All Chapters of The Mafia's Hidden Angel (Tagalog): Chapter 71 - Chapter 80
91 Chapters
CHAPTER 70
Tinanggal ni Kaizer sa listahan ng mga naka-block sa kan'yang cellphone ang number ni Hilda. Nakatunganga lang si Kryzell habang pinapanood ang asawa niya sa ginagawa nito. Nanginginig kasi ang kamay ng mafia boss at bakas sa mukha nito ang labis na galit dahilan para ang mga tauhan nitong nakatayo lang sa likuran nito ay mawalan ng kibo dahil sa takot. Mga nakayuko lang sila at halos hindi kayang iangat ang ulo dahil baka mabalingan sila ng pabigla-bigla nilang boss.   "Umupo ka nga muna at baka kung mapaano ka. Mag-relax ka muna," sabi ni Kryzell.  "Shut up!" sigaw ni Kaizer. Itinaas ni Kryzell ang dalawang palad n'ya, senyales na hindi siya magsasalita pa. Pinagmasdan n'ya lang ang asawa habang para itong gutom na leon na handang manlapa ng tao. Gusto n'ya sanang sigawan din ang lalaki ngunit batid niyang hindi iyon makabubuti sa sitwasyon.  "Matapos lang ang problema mo, titir
Read more
CHAPTER 71
Nagkaroon ng nervous breakdown ang kusinera kaya agad itong isinugod sa ospital. Hindi alam ni Kryzell kung bakit gano'n na lang ang epekto niya sa matandang babae. Ngunit isa ang batid niya, kailangan na talaga niyang mapaamin ito sa kung ano man ang nalalaman nito.  "Hindi makakabuti sa kan'ya na pilitin ninyo siyang magsalita. Baka lalong wala kayong makuha na kahit anong impormasyon kapag hindi niya kinaya ang pressure," sabi ng doktor.  Habang inaasikaso ng manggagamot ang kusinera ay dumating naman ang mga sugatan na mula sa bakbakan. Dala na nila ang agaw-buhay na si Mer. Ang bahay ng mag-asawa ay naging biglang parang hospital.  Galit na galit ang uncle ni Kryzell nang malaman nitong nakikipagsabwatan na ang ilan sa mga tauhan ni Kaizer sa Triangulo. Pinagsabihan niya ang pamangkin na mag-iingat ito dahil mahirap tukuyin ang kalaban.  Sa silid ng mag-asawa ay panay ang hin
Read more
CHAPTER 72
Panay ang singhot ni Kryzell habang pinapanood ang video na ipinadala galing Bulacan. Bago kasi ang execution kay Tracy ay nag-video ito ng sarili niya at humingi ito ng tawad sa kanila ni Tamara at maging kay Kaizer. Sinabi nitong natukso lang siya ng pera at ng mga pangako ni Hilda. Naubos na raw kasi ang ipon nito dahil tinangay iyon ng lalaking naging kasintahan nito.  Niyakap si Kryzell ng kan'yang kaibigan. Kapwa sila humahagulhol dahil sa matinding pagdadalamhati. Si Kaizer naman ay iniwan sila dahil hindi nito matiis na makitang umiiyak ang asawa dahil sa isang batas na isa siya sa gumawa.  Mahigpit na ipinagbabawal kasi sa kanilang samahan na talikuran ang kanilang grupo at traydurin ang kanilang pinuno. Wala ng ibang parusang pwedeng ipataw sa ganoong pagkakamali kun'di tanging kamatayan lamang. Maliban na lamang kung ginawa iyon ng kanilang kasamahan dahil sa isang matinding dahilan. Sa kaso ni Tracy na nasilaw siya sa p
Read more
CHAPTER 73
Mabilis ang naging kilos ng Devil's Angel Mafia Organization pagkatapos magbigay ni Tamara ng babala. Nakatanggap kasi sila ng mensahe mula sa mga miyembro ng Sabado Boys na papunta na ang mga miyembro ng Triangulo sa lokasyon nila upang sumugod.  Pinagmadali sila ni Gener na lumikas dahil sa tingin nito ay iyon ang makabubuti para sa grupo ni Kaizer. Mabilis naman na tumugon si Kaizer subalit may mga kinausap siyang mga tao para humarap sa Triangulo.  Napag-alaman nilang ganti iyon nina Sean at Hilda sa ginawa nilang pag-atake sa pinagtataguan ng mga ito nang tinangka nilang bawiin si Mer. Subalit hindi nagtagumpay ang Triangulo. Pagdating nila sa bahay ni Kaizer sa Maynila ay mga sundalo at pulis ang nadatnan nila. Hindi na nagkaroon pa ng labanan dahil mabilis din silang umatras nang nabatid nilang pinaghandaan ni Kaizer ang pagsugod nila.  "Iyong nanay mo, sinasapian na naman," biro ni Kryzell sa asawa
Read more
CHAPTER 74
Iba't-ibang putahe na may halong pinya ang nakahain sa lamesa. Tatawa-tawa pa si Kaizer habang inihahanda iyon ng mga chef na kasama nila. Walang kamalay-malay naman si Kryzell sa ginagawa ng asawa niya.  "Naku, boss, mukhang delikado ang lagay natin nito kapag nagalit si Ma'am Kryzell." Panay ang tambol ni Mer sa kan'yang dibdib habang kinakausap niya ang mafia boss. "Labas ako riyan," sabad naman ni Ruel. "Si boss ang nakaisip niyan kaya siya ang bahala niyan kay Kryzell. Kayang-kaya tayong depensahan ni boss kaya huwag ka nang mag-alala." Pangiti-ngiti si Tamara habang pinagmamasdan ang mga kasama niya. Iniisa-isa niya rin ang mga putahe na mayroong pinya na nakahain sa lamesa.  "Ano sa tingin mo, Tamara? Oobra kaya ang ginawa natin na ito?" tanong ni Kaizer sa dalaga.  "Boss, hindi ako kasali riyan. Ang alam ko kasi ay normal sa babae na magpahanap ng pagkain k
Read more
CHAPTER 75
Ilang araw ng walang tulog si Kryzell. Hindi rin siya makausap ng maayos. Nag-aalala na sa kan'ya si Kaizer at maging si Tamara. Hindi na niya napapansin ang kan'yang anak. Madalas ay tulala siya sa kabaong ng kan'yang ina.    "Honeypie, Kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi nagpapahinga. Baka kung ano ang mangyari sa iyo. Kailangan ka pa namin ng anak mo," bulong ni Kaizer sa asawa niya.   Saglit na nilingon ni Kryzell ang mafia boss. Hindi siya nagsalita bagkus ay tiningnan niya lang ang anak nilang hawak nito.    "Hindi safe kaming lahat dito. Alam kong hindi simpleng atake sa puso ang nangyari kay nanay," bulong ng isip n'ya.    "Honeypie…" tawag ni Kaizer sa tila natulala na asawa n'ya.   Tumayo si Kryzell sa harapan ng kabaong ng kan'yang ina. Tiningnan n'ya sandali ang mga kapatid n'yang tahimik lang na nakaupo sa naka-hilerang upuan. Sinulyapan n'ya rin ng
Read more
CHAPTER 76
Pinagpapawisan na napabangon si Kaizer. Mabuti na lang at umiyak ang anak nilang mag-asawa. Kinabahan kasi siya nang tutukan siya ng baril ng kan'yang asawa.  Tumatawa na kinarga ni Kryzell ang anak nilang umiiyak. Tuwang-tuwa kasi siya itsura ni Kaizer habang nadadaganan niya ito kanina. Nawala na ang inis niya sa mafia boss kaya nilapitan niya ito at hinalikan sa labi.  "Next time, honeypie, bago mo sabihin na tatanga-tanga ako, siguraduhin mong hindi ka na duwag sa akin," sabi ni Kryzell habang nilalaruan ng dila n'ya ang labi ng asawa. "Shit! Hindi ako duwag," namamaos na sabi ni Kaizer. Halata sa ekspresyon nito na apektado ito sa pang-aakit na ginagawa ng asawa niya. "Easy. Nag-e-enjoy ka na agad?" biro ni Kryzell.   "Patulugin mo na si baby," hiling ng mafia boss.  Nag-uusap pa ang dalawa nang biglang kumatok si Mer. May import
Read more
CHAPTER 77
Tinimbang ni Kryzell kung dapat niya bang sabihin sa asawa ang natanggap niyang text mula kay Sean. Alam n'yang matindi kasi ang selos ni Kaizer sa dati niyang kasintahan. Lumipas na ang isang linggo subalit hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung tama bang sabihin niya sa asawa ang panibagong banta na kinahaharap niya.  "Ma'am Kryzell, gusto ninyo po bang samahan ko kayo rito?" tanong ni Mer habang tinitingnan ni Kryzell ang mga halaman nila sa likod ng bahay.  "Mer, hindi ko nagugustuhan ang palaging pagbuntot mo sa akin. Hindi ka naman dating gan'yan. Alam ko rin na hindi ka inutusan ng asawa ko para gawin iyan. Lubayan mo ako kung ayaw mong may mangyaring masama sa 'yo," banta ni Kryzell sa kanang-kamay ng asawa niya.  "Katulad ng sabi ko sa 'yo, kaligtasan mo lang ang iniisip ko, ma'am. Ayaw kong mangyari sa iyo ang nangyari sa inyong ina. Mahalaga kayo sa samahan at sa buhay ni boss kaya pinoprotekt
Read more
CHAPTER 78
Masusing pinagmamasdan ni Sean ang galaw ng bawat isa sa resort na pagmamay-ari ni Kaizer. Matagal na siya roon at sa bawat araw ay pinagmamasdan niya ang babaeng minsan ay naging kan'ya. Inaanalisa niya ang kilos ng bawat isa. Wala siyang pakialam kung may anak na si Kryzell. Ang totoo ay naghihintay lamang siya ng pagkakataon para patayin ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Nakailang subok na siya subalit hindi siya nagtatagumpay. Hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon upang patayin ito.  Habang masayang kumakain ang mag-anak sa tabi ng dalampasigan ay lihim na nakatingin si Sean sa kanila. Bakas ang matinding inggit sa kan'yang mga mata. Kung nakamamatay ang bawat sulyap niya sa pinuno ng samahan na kunwari ay kasapi siya ay baka duguan na si Kaizer. "Mer, bakit ang sama ng tingin mo kay boss?" Tinapik ng bagong dating pa lang na si Ruel ang balikat ng kan'yang kausap. Napaigtad naman si Sean at
Read more
CHAPTER 79
Malayang naglalakad si Hilda sa isang dating sikat na mall. Natatakpan ng makapal n'yang make-up ang mukha niyang hindi pamilyar sa iba. Ang mga mata n'ya ay mas singkit kaysa noong una. Ang kanyang jaw-line ay binawasan din ng kaunti. Ang ilong niya ay mas lalong tumangos kaya ibang-iba na siya kaysa noon.  "Kumusta, Sean? Nahanap mo na ba kung nasaan ang mag-asawa?" tanong niya sa lalaking kausap niya sa kabilang linya.  "Hindi pa. Pipilitin kong lumabas ang dalawang iyon. Bwisit ka kasi noon! Pwede naman palang dalawa kayo, ang arte mo!" wika ni Sean. "Tigilan mo ko sa pabalik-tanaw mong iyan. Gawin mo ang part mo at ginagawa ko rin naman ang part ko. Babawiin ko kay Kryzell ang mga ari-arian ng daddy niya. Itakas mo na siya para wala ng asungot na makikialam sa akin. Sayang naman ang pagpaparetoke ko. Isang malaking investment 'yon tapos wala pala akong tutubuin. Hindi pwede 'yon," litanya ni Hilda.
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status