Lahat ng Kabanata ng Body Shot: Kabanata 141 - Kabanata 146
146 Kabanata
Chapter 141
 “Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
Magbasa pa
Chapter 142
 Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
Magbasa pa
Chapter 143
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!”  Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Magbasa pa
Chapter 144
 “No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon.  Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Magbasa pa
Chapter 145
 “Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
Magbasa pa
Chapter 146
 “T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
Magbasa pa
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status