All Chapters of The Hidden Child of Carolina (Filipino Story) : Chapter 151 - Chapter 160
176 Chapters
Kabanata 150
Kabanata 150 So, hindi pa siya kasal? Wala lang iyong kay Diana? Pero bakit? Fake news ba si Trixie?Nakahalukipkip lang si Yohan habang nakasandal sa pintuan ng bahay niya. Nang nilingon ko siya ay walang emosyon ang kanyang mukha.Kumirot ang puso ko. Yohan…“Ma’am, dito po.”Agad kong nilingon ang driver na maghahatid sa akin na ngayon ay hila-hila ang maleta ko.Uuwi na ako at hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako nito ngayong nakita ko na ang lalaking mahal ko.But now that I am here, hahanap ako ng way para makuha ulit ang loob ng anak ko. Right now, I am not going to hide the fact na may anak na ako.My child will not be a hidden anymore. I will let the world know about her. I will let the world know that I have a beautiful daughter like her. Babawi ako, anak. Your mom came back strong.Sa huling sandali bago pa man ako makapasok sa loob ng kotse ay lumingon ako sa puwes
Read more
Kabanata 151
Kabanata 151 Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa maraming inisip. Kagabi, inisip ko si Yohan at ang anak ko.Ano naman ngayon kung hindi nga kasal si Yohan? Ano ngayon kung naniwala ako sa mga kasinungalingan? Nangyari na iyon. Walang makasisi sa akin kung bakit ako naniwala.Sa totoo lang ay hindi ganito ang plano ko. I am not ready to meet my daughter dahil natatakot ako na baka itaboy niya lang ako. This is not my plan pa. Hindi sana ngayong buwan ang uwi ko dito dahil wala pa namang six months. Pero dahil si Mommy na ang gumawa ng paraan, wala na akong magawa.At dahil nandito na ako, susubukan kong kunin muli ang loob ng anak ko na iniwan ko limang taon na ang nakalipas.Humikab ako at saka nagtungo na sa banyo. Ngayong araw ay makikipagkita ako sa mga dati kong mga kaibigan. Nangungulit na kasi sila sa akin at wala naman akong magawa kundi ang makipagkita sa kanila.Kung tatanungin nila ako, hindi ako magsisinungaling.
Read more
Kabanata 152
Kabanata 152 Matamlay ako na umuwi sa bahay. Habang papatungo ako sa sala ay bigla kong naalala ang mga makasariling desisyon ko sa buhay. Nagsimula na akong magsisi sa lahat ng mga desisyon ko. Kung sana ay hindi na lang ako sumama. Kung sana ay tiniis ko na lang noon, hindi na sana nagkaganito ang anak ko.This is all my fault. Lahat ng nangyari sa anak ko ay kasalanan ko. Walang ibang sisihin kundi ang sarili ko. Walang iba ang mag-aayos nito kundi ako lang din.I left because I thought magandang rason iyon. Akala ko maganda rin na isipin din ang sarili. Akala mo mapapabuti ang anak ko sa puder ni Yohan. Akala ko, akala ko, magiging okay pa rin ang lahat.I was too stupid. Sarili ko lang ang inisip ko sa desisyon na iyon. Kahit kailan, hindi ko sinisisi ang anak ko na hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral. Kontento na ako sa buhay namin noon.Noong wala pang Yohan na pumasok sa buhay namin, kontento na ako. Ang tanging iniisip ko lan
Read more
Kabanata 153
Kabanata 153 Ginamit ko ang kotse ni Mommy nang hindi niya alam. I just told the security guard na may bibilhin lang ako kahit nakakapangduda dahil gabing-gabi na.What the hell is wrong with Yohan? May sira na ba siya sa ulo?It was a tiring night since sobrang layo ng La Luca at muntik pa akong mawala dahil maraming nagbago sa limang taon na pagkawala ko.Madaling araw na akong nakarating sa bar at sobrang sorry ang nasabi ko sa staff na mukhang bagot na yata kakahintay.“Girlfriend ka po ba niya, Ma’am?” kuryosong tanong ng staff nang nakarating ako.Nalaglag ang panga ko sa daming mga bote na nakita ko sa lamesa. I thought his life is getting better, pero ano ito?“Hindi,” sagot ko habang ang tingin ay na kay Yohan na tulog na tulog na sa lamesa. “H-Hindi ko siya boyfriend.”“Pasensya na po talaga, Ma’am at ikaw ang natawagan ko. Ikaw kasi ang nasa contact
Read more
Kabanata 154
Kabanata 154 I don’t have a choice but to stay. Nakatulog si Yohan at kailangan ko rin siyang asikasuhin dahil nagsuka siya. Wala naman siyang kasambahay dito sa condo niya.At ngayong tulog na tulog na si Yohan, tulala na lamang ako dahil sa kanyang sinabi kanina.Magiging masaya talaga ako kapag totoo na hindi galit sa akin ang anak ko. Pero ang hirap paniwalaan lalo na sa mga nangyayari ngayon. Alam ko na may tanim na galit sa akin si Felecity kasi iniwan ko siya.Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang kanyang galit. Tanggapin ang kanyang hinanakit sa akin at saka ako babawi sa kanya.It doesn’t matter now. Hindi ako babalik nang hindi kasundo at kasama ang anak ko.Binalingan ko si Yohan na payapang natutulog. Kahit hindi ako si Yohan, ramdam ko ang pagod sa kanya. Bakit siya pagod? Nasa kanya na ang lahat. His company is not losing. Mas lumago pa ito sa nagdaang taon.So, bakit? Malupit pa rin ba si T
Read more
Kabanata 155
Kabanata 155 Bumalik ako sa condo kasama siya. Walang nagsalita sa amin pagkatapos niya akong yakapin doon mismo sa harap ng dating bahay ni Aling Maria.Nakaupo siya sa upuan habang ako ay tahimik na nagluluto. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang awkward pero kailangan kong magsalita para hindi na magtatagal ito.Bahagyan kong binalingan ai Yohan na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin at saka nagpatuloy sa pagluto.“Ah, m-mukhang gutom ka na. Pasensya na, malapit na ito,” nauutal ko na sabi.“It’s fine. Take your time, Fiona,” aniya.Mahina akong tumango at saka hininaan na ang stove. Kailangan ko rin siyang makausap nang maayos. Hindi kasi kami makakausad kung hindi.At isa pa, I need to ask him. Kung bakit siya naglasing. Bakit parang wala siyang pakialam na naglayas ang anak namin.Nang natapos na ako sa pagluto ay in-off ko na ang stove at saka
Read more
Kabanata 156
Kabanata 156 Kinagat ko muli ang ibabang labi ko at saka nag-iwas muli ng tingin sa kanya. Ang aking mata ay lumuluha na dahil sa sakit na naramdaman. Kung babalikan ko ang pag-ibig namin na limang taon na ang nakalipas, hindi pa siya masyadong katagal ngunit mapusok.“Yohan…” Nanginig ang boses ko at pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mata sabay singhap. “Alam mo, naalala ko na naman ang dati. Kung paano tayo pinaglaruan ng tadhana. Para tayong pinaikot-ikot, ginawa tayong laruan at pinipilit na gibain. And maybe hindi pala talaga tayo para sa isa’t isa.”Parang may punyal na sumaksak sa puso ko.“I came back because I want to see my daughter again, Y-Yohan…” Nang tiningnan ko siya ay nakayuko na siya. “I am not here para ayusin ang nakaraan natin kasi para sa akin mas mabuting huwag na lang ipagpatuloy lalo na’t ayaw naman ng mga nakapaligid sa atin—”
Read more
Kabanata 157
Kabanata 157 Tahimik akong humagulhol habang nakasubsob ang mukha ko sa malambot na unan. Wala akong kaalam-alam sa pangyayari. Ni hindi man lang sinabi ni Trixie na wala na pala si Aling Maria.Kung alam ko lang na may dinaramdam na pala siyang sakit ay baka natulungan ko siya financially pero hindi eh, wala eh, wala akong kaalam-alam.Ang sama pa kasi umalis ako nang hindi nagpasalamat at nagpaalam sa kanya. Wala akong kaalam-alam.“Fiona…” ani Trixie sa kabilang linya.Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.“I’m sorry kasi hindi ko sinabi sa iyo,” naiiyak na sambit ni Trixie. “May balak sana akong sabihin sa iyo pero naisip ko na baka maapektuhan lang ang pag-aaral mo tapos baka uuwi ka pa rito—”“Talagang uuwi ako, Trixie,” iyak ko na sabi at saka tiningnan ang phone ko. “Uuwi ako…Wala kasi talaga akong kaalam-alam. Wala akong kaalam-alam na may
Read more
Kabanata 158
Kabanata 158 May dala akong kandila at bulaklak. Totoo nga na wala na si Aling Maria. Ang kanyang lapida ang nagsisilbing ibidensya na nilisan na niya ang mundong ito.Hinaplos ko ang kanyang lapida na may nakaukit na kanyang pangalan bago ko sinindian ang kandila at saka inilapag ang dala kong bulaklak.Tumulo ang luha sa aking mata habang nakatitig sa kanyang puntod.Tatlong taon ka na palang wala sa mundong ito.Aling Maria, sorry po. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa inyo. Sobrang dami mong nagawang kabutihan sa amin. Kahit nahihiya ako pero ikaw na ang pangalawang ina ko. Buong-puso mo kaming tinanggap kahit di mo kami kaano-ano.If I have known, Aling Maria. Baka umuwi talaga ako dito. Kung alam ko lang na may karamdaman ka palang dinaramdam, sana ay natulungan pa kita.Masyado akong kampante na malusog ka dahil masiyahin ka na tao. Hindi ko man lang naramdaman na baka sa mga oras na nagkasama tao ay may karamdam
Read more
Kabanata 159
Kabanata 159 Nakatingin lang ako sa anak ko na tahimik na naglapag ng bulaklak sa puntod ni Aling Maria. Katabi niya si Yohan na hinahagod ang likod niya.Ang daming nagbago. Parang noon ang liit pa lamang ng anak ko pero ngayon, nasa malapit sa kili-kili na siya ni Yohan. Ang tangkad niya kahit nuwebe anyos pa lamang.Nasasaktan ako na hindi niya ako kayang matingnan. Ito ba ang sinasabi ni Yohan na hindi galit? Halos ayaw niyang lumapit sa akin. Pero okay lang, naiintindihan ko naman ito dahil in the first place, iniwan ko siya. Limang taon ako na wala sa tabi niya kaya ano pa ang aasahan ko? Hindi niya naman ako yayakapin agad.Nang nakita ko siyang lumingon siya sa banda ko ay nagkaroon ako ng pag-asa. Nang ngumiti ako sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.Kumirot ang puso ko at napayuko.“Anak, ayaw mo bang kumain muna?”Napatingin ulit ako sa kanila.“No, Dad, matutulog na lang ako.&r
Read more
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status