All Chapters of Loving The Beast: Chapter 11 - Chapter 20
49 Chapters
10
KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.  Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal.  "Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.   "Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok.   "Your that happy?" Tanong nito.   "Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered.  "Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead.  "Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j
Read more
11
MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina.  Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo.  Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya.  "Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency.  "Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office.  "Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito.  "Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum
Read more
12
PALABAS NA si Ross ng kanyang opisina nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa kanyang bulsa. Nangunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ni Venus. Bakit kailangan pa nitong tumawag? "What is it?" Tanong nya at saka nagpatuloy sa paglalakad.  "Dito ka na mag-dinner. Serriah and I cooked foods for us." Anyaya nito.  "Really? Where is she?" Natutuwang tanong nya.  "She's taking a bath. Amoy pawis raw sya at ayaw nyang maamoy mo 'yon. What a kid." Kwento nito na ikinatawa nya. "Tell her that I'll be there in ten minutes."  "Okay. Ingat ka."  Muli nyang ibinalik sa kanyang bulsa ang telepono matapos makipag-usap sa babae. Sumakay sya sa elevator at hinintay itong makababa.  Nang bumukas na ito ay agad syang lumabas at mabilis na nagtungo sa kanyang kotse. He
Read more
13
PAGKATAPOS maglinis ay nagpahinga na rin si Cielo. Nahiga sya sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kanyang kisame. Hindi naman sya dinadalaw ng antok, ang balak nya ay magpahinga lang dahil napagod sya sa kanyang ginawa. As she close her eyes, image of him flashees on her mind. Lahat ng nagyari noong mga panahong nasa Baguio pa sila. Lahat ng 'yon ay nami-miss nya. At hindi nya maiwasang malungkot sa tuwing naiisip nya na hindi na iyon kailanman mauulit pa.  Siguro ay may dahilan si Venus kung bakit sya bumalik dito sa Pilipinas. At marahil ay dahil sa kadahilanang may anak sila ni Ross. At isa iyon sa nakadagdag sa sakit na nararamdaman nya. Knowing that Ross is happy now cause the love of his life is finally here.  Naimulat ni Cielo ang kayang mga mata dahil sa sari-saring bagay na kanyang naiisip. Halo-halo rin ang emosyong nararamdaman nya. Hindi nya namalayan ang pagpatak ng kanyang mg
Read more
14
HINDI ALAM ni Ross kung ano ang kanyang paniniwalaan. Napuno ng katanungan ang kanyang isipan. Galit at poot ang tanging nararamdaman nya para kay Cielo.  Pakiramdam nya ay pinaikot sya ng babae sa napakatagal na panahon. Napakagaling nitong magpaikot ng mga tao dahil halos lahat sila ay naloko nya.  Pinalis nya ang kanyang mga luha na walang sawa sa pag-agos. Nagsalin sya ng alak sa kanyang baso at inubos ang laman nito.  Hinigpitan nya ang kapit nya sa baso dahil sa galit na nararamdaman. Kulang na lang ay mabasag na ito dahil sa ginawa nya.  Tama lang pala ang naging desisyon nya na iwasan na ang babae. At ngayon nga ay isa-isa ng lumalabas ang mga lihim nito.  It sucks loving Cielo.  'Yon lang ang tanging nasa isip ni Ross. Akala nya ay sa maikling panahon na nagkasama sila ay nakilala na nya ang buong pagkatao ng babae, pero
Read more
15
HINDI NAGPA-APEKTO si Cielo sa sinabi ng lalaki. Malamang ay umaarte lang ito. Kahapon ay halos isumpa na sya nito nang malaman nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao.  "Wag mo na akong tatawagan kahit kailan, Ross. At wag ka ring umarte na para ba'ng mahal mo ako. Kung alam mo na ang katotohanan tungkol sa akin, mas nauna kong malaman ang katotohanan tungkol sa'yo." Sabi nya rito sa malamig na tono.  "What do you mean?"  "Hindi ko na kailangan pa'ng magpaliwanag sa'yo. Siguro, kailangan na nating bumalik sa kung ano ang turingan natin dati. 'Yong tipong nabubuhay ka pa rin kahit na lagi kitang ginugulo. Pero, wag ka'ng mag-alala dahil ngayon, mas magiging payapa na ang buhay mo." Hirap nyang sabi habang pinipigilan ang pagpiyok ng kanyang boses. Ayaw nyang isipin nito na maski sya ay nahihirapan sa desisyong ginawa nya kahit na 'yon naman talaga ang totoo.  "If that's what you
Read more
16
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto ang gumising sa kanya.  Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nakangiting bumangon. Pakiramdam nya ay napakasarap ng tulog nya. At dahil doon ay sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.  Humarap sya sa maliit na salamin na nasa kanyang kwarto at nakangiting pinagmasdan ang kanyang sarili.  "Bagong simula, Cielo." Nakangiting pagkausap nya sa kanyang sarili. Ilang minuto pa nyang pinagmasdan ang kanyang sarili bago sya lumabas upang magtungo sa silid ni Kirsten.  At dahil nga maaga pa, tulog pa ito nang pumunta sya. Hindi na nya ito inabala pa at diretso na syang bumaba sa kusina upang maghanda ng umagahan.  Doon ay nadatnan nya si Anthony na nakaupo at nagtatatali ng sapatos. Hindi nito namalayan ang kanyang presensya dahil abala ito sa ginagawa. 
Read more
17
MATAPOS nilang kumain ay paghuhugas naman ang inatupag ni Cielo. Habang ang batang babae naman ay pinagpahinga nya muna dahil hindi pa ito pwedeng pa-pwersa lalo na at kagagaling lang nito sa sakit.  Pinahiga nya ito sa sofa na nasa kanilang sala at hinayaan itong manood ng tv.  Medyo marami ang kanyang huhugasan dahil simula pa kagabi ang mga ito.  Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay pinuntahan nya si Kirsten. Naupo sya sa sofa'ng nasa katapat nito. Tumingin naman agad sa kanya ang bata.  "Mama? Mabuti po at pumayag ang boss mo na umuwi ka dito sa probinsya natin." Sabi ng bata. Napamaang naman sya at hindi agad nakapagsalita. Kung alam lang nito na hindi naman talaga sya nagpaalam at basta-basta na lang syang umalis ay baka isipin nitong tumakas lang sya.  "Uh, syempre naman. Kailangan kong umuwi dito dahil may sakit ka." Sagot nya habang iniiwasan
Read more
18
PAGKAUWI galing sa pamamalengke, ay agad na pinagpahinga ni Cielo ang kanyang anak. Baka kasi mabinat ito dahil hindi pa naman ito gaanong magaling.  Inihatid nya ito sa sarili nitong kwarto at hinintay muna itong makatulog bago sya nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay.  Bago sya lumabas ng kanyang kwarto ay nilingon nya muna ang kanyang wall clock at nakumpirmang alas-dos na pala ng hapon. Napaka-bilis lang ng oras.  Habang pababa ay ipinusod nya ang kanyang nagulong buhok dahil sa kaninang byahe.  Naisipan nyang magluto ng meryenda dahil nakaramdam sya ng gutom.  Kumuha sya ng arina at asukal sa mga pinamili nya dahil balak nyang magluto ng hotcake. Naghanap rin sya ng iba pang mga ingredients sa kanilang kabinet dahil nagbabaka-sakali syang mayroon doon. Hindi naman kasi sya bumili kanina dahil biglaan lang ang kanyang pagluluto.
Read more
19
MAAGANG nagising si Cielo kinabukasan. Balak nyang maglaba dahil tambak na rin ang labahan nila.  Bumangon sya at saka nag-inat habang humihikab pa. Sinuklay nya muna ang kanyang buhok at saka kinuha ang mga marurumi nyang damit bago lumabas ng kanyang kwarto.  Nagtungo sya sa kwarto ni Kirsten at dahan-dahang kinuha ang mga damit dito dahil sa takot na magising nya ang bata. Sunod ay pumunta sya sa kwarto ng kanyang bayaw at kinuha rin ang mga damit nito. Lumabas na sya at diretsong nagtungo sa baba. Binuksan nya ang mga ilaw at saka sya nagtimpla ng kanyang kape. Napag-desisyonan nya ring magluto na ng sinaing upang hindi na nya ito gawin mamaya.  Habang hinihintay na maluto ang sinaing ay pinaghiwalay na nya ang mga damit sa de-kolor at sa puti. Mabuti na lang at mayroon silang washing machine kaya hindi na sya mahihirapan sa paglalaba.  Nang maluto ang sin
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status