Lahat ng Kabanata ng Common Denominator: Kabanata 11 - Kabanata 17
17 Kabanata
11) Likely Not
Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon.  "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo
Magbasa pa
12) Occupied
Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko.  Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga
Magbasa pa
13) Who's at fault?
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?
Magbasa pa
14) Only Fool's Fall
Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi
Magbasa pa
15) Twisted Spin
Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko. "Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat
Magbasa pa
16) Fiancé
"You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea
Magbasa pa
17) Usually Not
Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status