Semua Bab A Playboy's Touch: Bab 71 - Bab 80
97 Bab
Chapter 70
Nakatayo si Sunday sa harap ng kaniyang wedding dress. Malungkot s'yang nakangiti habang dinadama ang tela niyon. Napakaganda pero parang hindi niya iyon kayang suotin sa darating na bukas. Napatungo s'ya at ibinaba ang kamay at nilisan ang kwarto. Bumaba s'ya at lumabas ng kanilang bahay. Hindi na niya nagawang magpaalam sa inay Marita niya at kay Lexi. Sumakay s'ya ng tricycle at sinabi dito kung saan s'ya pupunta. Bumaba s'ya sa isang flower shop at bumili ng white flower bouquet at pagkatapos ay sumakay na ulit sa tricyle. "Sa cemetery ho tayo." Sumandal s'ya at bumuntong hininga at niyuko ang bulaklak. Sampung minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang makarating. "Hihintayin ko ho ba kayo ma'am?" tanong ng driver. "Hindi na ho, mukhang matatagalan kasi ako dito." Inabot niya ang bayad sa driver. "Thank you, kuya." Tumalikod na s'ya at naglakad na papunta sa puntod ng kaniyang ama. Agad na nagbadya ang kaniyang l
Baca selengkapnya
Chapter 71
Halos dalawang oras si Sunday na nanatili doon bago s'ya magpaalam sa itay niya. Gusto niyang magpaka-selfish ulit sa mga oras na iyon. Dumaan s'ya sa isang restaurant at kumain pagkatapos ay dumiretso s'ya sa tabing dagat. Hindi muna s'ya umuwi ng bahay, parang gusto lang muna niyang mapag-isa ngayon.Hindi naman sobra ang init ng tanghaling iyon kaya nakapaglakad-lakad s'ya sa tabing dagat. Bumuga s'ya ng hangin at tumigil sa paglalakad at tinanaw ang lawak ng dagat.Handa na s'yang magtapat, ayaw na niyang paasahin pa si David at lokohin ang sarili niya. Masyado s'yang naging selfish. Inisip niyang ayaw niyang saktan si David pero mas sinasaktan na pala niya ito nang dahil sa ginagawa niya. Gustuhin man niyang ibaling na lang muli ang atensyon niya dito dahil wala na rin naman s'yang aasahan kay Matteo pero hindi 'yon tama. Ayaw na niyang magpaka-selfish na tanging ang nararamdaman lang niya ang mahalaga sa kaniya.Lumakad s'ya sa tabi at umupo sa lilim
Baca selengkapnya
Chapter 72
HOURS AGO...Kumatok si David sa kwarto ng Ginang pagkabalik niya sa bahay ng mga Morales."Pasok ka," ani ng Ginang sa loob."Nay." Umupo s'ya sa upuan na nandoon samantalang ang Ginang naman ay tumigil sa pagtatahi."Ano 'yon? Hindi mo ba s'ya nakita?"Umiling s'ya. "I'm c-cancelling the wedding."Natigilan ang Ginang. "Anong ibig mong sabihin?""I'm giving her up. Alam kong mahal niya ang ama ni Lexi k-kaya hahayaan ko na s'yang m-maging masaya," tila ay may nakabara sa lalamunan niya at hirap iyong sabihin."David...""I... I really love your daughter that's why I'm setting her free."Nilapitan s'ya ng Ginang at niyakap at dahil do'n ay hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya."Hindi ako naging mabuting ina sa kaniya habang lumalaki s'ya. Salamat at dumating ka sa buhay niya, sobra ang pagpapasalamat ko sa'yo at nalulungkot ako sa nangyayari ngayon." Humiwalay ito sa yakap. "Totoon
Baca selengkapnya
Chapter 73
Yakap ang mga binti gamit ang isang braso at beer naman sa isang kamay, nakaupo si Sunday sa trunk ng kotse ni Shaina. Ganoon din ang dalawa, tahimik ang lahat sa lumipas na minuto."To be honest, w-we talked to David." Tumingin si Jessa kay Sunday. "I k-know, hindi ito ang tamang oras para sabihin ito pero hindi ko na makayanan."Tumingin lang ang malamlam na mga mata ni Sunday sa kaibigan at naghintay ng sasabihin pa nito."Ganoon s'ya katakot na mawala ka, Sun at naiintindihan namin s'ya. W-Wala naman s'yang kasalanan sa nangyari.""Anong ibig mong sabihin?"Nagkatinginan ang dalawa sabay buntong-hininga ni Jessa."May na-recieve akong pictures a-at akala namin ay meron ka rin.""Ano ba 'yon?"Kinuha ni Jessa ang cellphone nito at nanginginig ang kamay na pumindot doon habang nagdadalawang-isip kung tama ba ang gagawin nito, pero andito na kaya itutuloy na lang niya.Inabot ni Sunday ang cellphone at napatitig s
Baca selengkapnya
Chapter 74
"Oh, Sunday?" bungad ni Lorenzo nang mapatingin ito kay Sunday.Nangiti naman ng pilit ang babae."Why are you here?" nagtatakang tanong ni Alessandra na ikinailang niya. "I mean, today is your wedding right?"Bigla s'yang nanibago sa pakikipag-usap nito. Nagtataka rin s'ya kung bakit kasama ito ni Lorenzo at kamukha pa nito ang bata."The wedding was cancelled," sagot niya.Nagkatinginan ang dalawa."Oh, che diamine amico?" (Oh, what the heck dude?) bulalas ni Lorenzo."So you're telling us that there is no wedding anymore?" pagkumpirma ni Alessandra."Y-Yes.""Oh, shoot."Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito."I don't know what to say," si Alessandra at nilapitan ang bata. "By the way, he's my son. He's Xandro."Hindi alam ni Sunday kung ngingiti ba s'ya o hindi. Hindi mawala sa isip niya iyong nasaksihan niya sa bar at ngayon ay narito ito at ipinapakilal
Baca selengkapnya
Chapter 75
ROME, ITALY "Girl problem?" May umupong lalaki sa tabi ng kinauupuan ni Matteo sa counter. Malaki ang katawan nito kaysa sa kaniya. Hanggang balikat din ang buhok nito.Hindi s'ya sumagot, imbis ay uminom na lang s'ya ng alak sa kaniyang baso."Le ragazze non valgono la pena. Sono solo rompicoglioni." (Girls are not worth it. They are just pain in the ass.)Hindi pa rin sumagot si Matteo."Lei non ne vale la pena." (She's not worth it.)Napatiim-bagang si Matteo at tiningnan ang lalaki."Oh, chill. I'm just telling that girls who hurt their man are not worth it," ngumisi ito na tila ay nang-aasar pa. "She is not worth it."Agad itong kinuwelyuhan ni Matteo pero hindi iyon alintana ng lalaki. Nakangisi pa rin ito."Attento alle tue parole, stronzo," (Watch your words, asshole) mariin na sabi ni Matteo at pabalang itong binitawan at saka ito tinalikuran."Sei pazzo," (You're crazy,) tawa ng lalak
Baca selengkapnya
Chapter 76
Tahimik ang bahay nang makauwi ang mag-ina. Naisip na lamang ni Sunday na baka natutulog ang mga ito."Mama, I'm shleepy..." sabi ni Lexi at nangunang naglakad papasok sa kwarto. Nakasunod naman dito si Sunday at hinayaang humiga sa kama ang anak. Agad naman itong nakatulog pagkahiga.Lumabas si Sunday para uminom ng tubig."Sunday."Nakita niya ang inay niyang pumasok sa kusina."Nay."Umupo ito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."Napatingin si Sunday sa ina."Gusto kong sabihin sa'yo na hinahanap ka ng tunay mong ina."Natigilan si Sunday at napatitig sa ina. "A-Anong ibig mong s-sabihin 'nay?" Kumabog ang dibdib niya sa narinig."Pumunta s'ya rito kanina at hinahanap ka niya."Nangilid ang luha ni Sunday. Totoo ba ang narinig niya?"N-Nay..." Gusto niyang magsalita pa ito. Matagal na niya iyong gustong marinig... at hinihintay. "N-Nasaan ho s'ya?""Hintayin mo s'ya. Tiyak na babali
Baca selengkapnya
Chapter 77
Kinagabihan ay nasa rooftop si Sunday matapos niyang patulugin si Lexi. Nakaupo s'ya doon habang ang mga mata ay malamlam na nakatingin sa nagkikislapang mga bituin sa itaas.Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. Nasasaktan din s'ya at pakiramdam niya ay wala s'yang halaga dito. Bakit niyo iyon nagawa sa kaniya?Nasasaktan s'ya, sa tuwing iniisip niya na habang s'ya ay nandoon at hinanap ang kalinga nito ay naroon ito at nagpapakasarap kasama ang mga anak nito. Masama ang loob niya dahil doon. Hindi naman pala ito naghihirap kaya paanong kahit ang bisitahin man lang s'ya noong bata pa s'ya ay hindi nito ginawa? O kahit magpakilala manlang sa kaniya?Pinahid niya ang luha. Sobrang sama ng kaniyang loob."Galit ako sa kaniya."Napalingon s'ya sa inay Marita niya."Nay...""Dati ko s'yang kaibigan, matalik na kaibigan pero dahil sa nangyari, nagalit ako sa kaniya. Lalo pa ng makiusap s'yang iwan ka sa amin
Baca selengkapnya
Chapter 78
Kinabukasan ay mataas na naman ang lagnat ni Lexi, humupa lang iyon kagabi pero ngayon ay tumaas na naman. Nag-aalala na s'ya at kung hindi pa rin iyon bababa hanggang mamaya ay dadalhin na niya ang anak sa hospital. Ngayon lang kasi ito nangyari kay Lexi, nagkalagnat ito kahit wala naman s'yang nakikitang dahilan at ngayon ay hindi pa rin bumababa kahit pinainom na niya ito ng gamot.At hanggang sa dumating ang tanghali at hapon ay hindi bumaba ang lagnat nito kaya napagdesisyunan na niyang dalhin ito sa hospital. Agad namang sinuri ng doktor si Lexi.Umupo s'ya sa tabi ng anak."Mama? I'm shcared..." sabi ni Lexi. Kukuhanan kasi ito ng dugo para i-test."It's okay baby. Be strong okay?"Humihikbi itong tumango kaya naman inalo pa niya ito. "It's okay, Mama is just here."Napakapit ng mahigpit si Lexi sa kamay ng ina at isinubsob nito ang mukha sa braso niya nang makitang papalapit ang doktor."It's okay. It's okay, baby." Alam
Baca selengkapnya
Chapter 79
💔-💔-💔-💔-💔 "We're leaving tomorrow," malungkot na saad ni Xandro. "But I promise I will come back when I grow up. Or I will wish to santa claus to give me a ride from there to here..."Nakatingin lang naman si Lexi sa bata pero malapit na itong humikbi. Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ito ng kalaro kaya nalulungkot ito na uuwi na rin pala ito."Okay..." humihikbing sagot ni Lexi."It's okay, don't cry." Xandro pats Lexi's head. "Papa told me that promise should be kept. And I will keep my promise to you..."Tumango naman si Lexi. "Okay..."Tumayo si Lorenzo at lumapit sa anak na si Xandro. "We have to go Xandro. Lexi have to rest."Napipilitan namang pumayag si Xandro. "I'll see you soon..."Tumango lang naman si Lexi at kinaway ang kabila nitong kamay. "O-Okay, bye-bye.""Get well baby, okay?" sabi ni Lorenzo sa bata. "We're going."Pigil ni Lexi ang luha at paghikbi. "Okayyyy..."
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status