All Chapters of The Mafia King's Wife: Chapter 21 - Chapter 30
67 Chapters
CHAPTER 21: Kiss mark
Kinabukasan, medyo okay na si Seraphina pero sobrang sakit pa rin ng katawan nito. Maaga siyang naligo kasabay si Devon at ginawa nanaman nila ang nangyare kahapon. May halong kilig sa mukha nito at halos mapakagat labi, "Era, I'll wait you downstairs." Katok ni Devon sa pintuan habang nagsusuot siya ng damit."Okay! sigaw niya habang tinatapos ang ginagawa, panay kamot si Seraphina sabay harap sa salamin. "What should I do?" tanong nito sa sarili.Punong-puno ng marka ang katawan niya, maging ang leeg niya ay may tatlong mapupulang marka. Hindi man ito tulad kahapon pero mapula pa rin ito. Ilang damit na ang kanyang sinukat para takpan ito, sadyang wala siyang turtle neck, "Hay nako!" Napabuga siya sa hangin at napagtanto niyang lalabas siyang ganito.Nakasuot ng pajama at t-shirt si Seraphina, kahit anong gawin niya ay hindi nito kanyang takpan ang mga marka. Hahayaan na lang niya ito kung makita ng iba, wala namang masama dahil asawa na niya si Devon.
Read more
CHAPTER 22: Who's that girl?
Parang patay na si Finn mula sa kanyang kinauupuan. Dalawang araw nang hindi pumasok ang boss niya at sa kanya lahat iniwan. Halos hindi na siya makatulog kakaisip sa fashion event, maging siya nga ay wala pang isusuot. Sumabay pa ang utos ng kanyang boss na mag-manage habang wala siya."Bakit naman ganito? Sa isang araw na 'yong event," hinihingal na saad nito at ipinatong ang napakaraming paper works.Wala sa sarili si Finn dahil naisip niyang tinatamad na ang kanyang boss sa tuwing kasama nito ang kanyang asawa. Habang siya ay problemado, napahawak ito sa kanyang sintido at hindi na alam ang gagawin sa susunod na meeting.Sa kabilang banda, nakakunot ang mukha ni Melissa habang pinagmamasdan ang upuan ni Seraphina at Hailey. Una pa lang ng makita nito si Seraphina ay inis na inis na siya. Ngayon naman, dalawang araw na itong hindi pumapasok at ngayon naman ay absent din si Hailey. Tutal naisip niyang supervisor siya, irereport niya ito agad sa ka
Read more
CHAPTER 23: The night
Ang iniintay ng lahat ngayong gabi,  dumating na ang fashion event na gaganapin sa De Van. Napakarami na agad tao at syempre isa lang ang kanilang iniintay. Walang iba kung hindi ang CEO ng Donovan Industry. Iba't ibang sikat na kumpanya rin ang pupunta dito, palibhasa kilalang-kilala si Devon sa larangan ng business. Talagang hindi ito palalagpasin ng mga tao.Kulay pula ang lahat ng kanilang kasuotan, babae man o lalaki. Sobrang gaganda ng mga suot nito at nagsasaya, isang beses lang naman mangyari ang ganito. Napatingin ang lahat dahil pumasok ang pamilya ni Melissa. Kilala rin naman ang pamilya nito at hindi maipagkakaila na maganda siya, sadyang pangit lang ang ugali.Napapanganga ang mga ito, inis man sila kay Melissa pero talagang napagkaganda nito ngayon, "Mukhang siya ang mananalo." Bulong-bulongan sa loob ng De Van, habang tuwang-tuwa ang mga magulang nito. "Tama gan'yan nga, puriin n'yo ang anak ko." Tumatawa-tawa pa ang ina ni Melissa at i
Read more
CHAPTER 24: Marry you?
Halos sirain ni Melissa ang kanyang suot na gown. Hindi ito kayang pigilan nang kanyang ama't ina kaya nagpatulong na ito sa kambal."Maru, Mavi!" sigaw ng ina nito habang inaawat si Melissa, "That Seraphina Laurier, I'll make her pay!" Galit na galit ito at wala ng kwenta ang bilyong gown niya dahil kay Seraphina.Bumaba ang dalawa galing sa second floor nang kanilang bahay. Nagulat ang dalawa sa kalat nang kanilang bahay. Pati ang suot ni Melissa na sira-sira na at hindi na sila nagdalawang isip pa."Melissa, stop it!" Sabay awat ni Maru at panay ang iyak nito, "Mas mahal pa ang gown mo sa ginastos natin para sirain mo," pagpapaalala ni Mavi at umiiling lamang ito."Babayaran ito nang lalaking epal sa likod nila, sinisigurado kong sasabihin ko na kay Devon bukas." Parang wala ito sa sarili at panay ang isip niya na siya ang magiging Mrs. Donovan."Mom, kaylangan n'yo na sila makausap ngayon na, help me." Tumingin din ito sa ama na problemado sa d
Read more
CHAPTER 25: The truth
Nakahinga ng maluwag si Seraphina dahil nakainom na ito ng tubig. Hinagod naman ni Hailey ang likod nito para gumaan."Lady Era, okay lang po ba talaga kayo? Gusto n'yong tawagan ko si boss?" Umiling lamang si Seraphina at ayaw nito istorbohin ang asawa. Lalo na't nasa oras pa sila ng trabaho at hindi tamang tawagin ito.Ilang araw na rin sila absent at nagawa nilang mag-date, "I'm fine, thank you Hailey." Bumalik ang mga ngiti nito dahil sa ngiti ng kanyang kaibigan at bumalik na sa department.Kahit na pagod na pagod si Seraphina ayaw niyang ipahalata at mag-alala ulit si Hailey. Nahihilo na kasi ito at medyo masama ang tabas ng tyan. May bahid na pag-kainis sa mukha ni Hailey. Nakangiti kasi si Melissa at mukhang si Seraphina ang hinahanap nito. Sumingkit ang kanyang mga mata at masamang tinignan si Melissa."There you are!" Medyo may pag-kalakas ang boses ni Melissa."Pasensya ka na tinawag ako," duktong nito at hahawakan niya sana si Seraphina k
Read more
CHAPTER 26: Accident
Hindi alam ni Devon ang gagawin dahil meron siyang business trip sa America. Iniisip nito ang asawa, tanging si Cole lamang ang kanyang maaasahan sa ngayon at maging si Hailey.Kita naman ni Finn ang pagiging problemado nito. Halata kasi rito na ayaw niyang maiwan si Seraphina."Boss, we need to go," saad ni Finn at halos 30 minutes late na sila, "I know." Tumayo na si Devon at tinungo ang sasakyan. Habang si Cole naman ay nakahanda na dahil ito ang pangalawang misyon ni Devon. Babantayan niya ang anghel nito habang iniintay niya ang balita ni Lucif tungkol sa second gang. Wala pang isang buwan si Cole pero may sasakyan na siya. Regalo ito ni Venus at Evel bilang kasama sa pamilya nila. Iniisip niyang malaki ang pasasalamat nito sa buong pamilya ni Devon. Habang busy na rin ang kapatid nitong si Lori sa school, hatid sundo siya ni Butler Tom at Carol.Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tumutunog na cellphone,  "Boss," tawag n
Read more
CHAPTER 27: What should we do?
Masayang ginagawa ni Melissa ang kanyang trabaho. Habang hindi niya maiwasan ang mapatingin sa pinto. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Hailey at Seraphina. "Baka naman tumalab ang plano ko?" mahina niyang saad at may ngiti sa mga labi. Bigla siyang natigilan at kumunot ang noo. Nagsimula kasing tumayo ang mga kasamahan niya sa department at sumilip sa pinto."Ano bang meron?" takang saad niya at maging ang ilan sa mga naka-upo ay napatayo na rin, "Is that Seraphina?" "Oo nga, sino naman 'yong kasama niya?" Rinig ni Melissa at pagtingin niya sa labas, nakita nito ang lalaking nagbuhos ng wine sa kanya. Bitbit nito si Seraphina at kasunod no'n ang nangangatal na si Hailey.Dahil sa nakita ni Melissa, gusto niyang tumalon sa tuwa. Parang hindi pa nga siya satisfied sa nakita. Gusto pa niyang pahirapan ito kapag nakabalik na ulit sa trabaho. Masayang bumalik si Melissa sa kanyang upuan. Hindi lang niya pinahalata na nakangiti siya at masaya.
Read more
CHAPTER 28: Mix emotions
Dare-daretso lang si Devon at Finn, papunta sa kwarto nila ni Seraphina. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Devon. Dahil nakita niyang nakabukas ang pinto ng kanilang kwarto. Pagpasok niya sa loob, tumambad sa kanya ang mga mukha nilang natatakot. Kasunod no'n ang pagtingin niya sa kanyang anghel na si Seraphina.Nagawang pumikit ni Devon dahil ito ang pinaka-ayaw niyang makita, "Get out." Sabay labas nilang lahat sa kwarto.Tanging siya at si Seraphina lamang ang nandoon. Nangangatal ang mga kamay niya ng hawakan ang asawa. Hinawi nito ang buhok at nakitang pulang-pula ang mga mata."Era, who did this? Tell me," wala sa sariling tanong ni Devon at gusto niyang sirain lahat ng mga nakikita niyang bagay.Panay iyak lamang ang naririnig nito sa asawa at nagawang tabihan, "Era, I'm mad right now." Hinawan nito ang buhok at inalis sa parte ng mukha."D-Devon," tawag ni Seraphina sa asawa at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang tyan niya. 
Read more
CHAPTER 29: Mystery
Natatawa si Seraphina sa tuwing naaalala niya si Devon. Kanina kasi bago ito umalis papunta sa Donovan Industry. Aligaga ito at ayaw siyang pakilusin sa loob ng bahay at tanging sa kwarto lamang. Pero dahil wala na ang asawa niya, pwede na itong tumayo at lumabas ng kwarto. Kinikilig naman siya sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Talia kagabi."Magkakaroon na kami ng baby," mahinang saad nito at halos mapatalon sa tuwa. Kasunod no'n ang pagtingin sa kanya ni Butler Tom at Carol.Ang mga mukha nito ay may bahid ng pagkagulat. Sinabihan kasi sila na hindi pwedeng umalis ng kwarto si Seraphina. Kaya naman agad nila itong nilapitan at binati."Lady Era, good morning," sabay na sabi nila at nginitian naman ito ni Seraphina.Isip-isip ni Carol ay bumalik na ang sigla ng kanyang mga ngiti. Maging siya kahapon ay natakot ng makitang umiiyak ang anghel ng demonyo. Inalalayan niya ito at pinaupo sa sofa, "Lady Era, napagutusan lamang kami at hindi kayo pwede luma
Read more
CHAPTER 30: Preparations
Minulat ni Seraphina ang kanyang mga mata at napagtanto niyang nakatulog pala siya. Tumayo ito agad at napansin niya si Hailey na nakatingin sa kanya."Hindi na kita ginising, ang himbing ng tulog mo," masayang saad sa kanya at isang ngiti naman ang pinakawalan ni Seraphina."Pasensya ka na, masyado akong inaantok at hindi ko alam kung bakit," malungkot na saad nito at ginulo naman ni Hailey ang kanyang buhok."Lady Era, natural lang po 'yon, kasi nga po buntis kayo." Nakalimutan ni Seraphina na buntis nga pala siya. Bigla tuloy itong tumawa at tumango-tango pa.Napailing tuloy siya dahil sa hindi niya naisip na buntis siya. Kasunod no'n ang tatlong katok na nanggaling sa pinto. "Pasok," may kalakasang saad ni Seraphina. Bumungad sa kanya si Carol Weyn na may dalang trolley."Carol, h'wag mo na dalhin 'yan sa taas. Kami na lang ang baba," paliwanag nito at magtatangkang magsalita sana si Carol, ngunit pinigilan ito ni Seraphina."H'wag ka ma
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status