CHAPTER 18 Walang pakialam na iniwan niya si Giovanni. Pagpasok niya sa bahay, ay napansin niya ang mga kasambahay na may mga bitbit na dekorasyon. “Ano po ang mga ‘yan?” “Pinapa-ayos na po ni Sir Giovanni.” Nang hindi na siya umimik ay iniwan na siya ng mga ito dala-dala ang mesa, scented candles, bulaklak…Naghanda ba ang ‘asawa’ niya ng candle light dinner? Pinulot niya ang palumpon ng bulaklak na ang ilan ay nalanta na sa tagal ng pagdating niya. Summer felt a punch on her gut. Sinilip niya si Giovanni sa labas. Nasa dating pwesto pa rin ito habang naninigarilyo. “Lady Ivanovich, the children are already asleep. Should you require anything, please do not hesitate to inform me,” wika ng Butler nang makasalubong niya ito sa marangyang hagdan. “Kumain na ba sila?” “Yes, my Lady. Pinauna na po sila ni Sir Giovanni dahil hindi na raw kayo mahihintay. He cooked meals and prepared the supposed candle light dinner, himself,” sagot nito. Sumobra ba siya? Nadamay pa ang mga bata
Read more