All Chapters of Adamantine's Eyes: Chapter 61 - Chapter 70
98 Chapters
Chapter 44- Vessel of Pain
Pinilit kong bumangon ngunit pinigilan ako ni Amaranthine. Naririnig ko ang malakas na pagsabog mula sa labas at alam kong may kinalaman sina Arius sa kaguluhan sa labas.“Ano ba talaga ang nangyayari sa labas? Kailangan kong puntahan sina Arius!” ang sambit ko kay Amaranthine.Umiling naman si Amaranthine. Alam kong sandamakmak na sermon ang kanyang pakakawalan. Napakapit naman ako sa aking braso dulot ng tamaan ako ng atake ng isang misteryosong lalaki kanina. Ano bang kailangan niya?“Kung lalabas ka, may maitutulong ka ba? Wala naman ‘di ba? Kaya mas magandang manatili ka na lamang dito sa loob. Isa pa, ikaw ang puntirya ng kanilang kinakalaban sa labas. Kaya huwag mong sayangin ang sakripisyo nila sa pakikipaglaban nila upang protektahan ka,” ang sambit ni Amaranthine. Naikuyom ko ang aking kamao. Gustung-gusto kong tumulong. Napakahina ko talagang nilalang. Gusto kong maigalaw ito pero tanging pagkuyom lamang ang aking nagagawa. Naiinis ako dahil ultimong simpleng gawain katula
Read more
Chapter 45-My Father Is A King?
Nagising ako na sinasampal ako ng sinag ng araw. Halos hindi ko pa nababawi ang lakas dahil sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nag-marathon sa tindi ng pananakit ng aking katawan. Pero heto ang oras at umaga na agad? Bumangon ako at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang aking paligid at napansin ko na wala ako sa ampunan. Para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa dahil sa kahihiyan. Napansin ko na nag-iba ang suot kong damit. Sino ang nagpalit ng damit ko? Napasigaw naman ako dahil pakiramdam ko ay minanyak ang aking katawan habang natutulog ako. Nakarinig ako ng mga yabag at bigla nilang binuksan ang pinto. Lahat sila ay nadapa at sumubsob sila sa isa't isa. “May kalaban ba?” ang sigaw ni Sebastian. Naka-sando at boxer shorts lamang si Sebastian. Nakasubo naman ng hotdog si Gray sa kanyang bibig samantalang si Arius ay nakayakap sa isang blue na bolster pillow. Mukhang nabulabog ko ang kanilang matiwasay na umaga. Nakataas naman ang kilay ni F
Read more
Chapter 46- Vesmir‘s Way of Matchmaking
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako ng kusina upang magluto ng umagahan na siyang inaabangan ni Arius. Sinuot ko ang pink na apron at itinali ko ang aking buhok gamit ang pamuyod na Kumuha ako ng apat na itlog sa may counter at binasag iyon sa isang transparent na bowl. Nilagyan ko iyon ng fresh milk, asin, paminta, chili powder, paminta at vetsin at binati iyon. Pinainit ko muna ang non-stick pan bago ako naglagay ng olive oil. Pinagmasdan naman ako ni Papa sa aking ginagawa. Napahalukipkip naman siya at naluluha siya sa aking ginagawa.“Ang bilis ng panahon! Parang dati, sinusungitan mo pa ako dahil hindi tayo close pero tingnan mo ata dalagang-dalaga kang tingnan,” ang sambit ni Papa.Napatawa naman ako kay Papa dahil ang babaw ng kanya‘ng kaligayahan. Hindi ko naman inakala na ang papa ko ay ang hari ng kabilang buhay. “Papa, kumalma ka. Hindi pa ako nag-aasawa. Baka mas malala ang abutin ko kung sakaling ikasal pala ako?” ang pabiro kong saad kay Papa. Napasimangot naman siya
Read more
Chapter 47-Esme
Naningkit naman ang aking mga mata sa sinabi ng batang kaharap namin ngayon. Matindi yata ang pagkahimatay namin ni Arius dahil mukhang nagdedeliryo kami sa aming naririnig. “Nagbibiro ka ba? Kasi kung joke ito hindi ito nakakatuwa!” ang sigaw ko sa batang nagngangalang Esme. Napahalukipkip naman si Arius. Kinuha niya ang pink na unan at humiga siya sa isang pink na carpet na maihahambing sa balahibo ng oso. “Gisingin mo na lang ako kapag tapos na kayong magbangayan,” ang sambit ni Arius at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nanggagalaiti naman si Esme sa ginawa ni Arius at halos dumagundong ang buong lugar sa sigaw niya. “Ha? Sira ulo ka ba? Ang lakas naman ng apog mong tulugan ako sa sarili kong lugar? Ginagago mo ba ako, Mortal?” ang dumadagundong na sigaw ni Arius. Napatakip naman ako ng aking tainga. Gusto ko man magalit sa batang nasa harapan ko ay hindi ko magawa dahil isa ‘tong diyosa. Hindi naman nagpatinag si Arius at nagtakip pa ito ng isang unan. “Hindi kita
Read more
Chapter 48-Once Upon the Starry Sky
Kaharap ko si Esme ngayon. Malalim na ang gabi at tulog na si Adamantine at kanya'ng mga kaibigan. Nasa veranda kami ng ikatlong palapag ng Villa Stellaluna at mula sa villa na ito ay matatanaw ang dalampasigan. Tumabi naman sa akin si Esme at naglapag siya ng isang mainit na tsokolate. Pambihira, alam niyang hindi-hindi ko mapapalampas ang inuming ito lalo na't sabay namin itong iniinom ni Ada noong bata pa siya. Agad kong hinawakan ang mainit na tsokolate pagkatapos lagyan ni Esme ng whipped cream na may marshmallow at chocolate syrup ang ibabaw nito. "Alam mo talaga ang hilig ko hanggang ngayon," ang sambit ko kay Esme. Napataas naman ang kilay ni Esme at hinigop niya ang mainit na tsokolate. “Kuya, ma balita ka na ba sa kinaroroonan ni Athaliah?” ang tanong ni Esme. Napatingala ako sa langit at naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Dahil sa mga hangal na kumalaban sa amin noon, napilitan akong ipabantay kay Calix si Ada. Hindi ko mapapatawad ang mga
Read more
Chapter 49-The Soul King and the Ethereal Queen
Nakaupo ako sa aking trono at nanginginig na naglalakad si Clay patungo sa aking direksyon. Bagong reaper siya ng mundo ng mga kaluluwa at napansin ko na hawak niya ang isang kalatas. "Bakit ba nanginginig ka diyan? Lumapit ka dito! Ano bang problema?" ang inis kong sigaw kay Clay. Mabilis na lumapit sa akin si Clay at iniabot niya ang kalatas. Napataas ang kilay ko kay Clay. Sa pagkakaalala ko ay wala akong inaasahan na liham mula sa ibang diyos o diyosa. Kung sino man ang nilalang na ito ay napakalakas naman ng kanya'ng loob. Binuksan ko ang kalatas at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang isang sulat kamay na mensahe. Ito na yata ang pinakamagandang sulat kamay na nakita ko sa buong buhay ko. Binasa ko iyon at nilalaman nito ang isang imbitasyon patungo sa bulwagan ni Athaliah. Pakiramdam ko ay umakyat paitaas ang aking dugo dahil sa pagkasabik. Ngunit nawala iyon nang maalala ko ang kahihiyang ginawa ko sa harap ni Athaliah kamakailan lamang. Itinakip ko sa mukha ko ang kalat
Read more
Chapter 50-Crazy To Be In Love
Nakasubsob ako sa harap ng aking hapag-kainan. Sumasakit ang ulo ko hindi dahil sa dami ng alak na nainom ko sa piging na aking dinaluhan ngunit dahil sa ginawa ni Athaliah. Hindi nga ako nalasing dulot ng alak, nalasing naman ako dahil sa halik ni Athaliah. Naglapag naman ng isang mainit na inumin si Osiris. Napalingon naman ako at nakita ko ang nakangiting si Osiris. "Kamahalan, uminom po muna kayo ng inumin ng mga mortal. Kung hindi ako nagkakamali ay kape ang tawag nila dito," ang sambit ni Osiris. "Salamat, Osiris," ang sambit ko at pinagmasdan ko ang itim na inumin na tinawag niyang kape. Ininom ko ang kape at inaamin kong masarap ang lasa nito. Isang hangal lamang ang tatanggi sa sarap ng inuming ito. Muntik ko nang maibuga ang kape nang biglang nagsalita si Osiris tungkol sa piging. Pilit ko na ngang kalimutan ang tungkol sa piging na iyon ngunit ipinaalala niya na naman ang tungkol dito. "Kamusta ang piging? Mukhang nasiyahan po kayo ah?" ang sambit ni Osiris. Kung ala
Read more
Chapter 51-The Prophecy And The Hidden Legend
Hindi pa rin kami makatulog ni Esme. Masyado na kaming namomoroblema sa kaligtasan ni Ada. Tinapik ako ni Esme kaya napalingon ako sa kanya. "Kailangan na nating magpahinga. Hindi makakatulong sa katawan natin kung pati tayo ay mamamalmaan," ang sambit ni Esme. Napabuntung-hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung kailan ako huling beses na nagpahinga. Nakakatulog lamang ako kapag nakikita ko ang mapayapang mukha ni Adamantine habang siya ay natutulog. Hahakbang na sana ako nang maramdaman ko ang isang malakas na enerhiya mula sa kwarto ni Adamantine. Nagkatinginan kami ni Esme at mabilis kaming nagtungo sa silid na kinaroonan ni Adamantine. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa amin ang pagbabagong-anyo ni Adamantine. Mula sa pagiging itim ng kanya'ng buhok ay naging pula ito. Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil mukhang nag-uumpisa na ang kinatatakutan naming lahat. Humahangos naman na dumating si Sebastian sa silid ni Ada. "Nasaan ako? Ilang milenyo ba akong nahimbing sa aking p
Read more
Chapter 52- The Noble and The Pauper
Pagod na ako mabuhay. Ngunit mas nakakapagod na pagmasdan ang mga taong mahal mo na isa-isang namamatay sa harapan ko. Labing isang milenyo kong tinitiis ang paghihirap na ito. May darating sa buhay ko ngunit hindi nagtatagal ay iniiwan rin nila ako. Sa tagal ko nang nabubuhay, ilang beses ko na ring nasaksihan na mabuhay sa ibang katauhan ang taong pinakamamahal ko na si Phoenix. Sa ngayon, hindi niya pa alam kung sino talaga siya sa nakaraan ngunit masaya ako na nahanap ko na siya sa kasalukuyan. Ngunit isa sa bumabagabag sa akin ay ang pagkabuhay muli ni Keres. Nagulat ako nang biglang naglabas ng pluma at kalatas ang kamahalan. Nagsulat siya ng isang ulat tungkol sa paglabag ni Desdemona tungkol sa pagpapahirap sa akin. Bagamat wala kaming matibay na ebidensya, isang rebolusyon laban sa diyosa ng pagkawasak ang ginagawa ng kamahalan. "Magpahinga na kayo. Hindi madali ang pinagdaanan natin ngayong gabi. Sebastian, kayo na muna ang bahalang magbantay kay Adamantine. At ikaw, Amaran
Read more
Chapter 53-The Briar of the Chevalier
Sa bawat araw, buwan at taon na lumilipas, nagpapalakas kami ni Morrigan. Alam ko na sa bawat araw na iyon ay hindi rin kami tatantanan ng grupo ni Claudia pagkatapos nang ginawa ko sa kanya noong nag-duwelo. Naubutan ko na naman siyang inaapi si Morrigan. Binuhusan niya ng mainit na sabaw si Morrigan ngunit hindi siya makalaban dahil sa estado ni Claudia sa bansang ito. Siya ay anak ng ministro ng kagawaran ng kayamanan ng Greimin. “Hindi ko alam kung bakit ka narito at ang kasama mong basura! Hindi kayo nababagay sa paaralang ito! Wala naman kayong estado kaya ang lakas ng loob ninyong umapak sa lupa ng mga maharlika!” ang sigaw ni Claudia. Sinipa niya ng sinipa si Morrigan hanggang sa magsuka siya ng dugo. Pinilit kong ang unang duelo namin ang huling beses na kakalabanin ko siya pero dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ni Claudia ay sinuntok ko siyang muli nang malakas. Sumugod ang dalawa niyang alipores at sinipa ko sila sa kanilang mga sikmura. "Subukan niyong saktan si Mo
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status