All Chapters of The Billionaire's Poison Kiss (Tagalog): Chapter 71 - Chapter 80
85 Chapters
Kabanata 71
Gian POVNagising ako ng masakit ang ulo ko at naalala ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Hailey na labis kung ikinasisi, alam kung galit na siya ngayon sa akin at mas lalo ang kanyang asawa na si Killia. Mas mahihirapan akong makausap at mabawi si Hailey at Kian ngayon dahil sa nagawa ko.Hindi pwede ang ganito at oras na malaman din ng pamilya ni Hailey ang nangyari tiyak ay magagalit sila sa akin, hindi pwedeng masira ang tiwala nila sa akin dahil isa 'yon sa pinaghahawakan ko. Tumayo ako at dumiretso na sa banyo, kailangan ko muna maligo para mahimasmasan. Kailangan kung makaisip ng iba pang paraan para mabawi ang mag ina sa kamay ni Killian. Hindi pwede na maging masaya siya habang ang kapatid ko ay nasasaktan. At isa pa ay mahal ko si Hailey at hindi ako papayag na nawala sila sa akin, hindi ako papayag na nabalewala ang matagal ko ng inaasam.Pagkatapos kung maligo ay agad akong nagbihis at nag order ng makakain, hanggang ngayon ay ra
Read more
Kabanata 72
Hailey POVNang makaalis sila Premiere at Jade ay naiwan akong mag isa dahil isinama nila ang anak ko, nakapag isip isip ako na dadalhan ko na lang si Killian ng lunch bilang peace offering. Ayaw ko naman na magtagal ang hindi namin pagkakaunawaan dahil lang kay Gian kaya ako na ang gagawa ng paraan para magkaayos kami dahil ako naman talaga ang may kasalanan.Niluto ko ang paborito niyang pagkain at tinawagan ko din ang kanyang sekretarya at tinanong kung may schedule na meeting si Killian at ang sabi niya ay wala naman. Sinabihan ko din siya na huwag ng ibili ng lunch ang boss niya dahil ako na ang magdadala nito huwag niya lang ipaalam dito.Nang makaayos na ako ay kinuha ko na ang inihanda kung pagkain at umalis na sa bahay, saktong makalabas ako ay may dumaan na taxi kaya pinara ko na ito at sumakay papuntang kompanya ng asawa ko.Pagdating ko do'n ay diretso na ako na pumasok dahil kilala naman na ako halos ng empleyado do'n, ng makarating ako sa la
Read more
Kabanata 73
Hailey POVIsang buwan na ang nakalipas at naging maayos na ulit ang buhay namin, wala ng Gian na gumugulo pa sa akin at wala din akong naririnig na balita sa mga magulang ko. Siguro darating din ang araw na magkakaayos kaming lahat at mawawala ang galit nila sa asawa ko dahil wala naman siyang kasalanan sa kung anong nangyari sa akin.Dapat nga ay sila pa ang humingi ng tawad kay Killian dahil sila ang naglayo sa aming mag ina niya sa kanya at pinaniwala kaming iniwan at inabandona kami kahit ang totoo ay hindi naman pala at nagdusa din ang asawa ko sa pag aakalang patay na kami."Ang lalim yata ng iniisip mo?" nagulat na lang ako sa biglang pagsasalita ni Killian sa tabi ko, hindi ko man lang naramdaman na gising na pala ito."Gising kana pala, hindi ko napansin." ani ko."Halata nga at hindi mo naramdaman na bumangon na ako. Ano ba kasi 'yang iniisip mo?" natatawang saad niya.Agad ko naman siyang hinampas. "Baliw ka! Iniisip ko lang kung
Read more
Kabanata 74
Killian POVMaaga kaming natapos ni Vaugh sa kliyente na kinausap namin kaya pauwi na ako ngayon, natanggap ko ang mensahe ni Hailey kanina na pupunta sila sa park ni Kian kaya nagpasya akong do'n na lang dumiretso para sunduin sila.Habang papalapit ang kotse ko sa park ay may napansin akong dalawang tao na nagyayakapan at napakuyom ang mga kamao ko ng makilala na ito ay ang asawa ko at si Gian. Hindi ko alam na kasama pala nila dito ang lalaking 'yon pero nawala ang atensyon ko sa kanila ng may marinig akong mga sigaw dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan ko.Dumaloy ang kaba sa buong sistema ko ng marinig ko ang sigawan ng mga tao na may nasagasaan na bata at naalala ko na hindi ko nakita si Kian gayo'ng kasama ito ng asawa ko, mabilis akong bumaba ng kotse at lumapit kung saan madaming tao, nakipagsiksikan ako do'n at halos manghina ako ng makita ang anak kung purio dugo."Excuse me, excuse me." sigaw ko sa mga tao para malapitan agad si Kian.
Read more
Kabanata 75
Jade POVNabalitaan namin ang nangyari kay Kian kaya nagmadala kami agad na pumunta sa hospital ni Premiere at nakasalubong din namin si Vaugh papasok kaya sabay sabay na namin tinungo ang room kung saan ang sinabi ng nurse.Pagpasok pa lang namin ay kitang kita ko na ang pag iyak ng kaibigan kung si Hailey habang si Killian naman ay may luha din sa kanya mga mata, hindi nakaligtas sa akin ang kanyang mga kamay na nakakuyom na animo'y nagtitimpi sa galit.Dinaluhan siya nina Premiere at Vaugh samantalang si Hailey ay nagmadali naman na lumabas kaya sinundan ko ito, nakita ko siyang nakasandal sa gilid nitong kwarto kaya mabilis ko siyang nilapitan."Best." sambit ko.Tumingin naman ito sa akin na puno ng luha ang kanyang mga mata. "G-galit siya sa akin Jade, a-ako ang sinisisi ng asawa ko sa nangyari sa anak namin. H-hindi ko ginusto ang nangyari kay Kian. Hindi naman ako naging pabaya."Niyakap ko naman siya ng mahigpit at mas lalo lang ito
Read more
Kabanata 76
Hailey POVDalawang araw na ang nakalipas pero hindi pa din ako kinakausap ni Killian, ilang beses ko ng sinubukan pero parang hangin lang ako sa kanya at naiintindihan ko naman 'yon dahil galit pa rin siya hanggang ngayon sa akin.Pumapasok pa din naman siya sa opisina pero maaga din itong umuuwi at dumidiretso na dito sa hospital, umuwi lang ako saglit para kumuha ng damit at kinuhaan ko din si Killian dahil siya ngayon ang nagbabantay sa anak namin. Nagluto din ako ng pagkain para dalhin sa hospital.Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo malapit sa kama ni Kian, madalas siyang ganito. Kahit na dumating na ako ay hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Masakit pero kailangan kung tiisin."Ahm, Killian nagdala ako ng damit na pwede mong bihisan at saka nagdala din ako ng pagkain." ani ko.Hindi man lang ito umimik sa sinabi ko kaya nilapag ko na lang sa mesa ang mga dala ko. "Nagdala na din pala ako ng baon mo para kainin mo mamayang lunc
Read more
Kabanata 77
Killian POVNagmadali akong umalis sa hospital, ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako pupunta sa opisina kung hindi ay kikitain ko ang binayaran ko para mag imbestiga at ngayon ay nandito ako sa harap ng bahay ng mga magulang ni Hailey, bago ako pumunta dito ay nakipagkita muna ako sa imbestigador na binayaran ko at alam ko na ang totoo.Kanina pa ako kating kati na puntahan ang lalaking 'yon pero kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan namin ng mga magulang ng asawa ko. Kahit naman na hindi kami ngayon okay ni Hailey ay hindi naman ibig sabihin no'n ay hahayaan ko na lang ang lahat.Dalawang beses ko lang pinindot ang door bell at agad itong nagbukas, binati pa ako ng katulong nila dahil kilala naman na nila ako pero naglakad lang ako diretso sa loob."Nasaan sila Mama at Papa?" tanong ko."Nasa sala po sila sir Killian."Agad naman akong naglakad papunta kung nasaan sila at nakita ko ang mga ito na nag uusap. Natigil lang sila
Read more
Kabanata 78
Hailey POVNandito pa rin ako ngayon sa hospital at nagbabantay sa anak ko, kasama ko ngayon si Vaugh dahil wala naman daw siyang gagawin kaya dito niya na lang naisipan na tumambay. Kakaalis lang ni Killian dahil pupunta ito sa opisina.Habang nagbabalat ako ng mansanas ay napansin ko na naiwan niya ang isang folder kaya mabilis ko itong kinuha para ihabol sa kanya, mukhang hindi pa naman siya nakakalayo dahil wala pa isang minuto siyang nakaalis."Vaugh, ikaw na muna magbantay dito ha? Saglit lang ako ihahabol ko lang ito kay Killian baka kasi kailangan niya." paalam ko dito.Tumango lang ito at mabilis na akong lumabas. At dahil wala pang available na elevator dahil puro lahat paakyat ay naghagdan na lang ako, sinubukan ko pang tawagan ang asawa ko pero hindi naman ito sumasagot. Ang ginawa ko ay dumaan na lang ako sa hagdan para maabutan pa siya.At dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang basang sahig sa hagdan dahilan para mad
Read more
Kabanata 79
Killian POV Isang linggo na ang lumipas ng makalabas ng hospital ang anak at asawa ko, kagaya ng sabi ng doctor ay magaling na si Kian maliban sa asawa ko na hanggang ngayon ay may mga benda pa din at kailangan niyang mag wheelchair. Wala namang nagbago, bumalik na ang dating sigla ng anak ko kaya mas naging panatag ako. Maliban na lang sa asawa ko na naging tahimik at minsan na lang umimik, madalas din siyang tulala at kapag kinakausap ko siya ay tanging tango o iling lang ang sinasagot niya. Noong mga unang araw namin dito sa bahay ay madalas ko siyang nakikitang umiiyak at palaging nananaginip tuwing gabi na sinisisi niya sarili niya at galit daw ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa para sa asawa ko dahil sa nangyayari, hindi ko lubusan nakakaramdam ng saya dahil pakiramdam ko ay hindi pa din maayos ang pamilya ko. At sa mga magulang niya naman ay ilang beses na din silang bumisita dito, kinausap na din nila si Gian at humingi ito ng tawad
Read more
Kabanata 80
Killian POVGabi na ng makauwi ang mga kaibigan namin at ngayon ay dalawa na lang kami ng asawa ko ang natitira dito sa baba dahil kanina pa naiakyat si Kian ng kanyang yaya, kumuha ako ng mag aalaga sa anak ko para hindi na mahirapan pa si Hailey kapag gumaling na siya.Pagtingin ko sa oras ay malapit na mag alas nwebe kaya tumayo na ako. "Baby akyat na tayo sa taas para makapagpahinga na. It's getting late." ani ko kay Hailey at pinatay na ang tv.Binuhat ko na lang siya paakyat at iniwan ang wheelchair sa baba, okay naman ang mga binti niya pero hindi pa siya nakakalakad ng maayos katulad ng dati. Pagpasok namin sa kwarto ay inihiga ko na siya sa kama at nilagyan ng kumot."Matulog kana para makapag pahinga kana ng maayos." anas ko at hinalikan siya sa pisngi.Agad niya namang ipinikit ang kanyang mga mata habang ako naman ay humiga na sa tabi niya. Hinintay ko muna siyang makatulog ng tuluyan bago pumikit. Sa kalagitnaan ng tulog k
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status