niya sa kanang kamay niya ang susi at pagkatapos ay nakakunot ang noong pumasok sa hotel. Sa totoo lang ay hindi niya maiwasang hindi magtaka kung bakit iniwan ni Mr. Smith ang na
Read more
Chapter 22.3
Kasalakuyan na slang nasa labas ng hotel at halos patapos na rin gamutin ang natamo niyang sugat sa kaniyang noo. Mabuti na lamang at bilang lang sa daliri ang naging sugatan sa pagsabog. Isa lang din ang natagpuang patay at nasisiguro niya na iyon ang lalaking pumasok sa cr.“Ano ang pagkakakilanlan ng biktima?” narinig niyang tanong ng pulis sa mga staff ng hotel na nasa front desk.“Hindi namin alam sir kasi kumuha lang siya ng attache case na ang number ay,” biglang napatigil ito at tila ba napaisip at pilit na inaalala ang numero na kinuha nito. “Parang number 17 iyon sir at galing sa…” Ilang sandali itong tumigil sa pagsasalita kaya nilingon niya ito at nag- iisip pa rin.“Pwede naman natin i- check mamaya sa mga records niyo e.” sagot ng Pulis sa kaniya na kaagad naman nitong ikinatango at pagkatapos ay nagpaalam na ito sa dalawang pulis na nagtatanong rito.“Ibig sabihin ay galing sa attcahe case ang bomba na sumabog.” sabi ng isang pulis sa kasama nito.“Sa tingin mo buddy?
Read more
Chapter 22.4
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng ama ni Vena pagkatapos niyang isalaysay ang nangyari sa kaniya. Mula sa plano niyang pagkuha sa mga papeles na galing kay Mr. Smith at sa hindi inaasahang pagkakataon na may nakabangga syang isang lalaki na nakasuot nga ng itim na suit kung saan naging dahilan ng pagkakapalit nila ng susi.“Malakas ang kutob ko na dahil iyon sa pagbabago ko ng testamento.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi siya agad na sumagot dito dahil iyon rin naman talaga ang iniisip niya. Ibig sabihin lang ay inuuna siyang idispatsa ng mga ito bago si Vena. Ang iniisip niya pa kanina ay kung siya nga ay kayang patayin ng mga ito paano na lang kaya si Vena na siya mismo ang nakapangalan sa mga ari- arian ng pamilya nito?“Hindi na kayo ligtas ni Vena rito.” muling saad nito sa kaniya.Napailing siya. Bakit sila lang ni Vena ang inaalala nito at hindi ang sarili nito? Kung meron man silang dapat mas unahin ay ito iyon dahil sa ginawa nitong pagbabago ng last will ni
Read more
Chapter 22.5
Napasandal si Vena sa kaniyang swivel chair. Pilit siyang nagco- concentrate sa kaniyang trabaho ngunit hindi siya mapakali. Isa pa ay inaantok din siya ng mga oras na iyon dahil halos wala siyang tulog dahil sumunod sila kagabi sa ospital. Hindi siya pumayag na hindi rin siya magpunta doon dahil sa sobrang pag- aalala niya sa kaniyang ama.Mabuti na lamang at naagapan ang pagka- atake nito at agad itong naisugod sa ospital. Kung hindi daw ito naagapan ay may posibilidad daw na baka namatay na ang kaniyang ama. Sa totoo lang ay ayaw pa nga sana niyang umalis doon ngunit pinilit na siya nitong umalis doon at pumasok na lamang daw siya sa opisina upang tuluyan na niyang matutunan kung paano magpalakad ng mga kumpanya. Isa pa ay hindi niya pa ito nakakausap ng pormal tungkol sa narinig nyang dahilan kung bakit nagtalo sila ng impostor na iyon. Pinilit ng kaniyang ama na ialis na siya doon ng Kuya Luke niya at inihatid sa bahay nila. Ito na lamang daw ang magbabantay sa kaniyang ama na p
Read more
Chapter 22.6
Isa pa ay tila ba pakiramdam nito ay welcome na welcome ito sa opisina niya samantalang alam naman nitong inis siya rito. Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi niya ito kinakausap kaya siya na ang sumuko. Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay isinara ang kaniyang pinapasadahang report. Sumandal siya sa kaniyang upuan at napatitig rito.“What do you want?” nakakunot ang noong tanong niya rito at pagkatapos ay muli na namang napatitig sa mga galos nito. Nadi- distract siya habang nakatingin sa mga ito at hindi na niya magawang iiwas pa ang kaniyang tingin mula sa mga iyon. Bakit ba kasi may galos ang mga ito? Saan nito nakuha ang mga iyon? Teka, bakit ano bang pakialam niya rito? Hindi ba at galit siya rito pero bakit tila ba nag- aalala siya rito?Napapikit siya at pagkatapos ay napailing. Ano bang iniisip niya at ano bang pumasok sa utak niya at kung ano- ano ang iniisip niya. Nahilot tuloy siya ng kaniyang sentido ng wala sa oras ng mga oras na iyon. Epekto siguro iyon ng
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
23
DMCA.com Protection Status